Chapter 30
The Last String
Ginising ako ng ingay na nagmumula sa paligid ko. Tulog iyon na nagpapahiwatig na para bang may nagluluto o kung ano sa kusina ng bahay. Maging ang mga kubyertos ay rinig ko rin ang pag-iingay.
But my head's still spinning, something I have never felt for over a year. Sa halip na bumangon ay nagtalukbong lang ako ng kumot at mas ibinaon ko ang sarili ko sa malambot na unan ko. Ngunit hindi ko na nagawa pang makabalik sa pagtulog dahil sa katok sa pintuan ng kuwarto.
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong walang kilos habang hinihintay ang paglapit ng taong iyon. Hindi ko makuhang kabahan pero ang pagtataka ay hindi ako nilubayan. Kampante ako na malayo ako sa kapahamakan. Pero kung paano siya nakapasok rito ay hindi ko alam.
Sa kabila nang pagpaloob ko sa ilalim ng kumot ay nanuot pa rin sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng pabango ni Waldo. His familiar aquatic scent that I missed. The scent that used to give me comfort knowing that he was beside me.
"Wake up, honey. It's already lunch time. You need to eat," he softly said.
"Paano ka nakapasok dito?" imbes ay tanong ko.
Naramdaman kon lumundo ang kama kaya umusog ako ng kaunti para bigyan siya ng espasyo. "I have a duplicate."
"You have what?!" Napabalikwas ako ng bangon, nanlalaki ang mga mata na hinarap siya at puno nang pagtatanong. "Kailan pa? At bakit?"
Waldo smirked at me. He slowly put the tray with a bowl of soup and a glass of water on it beside me. "Katiya gave me the day that Galan discovered where you were a year ago."
"What the hell?"
"Hindi ko naman ginamit. Ngayon lang talaga. Wala sa plano ko na pasukin ka kung iyan ang iniisip mo. I respect you honey and I just kept it in case of emergency," paliwanag niya.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya ngunit hindi ko rin maitatanggi na sa loob ko ay may kaunting paghanga. Nasa kaniya ang lahat ng kakayahan at dahilan para puntahan ako sa rito. Para hindi na niya pahirapan pa ang sarili niya sa pag-iiwan ng kung anu-ano sa gate at para magawa naming makapag-usap at makapagpaliwanagan.
But instead of doing that, he kept his distance and respected what I want. Noon pa man may kakayahan na siyang kausapin ako at lapitan pero wala siyang ginawa kundi maghintay kung kailan ako magiging handa.
Ang totoo ay takot ako. Balot ako ng takot na kung sa panahon ba na gusto kong bumalik sa buhay ni Waldo ay may babalikan pa ako. Masyadong maikli ang mga panahong nagkasama kami para masabi kong naging magtatag ang kung ano mang maaaring itawag sa mayroon kami.
Pero ngayon, mga salita at kilos na mismo niya ang nagpapatunay na wala akong dapat na katakutan. He gave me the assurance that what he feels for me is strong enough not to make me worry.
"Let's eat, honey. We'll have a date after." He winked at me.
Inikutan ko siya ng mga mata ko, 'di sang ayon sa kaniyang plano. "May trabaho ako."
"I asked Grace to make this day your day-off and she agreed. Kaya sa akin ka buong araw," maloko niyang saad.
"Kilala mo si Miss Grace?"
"She is someone I knew from college." Kinuha niya ang tray matapos ay nilagay sa pagitan namin. "Let's eat."
Imbes na lumapit roon, dahan-dahan akong bumaba sa kama. "Breakfast in bed is sweet, but I still need to brush my teeth."
Bago pa siya makahuma ng isang salita, naunahan ko na siya nang pagtayo at mabilis na pagbaba sa kama. Hindi ko pinansin ang sigaw niya nang pagtutol. Nagmamadaling lumabas ako ng kuwarto at nagtungo diretso sa banyo sa unang palaag.
Katiya's house is two-storey, the one that could be seen in subdivisions containing identical items. Sa itaas ay isang kuwarto at maliit na veranda. Sa baba naman ay ang sala, kusina at nag-iisang banyo ng bahay.
Mabilis akong naghilamos at nagsipilyo. Kahit hindi naman kailangan ay nagpalit din ako ng damit. Bagaman pareho lang naman kulay at parehong over-sized shirt lang iyon, gusto ko lang magmukhang malinis kahit papaano.
Nang makuntento ay saka lang ako pumanhik muli sa taas para sa almusal na inihanda ni Waldo. But I was greeted by a weird Waldo who was smelling the pillow I just used. Nakayakap siya roon habang sa katawan ay nakabalot ang kumot na ginamit ko rin. Halos ibaon na niya ang mukha sa unan habang paulit-ulit iyong inaamoy.
"Anong ginagawa mo?" nawiwirduhan kong tanong.
Instead of letting the poor pillow go, he hugged it even more. "I like this pillow. Can I take it with me? I have my own pillow in my car, let's exchange."
"Anong kalokohan na naman ang naiisip mo," ngiwi ko.
Naiiling na naupo akong muli sa kama. Inagaw ko rin sa kaniya ang kumot at ginamit iyon para takpan ang pang-ibaba ko dahil maikling shorts lang ang suot ko. Imbes naman na tutulan ang ginawa ko, inayos pa niya ang pagkakapatong no'n sa akin.
"Saan mo ba ako balak dalhin ngayon? Matutulog na lang ako tutal day-off ko naman pala ngayon," saad ko.
"Puwede rin. I'd love to cuddle with you all day."
Sumama ang tingin ko sa kaniya kasabay nang pagsasalubong ng dalawang kilay ko. "At bakit mo naman gagawin iyon?"
"Because why not?" Nagtaas baba ang kilay niya sa akin. Ngunit nang makita na seryoso lang ang ekspresyon ng ko ay napabuntong-hininga na lang siya. "I was just kidding. I want to take you out, honey. Have a date with me."
Tinimbang ko ang kagustuhan ng loob ko. Kung sumama ba sa kaniya o ang pahabain pa ang pag-iisa ko. Pero bago pa man ako makabuo ng desisyong gusto ko, naagaw na ng kutsarang nakayapay sa bibig ko ang atensyon ko.
"Stop thinking about it too much. We'll do what you're comfortable with," nakangiti niyang sabi.
***
I could not distinguish if I was comfortable or I was just simply happy being out in public with Waldo. Hindi ko makuhang mailang o manibago ngayong magkasama kaming dalawa matapos ang higit isang taon na naghiwalay ang landas naming dalawa.
At pakiramdam ko ay gano'n din siya. Ni hindi ko maramdaman ang ilang sa bawat natural na pagkilos niya. He was holding my hand tightly, intertwined with his while his thumb was gently caressing the back of mine. Kanina niya pa iyon ginagawa, magmula nang lumabas kami sa sasakyan pagkarating sa mall na pinagdalhan niya sa akin.
Ako rin mismo, hindi ko mahanap sa sarili ko ang magreklamo sa pakikipaghawak kamay sa kaniya. I could even feel myself seeking for the warmth of his hand.
"Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot ko na hindi angkop sa pinagdalhan sa akin ni Waldo. I was wearing a white casual split v neck chiffon blouse that I paired with red peg-leg pants. Mabuti na lang talaga at nakaputing sneakers ako at hindi ang mga pang-opisinang sandals na paniguradong lulubog unang apak ko pa lang sa buhanginan.
"Dapat sinabi mo para naman hindi pang-opisina ang sinuot ko," nakangiwi kong sabi sa kaniya.
Binitawan niya ang kamay ko para lamang magawa niyang ipatong ang braso niya sa balikat ko. "They have a shop here for clothes so don't worry too much. You can buy a pair of swimsuits there."
"We're not staying here overnight, right?" alangan kong tanong. Though it's fine with me. What I'm wary about is spending the night with him in a room.
Hindi naman na bago iyon kung tutuusin. Even when we were in El Refugio, there was time that we spent the night together in one bed. But this time would be way different from those times because of what had happened at the comfort room of his bar.
I'm afraid we both could go beyond that. And I'm sure as hell that both of us are able to do so. And we should not. Hindi lang dahil sa ngayon lang kaming muling nagkita kundi dahil sa iyon ang tama.
"We would, honey. For about two night, rather. But I already booked two separate rooms so don't worry too much," pagbibigay niya ng kasiguraduhan.
Hindi ko nagawang itago ang pagbuntong-hininga ko dulot ng kaluwagang naramdaman ko sa isinagot niya sa akin. Tinawanan iyon ni Waldo kaya napangiwi ako dahil sa hiya.
"Who owns this, anyway?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ken's. Nabili niya five to six years ago, I think," sagot niya. "Come, let's go buy some of your clothes."
Inakay niya ako patungo sa isang may katamtamang laki na shop na nasa bukaha lang din ng resort. The whole place is wide, it almost felt like an island. Mula sa entrada ay wala kang ibang makikita kundi ang reception at ang dalawang magkatabi na shop for souvenirs and clothes.
Nasa likod pa talaga ang mismong dagat at ang mga cottage. Maging ang dalawang matatayog na gusaling nagsisilbing hotel ng resort at maliit lang sa maningin ko at halos ang tuktok lang ang nakikita.
"Why el Refugio?" I asked pertaining to the big collection of letters creating that word.
Kapareho rin iyon ng pangalan ng Hacienda el Refugio. El Refugio Resort nga lang ang ngalan ng lugar na ito.
At the side of every corner of the huge letters were warm lights highlighting the place's name during the night. Katulad ngayon na inabot na ng dapit-hapon ang pagpunta namin rito. Ilang sandali na lang ay magdidilim na kaya tila nagsisilbi iyong palamuti sa entrada.
"Refugio means refuge in english translation," simula niya. "We want to create a space for us to just feel safe and be locked up in our own world. Like a safe haven we all could enjoy. Ken bought this place and named it after el Refugio with the purpose of bringing peace to some people struggling like how he was before buying this place."
"Like he wants this place to be like an escape to people?" I questioned.
"Something like that."
"Sabagay..." Malalim akong huminga. "This place's peaceful, same goes for the hacienda. And people need that, a place they could unwind. Sa gulo ba naman ng mundo at ingay ng mga tao, bihira ka nalang makahanap ng katahimikan ngayon."
"Exactly. Even in one's household," he trailed off.
Binigyan ko siya ng ngiti, ipinahihiwatig na okay lang at walang problema sa akin. "It's fine, Waldo. Totoo naman kasi iyon. Not just in my family but also with other people."
"How are you with them?" maingat niyang tanong.
Imbes na sumagot, kibit-balikat at ngiti ang naging tugon ko.
The last time I saw my parents was in Waldo's place. Pagkatapos no'n ay wala na. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay pinasusundan pa rin nila ako o kung sa wakas ba ay tinigilan na nila. Alinman sa dalawa, ang mahalaga ay malaya na ako mula sa gapos nila.
Higit isang taon na rin iyon. Wala na akong kahit na anong balita sa kanila. Hindi na rin ako interesado sa kung anong klaseng buhay ang mayroon sila ngayon.
If cutting ties with my own parents makes me a bad person, I won't mind. Dahil sa ganoong paraan ko lang mapalalaya ang sarili ko mula sa mga bangungot na dala nila. From time to time I would still be visited by the horrific memorie of that day that they forced the baby out of my body with all my hands and limbs tied on the bedpost.
Siguro naman okay lang na lumaya. Wala naman sigurong masama kung sa puntong ito ng buhay ko ay sarili ko naman ang bibigyan ko ng halaga.
"Choose whichever you want, Hope," saad ni Waldo na muling pumukaw sa atensyon ko. "I'll just reserve a table at the diner. Just a quick call, honey. Wait for me."
He gave me a quick peck on my cheek before exiting the place.
Katulad ng sinabi niya ay nagsimula akong magtingin-tingin sa loob ng shop. Sa kanan ay ang mga pangbabae habang sa kaliwa ang sa mga lalaki. Sa dulong bahagi ay ang mga swimwear.
"Prescilla?" anang pambabaeng tinig sa likuran ko.
Nagtatakang nilingon ko ang taong iyon. recognition and disbelief was all over the girl's facewhich is a contrary to mine.Sinubukan kong isipin kung saan ko siya puwedeng nakita o nakasalubong man lang pero wala akong matandaan.
"Hello?" alangan kong bati.
"Oh my gosh! It's been ages since I last saw you!" she said, excited by my appearance. But the wide smile on her face slowly faded when she saw the confused look on my face. "You don't recognise me, don't you?"
Napakamot ako sa kilay ko. "Uh, it's been so long since I last met an acquaintance so, yeah," I said in grimace.
"It's Cathy!" maarte niyaang sabi.
Kung tama ang hinuha ko, isa siya ang mga kaedad ko na ipinipilit ni Mama na kaibiganin ko. Isa sia marahil sa mga anak ng amiga niyang dapat ko raw sabayan at kaibiganin para sa negosyo.
But I never liked any of them. Dahil sila iyong mga taong sobrang taas ng tingin sa sarili. Iyong mga klase na sobrang taas ng lipad at hindi na marunong umapak sa lupa. Mga pa-sosyal at maaarte sa katawan na wala na sa lugar. Mga magagaling manghamak at mangmaliin ng kapuwa.
"Hello, Cathy," pagbati ko. "Mauna na ako."
Nagtangka akong lagpasan siya ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muli akong napahinto nang makita ang tingin na kaniyang ibinabato. She looked at me from head to foot and a disgusted expression came out from her face colored by expensive makeups.
"What happened to you?" disgustong tanong niya.
"What do you mean what happened to me?" nagtataka kong tanong. Pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili ko ngunit wala akong mahanap na mali sa pananamit ko.
"You look cheap," she said in disgust. "Aren't those knockoff clothes?" tukoy niya sa mga suot ko ngayon/
Napailing ako ngunit hindi mapigilang maawa para sa makitid na pag-iisip ng taong kaharap ko.
I knew what she meant with her words looking at how I was dressed up now. Gone are the branded and expensive clothes I used to wear that my mom bought for me just to doll me up. What's let now was my recently purchased clothes I bought in divisoria.
Lahat ng suot ko ay nabili ko lang sa murang halaga. Kahit na ang sapatos kong sa halagang isang daan ko lang nabili. Everything I'm wearing doesn't even sum up to five hundred pesos.
And all my life I never saw myself enjoying shopping the way I did that day. Ang dami kong nabili sa murang halaga. Hindi man iyon katulad ng mga dati kong pag-aari na mahal at may pangalan, hindi na rin masama dahil maayos naman ang kalidad.
Aanhin mo ang mahal kung makabibili ka rin naman ng mura at maayos? Mahal man o hindi. May pangalan man o wala, ang mahalaga ay may maisusuot ka. Ang mahalaga kuntento ka at masaya.
"Is everything wrong, honey?" the familiar voice of Waldo asked behind me.
Nakangiting binalingan ko siya sabay iling. "Nothing's wrong, Waldo."
And this, to have a man like Waldo beside me is more than enough. A man who, without a doubt, would proudly flaunt me to anyone. Katulad ngayon na sa harap ng babae ay bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi.
Abuso na nga kung tutuusin. Pero si Waldo naman ang pinag-uusapan kaya okay lang naman siguro.
Sobrang layo na ng buhay na mayroon ako ngayon kung ikukumpara sa kung anong mayroon ako noon. Walang-wala man ang kasalukuyan kong estado sa gara at rangya na kayang ibigay sa akin ng mga magulang ko ay hindi ako nagsisisi na lumayo.
Dahil kasabay nang paglayo ko sa kanila ay siya ring paglaya ko. Na sa unang pagkakataon ay sobrang luwag ng dibdib ko at panatag ako na walang anuman ang makakapanakit na sa akin. Walang silbi ang rangya kung hindi ka naman totoong masaya. Walang silbi ang lahat ng materyal na bagay kung sa loob mo naman ay malungkot ka.
"May napili ka na ba? The sun's about to set, I want to watch it with you," he said tenderly to me, ignoring the presence of the woman in front of us.
"Let's buy it later. Unahin na muna natin iyon," excited na saad ko.
Magkahawak ang dalawang kamay na naglakad kami patungo sa direksyon ng dagat. May kalayuan iyon sa amin pero imbes na magreklamo ay parang mas nagustuhan ko pa ang distansyang iyon dahil mas makakasama ko si Waldo.
"Masaya ka ba?" tanong niya sa akin, puno ng kuryosidad at ang pag-aalala ay naroon din.
Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman, tinitimbang kung alin pa sa mga emosyong pumupuno sa akin ang dominante sa lahat. Nang magtagumpay sa pagkilala kung ano ang pinakadominante sa lahat ay puno ng kaluwagan ko siyang nginitian.
"Alam mo," panimula ko. "Buong buhay ko hindi ko alam kung ano ang totoong ibig sabihin ng saya. Siguro may mga pagkakataon na nararamdaman ko iyon, pero hindi ko totoong nakilala dahil mas kabisado ko ang pakiramdam kung paano masaktan. May mga pagkakataon na akala ko masaya ako, pero ang nararamdaman ko lang pala ay panandaliang kaluwagan. Dahil matapos ang araw na iyon, babalik ako sa puntong lugmok ako."
Inunahan ko ang paghinto ni Waldo nang marating namin ang tapat ng dagat. Hinubad ko ang suot kong sapatos at medyas. Nakayapak na nagpatuloy ako, hanggang sa maramdaman ko na ang lamig ng tubig sa mga paa ko.
Hindi ko nagawang maramdaman ang lamig dahil ilang sandali lang ay init ng yakap ni Waldo na ang pumalit. He hugged me from behind, resting the side of his chin beside the top of my head.
"Pero ang sarap pala 'no? Iyong pakiramdam na puwede kang maging masaya na walang takot sa kung ano ang maaaring maging kapalit no'n. Na puwede kang tumawa na walang inaalalang problema. Iyong simpleng... masaya ka."
Malawa akong ngumiti kasabay nang pagtulo ng mga luha sa magkabilang pisngi ko. No, it wasn't tears that I used to shed because of agony and pain. They were tears shed for relief. Tears telling me that I'm finally free.
I felt a sense of fulfillment looking at the mixture of pink and orange-colored views ahead of me. Kaunti na lang ay lulubog na ang araw. At pakiramdam ko ay ipinahihiwatig no'n sa akin na oras na para magpahinga.
It was as if the sun giving ways for the moon to rise was a symbol telling me that it's over now. But not the way that it's giving me negative thoughts, but because it was as if readying me for a brighter tomorrow.
For the past year and months in my life, I did nothing but chase and seek my death. I go for the things that would harm me and would eventually end my life. I live up to my name, Prescila. I was a vulnerable woman, broken down to the core.
But now, I want to be what Waldo calls me, Hope. I have been seeking a reason to continue my life. I have cut a lot of ties from a lot of people to free myself. From Harris down to my own family. I let some people enter my life with the hope that they would be able to save me. But little did I know, the last string of hope I was badly seeking for was none other than myself. Hindi ko naman pala talaga kailangan tumingin sa iba at hanapin sa kanila ang rason para piliin ang mabuhay. Dahil nasa akin lang ang rason. Ang sarili ko ang rason.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top