Epilogue
Regret. Hatred. Agony.
Those were the key players that controlled my life for the past years. I embraced those feelings, reminiscing the reason why I ended up lost. Echoes of cries and their wailings still visit me in my dreams, reminding me of the grief we all felt that night of her goodbye. Years may have past but the guilt and regrets still reside in my heart. Would I be able to escape this hell of mine?
Sinubukan ko namang bumamgon. Ang ibaling ang atensyon ko sa iba para makalimot. Pero walang epekto ang lahat. Panandaliang solusyon lang at matapos ang araw ay ibabalik na naman ako sa puntong lugmok at walang laban. Akala ko magagawang pagtakpan sa pagpasok sa isang relasyon pero mas lalo ko lang binigyan ng problema ang sarili ko. Alam ko na hindi ang simpleng pagpasok sa panibagong relasyon lang ang makakabura ng mga bakas na iniwan niya. Sarili ko lang ang niloloko ko, ang pinaniniwalan ko na kasinungaling kailan man hindi magiging totoo.
"Alam kong mahal mo ako. At mahal din kita ng sobra. Kaso naubos ako, Waldo, to the point na hindi ko na nagawang ingatan ang sarili ko."
Kumuyom ang mga kamay ko sa muling pagpailanlang ng mga salitang iyon sa isip ko. Mariin akong pumikit nang maramdaman ang pamilyar na hapdi dulot ng mga linyang iyon sa huling sulat na iniwan niya sa akin. Kabisado ko na ang lahat ng sasabihin niya. At hindi na dapat ako naaapektuhan pero nakakagago na hanggang ngayon ang sakit pa rin.
Gumawa ng ingay ang pabagsak na pagbaba ko sa basong ininuman ko ng ulak. Umani iyon ng sunud-sunod na mura sa mga kasama kong masama na ang tingin sa akin ngayon.
"Ayusin mo ang buhay mo, Waldo," pangaral ni Ken.
"Tanggapin ko na kasing wala na 'yong tao. Ilang taon na rin, bro, hanggang ngayon ganiyan ka pa rin," asik ni Lazslo.
"Matagal ko nang tanggap," giit ko.
"Gago, pinaniniwala mo lang ang sarili mong tanggap mo pero hindi. Palagi pa rin siyang nasa isip mo. Gabi-gabi ka pa ring naglalasing para makalimot," Galan insisted.
Marahas akong napabuntong-hininga kasabay nang pagpasada ng mga daliri ko sa bagsak kong buhok. Mas sumama lang yata ang pakiramdam ko ngayong kasama ko ang mga 'to.
Bakit ba kasi may mga kaibigan akong kilalang-kilala ako? Kahit mga gago at munsan ay mga barumbado kung umakto'y maasahan naman. Wala lang talaga ako sa hulog ngayon kaya iritado ako kahit na ang gusto lang naman nila ay tumulong.
Pagod na napasandal ako sa kinauupuan ko kasabay nang pagpikit at muling pag-iingay ng mga salitang tila direktang sinabi sa akin ni Cassandra kahit na sa sulat ko lang naman iyon nabasa.
"Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako sa iyo hanggang sa puntong nakalimutan ko nang magtira sa sarili ko.. My time, effort, my everything. Okay lang naman sa akin iyon. Walang problema dahil mahal na mahal kita."
"Dapat nagtanong ako,"nagsisisi kong sabi sa kanilang tatlo.
Akala ko sapat na iyong naibigay ko sa kaniya. Na sa aming dalawa, ako ang mas nagmamahal sa kaniya. Pero habang kuntento ako sa mga naibibigay ko, palihim na pala siyang nauubos.
"Why not stay here in Manila for the meantime, bro? Being el Refugio would only make you remember her more," Galan suggested.
"I have nothing else to do here after my meeting with Mister Cruz," sagot ko.
"Travel. Meet some people. Date some girls. Kahit ano, bro, basta huwag ka lang bumalik sa Elre," dagdag ni Ken na tinutukoy ang pinaikling pangalan ng El Refugio.
Inilingin ko sila. Wala sa intensyon kong magtagal dito. If not for the business meeting I have with the owner of Cruz Empire, I'd not be here. I'd rather help my men planting some crops than surround myself with the chaos of Manila.
Mas gugulo lang ang takbo ng isip ko rito. Kahit naman yana saan ako magtugo susundan at susundan pa rin ako ng problema ko. Sa Elre na puro memorya ni Cassandra ang mayroon. Dito sa maynila na gulo ng paligid naman ang sasalubong sa akin.
"I'll just get some more drink," paalam ko sa kanila.
I didn't bother to wait for their answer, I stood up even without their consent and made my way towards the bar counter. Pero mas lalo lang yata akong nagkaproblema sa mga babaeng humihinto sa harapan ko.
"Hi, stranger." A woman wearing a blood-red dress stopped in front of me. She had this seductive smile on her lips while her point finger started to draw circles in my chest.
Pilit na pinahahaba ang pasensya na hinuli ang pulso niya para ilayo sa katawan ko. "I'm not here for company, Miss."
"Come on, handsome. Let's play for a bit." She tiptoed and whispered those words in my ears.
Bahagya ko siyang naitulak sa pagkabigla. Bumakas ang pagkapahiya at pagkadismaya sa mukha ng babae pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Nagpatuloy ako sa pormal na naglakad, iniiwan na ang babae sa kinatatayuan niya. Ayaw ko sanang magpunta rito kaso halos kaladkarin na ako ng tatlo kanina para palabasin sa flat ko.
Itinutok ko ang mga mata ko sa bar counter, wala masyadong tao roon maliban kay Ramon na bartender at isang babaeng customer. From a close distance of one meter I could already smell her scent. If I'm not mistaken it was Victoria's Secret Pure Seduction fragrance.
Of course, I knew that scent because of Cassandra, who used to love it.
My brows furrowed when I saw the empty glass of tequila in front of the woman. Half of her body was almost lying on top of the bar counter with her hand still holding the champagne glass. Hindi niya napansin ang pagdating ko, nagpatuloy lang siya sa pagpapakalunod sa langong pagkausap sa sarili.
"Is everything fine here, Ramon?" I asked.
I saw the lady stilled but was too lazy to get up. I gave her a quick glance before returning my eyes to Ramon who was busy watching the woman in front.
Bagong mukha siya. O marahil ay dati na siya rito ngunit hindi ko lang napapansin. Si Galan naman kasi ang madalas dito dahil sa hinahabol niyang babae. Ngayon na nga lang ulit, sa loob ng limang buwan, ang pagbisita ko rito.
"Yes, Sir Waldo. But I think this lady needs assistance, Sir," magalang niyang sagot.
Nagbaba akong muli ng tingin sa kaniya na sinabayan niya nang pagtingala sa akin. She unconsciously batted her eyes, intoxicated by her alcohol intake. But it only lasted for a few seconds before her eyes began to look different, from hazy it became hopeful all of a sudden.
"Are you okay, Miss?" tanong ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko. Mabilis na nagbago ang kislap ng mga mata niya. I could now see nothing but defeat and surrender.
"I am not fine, Mister. I am nowhere near that." She laughed in full sarcasm. "Fuck this life. Fuck everyone."
"Hindi ako okay, mahal. Pagod na pagod ba ako sa lahat."
My brows furrowed when I saw an image of Cassandra in her. Their features differ in most ways, but I couldn't stop thinking of Cassandra. Isabay pa na ang mga salitang binitawan nila ay halos iisa.
Tumiim ang bagang ko sabay sa pagsasalubong ng dalawang kilay ko dahil sa pagpipigil na huwag mabuo ang mga luha sa mga mata ko. I fisted both of my hands, controlling my emotions, calming myself even though that's impossible.
I was taken aback, almost causing me to step back, when she rose up from her seat and walked towards the direction of the exit after putting some bills beside the empty glass to pay for her tab.
Kusang kumilos ang mga paa ko para sundan ang babae kahit na hindi ko naman siya kilala. It was as if someone's controlling me and making me do things out of my will. Like a magnetic force pulling me closer to her despite the fact that she's a complete stranger.
With her tipsy steps, she entered her car and drove it fast. Nagmamadaling sumakay rin ako, kinalilimutan na ang tatlong kasama ko na siyang dahilan kung bakit ako nandito.
"Why is she driving that fast? Nagpapakamatay ba siya?" I cursed under my breath seeing her accelerate even more. Panay ang tingin ko sa magkabilang side mirror para tingnan kung may paparating bang sasakyan. A sigh of relief automatically escaped my mouth seeing the dark empty street.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan nang mula sa malayo ay natanaw ko ang tulay na sasalubong sa pinatatakbo niyang sasakyan. I started unbuckling my seatbelt using my one hand. Pagkatapos ay binuksan ko rin ang pintuan.
Only one of my hands was left on the steering wheel. I knew what she's trying to do and I am not dumb not to do something to stop her.
"Fuck!" I cursed letting go of the wheel and jumping off my seat.
I covered my head using both of my arms to lessen the impact of it hitting the ground. Nagtuluy-tuloy ang paggulong ko sa malamig na simento. Ramdam ko na rin ang pagkirot ng balat kong nagagasgasan at nasusugatan ng matigas na semento.
My back hit the cement barricade, stopping any of my movement. Hindi ko ininda ang sakit, Mabilis akong tumayo para tingnan ang nangyari.
"What the hell?"
I let out another sigh hearing her voice. She's safe...
Napabuga ako ng marahas na hangin matapos akong kainin ng konsensya dahil sa nangyari. Sana pati siya naligtas mo.
"Oh my gosh, are you okay?" anang tinig niya.
Pinilit ko ang sarili ko na tumayo para masiguro kung talaga okay lang ba siya. "Okay ka lang ba?" tanong ko pabalik.
Mula sa kinatatayuan ko ay tinanaw ko ang sasakyan niya. There was only exactly one ruler distance between the concrete barrier. Nahulog na ang kotseng sinasakyan ko kotse kanina pero ang magkaroon ng pakialam sa bagay na iyon ay hindi pumasok sa isip ko. Pinasadahan ko ng tingin ang babae at nang masigurong okay lang siya ay saka lang ako nakampante.
"Glad you're safe." I sighed.
"Bakit mo ginawa iyon?!" pagalit niyang tanong. She was almost thumping her feet in annoyance.
"Bakit mo ginawa iyon?" puno ng diin kong tanong sa kaniya.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nang mapansin kong wala na siyang intensyon na sagutin ang naging tanong ko, napabuntong hininga na lang ako.
"Umuwi ka na," utos ko sa kaniya.
"Paano ka? You're bruised." Nilapatan niya ng tingin ang bawat parte ng katawan kong may sugat.
Both of my arms have grazed and the one on my right has blood dripping from it. Wala naman akong maramdaman mula sa mga 'yon maliban sa kaunting hapdi. Malayo naman sa bituka kaya walang problema.
"Okay lang ako. I got men on their way to fetch me. You go ahead. And please don't do this again," pakiusap ko.
Alangan niya akong tiningnan at pinasadahan pang muli ang kabuuan ko. Ilang segundo pa siyang nanatili roon at nakatingin lang sa akin bago humakbang patalikod at umalis.
Nang mawala siya sa paningin ko, muli kong ibinagsak ang katawan ko sa malamig na semento. Marahas akong bumuntong hininga.
"What's with that woman?" pagod kong tanong sa sarili ko.
Walang lakas ang mga kamay na kinuha ko ang phone ko at tatawagan na sana ang isa sa tatlo ngunit nauna na ang pagliwanag ng paligid dahil sa mga papalapit na sasakyan. Itinakip ko ang braso ko sa mga mata ko sa muli na namang paglitaw ng mga imahe ni Cassandra sa isip ko.
Pero hindi gaya kanina ay sandali lang iyon dahil mabilis iyong napalitan ng mukha ng babae kanina. Akala ko iyon na ang una't huling beses na magkikita kami. But ever since that day, her hopeful eyes never left my mind.
I thought she was just a passing fancy that I'd forget once a couple of days passed. But I found myself drawn to her. Even up to the point of liking her and bringing her to my home. Thinking I was doing it right this time, I started to feel at ease. Yet, I was still haunted by my past, toyed by the circumstances I discarded.
But to run away like what I did before was not part of my choices now. Dahil kung gagawin ko iyon katulad sa unang pagkakamali ko, si Hope naman ang mawawala sa akin.
"I'm sorry for not coming here as often as I used to, Cass." Tumingala ako sa punong nagpapayong sa akin mula sa sinag ng araw.
The warm wind brushed through my skin as if a warm hug from Cassandra from above. Napangiti ako.
I always feel sorry for her. For being so complacent and not being able to protect her. Guilt never left me, making me unable to fully move on from her. But I must now. Hindi dahil sa hindi na siya mahalaga para sa akin. Kundi dahil iyon ang nararapan para sa aming lahat.
Letting go doesn't mean she's less important. But because she deserves to be at peace.
Mahal ko pa rin siya, hindi naman na iyon mawawala. Hindi na rin mabubura dahil siya ang unang babaeng dumating sa buhay ko. But I might end up losing something important while trying to hold onto her.
"I hope you're doing good up there," sabi ko. "I'm planning to chase a woman. That's okay, right? Mahal ko, eh." Natawa ako ng bahagya. "I'll introduce her to you some other time. Kapag nabawi ko na siya."
I continued talking to her for a couple of minutes more, feeling a little relief.
Inaasahan ko na na hindi magiging madali ang pagbawi sa kaniya kaya hindi na ako nagulat pa ng abutin ng taon ang paghihintay ko sa kaniya. But waiting already took us a lot of time and I know that it's either I make a move or still wait for her until she's ready to come back.
But she's not just worth the wait. She's worth the fight.
Even if it takes me years and years I wouldn't mind if it will be her that I'll have at the end of the fight. Kaya wala akong pinagsisisihan sa mga buwan at taong pinili kong maghintay sa kaniya. Puwede ko siyang puntahan ang suyuin pero mas gusto ko para sa kaniya ang bigyan siya ng oras at respetuhin.
"Paano kaya kung hindi mo ako iniligtas sa dalawang beses na nagkita tayong dalawa noon? Magtatagpo pa kaya ang landas natin?" tanong niya sa akin.
"Hindi siguro. O posible pero hindi ako sigurado." Tumawa ako. "Wala tayong koneksyon kaya hindi magtatagpo ang landas natin.
"Meron kaya." Hinarap niya ako habang nakapaloob pa rin sa mga bisig ko.
Sa el Refugio Resort ang napili naming lugar na puntahan para sa bakasyon naming dalawa. It's her leave from work for two days. I was busy with El Re for the past weeks kaya hindi kami nagkita ng halos dalawang linggo.
"Ano?" kunot ang noong tanong ko.
"Si Katiya na kaibigan ko at si Galan na kaibigan mo." Ngumisi siya. "Kung mas nauna silang nagkita ulit kaysa sa pagkikita nating dalawa, sila ang magiging dahilan para tayo rin ang magkita."
"Iyong dalawang iyon." Napailing ako. "Kailan kaya sila matatapos sa paglalaro ng habulan."
Natawa na lang kaming dalawa. Her laughter filled the empty balcony of her room, creating beautiful music in my ears.
Bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko nang mapagmasdan ang mukha niyang puno ng ng liwanag 'di tulad no'ng unang araw ko siyang nakita na walang ibang bumabalot sa kaniya kundi kadiliman.
I didn't stop myself from claiming her lips that I've been wanting to kiss. Sabay na napangiti kaming dalawa. Hindi ko alam kung siya rin ba, pero sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. Like all the blank spaces in my life have been filled with Hope's presence.
"I love you, Hope," bulong ko sa tainga niya.
She let go of my lips to answer my words. Isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko. Humigpit din ang kapit ng braso niya baywang ko. "As I love you, Waldo."
This was just the start for us. After a year of waiting, another year of reconciling, and knowing each other more, we're still starting a life for ourselves.
The Prescilla Hope Santiago I accidentally met, became the woman I fear to lose the most. It wasn't me who saved her. It was the other way around.
Sa lahat ng bagay na nawala sa akin at binitawan ko, siya ang hinding-hindi ko luluwagan ng kapit. She's my last string. The only Hope I'll be needing for the rest of my life.
-FIN-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top