Chapter 8

His Promise

"Sa hotel mo na lang ako ibaba," sabi ko kay Waldo na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Hindi ko siya tinitingnan at nananatili lang ang mga mata ko sa labas ng bintana kung saan patuloy ang pagbuhos ng mahinang ulan. May bagyo pa rin ngunit hindi pa ganoon karamdam sa maynila. At hindi rin katulad kagabi na ramdam na ramdam mo ang bagyo, ngayon ay biglang nanahimik ito.

If this is what they call the calm before the storm, them it should be scary. Wala akong karanasan sa pananalasa ng bagyo ngunit dahil sa nga napanonood ko sa mga balita ay hindi ko na hihilingin na maranasan pa. It's downright scary. Hindi ako takot na mapahamak pero takot akong maranasan ng iba lalo na kapag naging matindi ang pinsala. Lalo na para sa mga taong hirap na nga, mas pinahihirapan pa.

"This weather sucks," I murmured.

The thing about rain is that, it possesses a great quality of making a person sentimental and emotional. The gloomy aura that it has made it easy for someone like me to drown with my emotions. Isabay pa ang tunog na nililikha nito sa bawat pagpatak nito na nagbibigay ng kakaibang epekto sa akin. Malakas man o mahina ang bawat patak, ang pait na dulot no'n ay hindi naiiba.

It sounded like a sorrowful music in a movie. Madilim at malungkot. Na parang hinahanda niya ang mga manonood sa panibagong bugso ng emosyong isang daang porsyentong mananakit sa kanila. The sound it makes lingers like a music from a tiny music box.

I have always believed that rain represents tears. It was nature's way to cry when things are tough. Just like how people shed their tears whenever they feel defeated. Tears that carry the weight of most of their pain but never made it any lighter for them.

Maraming dahilan ang bawat luha ng tao. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ko na mas malaki ang porsyento na ang sakit ang dahilan kaysa sa saya. People are vulnerable when it comes to their emotions, especially women. At kakaunti lang ang may tatag ng loob na sumagupa sa isang emosyonal na laban na hindi bumabagsak ang luha.

Most ended up giving up, shedding tears. And that includes me.

"May condo naman ako. It could accommodate both of us," Waldo said, cutting whatever that was running in my head. "Why still book a room in a hotel?" Mabilis na binalingan niya ako ng tingin na agad rin niyang ibinalik sa kalsada.

"Do I really need to say the reason why?" natatawang tanong ko pabalik. "Ayaw kong kasama ka. At wala akong makitang rason para sumama sa'yo. I know that you saved my life... again. But that doesn't mean you have the right to control me."

Ang inaasahan kong inis na makukuha mula sa kaniya ay hindi nangyari. Bagkus ay bumuntong hininga lang siya bago nagsalitang muli. "Is La Majarica Hotel fine with you?"

Mabilis na tumango ako. "Yes, please."

The familiar route started to welcome our car just a few minutes after our talk. La Majarica Hotel is owned by my cousin. Kaya hindi na ako tumutol pa kay Waldo. It gives me peace knowing that I could just sleep the rest of my night not minding my parents' tail running after me.

Pila ng mga sasakyan ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa limang palapag na hotel ng pinsan ko. Isang bagay na hindi ko inaasahan dahil hindi naman ganoong kasikat ng hotel ni Mizu. Maliit lang 'yon at wala pa sa kalingkingan ng mga nagtataasang gusali na kadalasang makikita sa siyudad.

Mizu wants to keep his chain of businesses low-key, the reason why most of my cousin's establishments are small compared to what he should be building. He's rich, richer that my parents but he never acts like them. Masyadong mabuting tao ang pinsan ko na minsan ay pinagdududahan ko na kung pareho dugo ba talaga ang nananalaytay sa ugat naming dalawa.

"There must be some event or whatever," Waldo murmured.

"In this weather?" I rebutted but he just shrugged his shoulders off as an answer.

Ilang minuto kaming na-stuck sa pila ng mga sasakyan. Mabuti na lang at sa function hall ang diretso ng mga tao na nasa kaliwang bahagi ng unang gusali kaya hindi ganoon karami ang tao sa lobby.

"Prescilla!" a man shouted from a distance.

Mabilis na sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ko nang makita ang pigura niya na papalapit sa direksyon ko. With his arms opened like his own wings, he run at full speed and crushed me with his body.

"You're killing me, Mizu," nahihirapang wika ko. His embrace was tight that symbolizes how much he missed me.

"Wrong, Prescilla," he whispered. "You are the one killing yourself."

Nawalan ako ng imik. Walang ibang nakakaalam ng mga pinaggagawa ko maliban kay Katiya. O marahil ay maging ang mga magulang ko.

Mizu and I last saw each other two years ago. At mas dinadagdagan lang niya ang sakit ng ulo ko sa pag-iisip kung paanong tila may ideya siya sa mga ginagawa ko.

Dahil sa pagiging okupado ng isip ko ay hindi ko na namalayang nagtagal na pala kami sa ganoong posisyon. Kung hindi pa dahil sa malakas na tikhim ng kung sino ay hindi babalik sa katinuan ang takbo ng isip ko.

Kumalas ako kay Mizu na agad rin namang bumitaw. Binalingan ko si Waldo nang maramdamang ang bahagyang pagdikit ng init ng katawan niya sa akin na senyales nang pagliit ng distansya naming dalawa.

"Two room, please," sabi niya na ang paningin ay na kay Mizu.

Ang masungit na timbre ng boses niya ay hindi ko mahanapan ng dahilan. Salubong ang dalawang kilay na humarap ako kay Mizu na siya namang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Agad na nahuli ko ang nanunukso niyang tingin na inilingan ko bilang pagtanggi.

"This way, sir." He motioned his hand towards the direction of the front desk and both of us followed him immediately.

"There must be some event happening in your hotel," puna ni Waldo na nakatingin sa direksyon ng function hall.

"Oh shit!" malakas na mura ni Mizu.

Naguguluhang tiningnan namin siya ni Waldo. Sa ekspresyon ng mukha niya ay mababakas na tila may isang bagay siyang ngayon lang niya naalala. He looks troubled as if there's something that he should avoid.

"May problema ba?" naguguluhabg tanong ko.

Alangan na tiningnan niya ako habang nagkakamot ng batok. "The event... it's hosted by Harris."

Umawang ang bibig ko para magsalita pero naging mahirap 'yon dahil sa kaunting gulat na nararamdaman ko. Ganito na lang ba talaga kaliit ang mundo para sa amin na maski sa ganitong pagkakataon ay pilit kaming pinagtatagpong dalawa?

Biglaang nagulo ang takbo ng isip ko. Ang kasiguraduhang nararamdaman ko kanina patungkol sa pananatili sa lugar na 'to ay biglang naglaho. Gusto kong umalis. Ang tumakbo palayo sa takot na masaktang muli sa oras na makita ang lalaking 'yon na kinuha ang malaking parte ng pagkatao ko.

"May problema ba?" tanong ni Waldo na kababakasan ng pag-aalala.

Maging ang tanong niya ay hindi ko nagawang sagutin. Nakapako lang ang paningin ko sa direksyon kung saan naroon ang lalaking sinaktan ako ng todo.

Nagsimulang bimilis at lumakas ang pagpintig ng puso ko sa kaisipang nasa iisa lugar lang kami dalawa at hindi malabo na magtagpo. Kung kasabikan o ang takot ang dahilan ng eratikong tibok ng puso ko ay hindi ko na alam. Maski ang nararamdaman ko para kay Harris ay hindi ko na mapangalanan.

Ang huling tagpo sa pagitan naming dalawa ay hindi maganda ang pagtatapos. Naroon pa rin ang kagustuhan kong makita siya, ang humingi ng tawad at magmakaawa. Pero hindi na katulad noon na kaya kong magpakababa para sa kaniya. Mas lamang na sa akin ngayon ang kagustuhan na protektahan ang sarili ko at ang kakarampot na dignidad na mayroon ako.

"Puwede naman tayong lumipat sa ibang hotel kung may problema," muli ay pagsasalita ni Waldo na nananatiling nakatayo sa tabi ko.

"Walang problema," mabilis na tugon ko. Ibinalik ko ang paningin ko kay Mizu na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Can I have a room where I can see the entrance?"

"No, Prescilla," mariing tutol niya.

"Come on, brother, I'm fine." Nagpakawala ako ng pekeng ngiti na nasisiguro kong nahalata ni Mizu.

"And there goes your biggest lie." He took a step closer before lowering his head to level it on my right ear. "The party is for his daughter. Kaya mo bang makita 'yon? Kaya mo bang makita na kasama niya ang anak niya at ang babae niya habang dapat ikaw ang nasa tabi niya? Promise me that you won't get hurt then I'll let you stay here for the night."

My vision immediately went blurry with every truth that he's spilling. Malinaw na bumalatay ang sakit sa puso ko na nagpahirap sa aking huminga ng maayos dahil sa tindi ng emosyong idinulot ng mga sinabi niya.

Bumaba ang ulo ko hanggang sa nauwi sa pagkakasandal sa balikat niya. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko sa pinaghalong sakit at galit na sabay ipinaramdam sa akin ng katotohanang dati ko pa tinatakbuhan.

My right hand went up to grab the hem of his shirt and held it tightly for me not to lose my balance. What he said was enough for me to feel weak and defeated. It was more than enough for my wound to open up again making me feel all the pain that Harris had given me during those years that I'm playing dumb about his cheating.

Pinahihina ako ng sakit na ipinararamdam sa akin ni Harris. Binabawi ang lakas ko na lumaban at magmatapang pero alam kong kailangan. Dahil sa ganoong paran ko lang maisasalba ang sarili ko sa pagkakalugmok. Sa pagpapanggap na hindi ako apektado ko lang maipapakita sa kaniya na kaya kong wala kahit ang talagang gusto ko ay makasama siya.

Hindi ko alam kung bakit ako. Kung bakit sa akin kailangan mapunta ang ganitong klase ng buhay. I may be born rich but it never made me happy. I may have all the luxuries in the world, but those just suffocate me. Maging ang taong paulit-ulit kong ipinaglaban at pinili sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ko, ipinagpalit lang din ako.

What if everything in my life had worked in my favor... would I have a different story? Would I be happy?

Unti-unting nabura ang pekeng ngiti sa labi ko habang ang panlalabo ng mga mata ko ay patuloy na lumalala dahil sa mga luhang pilit na kumakawala. I composed myself and mentally toughened my heart and mind as if I was not hurt just a moment ago. "I was fine with him cheating while we were still in a relationship. I should be fine now that we are not together anymore and he's openly showing his family, right? Right, Mizu?"

He stared at me with his eyes filled with emotion. There was an obvious anger on it that was mixed with thick worry. Naroon din ang awa na alam kong para sa akin.

"Two rooms on the north, Pam," walang lingon na sabi niya sa babaeng nasa front desk.

Marahan siyang lumapit at muli akong ikinulong sa mga bisig niya. Sa ganoong kalapit na distansya ay nagawa kong marinig ang kaniyang pagbuntong-hininga. "Drinks on me, tonight."

***

"I'm confused," Waldo said, finally breaking his long silence.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pananahimik niya kanina sa buong durasyon nang pag-uusap namin ni Mizu o ang mailang dahil sa panibagong pagkakataon ay nasaksihan niya na naman kung gaano ako kababa pagdating sa lalaking mahal ko.

He may be silent the whole time but I know that he became more curious about me.

"Curious about what?" tanong ko sa tono na tila balewala lang ang mga nangyari kanina.

Pinangunahan ko siya sa pagpasok sa loob ng elevator na agan naman niyang sinundan. I chose to stand with enough distance between us. Pinanatili kong nakapako ang paningin ko sa metal na pintuan ng elevator. At dahil sa nasa maliit na espasyo lang kami, walang hirap na nakikita ko ang bawat pagkilos niya.

"That Harris that you were talking about..."

Ramdam ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko nang marinig muli ang pangalan ni Harris. Kinakailangan ko pang lumunok para maging maayos ang pagsasalita ko. "What about him?"

I saw him wet his lips that was followed by him clearing his throat. Mula sa repleksyon niya na kaharap ko ay sinalubong ko ang mga mata niya na walang kahirap-hirap niya hinuli. "Is he the Harris that I know?"

Nagtalo ang isip kung dapat ko bang sabihin sa kaniya at ipaalam ang pagkakakilanlan ng taong pinag-uusapan namin. I don't want to cause havoc between them. Wala namang kinalaman ang kung anong koneksyong mayroon sila sa isa't isa sa mga nangyari sa amin ni Harris.

"Should I give you an answer that will save an investment or an answer that will break a contract?" I answered cryptically.

I watched how his expression changed. And how his lips formed into a smirk. Napalitan ang kaguluhang naroon sa mga mata niya kanina at ngayon ay napalitan na ng rekognasyon. "Looks like I will lose a business partner," he said chuckling.

"Don't tell me you're breaking a contract with him?" I asked in disbelief.

Balewalang nagkibit-balikat lang siya na para bang hindi ganoon ka-big deal ang pinag-uusapan naming dalawa. Salubong ang dalawang kilay na lumabas ako ng elevator. Agad din naman siyang sumunod sa akin pero ramdam ko rin ang agad niyang paghinto. "It's just money. I can find another company to invest. And I don't work with a trash. Oo nga at malaking kawalan ang companya niya na dapat at kukuha ng supply mula sa mga prutas na isinasaka ko pero kung ganyang klase ng pagkatao, huwag na lang. If he's not man enough to take responsibility of his action, how will he take care of other things? Mahirap magtiwala sa taong katulad niya. He's a coward. A man without balls."

Naiiling naiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad. Na agad ding nahinto nang dugtungan niya ang akala ko ay tapos ng sasabihin niya.

"Plus, he hurt you. That alone is enough for a reason."

Ang malumanay at payapang tibok ng puso ko ay nabulabog at nagulo sa biglaang pagbilis ng tibok no'n. Kung gulat ba ang dahilan o kung ano pang ibang rason ng eratikong tibok no'n ay hindi ko masiguro.

"Paanong napasok ako sa padedesisyon mo?" kunot ang noo na tanong ko. Hindi ko siya nilingon at nanatiling diretso ang tingin sa pasilyo. "Kung ano mang issue ko sa taong 'yon, labas na roon ang usapan niyo."

"I know. But it won't work anymore." Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko lalo na nang magsimulang muli sa paglalakad si Waldo palapit sa direksyon ko. "Should I crash him down? Should I turn his money into ashes? Hindi man ako kasing yaman ng gagong 'yon pero kayang-kaya ko pa ring gawin ang mga pagbabanta ko."

"Ano bang pinagsasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Marahan akong umikot para para matingnan siya. At gano'n na lang ang pagsalakay ng kaba sa puso ko nang mabungaran ang madilim na ekspresyon ng mukha niya. His aura speaks of danger. His sharp eyes became ruthless as if he can do merciless things without even having a second thought about it.

I began to feel fear and uneasiness upon seeing him. No, it's not because of what he could possibly do. Nor because of how scary he looks. But because I began to see my parents in him. That same look on their faces and how ruthless they seem was the exact same thing that I am seeing on Waldo right now.

Kusang humakbang ang paa ko para para umaatras at lumayo sa kaniya. Hindi ko gusto ang nakikita ko. Ayoko ng pakiramdam na nararamdam ko habang nakikita siyang tila repleksyon ng nga magulang ko. I'm running away from their grip. But now, I feel like I am back again from zero. Hindi ko intensyon na husgahan siya gayong hindi ko siya kilala. Pero hindi ko maiwasan lalo na at buong buhay akong namulat sa ganoong uri ng mga tingin at emosyon.

"I could be ruthless if I want to. I could destroy a life in a split second. Just give me your permission. Just a single yes."

"No, you are not going to do that," mabilis at mariing pagtutol ko.

Ang mapanganib na tonong gamit niya ay naghahatid ng takot sa akin. Ang dating sa akin ay walang pagdadalawang isip niyang isasakatuparan ang suhestiyon niya oras na bigyan ko siya ng permiso. Hindi ko kilala ang pagkatao niyang ito kaya naroon ang takot sa parte ko na baka totohanin nga niya ang mga sinasabi niya. At hindi 'yon ang gusto ko. I don't want to take revenge for it will do me nothing but a reciprocated pain. Dahil alam ko na hindi lang iisang tao ang madadamay. Na mayroong isang inosenteng buhay na maaapektuhan.

Nakita ko ang mas pagdilim pa ng mukha niya at ang pagsasalubong pang lalo ng mga kilay niya. Maging ang pag-igting ng panga niya ay nasundan ko rin ng tingin.

Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan ng galit niya. O kung may mali ba sa nasabi ko para magresulta ng ganitganito reaksyon mula sa kaniya. Mas dumiin ang pagkakalapat ng tingin niya sa akin na para bang may bagay siyang gustong kumpirmahin.

Mukha rin siyang mas galit kung ikukumpara sa nakikita ko kanina. Pero ano ang dahilan?

"Why not?" he asked using his menacing voice. And even if I want to avoid staring back at him, I just found myself being drawn to his eyes. "Dahil ba mahal mo pa siya? Dahil ayaw mo siyang mahirapan sa kabila ng panlolokong ginawa niya sa'yo?" natatawang dugtong niya.

"Nababaliw ka na ba?" Nagpakawala ako ng isang sarkastikong tawa dahil sa tinuran niya. "Oo nga at may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Oo at sumasagi pa rin sa isip ko na puntahan siya at magmakaawa. Pero hindi 'yon ang dahilan." Kumuyom ang dalawang kamay ko sa pagsagi ng katotohanang mayroon madadamay na bata kung maghihiganti man ako. "May anak siya. At sa oras na may gawin ka sa kaniya, madadamay at madadamay ang bata. One child..." Nagtagis ang bagang ko nang biglang napuno ng luha ang mga mata ko sa pagpasok ng memorya ng anak ko. "One child is enough. I don't want to make another innocent child suffer in my hands."

Ang matigas na ekspresyon sa mukha niya ay unti-unting lumambot hanggang sa tuluyan nang napawi ang galit at bagsik no'n. I almost sighed in relief when the Waldo that I am familiar with started to appear in front of me again. Gone his ruthlessness.

"I won't do anything that would affect the child. That's a promise," he said with finality. "But I won't promise that I would not throw a punch. Just a single punch."

L Y N C E N O

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top