Chapter 10
Blanko akong nakatitig sa dalawang kulay pulang krystal na nasa aking harapan.
Pagkatapos nang nangyari kanina, minabuti naming umuwi na lang muna at magpahinga. We need to gain our energy back. Lahat kami ay napagod dahil sa nangyari, lalo na si Yna. Siya ang mas naapektuhan sa naging laban namin. How I wished I have a healing ability like her. Para naman matulungan ko siya gaya nang pagtulong niya sa akin noong isang araw.
"Eka."
Napatingin ako sa taong kanina pa tahimik na ngayon ay nakaupo sa upang tapat lang sa akin.
"Are you okay?" he asked. Marahan akong tumango at ibinalik ang paningin sa bagay na kanina ko pa tinitinggan.
"Mind telling me what's bothering you?" maya-maya pa ay narinig kong muli itong nagsalita. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumingin sa gawi niya. Wala akong maisasagot sa tanong niya. Wala.
"Eka."
"Alexis, I'm tired," ani ko habang di ko siya tinitingnan. "Just, stop. Pagod ko," wika ko pa at mariing ipinikit ang mga mata. Isinandal ko ang likod ko sa upuang kinauupuan at humingang malalim.
"We're all tired here, Erika Rysse. Now tell me what's on your mind right now!"
Napamulat ako dahil sa mga katagang binitawan ni X. Blanko akong tumitig sa kanya. I can see emotion on his eyes. Anger? What?
"Nothing," yun lang ang lumabas sa bibig ko. Kahit na marami akong nais sabihin, isang salita lamang ang naisambit ko. Nothing. Cause that's what I know. I know nothing right. Maraming nangyayaring kakaiba simula noong tumapak ako sa dungeon na to. Marami. Sa daming nang tumatakbo sa isipan ko ngayon, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
"Eka, come on," he said while looking at me, at my eyes.
"X, I want to go home," I said, almost whisper. "Pero alam kong impossible iyon."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I bit my lower lip. I feel so down. I feel so disappointed to myself. Bata pa lang ako, pinangarap ko nang mapasali dito. Ngunit ngayong narito na ako, tila ba'y naubos lahat tapang ko. Nawala lahat sa di malamang dahilan.
"If you want to go home, then we need to finish this one. This tournament."
Napatingin ako sa kanya noong magsalita ito. Mas lalo itong naging seryoso ngayon.
"Yun lang ang kailangan nating gawin, Eka. Ang manalo. And once we finished this round, nasa iyo na ang desisyon kung ipagpapatuloy mo pa ang laro o hindi."
Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. I kept silent.
"Pero sa ngayon, I need you to be yourself, Eka. I need you to fight. I need you to win, with us," huling wika niya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Pinagmasdan ko ang malapad nitong likod palayo sa akin. X will always be X. Kahit mukhang walang pakialam ito sa mga taong naka-paligid sa kanya, I know he still care.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko noong mailapat ko ang aking likod sa malambot na higaan. Pilit kong iniintindi ang mga nangyayari. Simula noong tumapak ako dito sa dungeon, hanggang ngayon. Mula sa mga halimaw hanggang sa mga kakaibang nangyayari sa akin.
"What is this?"
Mangha kong tiningnan ang hawak-hawak kong kahong kulay ginto. It's like a jewelry box on my eyes. Ano kayang laman nito?
"Bitawan mo iyan, Erika."
"Ano muna ito, mommy? Lagayan ng alahas mo?" takang tanong ko. Napaganda naman kasi nito. Paniguradong mahal ang pagkakabili nito ni mommy!
"No it's not. Now, bitawan mo na iyan," ani niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa niya.
"Can I have this?" pangungulit ko pa dito.
Kita ko kung paano dahan-dahang binitawan ni mommy ang librong hawak-hawak. Tiningnan niya ako at napabuntong-hinga.
"Erika, darling, listen. It's not a toy. You can't have it," tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kinatatayuan ko. "In time, malalaman mo kung para saan iyan. But now, ibalik mo na iyan diyan," dahan-dahan niyang iginaya ang kamay ko patungo sa ibabaw ng kabinet kung saan ko nakuha box na hawak ko. Wala akong nagawa kaya naman pinagmasdan ko na lang ito. "May mga bagay na hindi mo pa dapat malaman ngayon, Erika."
Napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi niya. Ngumiti ito sa akin at ginulo ang buhok ko.
Napamulat ako at habol hiningang napaupo mula sa pagkakahiga.
Sapo ang aking ulo, napahawak ako sa aking dibdib.
"Mommy," wala sa sariling sambit ko. "Ano yung panaginip kong iyon?" takang tanong ko sa sarili. It was a weird dream. Really weird. Never ko pa naranasan iyon.
A box? Wala namang kahong itinatago noon ang mommy?
Pilit kong inaalala ang kabuuan ng panaginip ko. Alam kong may kung ano akong dapat alalahanin sa panaginip na iyon. Wala akong maalala na nangyari iyon noong nabubuhay pa ang mga magulang ko. Wala.
"Eka!"
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko.
"Steve?"
"Eka! Wake up! We found something!"
Anong nangyayari?
Agad akong napatayo sa kamang kinauupuan. Patakbo akong lumapit sa pintuan at binuksan ito.
"Anong nakita niyo?" bungad ko dito.
"Hindi pa namin matukoy kung ano. Come on, see it for yourself," anyaya niya sabay talikod sa akin at nagsimulang maglakad. Wala sa sarili akong sumunod kay Steve. Ano naman kaya ang nakita nila? Is it a reward again? A reward because we defeated another monster?
Dilim ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng bahay.
Gabi na pala?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang tatlo.
"Sa tingin niyo, para saan naman ito?" rinig kong tanong ni Yna habang may hawak-hawak na kung ano. Bahagya itong natigil sa pangingilatis sa hawak at tumingin sa gawi ko. She's already healed. Mukhang kaya na nitong lumabang muli.
"Who knows?" kibit-balikat na sagot ni Steve sa naging tanong ni Yna kanina.
"What's that?" I finally asked. Sabay na lumingon si Steve at X sa gawi ko. Umiling si Steve sa akin samantalang blanko lamang akong tiningnan ni X. Mukhang masama ata ang loob nito sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko kanina. Well, it's not my fault. He asked me what's on my mind. Sinagot ko lamang siya.
Kita ko kung paano ako lapitan ni Yna habang hawak-hawak ang kung anong bilog na bagay sa kanyang kamay. Inilahad nito ang hawak-hawak sa akin.
Gusto ko mang abutin at kunin iyon sa kanya, di ko iyon magawa. May kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na gawin iyon.
"Ayaw mong hawakan, Eka?" Yna asked. Umiling ako.
"I think I already know kung para saan yan," anunsyo ko at tiningnang maigi ang mga kasamahan ko. "Come on, sa loob tayo," anyaya ko at tinalikuran sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top