Chapter 5
Lies
"Ano pang kailangan mo?" Katiya asked while pushing the cart for me.
We're at a random mall's supermarket a few blocks from my apartment. I was supposed to go alone, but Katiya surprised me with her presence behind my door. Mukhang naninigurong buhay pa ako matapos ang nangyaring engkuwentro sa mga magulang ko.
I silently looked at the cart she's pushing. There were lots of things inside that were mostly composed of table cloth, a lighter, and packaging tape. Mayroon ding laman na lubid na dalawang metro ang haba.
Only a few spaces of the cart were occupied by foods and beverages that I needed for my supplies. Wala na rin naman akong balak na mag-stock pa ng mga pagkain dahil plano ko nang umalis sa tinutuluyan ko pagkatapos nang gagawin ko sa susunod na araw.
Ayaw ko nang magtagal pa roon dahil hindi malabong bumalik ang mga magulang ko para sapilitan na naman akong kuhanin. Ayaw ko na sa sakit ng katawan kapag tumakas ako kaya ako na ang lalayo para wala nang gulo.
"Puwede na 'yan," sagot ko.
Pasiring na inalis niya ang tingin sa akin bago nagpatiuna sa paglalakad patungo sa counter ng supermarket. "Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak mo. Kung gusto mong tapusin na, eh 'di, tapusin mo na. Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo? Samantalang sa iisang direksyon lang naman ang tinutumbok ng mga pinaggagawa mo?"
Pagbuntong hininga na sinabayan ko ang paglalakad niya. Hindi ito ang unang beses na napag-usapan namin ito pero parang wala siyang kapaguran sa pagtatanong. "Kasi gusto ko na sa gagawin ko, mabubura ang kasalanang nagawa ko."
Naiiling na sumagot siya sa akin. "Buburahin mo lang ang isang kasalanan gamit ang isa pang kasalanan. Walang punto." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Mahigpit na hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang mariing nakatitig sa aking mga mata. "At kung tama ang pagkakatanda ko, wala kang kasalanan sa mga nangyari sa nakaraan mo. Kung mayroon mang may dapat na magbayad, ang mga magulang mo 'yon."
"Mayroon akong kasalanan," pagbibigay riin ko, puno nang pagtutol sa kaniyang opinion. "The moment I surrendered my fight, and that exact moment I let them rule me, that's when everything ended in my own hands."
Natigilan siya ngunit nanatiling nakatingin sa akin. Bagaman walang bakas ng emosyong mababasa sa mukha niya, ramdam ko ang hindi niya pagsang-ayon sa aking eksplanasyon. "Nababaliw ka na."
"Why are you helping me then?" naguguluhang tanong ko. "Katiya, mas marami kang pagkakataon na iwan ako kaysa sa manatili. Alam mo rin iyan sa sarili mo. Hindi mo ako obligasyon at hindi mo rin obligasyon na tulungan ako sa lahat ng bagay. But here you are, going grocery shopping with me."
She looked away. "Dahil alam ko ang pakiramdam na wala kang mahingan ng tulong. 'Yong mag-isa ka lang. Alam ko dahil dumaan din ako sa ganoong punto. Pero may pag-asa ka pa, maililigtas ka pa kung bubuksan mo lang ang iyong isip at mga mata."
Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya. I knew what she meant with her last words. Nararamdaman ko rin 'yon sa sarili ko dahil sa mga iilang paglakataon na nangyari 'yon dahil sa isang tao.
But saving someone should be a two-way street. It would never work if one party isn't cooperative. If the person you want to give a helping hand refuses to be helped, then it's useless. That person would never reach your hand and will never allow herself to be lifted from his or her drowning state.
Just like me.
I say no to being saved.
I've questioned everything that had happened in my life multiple times. Kasi, bakit sa akin pa? Bakit kailangang sunod-sunod ibuhos sa akin lahat hanggang sa umabot sa punto na hindi ko na kaya?
I was young. I was fragile. I knew nothing about life, but I had a big dream for my child. But fate was never on my side. It never let me have the liberty to be me and live my life the way I wanted it to be.
Marahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin bago nagsalita. "There's no way out of this unless it's my life that will end everything."
Gamit ang malalamig na tingin ay pinakatitigan ako ni Katiya. She crossed her arms over her chest and stared at me with no emotion on her face.
She always acts cold... and distant. Katiya often acts as if she doesn't care, for a clear reason that she actually doesn't. But at times like this, I knew that Katiya was a friend who was concerned over me.
Hindi man niya kayang ipakita o maisalin sa salita, I know deep inside her there's a small amount of worry that she feels towards me.
"Alam kong wala akong kakayahang baguhin ang takbo ng isip mo. Pero gusto ko na bago mo gawin ang mga plano mo, sabihin mo muna sa kaniya ang totoo." Tinaasan niya ako ng kilay habang pilit na isinasaksak sa isip ko ang mga bagay na sinasabi niya. "Karapatan niya 'yon. Karapatan mo rin 'yon."
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya pero ang isip ko ay may sagot na para sa suhestiyon niya.
Telling him wouldn't make any difference. Or maybe if it does, it wouldn't be the same anymore. It would never bring us back together. We would never go back to the way we used to be.
Hindi na puwede. Malabo na mangyari. Because what happened already left a mark on each of our own lives. Our relationship was already tainted by the permanent scars I've created for the both of us.
This tragic incident would be forever engraved on our hearts and minds down to our souls, tainting our beautiful memories together. It would never be forgotten no matter how many decades may pass.
Just like a crumpled paper and a broken glass, no matter how hard you try and even though you're persistent in making it the same as before, it would never be back to its original form.
I knew that me and Harris would eventually fall apart, even without the sin I have committed. I knew that one day all secrets would just come out and break us.
Mas napaaga lang dahil sa mga nangyari sa akin. Mas bumilis lang ang proseso dahil sa pagkawala ng anak namin. Kaya kahit alam ko na may karapatan din akong manumbat ay hindi ko na ginawa dahil mas malalim ang sugat na iniwan ko sa aming dalawa.
"I would see him the day after tomorrow, again," I said, informing her about my plan for the following days.
With her face still void of any emotion, she looked at me. "Sasabihin mo ba sa kaniya?"
"Hindi," mabilis na sagot ko
"Tanga ka kung gano'n." Tinalikuran akong muli ni Katiya ngunit hindi siya agad naglakad. Sa ganoong posisyon ay idinugtong niya, "Prescills, sa bibig mo na rin galing noong una pa lang, ayaw mong may pagsisihan. Kaya bakit mo itatago ang katotohanan sa kaniya? Hindi mo pa naman ginagawa ang lahat, kaya bakit sumusuko ka na?"
Nagkibit balikat lang siya at nauna na sa paglalakad. Hindi na rin ako kumibo pa at sumunod na lang sa kaniya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko. I was taken aback by her lengthy words as she never graced me any of her wisdom snd advices.
We are two different people, Katiya and I. Our opinions differ and our beliefs don't match one another. No matter how we contradict someone because we think that what they're about to do was not right, if the person wad close minded, he or she would never hear our opinion even if we scream for it the loudest.
"Ako na ang magbabayad." Pinigilan niya ako sa akmang paglabas ko ng pitaka sa drawstring bag na dala ko. "Itabi mo na lang 'yan. Kailangan mo pang maghanap ng lilipatan."
"May pera ako, Katiya," kunot ang noong sagot ko.
"Alam ko. Pero mas may pera ako kaya tumahimik ka na lang at makinig sa akin," walang buhay, hindi nagyayabang, na pagkontra niya sa akin.
Sasagot pa sana ako para kontrahin siya nang balingan niya ako gamit ang malamig niyang mga mata. Hindi ako naapektuhan no'n ngunit nasisiguro kong naapektuhan ang mga taong hindi nakakakilala sa kaniya.
She's one hell of a scary woman. Dahil man sa mga mata niya, sa madilim na awrang bumabalot sa kaniya, o dahil sa nagyeyelong boses niya. Nakakatakot siya kahit saang anggulo tingnan. And the woman over the counter is the proof of it. Namumutla na ngayon ang babae na puno nang pagmamadaling nagpa-punch ng mga binili namin para marahil ay makaalis na kami.
Her reaction wasn't exaggerated but the truth about how scary Katiya could be.
"Natatakot na si Ate sa'yo," bulong ko kay Katiya.
Mabilis na sinulyapan niya ang babae bago bumalik ulit sa paglalagay ng mga pinamili namin sa counter. "Mukha bang may paki ako?"
Naiiling na tinulungan ko siya sa ginagawa. "Paano kapag nagkaanak ka na? Ganiyan ka pa rin kaya?"
I saw her momentarily stopped with my words. Ang kaninang tape na hawak niya ay unti-unting dumulas sa kamay niya hanggang sa tuluyan na niyang nabitawan iyon.
"Hindi ako magkakaroon kahit isa," sagot niya matapos ang ilang minuto. Nagpatuloy siya sa ginagawa ngunit sa pagkakataon na ito ay nanatili na lang sa kaniyang kamay ang paningin niya. "Ayokong bigyan ng masalimuot na buhay ang magiging anak ko."
"How would you know that? Hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap."
She stood up straight and directly looked at my eyes using the cold and lifeless pair of hers. "Alam ko ang pakiramdam. Siyempre malalaman ko dahil gano'n ang pinanggalingan ko."
Hindi ko naramdaman ang takot. I could read clearly behind every word of each line she said. Madali lang din namang pagtagpi-tagpiin.
Pero hindi ko na rin hinayaan pa ang sarili ko na maghangad na malaman pa ang buong kuwento. For sure, wala rin naman ako mahihita sa kaniya dahil masyado siyang masikreto.
Katiya dropped me off. But I didn't spend more than a minute in my place and went outside again.
"Hi, Miss Priscilla!" masayang bati ng guard na nadaanan ko papasok sa loob ng building na sinadiya ko. "Ang tagal mo nang hindi napasyal, hija."
Flashback of my memories with Harris immediately filled my head. Nasa parking lot pa lang ako, kausap si manong na madalas na bantay, pero nalulunod na agad ako sa mga masasayang memoryang minsan naming pinagsaluhang dalawa.
"Kumusta, manong?" tanong ko sa pilit na pinasayang tono.
"Tumatanda na, hija. Ikaw ang kumusta?" magiliw nitong tanong sa akin.
I let out a fake smile when I looked up to meet his stares. "Busy lang po," pagsisinungaling ko
"Gano'n ba? O siya sige, pumanhik ka na sa unit ng nobyo mo. Nako, kailan kaya kayo ikakasal no'n?"
Hindi na ako sumagot pa at ngumiti na lang. The moment I faced the familiar hallway, my heart started to constrict in pain.
Our images came into view as if it only happened yesterday. How he took care of me as I entered his car, how he would carry the groceries with one hand while his vacant arm possessively wrapped around my shoulder. The sound of our laughter echoed in my head when I announced my pregnancy to him, in this same parking lot where I am currently standing.
Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Kung nang mga panahon na 'yon ba, may mali na? O kung sa nga oras na 'yon ay nakatakda na talaga na putulin din ang panandalian saya? O kung saka-sakali ba na sa ibang pagkakataon ko nalaman ang mga bagay na naging mitsa ng lahat, magsasanga pa kaya ang problema naming dalawa?
Sa mga hakbang na ginawa ko ay siya ring pagbigat ng bagay na dumadagan sa dibdib ko. Nilabanan ko ang hirap sa paglalakad at nagpatuloy sa pag-usad.
"Kailangan mo ito, Prescilla. Huwag kang madusuwag, utang na loob," kumbinsi ko sa sarili ko.
Nahahapong napasandal ako sa malamig na pader ng elevator. Mariing ipinikit ko rin ang mga mata ko upang pigilan na huwag tumulo ang mga luha ko.
"Relax, Prescilla. Hindi mo kailangan ng luha ngayon."
One final deep breath and the elevator door opened. Inayos ko ang sarili ko at itinuwid ang bahagyang nagusot na puting bestida. Sinuklay ko rin ang tuwid at hanggang baywang kong buhok gamit ang sariling kamay.
My heart started beating at a faster pace when I took my first step towards his unit. It's on the fourth door on the right side, unit 404.
Ang isang minutong lakaran lang ay humaba nang humaba dahil sa kabang nararamdaman ko. Sa bawat paghakbang ay siya ring pagdagundong ng malakas ng puso ko.
Nang marating ang harapan unit niya ay hindi ko makuha sa sarili ko na katukin 'yon para lumabas siya. I feel like a coward once again. Afraid of his harsh words and his avoidance. But above all, I'm afraid of what I will see when he opened the door for me.
But how can I back down now when I already made it this far?
Gamit ang nanginginig na kamay ay kinatok ko ang pinto, kasabay nang pagpipigil ng hininga sa kabang bumabalot sa puso ko.
It only took him a minute to open the door. Shock and irritation immediately registered in his face when he saw me. But only a few seconds passed, nervousness overpowered all the emotions I just witnessed.
I knew it.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ni Harris.
He took a step forward that automatically made me step backward. He took a quick glance inside of his unit before fully stepping out. And the moment that he immediately closed the door looking tense and all, I knew in an instant that my intuition was right.
I know I should not be feeling this. Like I wanted to shout and confront him about this.
Wala na akong karapatan dahil tapos na ang namamagitan sa aming dalawa. Pero ang masaktan ay hindi ko maiwasan dahil habang namamayani ang katotohanang hanggang ngayon ay itinatago pa rin niya, mas nasusugatan ang puso ko dahil ang inakala kong perkpektong relasyon ay hindi naman pala totoo mula umpisa.
"Puwede ba tayong mag-usap?" umaasang tanong ko sa kaniya.
Lumalim ang gitla sa noo ni Harris at tumalim ang pagkakatingin niya sa akin. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Prescilla."
Mabilis na pinanghinaan ako ng loob sa narinig. Agad na sumugat sa puso ko ang sakit na dulot ng salitang binitiwan niya, mga salitang nagtutuldok sa aming dalawa.
"Kahit saglit lang, Harris. Ten minutes. O kaya limang minuto na lang. Kahit sandali lang," desperado kong pakiusap.
Hindi ko maiwasan na malungkot, at palihim na kuwestiyonin siya. Bakit ako? Nagawa ko namang magbulag-bulagan sa mga nagawa niya at patawarin siya kahit hindi niya 'yon hinihingi.
Bakit ako? Hindi niya magawang mapakinggan kahit ilang sandali?
"Hindi na ba talaga puwede, Harris? Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?"
He blew a harsh breath and pointed a finger on me. "You killed our child, Prescilla. Pinalaglag mo ang anak ko! Ano pang pag-uusapan natin bukod sa pagpatay mo sa anak ko?!"
A lone tear immediately fell from my eyes. The reality he's slapping me breaks me even more, and I can't do anything about it for it has been done.
Everything is done.
"Hindi... Hindi ko s-sinasadya." Marahas na umiling-iling ako. Ang isip ko ay napupuno na nang mga pangyayari noong araw na 'yon. "M-Mali ko 'yon. H-Hindi ko s-sinasadiya, Harris."
Naging sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Labanan ko man ang pagbuhos ng mga ala-ala nang araw na 'yon na nawala ang anak ko ay talong-talo ako.
Hindi ko kailanman malilimutan na minsan sa buhay ko, niluwagan ko ang pagkakakapit sa isang bagay na ang halaga ay higit pa sa buhay ko.
Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit, parang pinipilipit ang puso ko ng sobrang higpit. Hindi na ako makakita ng maayos sa panlalabo ng mga mata ko dahil mga luhang humaharang doon.
"Ang unfair lang, Harris." Puno ng sakit sa mga mata na tiningnan ko siya. Salubong ang dalawang kilay niya na para bang inaanalisa ang gusto kong iparating. "Hindi ba dapat dinamayan mo ako? Hindi ba dapat imbes na iwan ako ay nandoon ka sa tabi ko? Oo, alam ko na kasalanan ko. Alam ko na pagkakamali kong naging mahina ako. Kasalanan kong hindi ko nagawang protektahan iyong anak natin. Pero ni minsan ba, inisip mo na baka may dahilan kung bakit nangyari ang lahat?"
Pagod na pinunasan ko ang naglalandas na luha sa dalawang pisngi ko. Habang siya ay nanatili lang na nakatingin sa akin at walang imik.
Despite my blury vision, I was still able to catch the small amount of guilt reflected on his eyes, but it didn't take him that long to look away.
And because of what he did, I was able to prove what I have in my mind.
"Why would I still be with the woman who mindlessly killed her own child?" he replied coldly.
"Why can't you choose to stay with her and know her reason?" I asked back.
"Then what? Justify what you did? Justify abortion with your reason? Bullshit, Prescilla." Inilingan niya ako habang ang disguto sa mga mata ay mas lalo lang lumalala sa bawat pagkakabaon ng titig niya sa akin.
Napayuko ako sa kahihiyan sa bawat katotohanang sinasabi niya. To say that I am hurt isn't enough to perfectly define what I am feeling. Masyadong naghahalo-halo ang mga emosyon sa puso at isip ko. Lalong bumabaon ang pagsisisi at sakit sa puso ko sa bawat salita, mga tamang salita, na binibitawan niya.
We can never justify abortion. No one can. Abortion is wrong as it is, but is a choice one can make for all the reasons any parent can have. And whatever reason I may have, it can never erase the fact that I killed an innocent child.
The pain in my heart doubled as the sound of his heartbeat resurfaced on my ears and the picture of his ultrasound that I will never forget.
He may just be twenty-two weeks old in my womb, but the impact he gave me measured the whole world. Sa kaniya ko lubusang naramdaman ang laya at saya.
Dahil sa kaniya, nagkaroon ng saysay ang buhay ko at ginusto kong bawiin ang buhay na ipinagkait sa akin ng mga magulang ko.
I had imagined a future with him, with our picture-perfect family, together with Harris. I already pictured myself carrying his vulnerable body. Pero maski ang maranasan ang mag-labor para maipanganak siya ay hindi ko naranasan dahil sa pagkawala niya.
"If ever our child is still alive, would you stay in my life?" I asked in a quiet voice, hurting but hopeful at the same time. Marahang nag-angat ako nang tingin sa kaniya at umaasang maririnig ang bagay na gusto kong marinig.
But minutes passed, and in every tick of the clock the heaviness I am feeling inside doubles.
His silence is the answer. They way he looked away and how his face paled, I knew that he will never say the words that I wanted to hear.
And it's hurting me so badly thinking that he was never truthful about our relationship. Kung naging totoo man siya, mas lumalamang ang mga pagkakataon na ang kasinungalingan ang siyang namamayani sa lahat.
May it be in the form of words or action... almost everything was a lie hidden in pretense.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top