Chapter 12

Habol hininga akong napatigil sa pagtakbo at bumaling sa likuran ko. Masamang tingin ang iginawad ko dito at idinura ang dugong nalalasan sa aking bibig.

Kahit maraming sugat na ang natamo nito mula sa mga atake ko kanina, nanlilisik at mapanganib na mga mata pa rin ang ipinapakita nito sa akin.

"Tibay," naiiling na wika ko at umayos sa pagkakatayo. Marahan kong pinunasan ang aking labi. Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking dalawang espada. Pilit kong iniisip ang mga posibleng atake na siyang magpapatumba sa halimaw na aking kinakaharap ngayon. Mahirap itong patamaan nang husto dahil panay ang lipad nito. It keeps on flying like it owns the whole damn place. Gamit ang malalakas na pakpak, hindi ko magawang saktan ito ng lubusan. Agad akong napapaatras tuwing ikinukumpas ang mga pakpak nito. I've already used my bow and arrow pero walang itong naging epekto sa kanya. Sinasangga lamang nito ang bawat atake ko gamit ang kanyang mga pakpak.

Close combat.

Ito ang dapat kong gawin. Kung malalapitan ko ito, may pag-asang matalo ko pa ito.

Naging alerto ang buong katawan ko noong makitang mabilis itong sumugod sa akin galing sa himpapawi. Sa ganitong pagkakataon, talagang malaking tulong ang pagkakaroon ko ng dual special ability. Piling Tereshlian lamang ang nagtataglay ng ganitong kapangyarihan kaya naman ay alam kong mapalad ako.

Naging mabilis ang pag-iwas ko sa atakeng ginawa ng kalaban ko. Bumulusok ito sa lupa na siyang nagpasira dito. I slashed my sword towards its direction at kita ko kung paano ito nasugatan. Ngunit gaya nong mga naging pag-atake ko, tila ba'y wala lang ito sa kanya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Habang hindi pa ito nakakarecover sa pagbagsak nito sa lupa ay sinugod ko muli ito. Dahil sa laki nito ay mukhang nahihirapan itong kumilos pag nasa ibaba. It's a flying monster, afterall. Sa himpapawid lang ito mabilis. I slashed my twin sword simultaneously. Narinig ko itong humiyaw at pilit itinataas ang sarili ngunit hindi ko iyon hinayaan.

Tumalon ako at pumuwesto sa ibabaw nito at buong pwersa kong itinarak ang isang sa espada ko.

Ang paghiyaw nito ay mas lalong lumakas at halos mapamura ako nang malakas noong di ko inaasahang biglang paglipad nito.

Oh, crap!

Mahigpit ako napahawak sa espadang itinarak ko sa likuran nito para hindi ako mahulog.

"Erika!"

I heard someone shouted my name. Hindi ko matukoy kung sino iyon dahil ang buong atensyon ko ay nasa mga kamay kong mahigpit na nakahawak sa espada ko. Damn it. Ang hirap nito, ah!

Tumingin ako sa baba at doon ko lang napagtanto kung gaano kataas ang kinaroroonan ko. This damn monster is giving me a hard time.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. And when I opened my eyes, I saw them, X, Steve and Yna. May kanya-kanyang pinsala at sugat ang mga ito. Looks like tapos na ang laban nila.

Ako na lang natitirang may kalaban pa.

"Come on, Eka. Tapusin mo na ito. After this one, makakabalik na kayo sa Enthrea," bulong ko sa sarili at pilit inangat ang sarili. Pilit kong ibinalanse ang katawan ko at pumwesto sa ibabaw nito. Hinugot ko ang espadang kanina pa nakatarak sa halimaw na kasalukuyang kalaban ko. Bahagya itong gumalaw kaya naman ay muli kong itinarak ang espada ko para naman may makapitan ako.

Isang hiyaw na naman ang pinakawalan nito.

"Woah!" bulalas ko noong mas bumilis ang paglipad nito.

Move, Eka! Talunin mo na ito!

Muli kong inalala kung saan parte ng katawan nito nakita ko ang pulang krystal na siya kahinaan nito. Nakita ko na ito kanina noong nagpapalitan kami ng mga atake at ngayong nasa himpapawid kami, it will be difficult for me to destroy it. Nasa pinaka-noo nito ang kailangan ko. Unlike sa mga naunang natalo namin, nasa dibdib nila ito nakalagay. This one is different. And I bet this one is the strongest among those monster we'd encounter.

Buong lakas kong itinarak ang isa ko pang espada sa gawing taas ko at hinugot naman ang isa. Muli kong itinarak ang espadang hinugot ko at iginalaw at inangat ang buong katawan. Naging ganoon ang naging strategy ko para makagalaw sa pwesto ko. Panay hiyaw naman ang halimaw. Marahil ay ramdam nito ang sakit dulot ng mga tarak ng espada ko. Hindi ako tumigil hangga't di ko nararating ang pwestong malapit sa ulo nito. Akmang itatarak kong muli ang espada ko noong biglang nag-iba ang direksyon nang paglipad nito.

Shit!

Bumulusok ito ngayon nang napakabilis patungo sa ibaba at mukhang balak nitong isubsob ang sarili sa lupa!

Oh crap! It's trying to hurt me by hurting itself!

"Eka! Umalis ka na diyan!" I've heard Steve shouted.

"Damnit, Erika!" now, I am pretty sure it was X.

Wala sa sariling binitawan ko ang dalawang espada at tumalon mula sa pagkakasampa sa kalaban kong halimaw. I closed my eyes then tries to focus.

One shot, Eka. Just a single shot.

I slowly opened my eyes.

Kasabay ng mabilis na pagbulusok ng halimaw na kalaban ko, pinantayan ko ito. Mabilis din ang pagbagsak ng katawan ko.

Ipinuwesto ko ang mga kamay ko sa ere, tila ba'y nasa mga kamay ko na ang aking sandata. Inadjust ko ang vision ko at tinitigang mabuti ang target ko.

"I'll finish this now," I whispered then summon my bow and arrow.

Pagkahawak ko sa pana ko, hindi na ako nagdalawang isip na itira ito. I released it, making sure that I'll hit my target.

At saktong paglapat ng pana ko sa pulang krystal na siyang target ko ay siya namang pagbagsak ng katawan ko sa lupa.

"Fvck!" I cried when pain envades my being.

"Eka!!

I cursed mentally over and over again when I felt the pain. Damn! Ang sakit! Para akong nabalian ng buto sa uri nang pagbagsak ko. Nagpagulong-gulong pa ako at napasigaw noong tumama ang katawan ko sa isang punong kahoy.

How come I forgot about this?

Maybe because my mind was too focus on my opponent. Nakalimutan ko na ang sarili. Basta matalo ko ang kalaban, okay na ako doon. But damn, the pain is killing me.

"Damnit, Erika!" I heard X's voice. Nakapikit ako at dinadama ang sakit dulot ng aking pagkabagsak.

"Is she still breathing?" Yna asked. Gusto kong imulat ang mga mata ko para makita nilang buhay pa ako pero hindi ko magawa. Pagkatapos ng matinding sakit na naramdaman ko kanina, tila ba'y naging manhid ako bigla. In an instant, the pain was gone. Now I'm numb. The hell?

"She's alive. Don't worry," agap ni X at naramdaman kong pagbuhat nito sa akin. "Let's go. We need to heal her first before turning back to Enthrea."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top