Chapter 28
His Efforts
"Would you be fine with me?" ngiwi ko kay Katiya.
Kanina pa siya abala sa pagmamaneho na kahit gustuhin ko mang ako na alng anggumawa no'n hindi niya ako pinagbibigyan. It's been two days since we've been on the road after leaving El Refugio. Akala ko rin ay aalis na si katiya matapos ang sa simbahan at babalik na sa pamilya niya.
Pero imbes na iwan ako ay sinamahan niya ako. We've been roaming around using the car, driving endlessly while looking for the right moment to settle down. We've been sleeping inside of the car parked in a public parking lot. Wala namang problema sa akin. In fact, I'm enjoying it.
Ang sa akin lang talaga ay ang naiwan ni Katiya. I'm sure as hell that her child's looking for her, even Galan who's been chasing her for a long time.
"Okay lang."
At dahil hindi ako kumbinsido sa narinig ko, pasimple kong kinuha ang cellphone niyang nasa dashboard. Katiya kept it shut down to cut any connection we have from El Refugio. PEro dahil nga gusto ko na siyang pabalikin doon para kay Ezra ay binuksan ko iyon sa kasiguraduhan na may mga text na roon si Galan.
Gaya ng inaasahan ay sunud-sunod na nagsipasukan ang text ni Galan. Para akong batang nakapanood ng nakakikilig na pelikula nang mabasa ang isang text doon.
Galan: Baby, nasaan kayo? Come home now, baby. Ezra and I are waiting for you.
"Kailan ka pa naging sanggol?" pang-aasar ko sa kaniya.
Mabilis na sinulyapan niya ako at ang cellphone niyang hawak ko kasabay nang pagsalo ko sa matalim niyang mga mata. "Ikaw? Kailan ka pa naging pulot-pukyutan?" ganting pang-aasar niya tinutukoy ang tawag sa akin ni Waldo.
"Wow, joker na pala." Muli niya akong sinamaan ng tingin. "Chill. Hinahanap ka na nang mag-ama mo, Katiya."
Narinig ko siyang bumuntong hininga. Pareho kaming natahimik sa kawalan nang sasabihin gayong may napag-uusapan naman kami.
But the silence enveloping us was cut off when Katiya's phone rang, revealing the name of Galan. Saktong narating na namin ang McDo kung saan namin napag-usapang kakain ngayong gabi. Imbes na bumaba ay nanatili kami roon sa loob, kapuwa pinanonood ang pag-iingay ng cellphone niya.
Ilang sandali lang ay maging ang cellphone kong sabay kong binuksan kasabay ng kaniya ay nag-ingay na rin. Hindi na ako nagulat pa nang makita ang pangalan ni Waldo roon. My battery got drained with him calling me repeatedly. Ngayon ko lang talaga binuksan sa walang partikular na dahilan.
"Anong gagawin natin ngayon?" naguguluhan kong tanong.
Katiya remained composed unlike me who is now uneasy. Nakatitig lang ako sa pangalan ng dalawang lalaking iyon habang iniisip kung sasagutin ko ba o hindi. Pero dahil wala sa intensyon ko ang kausapin ang sinuman ngayon maliban kay Katiya ay pinabayaan ko lang iyon.
"Sagutin mo ang tawag ni Galan. baka hinahanap ka na ng anak niyo," saad ko. Binigyan niya ako ng blangkong tingin, subalit imbes na mag-iwas ay tinapatan ko iyon. "After this night pass, bumalik ka roon."
"Pinagtatabuyan mo ba ako, Prescilla?" masungit niyang tanong.
Harapan ko siyang inirapan, itinatanggi ang paratang niya. "Oo, nagsasawa na kasi ako sa iyo," biro ko. "Kidding aside, you really need to go back there. You have responsibilities with your child and that's not me, Katiya. Halos magkaedad lang tayo kaya hinid mo ako kailangang ituring na parang bata."
"Ni minsan nga hindi mo ako tinawag na ate, tigilan mo ako."
"Ate..." Nakangisi akong humarap sa kaniya. "Sagutin mo na ang tawag, Ate."
Tumalim ang tingin niya sa akin, Kunwari ay naiinis sa ginagawa kahit na ang totoo ay hindi. Pero sa mga sandaling ito, hindi ko maitatanggi na sobrang gaan ng pakiramdam ko kahit sa simpleng batihan lang namin ng asaran sa isa't isa. Kung mag-usap kami parang wala kaming mga problema. Na para bang sa mga sandaling ito ay kami lang dalawa ang mahalaga.
Katiya has always been a sister to me. Iyong kapatid na hindi ko naranasan ay ibinigay niya sa akin. She protected me as if we're blood related. Being four years older than me, Katiya's no doubt the mature one between us. She knew how to handle me and my emotions. She knew the right words needed to be said to calm me. She comforted me with all her might even though her tone lacks warmth.
Pero ngayon, unti-unti na siyang nagkakabuhay at nagkakaroon ng mga emotion. Hiling ko lang na sana ay hindi magtuluy-tuloy na. At sana lang din ay buksan na niya ang sarili niya sa lalaking wala amang duda na mahal siya.
"Naguguluhan na ako sa buhay ko peste," tila walang pakialam na saad niya. "Hindi ko naman kasi alam na magkikita pa kami ni Galan."
"Can't you just be with your child?" nahihirapan ding tanong ko.
"Sa tingin mo ba ayaw ko?" Marahas siyang bumuntong hininga.
Humarap ako sa kaniya at pinanood kung paano niya isinandal ang likod niya sa upuan. Mula sa kinaroroonan ko ay ramdam ko ang bigat ng dala niya at hirap niya sa pagtitimbang niya sa mga desisyong kailangan niyang piliin.
"Paano si Keagan?"
Binalot ako ng awa para kay Katiya dahil sa pangalangng binaggit niya. Naririnig ko sa boses niya lungkot at sakit sa kabila ng walang emosyon niyang boses niya. Hindi man siya bukal sa mga nararamdaman niya pero oras na buksan niya ang sarili niya sa iyo ay mararamdaman mo ang lahat ng nararamdman niya kahit sa simpleng salita lang niya.
Katulad ngayon na pagbanggit niya pa lamang ng pangalan ng taong iyon ay nararamdaman ko na ang pangungulila niya para sa sa kaniya. Ang lungkot at galit na matagal nang namamahay sa puso niya. Ang dahilan kung bakit kahit na gustung-gusto niyang manatili sa tabi ng mag-ama niya ay hindi puwede dahil may pumipigil sa kaniya.
"Keagan would probably understand."
"But I don't, Prescilla. I won't, rather. Ang gusto ko hustisya at hindi pagpapatawad. Hindi makatao ang ginawa nila sa kaniya kaya paano ako matatahimik," puno ng galit na wika niya.
"But that will only make you lose two more people in your life." Itinutok ko ang mga mata ko sa harapan ng kalsada.
Madilim na sa labas dahil malapit nang maghating gabi. Makinang na rin ang mga bituin na pinalalamutian ang dilim ng langit.
"Hindi solusyon ang paghihiganti," sabi ko.
"Wala rin namang hustosya rito maliban na lang kung mayaman ka at kayang bayaran ang mga tamang tao para malusutan ang kaso mo."
"That.... fuck that fact."
Sabay kaming napabuntong-hininga, parehong sawa na sa katotohanang iyon na ilang tao na rin ang nabiktima sa buong mundo. Only if there's fairness in this world, justice would prevail. Kaso wala. Ang mga mayayaman at makapangyarihan lang ang may kakayahang ang may kakayahang makamit ang mga iyon.
If you're poor and powerless then you'll just be a victim of an endless game of chase for justice. Resulting in people committing criminal offenses just to avenge the crime committed to them. Katulad ni Katiya. Or if not that scenario, victims would just end up in one corner wailing,
"Galan's calling again," imporma ko.
Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay ko. "Oh?" pambungad na tanong niya sa kabilang linya. Nagpipindot siya sa aparatong iyon hanggang sa marinig ko na ang ingay sa kabilang linya. "Bakit ang ingay?"
"Baby, where are you? I'm worried."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para matigil ang ngiting gustong kumawala mula roon dahil sa kilig na nararamdaman ko para kay Katiya at Galan. Pero ang babae naman ay nakangiwi lang.
"Hindi ako sanggol, Galan." Napahilot si Katiya sa sentido niya, aburido sa naririnig na ingay mula sa tawag ni Galan. "Bakit ka tumawag?"
"Because I'm worried, Katiya. It's been two days since you left. Baka kung ano nang nangyari sa inyo."
"Nabuhay ako ng dalawampu't anim na taon nang mag-isa at buhay pa rin naman ako ngayon." Natahimik si Galan sa pagiging sarkastiko ni Katiya sa kaniya. Siguro ay hindi sanay sa pagiging maanghang ng mga salita ng babae. "Uuwi rin ako bukas. Huwag kayong masyadong mag-alala ni Ezra."
Sigh of relief followed Galan's silence. "Thank goodness, babe. We'll wait for you."
Sa pag-aakala na tapos na silang mag-usap ay hinawakan ko ang seruda ng sasakyan sa banda ko bilang paghahanda sa paglabas. Ngunit bago ko pa man magawang buksan iyon ay pumailanlang na ang boses ni Waldo kaya kusang napahinto ako.
"Honey..."
Naghinang ang mga mata namin ni Katiya. SInenyasan niya ako na magsalita ngunit iling ang naging sagot ko. Naghintay ako na masundan ang pagsasalita niya ngunit panibagong tinig na ang narinig namin.
"Sabi ko na kasing itago ang mga natitirang alak sa ref. Laszlo, pakihanda na lang ng palanggana bago pa magkalat ng suka ang sira ulong iyan."
Sa hinuha ko ay si Ken ang nagsalita. Mukhang kompleto sila ngayong apat at nagkakainuman pa. Umikot ang mga mata ni Katiya sa iritasyon.
"Hayaan mo na iyan. Para bukas matauhan na hindi alak ang solusyon sa problema niya," si Laszlo.
"Gago, nangunsinte pa. Isa ka rin kasing lasinggero," singit ni Galan.
Sabay na napailing na lang kami sa mga kalokohang naririnig namin sa kanila. But that's how their friendship goes. Katulad ng kung paanong barahan ang namamagitan sa amin ni katiya ay gano'n din kung paano sila mag-usap.
"Just be safe you two. Lalo ka na, Prescilla," bilin ni Galan.
"Hmm," tanging tugon ni Katiya.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" I asked, lost.
"Kakain. Magmamaneho. Matutulog. Gigising. Tapos."
Napangisi ako, nagugustuhan ang narinig kahit na hindi detalyado. And after that night, Katiya and I bid temporary goodbyes.
***
Life became the simplest with me living all alone. At the same time, it became more fulfilling following what I wanted to do. And I felt peace. FInally... peace has come for me. I finally had my silence after years of being trapped with all the noise and chaos of my world.
Gumawa ng ingay ang ginawa kong paglapag ng plato sa babasaging lamesa sa harapan ko. Idagdag pa na masyadong tahimik ang paligid dahil ako lang naman ang tao. Naupo ako sa upuang kapares ng babasaging lamesa kasabay nang pagbaba ko roon nang nakabukas na lapatop para sa kailangan kong gawin ngayon.
Itinutok ko ang mga mata ko sa harapan ng laptop. Sinimulan kong basahin ang reviews ng social media page ng pinapasukan kong kompanya. I became a part of a social media marketing team of a small clothing brand. And since I was just newly hired, I was assigned mostly to checking reviews and comments on their social media accounts. I work home-based and that's an advantage for me.
It was only a week since I started in this job. Hindi man gano'n kalaki ang kikitain ko kapag nagtagal ay sapat na sa akin iyon dahil mag-isa lang naman akong nabubuhay ngayon. I'll survive with it. Malayo man sa luhong maaari kong makuha kung nasa poder ako ng mga magulang ko, mas gusto ko na ito dahil may laya ako.
"Prescilla?"
Napabaling ako sa pintuan ng tinutuluyan ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Nay Lucia na kapitbahay ko. Mali, kapit bahay pala ni Katiya dahil kaniya ang tinutuluyan ko ngayon.
"Bakit po, Nay?" pasigaw na tanong ko dahil baka hindi niya marinig dahil sarado ang pinto.
"May nag-iwan na naman ng bulaklak at shawarma sa tapat ng gate mo," pagbibigay alam niya.
Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Hindi ko pa man nakukumpirma kung kanino nanggagaling ang mga iyon ay may hinuha na ako. It started two weeks after I left El Refugio. Every other day, Nay Lucia would knock on my door informing me about those. Mabuti na lang at paborito ko iyon kaya hindi ako nauumay kahit papaano.
"Sino ba iyan at napakapursigido naman yata, hija?" malokong tanong ni Nanay.
Nginiwian ko siya bilang sagot, hindi rin sigurado kung sasagutin ko ba iyon o hindi. "Hindi ko rin ho sigurado, 'Nay," pagkukunwari ko. "Kakilala ko lang ho siguro mula roon sa pinanggalingan ko bago ako napagpad dito."
"Nako, mukhang nabighani yata sa ganda mo, anak. Hindi malabo dahil ang ganda mo ngang tunay," papuri niya.
"Nanay naman, nagbibiro pa." Sanay na natawa kami.
"Ikaw talaga. Sige na. Mauuna na ako."
"Salamat po, Nay!" magiliw na paalam ko.
Sabay na naglakad kami ni 'Nay Lucia palabas ng bahay, siya ay para umuwi habang ako naman ay para makuha ang padala ng misteryosong tao na iyon.
Tulad ng inaasahan ko na ay naroon sa ibabaw ng makapal na sementong pasamano ang isang puting paperbag laman ang shawarmang mula sa Turks na paborito ko. Sa tabi no'n ay ang isang malaking kumpol ng bulaklak. Pero imbes na ang ganda no'n ang mapansin ko ay mas napukaw ng koronang gawa sa santan ang atensyon ko.
May maliit na ngiti sa mga labi na binitbit ko ang dalawa papasok sa loob ng bahay. I placed the small bouquet of roses crowned by santan on top of the small bookshelf beside the television setup. Habang ang mainit-init pang shawarma ay diniretso ko sa lamesa para kainin na kaagad.
Saktong naalis ko ang balot no'n ay lumabas ang mukha ni Katiya sa screen ng laptop ko para sa isang video call sa messenger. Agad kong sinagot ang tawag niya. Pero imbes na mukha niya ang bumungad sa akin ay kuha mula sa malayong distansya habang ipinakikita ang flower farm ni Ken kung saan naroon ang tatlong mga kalalakihang nagbibilad sa araw.
Walang pang-itaas sina Galan, Ken, at Laszlo habang nakaupo sa kulay bulaklaking sapin na inilatag nila sa bermuda grass sa entrada ng farm. Lahat sila ay mga abala sa pagbuo ng kung ano. At dahil maliit lang na bagay ang hawak nila, hindi ko iyon masyadong makita.
"Anong mayroon na naman diyan? Tapos ka na ba sa pagpapahirap mo kay Galan?" tanong ko matapos ay kumagat sa pagkaing hawak ko.
"Hindi pa ako tapos. Hangga't hindi mo sinasabing okay na, hindi siya makakatulog sa tabi namin ni Ezra," pagsusungit niya.
"Okay na iyon, Katiya. Wala nang problema sa akin. Dalawang linggo na rin naman ang nagdaan at hindi rin naman niya ako nilalapitan."
Mula sa speaker ng laptop ay narinig ko siyang humugot ng malalim na hininga. "Bahala ka riyan. Bumalik ka kung kailan handa ka na."
"Masaya ako sa buhay ko ngayon." Sinundan ko iyon ng tawa. "Nagagawa ko ang gusto ko. Ngayon ko pa lang nasusunod ang lahat ng gusto ko kaya rito na lang muna ako. After one year siguro puwede na."
Natahimik kaming pareho ni Katiya. Nanatili lang akong nakatingin at pinanonood ang mga hubad barong lalaki habang kumakain ng shawarma. Kung ibang babae lang siguro ang nakakakita sa paningin ko ngayon ay baka naglaway na. Latagan ka ba naman ng lalaking puno ng pandesal at bato-bato ang katawan.
Hindi katulad sa nakaraan na kung pag-uusapan ang bagay na ito ay para napakabigat, ngayon ay ang gaan na lang sa pakiramdam. Masyado maikling panahon ang isang buwan para sabihin kong okay na ako. Pero unti-unti kong natutuhan kung paanong maging okay. Isang prosesong hindi madali... at hindi dapat minamadali.
It was a sincere confession of how I really feel for the past few days that I was alone. I felt like I became free. This was the freedom I was never given the chance to own. At ngayon na nasa akin na, pakiramdam ko may malaking tinik na naalis sa lalamunan ko.
"Bakit para akong ina na ipinagmamalaki ang anak sa mga naririnig ko mula sa bibig mo?" Katiya tsked, not liking the idea of what she said. "Huwag ka nang bumalik. Iburo mo na lang ang sarili mo riyan at magpakasaya ka."
"That's my plan, Katiya," natatawa kong tugon. "Huwag mo akong masyadong ma-miss ha?" pang-aasar ko.
"Asa ka. At mandiri ka, Prescilla."
Muli ko siyang tinawanan. "Ano bang ginagawa ng mga iyan at mga abala?"
"Gumagawa ng koronang gawa sa santan. Ewan ko sa mga iyan, ang lakas ng tama."
Kusang umikot ang ulo ko paharap sa lugar na pinag-iwanan ko ng bulaklak. Sa pinakaibabaw ng kumpol ng mga putilg rosas ay ang pinagdugtong-dugtong na kulay kahel na santan. Katulad ng kung paano ko iyon ginawa nang araw na dalhin ako ni Waldo sa lugar na iyon.
Mukhang tama nga ang hinala ko kung sino ang nasa likod ng mga bulalak na iniiwan sa tapat ng tinutuluyan ko. Mukhang siya nga at nasisiguro kong tama ako. Pakiramdam ko tuloy ay napakaimportante kong tao na paglalaanan niya pa ako ng ganitong oras. Tuloy ay nakokonsensya ako at minsan ay iniisip ko na lang na kausapin si Waldo.
Pero mas lamang ang kagustuhan kong matutuhan ang mabuhay ng mag-iisa kung saan nasusunod ang gusto ko at may sarili akong desisyon. At sa mga lumipas na araw na mag-isa ako.
"Maawa ka na raw sa kaniya. At huwag mo na raw siyang pahirapan pa."
Waldo's exerting efforts. Alam ko iyon, nakikita at nararamdaman ko ang lahat. Kahit na hindi siya nagpapakita sa akin sa tuwing nag-iiwan siya ng mga bulaklak sa labas ng bahay ay kilala ko na siya. He made it possible for me to recognize him with the help of my favorite food and the santan crown I wore when we first kissed.
And I feel so overwhelmed to the point that I feel like I don't deserve any of it. Pero hindi pa kasi ako handa. Pakiramdam ko ay hindi pa ito ang tamang panahon para buksan ko ang sarili ko sa iba.
Does it make me selfish for choosing to distance myself from him? Hindi naman siguro. Tamang desisyon naman siguro na sarili ko muna bago ang ibang tao. It would be useless trying to be with him when I, myself, is not yet healed.
"Sabihin mo sa kanila na tigilan na. Pati sa kaniya. I'll sort it out myself. Babalik na lang ako kung sa panahong handa na ako ay may babalikan pa ako."
"May babalikan ka pa. Sigurado ako."
Hindi na ako nangahas na magkomento pa. Not because I was sure about her claims, but because I'd rather not think about it first hand. I don't even want to spoil myself too much by giving me false hope. Saka ko na lang iisipin kapag nandoon na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top