Chapter 7
His Involvement
"You were almost caught on fire," he said while looking at the same landscapes in front of me, us.
"I did not know it would go that far. Suffocation was what I wanted, not burning myself along with my house," I answered.
Napapikit ako nang humampas ang malamig na hangin ng gabi sa balat ko. Pinararamdam sa akin ang kapayapaang dulot niyon. Mas ibinalot ko ang sarili ko sa kumot na ipinagamit sa akin ni Waldo kanina bago kami lumabas ng private room na inookupa ko sa ospital na ito.
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magulat dahil siya ang nabungaran ko kanina o ang magtaka dahil sa presensya niya gayong wala namang dahilan para lumapit pa siya sa akin gayong nilinaw ko na ng ilang beses na pinuputol ko na ang koneksyon ko sa kaniya. I just kept my mouth closed and let him do whatever he wanted.
Nakararamdam pa rin ako ng panghihina dahil sa mga bagay na nangyari kagabi kaya nang dalhin niya ako rito sa rooftop ng ospital kung nasaan kami ngayon ay kinakailangan ko pang maupo sa wheelchair.
What happened last night was unexpected. I thought that I had everything under control and that I wouldn't be harming myself. Ang maliit na apoy na nagmumula sa uling na binili ko para gumawa ng usok na magpapahirap sa paghinga ko ay mas nagbaga pa dahilan para lumaki ang apoy hanggang sa masunog ang kalahati ng bahay na tinitirhan ko.
Because the house I was living in was old and most of the materials were fragile, everything caught on fire making a fire broke out. Mabuti na lang at agad na naapula bago pa man may madamay na iba.
"Why do you keep on harming yourself, Hope?" puno ng kaguluhang tanong niya.
Mabilis na nanubig ang mga mata ko sa mabilis na sagot na nabuo sa isip ko. But I forced myself not to cry and just diverted my attention towards the gloomy ambiance of the night sky.
I felt my heart started beating at a faster pace when a start greeted me. Maulap ang kalangitan, at hindi malinaw na nakikita ang buwan. Pero kakatwang may iilang bituin pa ring makikita. At ang isa ay tila sadyang nagpapakita. I was never fond of stargazing. I even find it boring. But ever since the night that I had lost my child, I made myself believe that he was one of those stars lighting the dark sky.
"Do you think my child is there? Watching over his mommy who did nothing but to try methods of killing herself?" I asked unconsciously.
Sa gilid ng kaliwang mata ko ay nakita ko kung paano siya natigilan dahil sa sinabi ko. Bumaba ang paningin niya mula sa harapan patungo sa akin ngunit hindi ako naglakas loob na tingnan din siya.
"May anak ka?" tanong niya habang pilit na ikinukubli ang gulat sa boses.
A bitter smile formed on my lips as I slowly nodded my head as an answer. "I was not given a chance to be his mother though. They took him away from me. They forced him out of my body."
"Pero bakit kailangan mong parusahan ng ganito ang sarili mo?"
I shrugged nonchalantly as if his question has no effect on me. "Because I am at fault, too." Malalim akong huminga matapos ay pilit na nakikipagtitigan sa bituin na unti-unti nang tinatakpan ng ulap. "Dapat ginawa ko ang lahat para masiguro ang kaligtasan niya. Kaso hindi, dahil alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kaniya. I wanted to convince myself that I've tried enough to keep my hold on his firm to protect him. Pero nabigo pa rin ako. Bumitaw pa rin ako."
"Was that the reason why you're punishing yourself by slowly taking your own life? Was that it?" he asked in a sarcastic voice.
Marahan akong tumango. Ngunit dahil din sa paggalaw na ginawa ko ay kasabay na bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. My tears won't get tired from falling. Its warm feeling whenever it escapes my eyes always reminds me of the pain that never left me.
Gusto kong tumigil na sa kakaiyak. Sawa na ako sa paulit-ulit na lang na sitwasyong kinasasadlakan ko sa tuwing nauuwi ang usapan sa ganito. I wanted to let my child rest in peace and stop tormenting myself about something that I couldn't change. Ilang buwan na ang nakalipas kung tutuusin pero ang sugat ay ganoon pa rin.
"It's hard to make people understand my reason for you don't feel what I am feeling." Pinunasan ko ang luha ko na ngunit bigo akong tuluyang tuyuin ang magkabilang pisngi ko. "It was never easy to cope knowing that there's no one waiting for you at the finish line of the race. There would be no home that awaits you after a tiring emotional battle. Why bother live when there's no reason to?"
"What about his father?"
Another bitter smile appeared on my face. But this one's different, it was coated with pity and regret. Pity for myself that I let a couple of years pass by with Harris deceiving me.
"He got busy creating a family of his own, neglecting me and our child."
Pilit ko mang itago ang sakit sa boses ko, nasisiguro kong narinig niya 'yon. Hindi ako si Katiya na walang hirap na naitatago ang mga emosyon niya. Mahirap magpanggap na okay lang at parang balewala lang lalo na kung masakit pa rin kahit buwan na rin ang lumipas.
Nakakahiyang magkuwento ng personal kong buhay sa iba dahil wala namang magandang puwedeng ibahagi sa kanila. I was not proud of my past nor the experiences that I had. But I could feel myself being comforted for the first time in a while sharing my misery with a person I barely know.
It gave me relief that somehow, my words still have value to someone. Words that are worth listening. Dahil buong buhay ko, pakiramdam ko ay wala akong boses. Na walang silbi ang lahat ng sasabihin ko dahil mas tama ang bawat dikta ng mga magulang ko. They never gave me a chance to speak what was in my mind. They never listened. Both of them just shut me out even before I could even say something.
At ngayon na may taong handang makinig, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nagkakaroon ng importansya.
"Gago naman pala." Mahina siyang natawa at napayuko sa sariling paa.
"Hmm. Gago nga." Tumatangong pagsang-ayon ako. "Masakit na binawi agad sa akin ang anak ko na hindi ko man lang nakikita maski ang dulo ng buhok niya. Pero mas masakit na nasasaktan akong mag-isa habang ang taong inaasahan kong aalalay sa akin ay wala at may kasamang iba. It was devastating. Especially if he's putting all the blame in me, not seeing his fault in our story."
"Pero hindi pa rin tama na nagpapakamatay ka."
Napayuko ako sa kawalan nang pag-asang maiintindihan niya ako. Why do I even want to convince him in the first place?
It's just the same with everyone going through the same pain that I am experiencing. There's no use making them understand. Ulit-ulitin ko man. Isigaw ko man nang isigaw. Mananatiling bulong pa rin sa pandinig nila ang mga bagay na gusto kong iparating. Mahina at hindi maririnig.
"Sa tingin mo nag-iinarte lang din ako? Katulad din ba nila, iniisip mo na ang babaw-babaw ko?" nananantiyang tanong ko.
"Hindi," mabilis na sagot niya, taliwas sa inaasahan ko. "Hindi ko man naiintindihan ng lubusan, alam ko na hindi madali. People are quick to judge. They get way too ahead of the story thinking that what they have in mind was the exact description of what people like you feel. Hindi ko sinasabi na lubos na naiintindihan kita. Pero alam ko na mahirap ang pinagdaraanan mo na kailangan pang humantong sa ganito." Ibinaba niya ang lebel ng katawan niya para magawa niyang mapagpantay ang mukha naming dalawa. Both of his arms were rested on both side of my wheelchair, caging me in between. "Kailangan mo ng makakausap. Kailangan mong ilabas ang mga bagay na gumugulo sa isip mo. You need to clear everything that has been hurting you for you to move forward. The first step may be hard, but I got your back. Hindi mo na kailangang lumaban ng mag-isa."
***
"Saan ka ngayon titira?"
Nanatili akong nakatingin sa mga nagsasayawang puno sa labas ng bintana ng kuwartong okupado ko. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at umastang wala ako naririnig. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Katiya nang hindi ako sumagot sa kaniya. Wala rin naman akong isasagot lalo na ngayon na hindi gumgana ang utak ko.
Mas minabuti kong panoorin na lang mararahas na pagbayo ng mga sanga ng puno at ang pagtatalsikan ng mga butil ng ulan sa salamin. Parang kanina lang nang nasa rooftop kami ay payapa ang kalangitan. Ngunit ngayon na mas lumalalim pa ang gabi ay palakas na nang palakas ang hangin at ulan.
According to the news, there's a storm entering the country any time soon. And here I am, stuck in this room with my head filled with confusion and questions.
"I could let her stay at my place," singit ni Waldo sa usapan.
Sa sinabi niyang 'yon at nakuha niya ang atensyon ko. "Puwede bang iwan mo muna kaming dalawa ni Katiya?"
Mabilis na namuo ang pag-aalangan sa mga mata niya ngunit sa kabila no'n ay tumango siya. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa kuwarto.
"Bakit mo sinabi sa kaniya ang plano ko?" agad na pagkompronta ko kay Katiya.
Binalingan niya ako gamit ang malamig niyang mga mata. "Dahil wala ako nang mga panahon na 'yon para sagipin ka oras na may maling mangyari. Na nangyari na nga."
Ang sagot na inaasahan kong magbibigay kapayapaan sa isip ko ay mas nagbigay lang ng panibagong tanong. Nagpatong-patong na ang mga bagay na gumugulo sa akin. Nagiging tambak na ang mga bagay na pumupuno sa isip ko na imbes na mabawasan, patuloy lang na nadaragdagan.
"Paano mo siya nakilala?" muli ay tanong ko.
"Nakita ko siyang lumabas sa bahay mo nang araw na pupuntahan sana kita. Kinuha ko ang numero niya para bukod sa akin ay may nakakaalam kung may nangyari na ba sa iyo na masama."
Nagsalubong ang kilay ko sa kalituhang nararamdaman ko na dulot ng mga sinabi niya. Alam niya ang gusto kong mangyari, na tapusin ko ang sarili kong buhay. Alam niya pero bakit ngayon parang tumututol na siya?
Hindi man niya supurtado ang lahat nang ginagawa ko at madalas na tutol siya sa desisyon ko. Pero alam ko na naiintindihan niya ang pinangagalingan ko at siya rin ang madalas na naghahanap ng malilipatan ko sa oras na may plano ako.
Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin at bigla ay nagbago ang takbo ng isip niya? Bakit parang imbes na tulungan ako ay pumipigil na siya?
"Akala ko ba naiintindihan mo kung bakit ko ginagawa 'to?" naguguluhang tanong ko. "Kaya nga ikaw ang madalas na pinagkukuhanan ko ng mga bagay na kakailanganin ko."
Naupo si Katiya sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Ang mga paa niya ay nanatiling nakaapak sa sahig at maliit na bahagi lang ng katawan niya ang nakadantay sa kama.
Bumuntong hininga siya at tumingala sa kisame kasabay nang paghalukipkip niya. "Naiintindihan kita, Prescilla. Kahit ako, dumaan din ako sa punto na ayaw ko na at gusto ko na lang na mawala. Pero pinili kong lumaban, sa maling prinsipyo at dahilan, para mabuhay."
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
Umiling siya bilang pagsagot na tila dismayado sa mga bagay na sasabihin niya. "Delikado akong tao. Wala akong ibang makitang paraan para mabuhay kundi ang galit sa puso ko. Pumasok ako sa isang mundo na ang tanging pagkitil ng buhay ng ibang tao ang paraan para matunton ko ang taong pinaghihigantihan ko."
"Katiya..."
"Kaya hindi ko man magawang sagipin ang sarili ko sa sitwasyong kinasasadlakan ko, ikaw man lang sana ang matulungan ko." Binalingan niya ako ng tingin at hinawakan sa kamay gamit ang mainit niyang palad. "Alam ko na mahirap. Sobrang hirap lalo na at emosyon at isip ang kalaban mo. Pero subukan mo, Prescilla. Subukan mong humanap ng dahilan para mabuhay. Kahit hindi na para sa ibang dahilan. Kahit para sa anak mo na lang."
Nanikip ang dibdib ko sa tindi ng emosyong ipinaramdam niya gamit ang mga salita niya. Wala mang kaakibat na emosyon ang boses at ang bawat lapat ng tingin niya sa akin, ang mga salitang ginamit niya na mismo ang nagbubunyag ng mga emosyong hindi niya maipakita.
Hindi ko namalayan ang pag-alpas ng luha sa mga mata ko sa naghalo-halong mga emosyong nararamdaman ko. Kung hindi pa umangat ang kamay niya upang alisin ang luha sa pisngi ko ay hindi ko malalaman na umiiyak na pala ako.
"Gusto kong ngumiti para kumbinsihin ka pero hindi ko kaya," diretso ang tingin sa mga mata ko na sabi niya.
Nauunawaang tumango ako para iparating na naiintindihan ko siya nang higit pa sa mga salitang sinabi niya. Pilit na pinigilan ko ang luha sa mga mata ko para mas matitigan siya.
The Katiya in front of me was new and someone I never saw in my years of being friends with her. Palaging bilang ang mga sinasabi niya at ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng anumang emosyon sa mga salita niyang kadalasan ay pabalang. Pero ngayon, iba ang epekto sa akin.
Gusto ko siyang kilalanin pa. Na magtanong ng mga bahay na mas maglalahad sa akin ng nakaraan niya. Pero takot ako na baka hindi pa ako handa sa kung anumang malalaman ko. Katiya's past scares me. Especially that its effect on her is evidently showing on her stoic face and cold eyes.
She always makes me curious about who she was and who she is now. Malaki ang koneksyong mayroon siya at marami siyang bagay na nagagawa. Tila wala rin siyang takot sa mga bagay kahit ba ang ibig sabihin no'n ay magiging makasalanan siya at madusungisan ang mga kamay niya.
Katok ng pinto ang pumutol sa pag-iisip ko. Sabay na napabaling kami sa pinto nang bumukas 'yon at iniluwa si Waldo na may dalang dalawang kape at isang plastic na mansanas ang laman.
"Coffee." Inabot niya ang isa sa dalawang kape na hawak niya kay Katiya matapos at dumiretso sa tabi ko.
Inilapag niya ang mansanas maski ang kape sa lamesang nasa gilid ng kinahihigaan ko.
"Aalis na ako," paalam ni Katiya.
"Bakit?" naguguluhan na tanong ko. I expected her to stay until tomorrow for my discharge.
"May kailangan akong gawin." Tumayo siya mula sa pagkakasandal sa lamesa matapos ay nagtungo na sa pinto. "Huwag ka nang uulit, Prescilla." Direkta niya akong tiningnan sa mga mata at kakatwang nakita ko roon ang pagbabanta.
"Ingat," paalala ko. Hindi siya sumagot at nagkibit-balikat lang.
Katahimikan ang siyang namayani sa pagitan namin ni Waldo nang umalis si Katiya. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana upang maiwasan na makausap siya.
I don't want to have another conversation with him. I am tired, physically and much more mentally. 'Yong pakiramdam na ang daming bagay na tumatakbo sa isip mo at ang dami mong gustong gawin pero pinipigilan ka ng sarili mong katawan. Marami kang gustong isakatuparan pero hindi mo alam kung paano sisimulan.
I couldn't function. I couldn't seem to find the best answer that would solve all of my problems. And I felt useless knowing that I did nothing but to cause trouble for the people around me. I wanted to surrender and just let anyone control me like a puppet with stings all over her hands and limb.
But I am damn tired of that. Gusto ko na magkaroon ng laya mula sa gapos na nakakabit na sa akin mula pagkabata. Gusto kong kumawala at mabuhay ng naaayon sa gusto ko. Ginusto ko noon... pero kabaliktaran ang nangyayari ngayon.
Imbes na bagong simula ay wakas ang tunatahak ko. Taliwas sa laya, panibagong kulungan ang kinabibilangan ko. Nakakasakal. Sobrang nakakasakal na sa bawat hakbang na gawin mo ay walang tama at puro kamalian lang. Para kang binibitay ng paulit-ulit habang nalalantad sa'yo ang reyalidad na anumang pantasyang buuhin mo sa isipan mo, mapait pa rin ang mundo para sa'yo.
"We're under signal number two because of the thunderstorm," Waldo said, informing me. "We'll be staying at my unit for the meantime when you are discharged tomorrow."
Tango lang ang tanging naisagot ko. Naging okupado ang isip ko sa pag-iisip ko kung nakarating na ba sa mga magulang ko ang tungkol sa ginawa ko. They have me tailed by one of their men to give them updates about my schemes and whereabouts. Alam nila ang mga pagtatangka ko sa sarili kong buhay kaya gano'n na lang ang determinsyon nilang ibalik ako sa bahay nila. Of course, for their own benefit and not because of my wellbeing.
Sila naman ang puno't dulo ng lahat kaya hindi nakagugulat malaman ang kakayahan nila. I've experienced the worst in their hands.
"Matulog ka na para makapagpahinga ka."
Inalalayan niya akong makahiga ng maayos ngunit nananatiling wala sa kaniya ang paningin ko. I've focused my eyes on the ceiling because of the sudden awkward feeling lurking inside me now that we were left alone.
I feel uneasy because of the conversation that we had earlier. Pakiramdam ko ay mas nakilala niya ako, na hindi ko dapat hinahayaang mangyari. Sa ginawa kong pagbabahagi ng nakaraan ko sa kaniya, binibigyan ko na siya ng karapatan na mas kilalanin pa ako ng higit pa.
"Stop getting involved in my life, Waldo, please," mahinang bulong ko
Sa unang pagkakataon mula nang maiwanan kaming dalawa rito, tiningnan ko siya. Walang hirap na sinalubong niya ang mga mata ko gamit ang abuhin niyang mga mata.
Our faces were only a few inches apart and his warm breath was already fanning my face. Ilang sandali lang ay bahagyang nanliit ang mga mata niya kaya kusang kumilos ang mga mata ko pababa para kumpirmahin ang dahilan ng paninigkit niya.
And there, his red lips that perfectly suited the square shape of his face were now formed into an innocent smile.
"Too late, Prescilla Hope," he whispered back. "I am very much willing to get more involved in your life, baby."
L Y N C E N O
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top