Chapter 1

"Eka! Gising na!"

"Hanep! Tulog mantika talaga itong babaeng ito! Nakakaloka!"

"Yugyugin niyo na para magising iyan! Ma-la-late na tayo nito sa opening ng tournament!"

Napasimangot ako dahil sa ingay na naririnig sa paligid ko. Anong oras na ba at bakat narito na itong mga kaibigan ko sa kuwarto ko? "Ang ingay niyo." Inaantok na sambit ko sabay talukbong ng kumot sa aking mukha. Antok na antok pa talaga ako!

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at 'di pinansin ang mga kaibigan kong halos ihulog na ako sa kama. "Erika Rysse! Ngayon ang opening ng Annual Dungeon Tournament! 'Wag mong sabihing hihilata ka na lang dito sa kama mo buong maghapon!"

Mabilis na napadilat ako ng mga mata noong marinig ko ang mga katagang binitawan ng kaibigan ko. Napakurap ako ng ilang beses habang prinoproseso na tinuran nito. Annual Dungeon Tournament. Ngayong araw na ba iyon?

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at gulat na napatingin sa mga kasama sa silid. Shit! Ngayong araw nga iyon! "Ba't ba kasi ngayon niyo lang ako ginising!" reklamo ko sa tatlong kaibigan ko sabay karipas takbo papasok sa banyo ko.

"What? Kanina ka pa namin ginigising!" Rinig kong sigaw ni Elizabeth sa labas ng banyo. "Bilisan mo, Eka! Mauna na kami sa arena at baka mawalan tayo ng puwesto! Gusto pa naman namin malapit tayo sa main stage para kita ang lahat ng kalahok!" dagdag pang sambit nito.

"Oo na, Eli! Susunod ako. Iyong upuan ko, ah!" ganting sigaw ko rito at pinagpatuloy ang paglilinis sa sarili. Mayamaya lang ay narinig ko na ang mga yapak nila palabas sa silid ko. Damn it! Ba't ba kasi ang tagal kong dalawin ng antok kagabi? Tinanghali tuloy ako ng gising ngayon!

Mabilisan ang naging galaw ko. Hindi ako maaring ma-late sa unang araw ng tournament dito sa division namin!

Ang Annual Dungeon Tournament ay ang taonang palaro dito sa Enthrea, isa sa apat na division ng Tereshle. Taon-taon ay may ganitong tournament na nagaganap dito sa Enthrea na talagang inaabangan ng lahat, kasama na ako roon! To showcase Enthreans ability and power, lahat ay naghahanda para sa palarong ito! At ang matatanghal na grand winner sa tournament ay mapapabilang sa tinatawag na naming Warriors of Enthrea na siyang primary defense ng aming division!

Hindi ko alam kong ilang minuto lang ang ginugol ko sa pag-aayos. Basta't namalayan ko na lang nasa arena na ako at hinihintay nang magsimula ang tournament!

"May mga bagong rules daw ang tournament ngayong taon," impora sa akin ni Alyssa habang nakatuon ang paningin sa gitna ng arena. Nakapangalumbaba naman ako at ngumuso na lamang. New rules? Not bad. Nakakaumay na rin kasi pag paulit-ulit na lang ang nasasaksihan namin taon-taon!

I've been watching this game since I was ten. At ngayong seventeen na ako, hilig ko pa rin iyon. Ewan ko ba! Gustong-gusto kong panuorin ang bawat laban sa tournament na ito! Maybe because sometimes... I want to be a part of the tournament. I want to fight. I want to show them what I've got. That I'm capable of doing this, too! Na kaya ko namang makipagsabayan sa ibang warrior ng Enthrea. Too bad, hindi ako puwedeng sumali. This tournament is for men only! Kaya ang kagaya kong babae na nais mapabilang sa tournament na ito ay walang pag-asang makasali!

Bumuntonghininga ako sabay upo nang maayos noong makitang umakyat na ang mga pinuno ng aming division. Sa pinakamataas na parte ng arena, prenteng nagsiupo sila roon.

Bruce Family. The current leader and ruler of Enthrea.

Mataman kong tiningnan ang bawat miyembro ng pamilyang Bruce. Minsan ko lang sila makita at tuwing tournament lamang iyon! At kapag nakikita ko sila, may kung anong pwersang nais kumala sa akin! Hindi ko matukoy kung ano iyon pero alam kong may kung anong koneksyon ako sa pamilyang ito! Yes, kilala ko naman sila, ganoon din sila sa akin, pero may kakaiba talaga akong nararamdaman, lalo kapag nakikita ko ang mismong lider ng pamilya nila!

"By the way, Eka." Napabaling ako kay Eli noong magsalita ito. Taas kilay ko itong tinitigan at naghintay sa sasabihin niya sa akin. "I've heard that Second is going to Tereshle Academy this year." Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. What?

"Really, Eli? Oh my gosh! Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Emylyn na siyang ikinairap ko. Emy and her obsession towards Second, Flint Bruce II, ang bunso sa dalawang lalaking anak ni Flint Bruce, our current leader here in Enthrea!

"Narinig ko lang, 'di ba? Hindi ako sigurado kung totoo o haka-haka lang iyon ng mga tao sa sentro," saad muli ni Eli sabay tingin sa akin. Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya at ibinalik ang atensyon sa pamilyang Bruce.

He'll enter the academy... Really? He never mentioned that to me! Wala akong alam sa sinabi ni Elizabeth kanina!

"Ladies and gentlemen. People of Enthrea... Welcome to the Annual Dungeon Tournament!"

Napaayos akong muli nang pagkakaupo noong may nagsalita sa gitna ng arena. Napuno nang hiyawan ang buong arena. The cheer of the audience gives me chill all over my body! Sa lakas nito ay tila yumayanig na ang buong arena na kinaroroonan namin ngayon! Napailing na lamang ako at inilagay ang kanang kamay sa isang tenga ko. Mayamaya lang ay mas lalong lumakas ang hiyawan kaya naman pati ako ay nakisali na rin! Right! Nandito ako para manuod ng palarong ito at hindi para mag-isip ng kung anu-ano!

Pumalakpak na rin at mahinang natawa noong yugyogin ako ni Aly. Napailing ako sa kaibigan at wala sa sariling napabaling sa puwesto ng mga Bruce. I bit my lower lip as I directed my stares towards him, Second, at laking gulat ko noong matama ang paningin naming dalawa! What the hell?

Nasa tapat lang ng puwesto namin ang kinaroroonan niya. Medyo malayo ito ngunit dahil sa special ability ko, kitang-kita ko siya mula sa kinauupuan ko ngayon!

Seconds later, I saw him smile at me. I know that he knows that I was looking at him right now! Malakas ang pakiramdam ng isang ito kaya natitiyak kong alam nito ang ginagawa ko ngayon! I took a deep breath and calm myself down. Gusto ko sanang ngumiti na rin pabalik sa kanya ngunit dahil sa nalaman ko kanina, mabilis akong napailing at tinuon na lang buong atensyon sa gitna ng arena.

"For this year, magkakaroon tayo ng panibagong rules!" Masiglang anunsyo ng emcee na siyang lalong ikinalakas ng hiyawan ng mga manunuod. "Want to know more about it?"

"Yes!" Halos sabay-sabay na sagot naman ng mga audience sabay hiyaw muli nang pagkalakas!

"Okay... Okay. Settle down for a moment, everyone! So... Here it is! For this year's tournament." Panimula nito sabay taas ng isang puting papel na kanina ko pa napapansing hawak-hawak niya. Kunot-noo ko itong pinagmasdan habang pilit tinitingnan nang maayos gamit ang special ability ko ang hawak niyang papel! What the hell is that? "Here's the list of Enthreans who are qualified to be part of the Annual Dungeon Tournament!" Anunsyo nito sabay ngisi. Mas lalong naghiyawana ng mga manunuod sa arena.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aly sa tabi ko. "So, ibig sabihin ay wala pang official players para sa tournament? Akala ko ba kapag opening na ng tournament, day one na rin ng laban ng mga kalahok?"

Napaarko ang isang kilay ko at ipinilig ang ulo pakanan. Yes. Ganoon nga palagi ang nangyayari sa mga nagdaang taon! What the hell is this? Ito na ba ang sinasabing bagong rules ng tournament na ito?

Lalong nagkagulo ang mga manunuod. Ang iba'y gulat sa naging pagbabago at ang iba naman ay mas lalong na-excite sa susunod na mangyayari!

I sighed and patiently wait for the next announcement of the emcee. At kung sino man ang nasa listahang hawak ngayon ng tagapagsalita ng tournament na ito, I'll consider them a lucky one. Or not... Maaari magbago ang pananaw ko tungkol dito lalo na kung sabihin na nito ang kabuuan ng bagong rules ng Annual Dungeon Tournament na ito!

I crossed my arms and closed my eyes as I listened to the emcee announcing the names of Enthreans who made to the official list of players. Napapatango na lamang ako kapag pamilyar sa akin ang pangalan at madalas ay napapakunot ang noo kapag hindi ko man lang kilala ang opisyal na nakapasok sa listahan nila! Seriously?

"Alexis Xaiker." Naghiyawan muli ang mga manunuod dahil sa pangalang binanggit ng tagapagsalita ng tournament.

Alexis Xaiker?

Mabilis na napadilat ako ng mga mata ko noong marinig ko ang pangalang iyon! What the hell? He's part of the official players? Really? Kailan ito nagpasa ng application form niya at hindi ko man lang alam na nagsumite pala ito?

Umayos ako nang pagkakaupo at mabilis na iginala ang paningin ko sa buong arena at hinanap ang taong iyon! He's freaking in! Alexis Xaiker! That freaking monster is a player for this year's tournament!

Hindi ako tumigil kakahanap sa kanya sa buong arena. I know he's here! I can feel his presence! At isa pa, paniguradong hindi rin nito palalagpasin ang araw na ito! Malakas ang kutob ko na inaasahan na niyang maririnig ng lahat ang pangalan nito bilang official players ng tournament! I know him... Alam ko kung ano ang takbo ng utak ng isang iyon!

And when I found him standing beside the exit door, agad akong napatayo.

"Oh, may problema ba?" rinig kong tanong ni Emylyn sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Hindi ko hiniwalayan ng tingin si Alexis at noong tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palabas ng arena, humakbang na rin ako paalis sa puwesto ko.

Takang tinawag naman ako ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila nilingon at nagpatuloy sa binabalak na pagsunod kay Alexis! Muli kong inihakbang ang mga paa ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang mula sa kinatatayuan kanina ay bigla akong natigilan dahil sa naging anunsyo ng emcee tungkol sa huling manlalaro sa taong ito.

"And lastly, Erika Rysse, the only female contender who passes the qualifications for this year's tournament!"

Napako ako sa kinatatayuan at mabilis na napabaling sa gitna ng arena. Erika Rysse... What the hell?

That's my freaking name!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top