Chapter 9
Her Dignity
Tanaw-tanaw ko ang tahimik na kalsada sa harapan ng gusali ng La Majarica. Natural na ang pagiging tahimik ng lugar dahil na rin sa malayo sa mismong highway at tago. Mas lalo lang naging tahimik ang paligid dahil sa bagyo.
It's already past seven in the evening. And here I am filling my empty stomach with beer instead of a decent meal. Mizu is on my right, standing in the same position as mine. Pareho kaming nakatukod ang mga siko sa barandilya ng balkonahe ng kuwartong inuukopa ko. Katulad ko, may hawak-hwak rin siyang bote ng beer na dala niya para sa aming dalawa.
True to his words, he really did visit me. Ang akala ko ay makakalimutan niya at handa na sana akong bumaba para bumili ng sariling inumin ngayon. But even before I could do that, he was already standing on my door holding a bucket full of beer.
"You know what, Prescilla," maingat na panimula niya ng usapan.
We've been here for a little while but both of us remained silent. Parang pareho kaming nangangapa kahit na malapit naman kami sa isa't isa. Naroon ang pag-aalangan marahil ay dulot ng naging usapan namin kanina.
"Hmm?" Muli akong tumungga ng alak direkta mula sa bote na pangatlo ko na.
"I sometimes regret letting you know those things that should've been locked up in Harris' closet."
"You mean those pictures of him with his girl entering your hotel?" natatawang tanong ko na tinanguhan niya. "Dapat nga nagpapasalamat pa ako sa'yo, e. You just did the right thing, Mizu."
"Pero tingnan mo ang nangyari sa'yo. You're broken down to your core." Malamlam ang mga mata na nilingon niya ako. Ang lungkot at pag-aalala ay basang-basa ko roon. "It wouldn't hurt keeping my mouth shut."
"That would just be the same as lying, Mizu. Hindi mo man sinabi ang totoo, pero may alam kang dapat kong malapan pero gusto mong itago."
Pareho kaming tumingala at tinanaw ang madilim na kalangitan. No stars, not even the moon, that would light up the sky. Malalim ang gitla sa noo niya at salubong ang dalawang kilay. Nagulog kaming dalawa sa malalim nap ag-iisip dala ng bagay na pinag-uusapan namin.
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon na nagkita na kaming muli. He has been the reason why I knew about Harris' rendezvous. Noong una hindi ako naniniwala na nagsanhi pa sa pag-uugat ng away sa pagitan naming dalawa. Pero hanggang sa dumalas nang dumalas. Hanggang sa ang isang beses sa isang buwan niyang pagpapadala ng litrato ay nauwi sa linggo-linggo.
Anong laban ko sa mga bagay na nakahain na sa harap ko? Paano ko paniniwalain ang sarili ko na hindi totoo kung ebidensya na mismo ang nagpapatunay na niloloko lang pala ako? Paulit-ulit man akong pumikit at magpanggap na walang alam, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Hindi man galing kay Harris mismo, ang katotohanan ay katotohanan baliktaran man natin ang mundo.
"Do you know who the girl was?" maingat na tanong ni Mizu.
Awtomatikong kumawala ang sarkastikong tawa mula sa bibig ko nang manumbalik sa ala-ala ko ang mukha ng babaeng ipinalit sa akin ni Harris. The familiar smiling face of the woman linking arms with, then, my boyfriend. "Who wouldn't know who that girl is?" patanong na sagot ko matapos ay muling natawa. "Melissa Lucas. The prettiest and smartest girl of College of Architecture and Fine Arts."
"And Harris is the smartest dude of College of Engineering and Technology. Wow, perfect match," sarkastikong dugtong niya na natatawa.
Naiiling na tumunggang muli ako ng alak at lihim na sinasang-ayunan ang opinyon niya. Kahit ako hindi maiwasang isipin na tama siya dahil ganoon ang naiisip ko nang unang beses na malaman ko ang tungkol sa kanila. It's as if they were both born to fit each other's lives and I just serve as a passing fancy.
"Why do you think he did that?" tanong muli ni Mizu. "I've witnessed how he cared and loved you. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na humantong kayo sa ganito. Five years, Prescilla. Five years kayo."
Panandaliang natahimik ako, hirap na makabuo ng sagot. Hanggang ngayon pinanghihinayangan ko pa rin ang limang taong relasyon namin ni Harris. Wala kasiguraduhang kung sa mga taon na 'yon ay totoo ba talaga ang mayroon kami. Pero hindi ko itatanggi na napasaya niya ako ng sobra.
"When you are drugged with love," panimula ko. "You'll find it hard to differentiate what is wrong from what is right. Kaya madalas nakagagawa ng desisyon ang mga tao na kung hindi man makakasakit sa kaniya, makasasakit naman sila ng iba. Katulad ni Harris na sinaktan ako nang magdesisyon siyang ipagpalit ako sa ibang babae. At katulad ko na sinasaktan ang sarili sa paulit-ulit na pagmamakaawa sa kaniya kahit na wala na talaga. That's how love works, it will make you incapacitated to make the right decision at the time."
Mabilis na ikinurap ko ang mga mata ko nang mapuno ng luha ang mga 'yon. Sinikap kong alisin ang panlalabo ng paningin ko at pilit na pinigilan ang sarili na magpakawala ng hikbi.
"Why did you keep silent, Prescilla? May karapatan kang masaktan, manumbat. May karapatan ka sa lahat ng bagay pero nanatiling tikom ang bibig mo at nagpapanggap na parang walang nangyayari sa paligid mo?"
I calmed myself first. Pinilit ko ang sarili na huwag umiyak at huwag masaktan. Kahit na malabong mangyari dahil lahat ng may kinalaman kay Harris ay makasasakit sa akin. "I was blinded by love and it has a greater hold on my heart and mind during those time. It was my choice to not see the truth and if I were to be in that situation once again, I will do the same. Dahil sa ganoong paraan ko siya makakasama. Sa ganoong pagkakatoon mararamdam ko na minahal niya rin ako. Na minsan siyang naging totoo."
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang ginawang pag-iling ni Mizu na tila hindi sang-ayon sa mga sinabi ko. Hindi ko siya magawang sisihin o ang ipagtanggol man lang ang naging sagot ko. Dahil maging ako ay hindi rin lubos na maintindihan ang mga naging desisyon ko.
Alam kong katangahan na nanahimik at hinayaan siya na lokohin ako. Alam ko rin na kaya kong komprontahin si Harris. Na nasa akin ang lahat ng karapatan na magtanong at magalit. Pero alinman sa mga 'yon ay hindi ko ginawa. Hindi lang dahil sa rason na mahal ko siya.
Dahil takot akong maiwan na mag-isa.
I grew up in a family where I don't matter unless it has something to do with succession of their business. I've got no friends. Ang tanging mayroon lang ako noon ay si Harris. He was my escape and the only one who was by my side. I was always alone but Harris became a companion when he became mine.
Kaya kahit alam ko na may iba na, na niloloko na lang ako, at ipinagpipilitan ko na lang ang sarili ko, nanatiling tikom ang bibig ko. Dahil alam ko na oras na magtanong ako at kumpirmahin ang mga impormasyong ibinibigay sa akin ni Mizu, matatapos ang lahat. Iiwan niya ako at muli na naman akong mag-iisa at walang kakampi.
"I can't say that I fully understand your reason why you did that and did not do what should've been done." Marahan ang naging pagkilos niya at ilang sandali lang ramdam ko na ang kamay niyang kinukuha ang kaliwang kamay ko. I felt his rough thumb caressing my pulse surrounded my multiple scars caused by the cuts I've made to myself. Pilit kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya kung kaya'y wala akong nagawa kundi ang magpaubaya. "Mali kasi, Prescilla. Mali na gawin mo ang mga bagay na ginagawa mo sa sarili mo. Ilang beses ka na bang nagtangka, ha?" nanunumbat na tanong niya na nababahiran ng matinding pag-aalala. "Ano bang makukuha mo sa ginagawa mo?"
"Pain. Physical pain."
"Why do you keep on doing that to yourself?" naghahanap pa rin ng linaw na tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin. Pinagmasdan malalaking punong nagsasayaw sa hangin. "It's the only way to make me feel alive. It's a reminder that I still have a life. The pain is reminding me that there's still a chance for me to have my purpose and seek the reason why I exist." Paunti-unting humigpit ang paglalahawak ko sa bote ng beer habang nagsasalita ako. At sa bawat bitaw ko ng mga salita ay siya ring pagsikip ng dibdib ko dahil sa sakit, at higit sa lahat ay dahil sa kaginhawaan. "The feeling of being stared at as if you're a big nuisance. 'Yong tipong sa mga mata nila, wala ka nang nagawang tama. It's awful. And the hardest part is losing your purpose."
Kung puwede lang na papasukin ko siya sa isip ko para malaman niya ng buo ang tumatakbo roon, ginawa ko na. Mahirap idaan sa salita at ikuwento lang ang nararamdaman ko. Mahirap ilarawan ang pakiramdam dahill alam kong hindi nila maiintindihan hangga't hindi nila nararanasan mismo.
'Yong pakiramdam na kinukuwestiyon mo ang sarili mo kung may silbi ka pa ba. 'Yong uri ng pakiramdam na parang lahat na lang ng gawin mo ay makasasama sa iba. Pakiramdam na alam mo sa sarili mo na kahit mawala ka ay okay lang. Dahil hindi ka importante at hindi ka mahalaga para sa kanila.
Umaabot rin sa punto na maiisip ko kung kapag ba nawala ako may iiyak para sa akin. Na kung mawawala ba ako ay magsisisi na sila sa mga kasalanang nagawa nila. Na hihingi na sila ng tawad sa pagkakasala nila. At kung kapag ba dumating na ang oras para sa sariling kong wakas, mapagbabayaran ko na ba ang buhay na nawala dahil sa akin.
"I want my death to pay for what happened to my child." Tumingala ako sa madilim na kalangitan nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko. "Para kahit 'yon man lang ay magawa ko sa kaniya. Para kahit paano naging ina ako sa kaniya."
"Pagbabayaran mo ang kasalanang hindi mo naman ginawa? Huwag mo akong patawanin, Prescila. Alam natin ang totoo. Alam natin kung sino talaga ang may kasalanan dito." Gaya ko ay yumuko rin si Mizu at sa ganoong anggulo ay nakita ko ang pagtatangis ng bagang niya tanda ng pinipigil na galit. "I bet you didn't tell Harris about it. Tama ako, hindi ba?"
Tumango ako bilang sagot. At katulad ni Katiya ay parehong dahilan lang din ang sinabi ko. "Dahil wala na ring magbabago. He was too agitated those times that he wouldn't hear me. Malinaw lang sa kaniya na may kasalanan ano. Na pinalaglag ko ang anak ko."
"Pero alam nating pareho ang totoo, Prescila. Alam natin na hindi mo ginawa ang ibinibintang niya," naiinis na tugon niya. "Hindi mo kasalanan. Mas lalong hindi mo kailangan pagbayaran ang kasalanan ng iba."
"Pero 'yon ang totoo para sa kaniya."
"Iba ang katotohanan para sa akin. Dahil alam ko kung sino ang may sala. Alam ko kung sino dapat ang sisihin." Muli ay naramdaman ko ang pagpasada ng hinlalaki niya sa mga sugat na ginawa ko sa sarili kong pulso. "Alam ko na mahirap. Na walang kasing sakit. Nasasaktan ka sa pagkawala ng anak mo at sa panlolokong ginawa ng ex mo. Pero sa tingin mo ba worth it ang gagawin mo dahil lang sa katotohanang pinaniniwalaan mo? Your life doesn't weigh the same with those lies. Huwag mong sayangin ang buhay mo. Hindi mo kasalanan. If there's to blame that would be your mom and mine. It will never be your fault, Prescilla."
Tumango-tango habang pilit na iniintindi ang bawat salitang sinasabi niya. Kung mayroon mang tao na nakaaalam ng katotohanan maliban sa akin ay si Mizu 'yon. Sa kaniya ko lang sinbi ang totoo nang minsang bisitahin niya ako.
"I know that I've made you promised that you won't get hurt tonight in exchange for your stay," muli ay pagsasalita niya na nagpalingon sa akin para harapin siya. "But I am taking it back now. Okay lang na masaktan ka. Okay lang na umiyak ka. Kahit 'yon na lang ang karapatang ibigay sa iyo ng mundo, ang masaktan, sige lang. Malaya kang masaktan pero huwag na huwag ka nang magmamakaawa."
Unang rumehistro sa akin ang kalituhan na agad ring napawi at napalitan ng kaliwanagan nang lubusang maintindihan ang lihim na laman ng mga sinabi niya. Walang pasubali na napunong muli ng luha ang mga mata ko at tila napako ako sa kinatatayuan ko.
Pigilan ko man ang sarili ko na lumingon upang huwag nang mas masaktan pa, hindi ko rin napigilan dahil unti-unting kumilos ang mga paa ko para harapin ang direksyon na tinitingnan ni Mizu. Dumaan ang galit na natatabunan ng matinding pag-aalala sa mga mata ng pinsan ko habang nakatingin sa akin. Pero imbes na pigilan ako nang magsimula akong kumilos para umikot ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin at hinahayaan ako.
Kung akala ko ay sagad na ang sakit na naramdaman ko kanina nang malamang narito si Harris para sa pagdiriwang na nakahanda para sa anak niya. Isang palaking pagkakamali ang maisip 'yon. Dahil ngayon, habang nakatayo ako rito sa balkonahe at tanaw-tanaw ko siya, mas lumalala ang kirot at mas nagiging mahirap sa akin ang paghinga dahil sa bigat na dala-dala nang nakikita ko ngayon.
Nabungaran ko ang isang larawan ng masayang pamilya. Na bagaman madilim ang kapaligiran, bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Ang pigura ng pamilyar na babae nakasuot ng puting bestida ang unang umagaw ng atensyon ko. May masayang ngiti sa labi niya habang ang paningin ay nakapako sa anak. Ang tila maliit na bersyon niya ay nasa gilid niya. Katulad ng kaniyang ina, may suot rin siyang puting bestida na tila sinadiya para maging terno ang dalawa. Ang kaibahan lang ay may suot itong gintong korona na nagpapatingkad ng ngiti sa batang sentro ng gabing ito.
Kusang naglandas ang panibagong bugso ng mga luha nang mapunta sa kaniya ang paningin ko. Dalang-dala ng matikas na katawan niya ang suot na itim na terno ng amerikana. Naroon sa mga labi niya ang pamilyar na masayang ngiti na noon ay para sa akin. Bakas ang kakaibang tuwa sa mga mata niya habang nakatingin sa kaiyang mag-ina. At sa bawat segundong lumilipas na nasa masayang mukha ni Harris ang paningin ko, pabigat nang pabigat ang bagay na nakadagan sa dibdib ko. Pasakit nang pasakit. Pahirap nang pahirap.
Mahirap timbangin kung alin sa dalawa ang mas masakit. Noon na itinatago nila habang nagpapanggap akong walang alam. O ngayon na tahasan na nilang ipinagyayabang. Hindi rin madali na isalarawan ang sakit na nararamdaman ko. Naroon na sasabihin kong masakit na para bang may punyal na walang habas na sumusugat sa puso ko ngunit agad na mapagtatanto ko na hindi sapat 'yon.
Umawang ang labi ko kasabay ng mabibilis at sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala para kahit papaano ay maibsan ang sakit. Gustung-gusto ko silang sumbatan pero alam ko na wala na akong karapatan.
"Kung may kakayahan lang akong alisin ang sakit na nararamdaman mo, matagal ko na sanang ginawa. Kaso alam ko na kahit takpan ko ang mga mata mo para hindi sila makita, malinaw na nakatatak na sa isip mo ang katotohanang may pumalit na sa puwesto mo," mahinang wika ni Mizu. "Naiintindihan ko ang rason ng mga luha mo. Handa akong intindihin ang sakit na nararamdaman mo. Pero hinding-hindi ko mauunawaan kung pipiliin mo na namang magpakababa para lang sa kaniya. You are better than that, Prescilla."
Wala sa sariling umiling ako bilang pagsalungat sa mga naririnig kay Mizu. Maging ako na sinabi na sa sarili na hindi na ako magpapakababang muli ay wala na ring laban. Dahil habang nakikita ko si Harris sa harapan ko, gusto ko na lang ulit isantabi ang dignidad ko at magmakaawa.
Wala na akong pakialaman kung mali, kung pangit man sa mata ng iba, at kung hindi nila maiintindihan. Dahil kahit ako hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ganito na lang ang kagustuhan kong ipilit ang sarili sa kaniya. Basta ang alam ko, mahal ko siya at wala akong pakialam kahit paulit-ulit na magmukhang tanga kung kapalit naman noon ay siya.
Dumating na ako sa puntong napagtanto kong mali ang paulit-ulit na magmakaawa sa taong hindi naman ako binigyan ng halaga. Pero ngayon na nakikita ko na ulit sita sa harapan ko, hindi ko magawang pigilan ang puso ko sa pagmamahal na nararamdaman ko pa rin para sa kaniya.
Sa kabila ng nanlalabo kong paningin na pinupuno ng luha, naaninag ko ang isang pigurang pamilyar sa akin na ngayon ay naglalakad patungo sa direksyon ng pamilya ni Harris. Pinilit kong alisin ang mga luhang nakabara sa paningin ko sa pamamagitan ng makailang ulit na pagkurap. At nang mapagtagumpayan ay umusbong ang kaunting kaba sa puso ko ng matanto kung sino ang taong 'yon.
"Isn't that the guy you're with?" naguuluhang tanong ni Mizu ngunit hindi ko na nagawang tumugon.
Mabilis na nanumbalik sa ala-ala ko ang mga katagang huling binitawan niya bago kami naghiwalay ng landas kanina. Walang kasing linaw rin ang pagbabanta na naroon sa timbre ng boses niya dahilan para mamuo sa puso ko ang kaba.
Natuon pang lalo sa puwesto nila Harris ang atensyon ko lalo na nang tuluyang lumapit sa kanila si Waldo. Maingat na inilapit ni Harris ang anak sa ina nito at walang kasing lambing ang lapat ng tingin niya sa mga ito. At ibang atake ng sakit pa ang naramdaman ko nang humalik sa pisngi ng babae si Harris bago ito bumulong ng kung ano.
Nagtagis ang bagang ko at kumuyom ang mga palad ko sa nasaksihan. Hindi dahil sa galit ngunit dahil sa sigaw na gustong kumawala mula sa bibig ko. Ang matinding sakit na idinulot ng simpleng kilos na 'yon ay pinipigilan akong makagalaw. Maski ang mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa. Ang kaya lang ng kakayahan ko sa ngayon ay ang panoorin sila, at masaktan sa masasayang ngiti na nakapaskil sa mga labi nila.
"Pumasok na tayo sa loob," mahinang sabi ni Mizu, nakikiusap.
Naramdaman kong humawak siya sa braso ko at akmang hihilahin na ako nang sa wakas ay may kumawalang tinig sa nga labi ko. "Ang saya nila," mahinang umpisa ko. "Pero bakit ako ganito ang nararamdaman? Bakit ang sakit? Bakit sobrang sakit?"
Umangat ang isang kamay ko patungo sa dibdib ko at mahinang binayo ang parte na 'yon para patigilin ang sakit na namamahay doon.
Marahas na iniharap ako ni Mizu sa kaniya. Mahigpit ang pagkakayapos ng palad niya sa magkabilang braso ko pero hindi ko magawang indahin ang sakit na dulot no'n dahil mas lumalamang ang sakit na bumabalot sa puso ko.
"Snap out of it, Prescilla. Tama na," pakiusap niya.
"Pagod na pagod na ako, Mizu. Sobrang sakit na." Hindi ko napigilan ang mapahagulgol at muling mapatingin sa direksyon nila.
Pinilit ko ang sarili kong panoorin si Harris na siya namang nakatingin sa mag-ina niya na naglalakad palayo sa kaniya. Ni isang segundo ay hindi kumalas ng tingin ang lalaki na siyang mas nakadaragdag lang sa sakit na idinudulot sa akin.
"Dapat ako 'yon. Para sa akin dapat ang mga tingin at ngiti na 'yon," daing ko sa pagitan nang paghikbi.
Gusto kong kastiguhin ang sarili ko sa kung bakit ganito pa rin ang reaksyon ko gayong nakikita ko na sa harapan ko mismo ang katotohanang gumawa siya ng sariling pamilya habang nakatalikod ako. Nawawalan na ako ng kontrol sa sarili kong isip at puso na hindi na nagtutugma pa ang mga desisyong dapat ay ginagawa ko.
Gusto kong tumigil na, ang gumising na mula sa mahabang pagpapakababa. Gustung-gusto ko nang ibalik ang dignidad ko sa sarili ko na paulit-ulit na inaapakan ni Harris. Gusto ko. Pero hindi ko magawa-gawa dahil ngayon na nasa harapan ko na siya, gusto ko na lang ulit na lumuhod at magmakaawa na tanggapin niya. Handa akong sumugal ulit at ipaalam sa kaniya ang totoong nangyari kahit na walang kasiguraduhan kung paniniwalaan niya ba ako.
Ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa dalawang lalaking naiwan. Nagpapalitan sila ng mga salita na hindi ko magawang mapakinggan dahil sa distansyang nakapagitan sa amin. At bagaman likod lang ni Waldo ang nakikita ko, naroon ang nakakatakot na awra nito. Kuyom ang dalawang kamao at nakakatakot ang uri ng pagdodomina nito na dinadaan niya sa tikas ng tayo.
At hindi na ako nagulat pa ng sa mga sumunod na sandali ay nakaupo na sa basang daan si Harris matapos dapuan ng suntok ni Waldo. Mas dumiin ang pagkakabaon ng kuko ko sa palad ko sa pagpipigil na huwag bumaba para puntahan sila at siguraduhing okay lang si Harris.
"Bababain ko sila," paalam ni Mizu.
"'Wag," maagap na pagtutol ko.
"They might end up strangling each other."
"Hindi mangyayari ang bagay na 'yan," kumpiyansang sagot ko. "Waldo promised. Just a single punch."
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang kumpiyansang naroon sa boses ko nang sabihin ang nga katagang 'yon. Pero alam ko na tototohanin niya ang mga bunitiwan niyang salita.
Itinuon ko ang paningin ko kay Harris. Humakbang pa ako pagharap para paliitin pang lalo ang distansyang mayroon kami nang sa ganoong paraan ay mas makita ko siya. Nagsasalita pa rin si Waldo at bakas sa mabibigat na paghinga niya ang galit sa bawat binibitawang salita.
Kung posible na tumibok sa dalawang magkaibang rason ang puso ng isang tao, ganoon na siguro ang nangyayari sa puso ko. Dahil nang lumingon sa direksyon ko si Harris ay sabay na naramdaman ko ang pagmamahal at sakit. Walang emosyon na mas humihigit sa isa sahil kung gaano ko siya kamahal, ganoon din ang sakit na idinulot niya.
Nakita kong bumuka ang bibig niya pero hindi na umabot sa pandinig ko ang sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang gulat at ang matinding pagkapahiya na ang dahilan marahil ay ang pagkakabunyag ng sikreto niyang noon ko pa alam.
Aligagang tumayo siya at umastang magtutungo sa direksyon ko nang haklitin siya sa leeg ni Waldo para pigilan. Ni isang segundo ay hindi ko inalis ang paningin sa kaniya, katulad kung paano niya tiningnang ang bagong babaeng minamahal niya. At sa buong durasyon na pinanonood ko ang bawat kilos niya, unti-unting lumilinaw sa akin ang butas na iniwan niya sa puso ko.
Puwang na noon ay puno ng masasayang ala-alang laman ay siya at ako. Butas na hindi ko alam kung may pupuno pa ba, o mananatiling butas na lang hangga't hindi siya bumabalik sa akin. Isang bagay na imposibleng mangyari.
Mapait na napangiti ako sa muling paglalandas ng nga luha sa nga mata ko. "Harris..." paos na pagtawag ko sa kaniya. "Mahal kita." Mariing pinunasan ko ang mga mata ko para matitingan siya ng buo. Malinaw na nakita ko ang paghingi ng tawad, ang pagkapahiya, at pagsisisi sa mga mata niya. Na siyang dahilan kung bakit wala pang limang segundo ay nagbabagsakan na naman ang mga luha ko sa mata. "Mahal na mahal kita. Handa akong kalimutan lahat ng nangyari. Kaya kong magsimula ulit na kasama ka. Kaya kong magpanggap na walang alam. Kaya kong magbulag-bulagan. Piliin mo lang ako. Piliin mo lang... ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top