Chapter 29
The Scorching Heat
"You're all set, madam," wika ng babaeng naglalagay ng kolorete sa mukha ko kanina.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Unang bumati sa akin ay ang kulay gintong kwintas na nakapalibot sa leeg ko. Manipis lang iyon. It also has a small dove pendant which is a symbol for freedom. The necklace was a gift I bought for myself using my first salary as an assistant social media manager three months ago upon the promotion my boss gave me at that time.
Sunod kong pinagmasdan ang simpleng make-up na nilagay sa akin ng babae. Simple lang iyon at hindi engrande. Halos wala ngang kulay malibas sa bahagyang mapula na pisngi ko. My hair was simply tied up in a ponytail. Maging ang damit kong kulay puting spaghetti strap bodycon dress ay wala ring kadese-disenyo.
Hindi ko lang din kasi maintindihan kung bakit maging ako ay inimbitahan sa ganitong even samantalang maliit lang naman ang papel ko sa kompanya. G&E Apparel, which stands for Grace and Elegance, successfully made its way to the top. Through the help of different social media platforms, TikTok most specifically, the brand became known. Kaya ngayon, siyam na buwan na iyong namamayagpag.
And now the company was invited to be part of Beau Monde, a party for big clothing brands.
"Ready for tonight?" a deep voice asked behind me.
I slowly stood up from my seat to face him. "Why am I even invited?"
"Because the boss said so." Alvin laughed at me. He extended his hand towards me. Iniligan ko siya bilang pagtanggi. Imbes na ma-offend ay muli lang niya akong tinawanan. "Tara na. The team's waiting outside."
Sabay kaming lumabas ng salon. It was also owned by Miss Grace, our boss. Alvin is my direct boss being the social media manager of G&E. Our team is composed of eight members at most.
Two black cars greeted us. Lulan na ng isa ang apat naming mga kasama habang ang isa naman ay bakante pa ang likuran. Pinagbuksan ako ng pinto ni Sir Alvin at ngiti ang naging tugon ko bilang pasasalamat.
Naging tahimik lang ag buong biyahe namin hanggang sa marating namin ang bar kung saan gaganapin ang party. Wala na halos espasyo sa parking lot isang senyales na marami nang naroon ngayon.
Mabilis akong sinalakay ng pinaghalong ilang at kaba sa unang pagtapak pa lamang namin sa entrada ng hall. Ang nagkikislapang iba't ibang kulay ng ilaw ang bumungad sa akin na sinasabayan ng maingay na musikang pamilyar sa akin.
"This place is huge," komento ni Nicole.
"Bakit ngayon ko lang napuntahan 'to?" tanong ni Ashley sa sarili niya.
"Ang ganda at ang sosyal!" Sandra exclaimed.
Hindi ko sila nagawang sabayan sa pagkamanghang nararamdaman nila habang iginagala ang mga mata sa buong lugar. Matagal man ang huling beses na pumarito ako pero kilalang-kilala ko pa rin ang buong lugar.
Bakit ba hindi muna ako nagtanong bago sumapit ang araw na ito? Tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Kung kanina ay kinakabahan ako at naiilang maisip lamang na makakasalamuha ko ang mga taong kilala at may pangalan sa industriyang kinabibilangan ng G&E.
Pero ngayon ay ang bawat malas na pintig ng puso ko ay iba na ang dahilan.
I looked at the two characters, a letter and a number, at the center of the elevated stage just below the section where the DJ was playing with the bar's music. Kulay ginto at makinang iyon, nagmamalaki at nagpapakilala sa lahat ng tao.
3G
"Let's go to our table," saad ni Sir Alvin.
Hindi nawala ang kaba ko sa bawat paghakbang namin patungo sa lamesa namin. Palinga-linga ako sa paligin, inaanalisa kung makikita ko ba sa lugar na ito ang taong halos isang taon ko na ring hindi nakikita.
"Lady in a bloody red dress!" sigaw ng kung sino.
Hindi ako nilingon dahil sigurado akong hindi ako ang tinatawag niya.
"Sis, ikaw yata." SIniko ako ni Nicole. At nang lingunin ko siya ay nakangusong itinuturo niya sa akin ang bartender sa bar counter. The guy was waving in our direction causing me confusion. "Ikaw talaga."
"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "I'm not even wearing red."
"Lapitan mo kaya. Mukha namang friendly at harmless," gatong ni Ashley.
Bago pa man ako makapagdesisyon ay sila na ang gumawa no'n para sa akin nang itulak nila ako ng marahan palapit sa lalaki. The guy's smile widened seeing me walk towards him. At dahil narito na rin lang, nagtuluy-tuloy na ako palapit.
"Long time no see, lady," he greeted.
Nang mas mapalapit ako sa kaniya ay saka ko lang napagtanto ang pagkakakilanlan niya. "You still work here," magiliw kong bati. Just like how this place felt familiar to me, he is too.
"Ramon,"pagpapakilala niya.
"Prescilla." I sat at one of the stools. "One cosmopolitan for me."
"Not a bottle of tequila?" He grinned.
I shook my head in response. "Graduate na."
A knowing smile flashed on his face. He gave me a salute first before turning his back to make my drink. Imbes na panoorin siya, inikot ko ang upuan ko para harapin ang dati ay hinahanap-hanap kong ingay at gulo ng lugar na ito.
Even the drink I ordered was now changed. Hindi na iyong katulad ng dati na paglalasing agad ang intensyon ko. Na para bang iyon lang ang tanging makapapawi ng uhaw ko. A year after that, I became like this. Someone who's cautious of her decisions.
Hindi ko na rin mahanap ang kagustuhang makisabay sa kanila. Inaayawan na rin ng sistema ko ang makihalubilo at magpakalunod sa panandaliang saya. Dahil hindi tulad noon, totoong saya at pangmatagalan na ang mayroon ako.
"Your order, madame." Roman, with the smile on his face not fading, slightly pushed the glass in front of me.
"Thank you," pasasalamat ko.
Hindi na namin nagawa pang masundan ang pag-uusap sana sa pagitan namin nang may isang pares ng magkasintahan na naupo rin sa bar counter. We parted ways with him focusing on the other guests while I, on the other hand, stood up to search for the team.
Nakita ko sa sila sa kanang bahagi ng bar, sa sulok kung saan hindi masyadong magulo at maingay. Sir Alvin immediately offered the seat beside him. Nasa may kahabaan siyang leather sofa pero tanging ang dulong bahagi lang ang okupado niya.
Kung ako ang pipili ng sarili kong puwesto ay roon ako katabi ni Ashley o Nicole. Kaso ay wala ng bakate. Tanging ang sa katabing puwesto na lang ni Sir.
"Who was the guy?" tanong ni Nicole.
"Wala naman. Bartender na lagi kong nakikita noon tuwing napapadpad ako rito," sagot ko.
"You've been here?" Sir Alvin asked, surprised.
Tumango ako. "Before. My last visit was a year ago." And if my memory's right, that was the day I begged for Harris.
Pakiramdam ko ay napakatagal na panahon na iyon gayong lagpas isang taon pa lang naman. Sabay na ipinaramdam sa akin ng ala-alang iyon ang kaginhawaan at tuwa na pparang ipinakikita sa akin na napakalayo ko na sa dating Prescilla.
I felt like I became a bigger person compared to how small I was before. Felt like I became a warrior who conquered a lot of battles. A survivor.
"Dance with me, Prescilla," bulong ni Sir Alvin sa tainga ko.
"I'm fine here, Sir Alvin," ganting bulong ko.
"Come on."
Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makatutol nang hawakan niya ang pulso ko para marahan akong hilahin patayo. Maagap na naibaba ko ang hawak kong inumin sa lamesa. He guided me through the crowd with him behind me, escorting me with his body.
Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Hindi lingid sa kaalaman ko, na pinatutunayan ng mga sinasabi sa akin ng mga katrabaho namin, na may gusto sa akin si Sir Alvin. He proved it already by giving me an extravagant bouquet of flowers a month ago. Ilang beses ko na ring sinabi sa kaniya na wala siyang mapapala sa akin dahil wala sa isip ko ang makipagrelasyon.
Pero imbes na tumigil ay nagtuluy-tuloy lang siya hanggang sa hindi ko na alam kung paano siya pipigilan. Hindi ko naman gusto na mag-resign para iwasan siya dahil natutuhan ko nang gustuhin ang trabahong mayroon ako ngayon.
"Do you have plans this weekend?" he asked.
Nasa gitna na kami ng dance floor at nasisiksik na rin kami dahil sa rami ng tao. wala tuloy akong ibang malusutan para dumistansya sa kaniya. Sinikap kong lagyan ng distansya ang pagitan namin, ngunit nabigo ako nang ipulupot na niya ang braso niya sa baywang ko.
"I'll probably just laze around," ilang na sagot ko.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ko kaya hindi na ako halos makakilos. Naiilang ako sa totoo lang hindi ko lang mahanapan ng timing ang pag-alis. I don't want any ill relationship at work and this would probably trigger it.
Umikot ako para magawa kong pasimpleng alisin ang kamay niya. Napagtagumpayan kong makagawa ng kalahating ruler na distansya sa pagitan namin.
"You like me," I said, sure about my words.
Masuyo niya akong nginitian. Isang totoong ngiti na madalas niyang ibinibigay sa akin. "I do, Prescilla. I like you a lot," he confessed.
"But I don't Sir Alvin," walang halong pagpapanggap na tugon ko.
I saw how disappointment glinted in his eyes with my answer. But I could do nothing about it because it was the truth.
"I'm sorry for saying this, Sir Alvin, but I am not sorry for not liking you back," I said with my honesty.
"We could work it out, Prescilla," pilit niya. "Just give me time to prove myself."
Marahan ko siyang inilingan. "No need to prove yourself because there's nothing to prove, Sir. You're a great man. Only if I met you years from now when I'm ready to open up myself to a new person, I would. Iba kasi ngayon. I'm still enjoying my life alone."
And I'm still waiting for the right moment to go back to Waldo.
Halos mapatampal ako sa noo ko nang kusang idagdag iyon ng isip ko. Bagaman totoo iyon, nakakapanibago lang na sobrang bilis nang pag-amin ko no'n sa sarili ko.
Kinuha kong oportunidad ang kawalan niya nang imik para umalis sa lugar na iyon. Hindi katulad noon na hinahanap-hanap ko ang sikip, init, at magulong lugar nito, ngayon ay binabalot na ako ng iritasyon. Gusto ko na lang lumabas at umalis. Ang lumanghap ng sariwang hangit imbes na amoy ng usok ng sigarilyo at nakalililyong amoy ng alak.
With my busy feet, I hurry to find the exit from the dance floor. Hindi man nagging madali, para naman akong nabunutan ng tingin nang maramdaman kong muli ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.
Nagmamadaling nagtungo ako sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Hindi pa man ako nagtatagal sa lugar na ito, gusto ko na lang umalis agad at matulog sa tinutuluyan ko. Nahahapong napasandal ako sa sink nang marating ko iyon. Wala naman akong ginawa pero parang napagod ako.
Ngunit ang panandaliang ginhawa at kaluwagan ay agad nagambala nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pero imbes na babae ang pumasok ay pigura iyon ng isang lalaki. Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ko ang bagong dating, hindi dahil sa takot kundi dahil sa kung sino siya.
"Hey there, beautiful," may magandang ngiti sa mga labi na saad niya. "I knew you'd be beautiful even though I'm staring at you from afar. But damn, baby, seeing you this close... you're burning me alive."
"W-What are you d-doing here?" I asked, startled by his presence.
Nagging maligalig ang pagtabok ng puso ko, sobrang lakas ng bawat pintig no'n at napakaingay na halos naririnig ko na iyon sa tapat ng tainga ko.
"I came for you, of course."
Pinaligiran ng luha ang mga mata ko. Ang magakabilang sulok no'n ay humapdi dala nang pagpipigil ko na huwag tuluyang maluha habang kaharap siya.
"H-How?" wala pa rin sa sariling tanong ko.
"I own this place, honey."
Inisang hakbang niya ang pagitan namin. At nang nasa harapan ko na siya ay masuyo niyang sinakop ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya. Ang hinlalaki niya ay hinahaplos ang pisngi ko sa napakaingat na paraan. Na para bang isang pagkakamali lamang ay mababasag ako.
Pinagsawa ko ang mga mata ko sa katititig sa mukha niyang isang taon ko rin hindi nakita. Alam ko ang posibilidad na makikita ko siya ngayon. Pero umaasa pa rin akong wala siya ngayon. I don't know if I'm ready to face him again. But the answer my heart is giving me feels like a hundred percent yes.
"I miss you, honey," madamdaming wika niya.
"W-Waldo..."
Sunud-sunod na nagbagsakan mula sa mga mata ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Walag patid ang pagdaloy ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko, ipinararamdam sa akin na totoo ang mga nangyayari ngayon at hindi gawa-gawa lang ng isip ko.
May sariling isip na umangat ang kamay ko para haplusin din ang pisngi niya upang mas lalo pang kumbinsihin ang sarili ko na totoong nasa harapan ko nga siya.
"How have you been, honey?" Bumaba ang ulo niya hanggang sa maglapat ang mga noo naming dalawa. "Were you eating fine?"
Kumawala ang tawa sa bibig ko. "Kung makapagtanong ko naman parang nag-abroad ako. Nasa Pilipinas pa rin naman ako, Waldo."
Tila hindi niya narinig ang sinabi ko. Walang babalang kinulong niya ako sa mga bisig niya at niyakap ng mahigpit. Kusang pumalibot ang mga braso ko para ibalik iyon sa kaniya na kasing higpit din na isang repleksyon kung paanong na-miss ko rin siya.
Pero sa kabila no'n ay hindi ko pa rin makuhang magsisi na umalis ako para buuin ang sarili ko. Tila nabura sa isip ko ang dahilan kung bakit ako umalis noon. Parang bigla ay naging ito ang unang pagkikita namin. Hindi ko makuhang pagsisihan dahil sa mga panahon na iyon, nagawa kong pagtuunan ang sarili ko. Maging siya ay nabura rin sa isip ko sa totoo lang.
Ngayon lang nsa muling pag-apak ng mga paa ko rito sa lugar na ito ay binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na isipin siya. At ngayon na nasa harapan ko na si Waldo ay maging ang puso ko ay bumibigay na.
"Ang sabi ko kay Katiya," panimula ko. "Babalik ako kung may babalikan pa ako." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya sa kabila ng hindi man lang pagluwag ng yakap niya. "May babalikan pa ba ako, Waldo? May lugar pa ba ako sa buhay mo?"
Imbes na bigyan ako ng berbal na sagot ang ibigay niya sa akin, marahan niyang inangat ang mukha ko at inayos sa tamang anggulo para magawa niyang sakupin ang mga labi ko.
Pilit ko siyang tinulak dahil ang intensyon ko ay ang mag-usap at hindi ang maghalikan.
"W-Waldo—"
He held both of my cheeks to keep me steady for him to leisurely kiss me. Ramdam ko sa bawat lapat ng mga labi niya sa akin kung paano siyang nangulila. Sa bawat diin ng halik niya ay ipinararamdam niya kung paano siyang nagtiis para lamang mapagbigyan ako na mapag-isa. Pero ngayong nagkaharap na kaming muli, nasisiguro ko na pigtas na ang pisi ng pagtitimpi niya.
Dahil sa galing at eksperto niyang mga galaw, nag-ulap ang isip ko at binura ang pag-uusap lang na gusto ko. I found myself with both of my arms wrapped around his nape. I started kissing him back, with lesser intensity because I wanted to savor the moment that we have.
At mukhang naintindihan niya rin ang gusto ko. Ilang sandali lang ay bumagal na rin ang kaninang mabilis at agresibo niyang galaw. Bumaba ang isang kamay niya patungo sa baywang ko para mabawa niya akong marahang buhatin at iupo sa malapad na lababo.
With his body movements, he was able to part my legs for him to position himself closer to me. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. My breasts were pressed on his chest as I clanged on him more, thirsty for his warmth.
Waldo became even more aggressive with my action. His kisses deepened even more while his free hand started to roam around my body.
"Waldo..." I moaned upon feeling his wet kisses down towards my neck. "Stop..." I begged. But even in my ears, it sounded as if what I wanted was the opposite.
"Shh..." he silenced me. "Just let me kiss you, honey. Just kisses."
Bago pa man ako makaalma ay binalikan na niya ang mga labi. I could feel myself sweating buckets because of the heat I am feeling inside me. Even Waldo was the same. I could feel his neck drenched with his own sweat but he didn't mind it at all.
Another moan escaped my mouth when I felt him bite my lower lip lightly. Knowing what he wanted, I opened my mouth longer and let him invade it. Waldo took his time tracing every corner of my inner mouth.
Dahil sa galing ni Waldo sa bagay na ito ay nadadala ako. I answered his kisses, battling with him to win the title of being the best kisser. Waldo hardened his tongue, teasing mine by drawing circles on top of it inside my mouth. I fought but ended up losing when he sucked it as if hungry for it.
Kusang napaatras ang ulo ko, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa kakapusan ng hininga. Habol-habol ang hininga na isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang magkayakap pa rin kami sa isa't isa.
"I came here for a party but ended up making out inside of a female comfort room." My face turned into a grimace with the absurdity of what happened. "Kasalanan mo 'to, Waldo," paninisi ko.
I felt his chest vibrate when a chuckle escaped his mouth. "Guilty as charged, honey."
"Ibaba mo na ako rito," utos ko.
Pero dahil siya si Waldo Vidal na mas lamang ang pagiging pasaway ay hinarangan lang niya ang magkabilang gilid ko gamit ang dalawa niyang braso. Sinalubong ko ang mga mata niyang marahan at maingat ang lapat sa akin.
Tahasan niyang ipunakikita ang mga naglalarong emosyon doon, hindi ikinukubli ang kahit ano. Ang galak na makita ako. Ang panghingi ng tawad. Ang pangungulila at at pagsusumamo ay sabay-sabay kong nakita sa mga mata niya.
"Come back to me, Prescilla Hope Santiago."
Nakita ko kung paano siya lumunok, ipinahihiwatig na kinakabahan siya ngayon.
"Come back into my life. Not as a replacement or what. But as my woman. Be my woman, Hope, be my girlfriend."
Wala pang isang segundo matapos ang mga salita niya ay agad nang napuno ng luha ang mga mata ko. The sincerity was there. I could feel it with the way he said it and from the words themselves.
Marahan akong tumango kasabay nang muling pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. "Take me back, Waldo. Be my man."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top