Chapter 27

Their Goodbyes

Pagdampi ng malamig na hangin sa pisngi ko ang gumising sa akin. Kusang naningkit ang mga mata ko nang direktang nasinagan ng araw ang mukha ko. Hindi pa iyon gano'n kainit kaya nasisiguro kong hindi kasisikat pa lamang no'n.

Iginala ko sa paligid ko ang paningin ko saka ko lang napagtantong nasa sasakyan pa rin ako. The seat I was sitting at was already reclined while the window on my side was open. Binalingan ko ang lugar kung nando'n si Katiya sa pag-aakalang wala na roon ang babae ngunit ang natutulog niyang anyo ang bumungad sa akin.

Her mouth was slightly open showing signs of her deep sleep. Nakakrus ang dalawang braso niya sa tapat ng dibdib niya.

I moved stealthily in order not to wake her up. Even when opening the door, I did my best not to make any noise. Nang magtagumpay ay saka lang ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ang lugar kung nasaan kami ngayon.

"What the hell?" It didn't take me five seconds before tears started streaming from my eyes.

"Baka lang naman makatulong sa iyo." Binalingan ko si Katiya na nakalabas na pala ngayon ng sasakyan at tnitingnan ako ng mataman. "Hindi lang si Waldo ang kailangang lumaya sa mga gapos na nakapulupot sa kaniya. Ikaw rin, Prescilla."

Tinanguan niya ako bago tumango at tumalikod. Mula sa kinatatayuan ko ay pinanood ko siyang hugutin mula sa bulsa ng leather jacket niya ang kaha ng sigarilyong lagi niyang dala.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa unang paghakbang pa lang na ginawa ko. Sinadiya kong bagalan upang magawa kong damhin ang pagyakap ng malamig na hangin sa balat ko. Limot ko na ang huling araw na nagpunta ako rito. Pero sa bawat pagbisita ko ay gano'n pa rin ang pakiramdam.

I took all my time to get into the place at my own pace until I was finally able to enter this sacred place. Another batch of tears gushed out from both of my eyes as an overflowing emotion started to fill my heart.

Walang ingay na naupo ako sa inakahuli at dulong puwesto sa silyang naroon. Kung saan wala akong makakatabi na kahit sino. Walang imik na tumingin ako sa pinakasentro ng lugar. Ang lugar kung saan naka-sentro sa kaniya ang lahat.

"Took me too long to visit this place again," mapait na saad ko. "Am I still welcome?" I wiped the tears on my cheeks but it was useless for tears started to flow again. "How should I begin this?"

Unti-unti akong kumilos. Mula sa pagkakaupo ay nauwi sa pagkakaluhod. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko habang ang paningin ay hindi inaalis sa imaheng nasa harapan ko. Bigla ay pumintig ng malakas ang puso ko ngunit ibes na sakit ay kakaibang pakiramdam ang idinulot no'n.

Tila ba isa iyong paalala ng buhay na ipinahiram Niya sa akin. Na para bang ipinababatid niya ang hindi nakikitang presensya Niya, na sa kabilang ng lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay naroon Siya at hindi ako hinahayaan na mag-isa.

Mula sa malayo ay sinikap ko na makasalubong ang mga mata niya kahit na imposible dahil sa layo namin sa isa't isa. But in my soul, I could still feel Him beside me, giving me guidance.

"Sorry." It was just one word but tears pooled in my eyes once more. "I'm sorry for not trusting you.

Marrin akong pumikit, ikinukubli ang sarili sa dilim na dulot no'n. Pero kahit ano pang gawin ko, nakakatakas pa rin ang mga kuha sa mga mata ko.

"I'm sorry for going against your words, for trying to end my life even knowing that it's wrong. I'm sorry for being weak. I'm sorry..." bulong ko na sinasabayan nang pagluha. "I'm surrendering. Everything left in me, I'm lifting it all up to You. I'm surrendering my life to You."

All my life I have never felt this full of emotions. Ngayon lang. Iyong pakiramdam na lunuod na lunod ka pero sa masarap na paraan. Absurd as it may sound, but I started to feel Him filing my heart. It was just a prayer. But I feel like I was directly talking to Him. As if He was in front of me, comforting me.

Wala naman akong kasama pero pakiramdam ko may yumayakap sa akin ngayon para damayan ako. Pakiramdam ko may umaalo sa akin at pinatatahan ako. Sa kabila ng pag-iisa ko, init ng paghaplos sa puso ko ang nararamdaman ko.

"Ash..." I called the name I gave to my unborn child in my head.

I made myself believe that it was him I was directly talking to. I pictured myself in my head in a place where there were only two of us. I was holding him in my hand, smiling happily while looking at him full of love.

But his face was blurry hence the truth that it was just a fruit of my imagination. I have never seen my smiling that wide. Ngayon pa lang na sa imahinasyon ko ay nakikita ko ang anak ko at nabubuhat. It was a picture of me that I have never seen. Someone who's genuinely happy and contented, not faking any of her emotion.

Only if it was real... but it was not.

"Mommy loves you so much, anak," pagpapatuloy ko nang pagkausap sa kaniya sa isip ko. "I wish I met you even just for a short while. Kaso wala, eh. You were taken away from me. Binawi ka kaagad kay mommy." Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman na para bang nauubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa sobrang pagpipigil ng iyak. "Forgive me, ha? Patawarin mo ako kung mula sa punto na ito ay babawasan ko na ang pag-iisip ko sa iyo. I'm not going to forget you, ha? I will just try to live a life and let you be at peace. I need to move forward but I can't take you with me. Mahihirapan si Mommy. Mahihirapan ka rin. I want to free you, son. And I won't be able to do that when I'm constantly thinking of you and blaming myself for what has happened. I love you. Mommy will always love you."

Only if there was a place I would be able to be with him, I would gladly go there and cry my heart out until there's nothing left but drought. Kaso wala. Sa isang iglap ay bigla na lang bigla siyang nawala. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at kung saan magsisimula.

Pero tama si Katiya. I need to fix myself and that includes accepting the fact that my child is gone. That no matter how I tried to hold on to him, he would never be back. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari. At sigaw ng puso ko ay kasalanan na kalimutan siya at magpatuloy na mabuhay nang hindi siya inaalala. Pakiramdam ko mali pero alam ko rin na tama.

Hindi ko naman siya kalilimutan. Susubukan ko lang mabuhay na hindi siya masyadong inaalala. Babawasan ko lang ang pag-iisip sa kaniya. Locking myself with the painful memories that hurt me would only make me miserable in most ways possible. At hindi iyon ang kailangan ko ngayon. I need to get better. I need to live. I want to survive because that's the only way I could continue my life.

I took my time calming myself. And when I thought I was calm enough, I stood up and walked slowly to exit the church where Katiya brought me. Soon after exiting the place I stopped on my tracks when a familiar back of a man came into sight.

"Harris..." gulat na sambit ko sa pangalan niya.

Marahan siyang humarap sa akin. Katulad ko ay bumadha rin ang gulat sa mga mata niya nang makita ako. Isang mabilis na pasada sa kabuuan ko ang ginawa niya bago pumirmi ang mga mata niya sa mga mata ko, pinakatitigan iyon sa paraan nanunuri.

Hinanap ko ang pamilyar na pagwawala ng puso ko malapit lang sa kaniya. Pero alin man sa mga nararamdaman ko noon tuwing kapiling siya ay wala na. And I felt thankful realizing that now. That finally, and thankfully, I'm over this man.

"Prescilla," alangan ang ngiti na bati niya.

"Anong ginagawa mo rito?" kaswal na tanong ko.

Naging mailap ang mga mata niya kaya hindi na niya nagawang salubungin pa ang akin. "I was running some errands for my wedding with Melissa."

An understanding smile formed on my lips when I realized why he's being awkward answering my question. "So, you're finally tying the knots, huh? Congrats sa inyo," walang halong pagpapanggap na bati ko.

Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa akto ko kaya kilailangan niya pa akong titigan na para bang inaarok ang laman ng isip ko. I tried to give him my most genuine smile to make him feel that it's totally fine.

Sabagay. Masyadong naging mabilis ang lahat nang nangyari sa pagitan naming lahat. Para ngang isang tulog lang ang pagitan pero ang mga pagbabago parang fast forward. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala pero wala akong ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos kaysa sa mapag-iwanan ng panahon.

And that fast, I lost every drop of feelings I had for him.

Mahirap nga sigurong paniwalaan dahil sa mga panahong paulit-ulit akong naghabol sa kaniya at lumuluhod para sa kaunting oras na pagmamakaawaan ko pa para ibigay niya. Masyado siguro namin nakasanayan ang dating katotohanang mahal ko siya ng sobra... pero hindi na kasi ngayon

"It's fine, Harris. No need to be wary." I smiled at him again. "I'm happy to see you fine now. The last time I heard of you, you had an accident."

Tinanguan niya ako. "I had a fight with Melissa that night. And while trying to cool my head, an accident happened."

"You're all better now?" Harris nodded. "Thank goodness. Best wishes to the both of you."

Isang tango pa ang iginawad ko sa kaniya bago siya nilagpasan. But even before I could walk for one meter, he called my name again.

"Prescilla," he softly called.

"Hmm?" I turned my back and faced him again.

"I'm sorry," he sincerely apologized.

"Why do I feel more sincerity from you this time?" maloko kong tanong.

Isang nahihiya ngunit nagpapakumbabang ngiti ang binigay niya sa akin. But it really felt that way. Dahil sa unang beses na humingi siya ng tawag sa akin pakiramdam ko ay sinabi niya lang iyon dahil iyon ang nararapat ngunit ang pagsisisi ay wala.

As if it was what's needed to be said, but it lacks sincerity in every way. isama pa na sa gabing iyon ay naroon ang presensya ni Melissa at hinahadlangan ang pag-uusap na para sa aming dalawa lang sana. Pero ngayon na kaming dalawa lang ang nandito ay malaya na kaming pag-usapan ang lahat ng aming gusto.

"I got weak and tempted.It would be an excuse to say that I was young but it was the truth. Hindi kita naipaglaban at napanagutan. Hindi ko nagawang tuparin ang mga pangako ko sa iyo. Hindi ko nagawang mahalin ka hanggang dulo."

Ang luhang akala ko ay tapos na sa pag-agos sa mga mata ko ay muli na namang bumalong na para bang hindi pa iyon tapos sa pagtulo. Pero alam kong hindi na iyon dahil sa nasasaktan ako. Siguro dahil naroon pa rin ang panghihinayang. Ngunit sa pagkakataon na ito ay mas lumalamang na ang pagtanggap.

"Sorry kasi iyong pamilyang pangarap nating dalawa ay tutuparin ko kasama ang iba. Sorry kasi iyong akala kong tayo hanggang dulo magtatapos din pala. Patawarin mo ako dahil imbes na subukan ayusinat isalba ang mayroon tayo... naghanap ako ng butas para makalaya mula sa iyo." Humakbang siya palapit sa akin. Puno ng ingat niya akong tiningnan sa mga mata, ipinapakita ang sinseridad niya.

"Minahal kita, iyon ang totoo. Huwag mong pagdududahan ang halaga mo kasi mayroon ka no'n, higit pa sa inaakala mo. Ako ang nagkamali. Ako ang naging mahina at bumitaw sa mahigpit na pagkapit mo. Wala kang pagkukulang dahil ako ang hindi nakuntento. Mahalaga ka, Presilla. May halaga ka."

Nanlambot tuhod ko sa sobrang pagkalunod sa mga salita niya. Knowing him almost half of my life, this was the very first time he talked this way to me. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa bawat paghingi niya ng tawad. Taliwas sa naunang beses na humingi siya nang tawad sa mga nagawa niyang kamalian, mas totoo ang ngayon. Puno nang pagpapakumbaba at pagsisisi.

Muli siyang humakbang papalapit sa akin, marahan akong hinila papalapit hanggang sa makulong ako sa mga bisig niya. Hindi ako nagprotesta. Hinayaan ko siyang aluin ako gamit ang yakap niyang hinahanap-hanap ko noon. I know this will be the last. The last hug I would ever receive from a person who used to be my friend.

Doon naman kami nagsimula. Sa pagkakaibigang sinubukan naming higitan ngunit nauwi lang sa wala. But I am not regretting anything. Dahil iyong mga panahong kasama ko siya, naging masaya ako... naging buo ako. But maybe that was the limit of our purpose in each other's life. To give lessons to one another through the painful events we experienced.

Hindi man madali ang lahat. Binalot man kami ng sakit. Pinuno man ako kami ng pagsisisi at galit. Ang mahalaga, natuto kami. Natutuhan namin ang tumanggap at magpatawad. Ang magbigay ng panibagong pagkakataon.

Ngunit higit sa lahat ng iyon, natutuhan kong bigyan ng halaga ang sarili ko. Nagawa kong unahin ang sarili ko.

"Kung sinabi mo sana ng maaga nabigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na pigilan ang sarili ko na sobrang mahalin ka." Marahan akong humiwalay sa kaniya. Nang makuntento sa kalahating metrong pagitan namin ay saka ko siya tinitigan ng diretso sa mga mata. "Pakakawalan naman kita. Palalayain ka para makasama mo iyong babaeng mahal mo talaga. Sobrang nasaktan mo ako, Harris," pag-amin ko. "Dahil sa 'yo nawala iyong tiwala ko sa sarili ko. Dahil sobra kitang mahal na sa 'yo na umikot ang mundo ko. At sa sobrang pagmamahal na mayroon ako sa 'yo hinayaan kitang lokohin ako. Pero siguro gano'n talaga. Minahal lang natin ang isa't isa pero hindi tayo ang nakatadhana."

"Ayaw kong magdahilan at sabihin s aiyo na hindi ko sinasadiya dahil may pagpipilian namn akong huwag gawin pero itinuloy ko kahit alam kong masasaktan ka. Patawarin mo ako, Prescilla. Patawarin mo rin ako kung hindi kita nagawang samahan sa pagprotekta sa anak natin. Kung ibinuhos ko sa iyo ang sisi gayong ako ang may kasalanan. Patawarin sana ako ng anak natin dahil hindi ko siya nagawang protektahan. At patawarin mo ako kasi mas minahal ko siya kaya mas pinili kong bitawan ka."

Lahat ng mga salitang narinig ko, tumatak sa isip ko. Hindi ko na nagawang intindihin pa kung nasaan kami maski ang ibang taong napapatingin sa gawi namin. I focused on his every word. Absorbing everything for me to finally move forward leaving behind all the sad memories that we have.

With Harris mentioning our child made me shed tears even more. Iyon lang naman ang hinihilng ko mula sa kaniya noon pa man. Ang tanggapin niya ang mga kasalanan niya at humingi siya ng tawad, hindi sa akin kundi sa anak naming dalawa.

Because more than anything else, our child deserves that. Hindi man naming buong kasalanan dalawa ni Harris pero bilang mga magulang niya ay alam kong may magagawa sana kami kung nagtulungan kami. But instead of fighting together, we let ourselves drift apart. Dahilan para maging biktima siya ng pagiging makasarili naming dalawa.

"You know what made me worry most?" mahinang tanong ko.

"About what?" naguguluhan niyang tanong.

"About our situation way back." Tumaas ang isang kilay niya, hinihintay akong magpatuloy sa pagsasalita. "Hearing news about you having a child with Melissa scared me. I don't want to see a child surfer from having a broken family. I grew up neglected even with my parent's presence. I don't want that for any child. Kaya ngayong ikakasal ka na sa kaniya, nagpapasalamat ako dahil imbes na takbuhan ay pinanindigan mo siya."

Kung noon na iisipin ko ang bagay na ito ay walang dudang masasaktan ako. Kung noon, paniguradong iiyak ako at babalutin nang mga negatibong bagay. Ngayon, I could only wish for nothing but a happy family for the three of them.

"I was afraid that you might do what you did to me with Melissa again. Hindi kita hinuhusgahan. Iyon kasi ang totoo. Nagawa mo nang magloko ng isang beses kaya maaaring ulitin mo. No matter how much hatred I felt for her, I know that she just loved a man... in a wrong way." I extended my hand in front of Harris who was intently staring at me while listening to each of my words. "Make it right this time, Harris. Best wishes."

Nagpalitan kami ng ngiti. He accepted my hand, holding it tightly as a sign of goodbye. "Thank you, Prescilla. I hope a good man finds you and protects your heart."

Pumait ang kanina'y maganda kong ngiti. Hindi na niya kailangang hilingin iyon dahil nauna na ang pagdating ng taong iyon. But fate's not yet done playing with me. May bala pa rin siya.

Hindi ko lang alam kung bakit pero may kumpiyansa akong hindi pa rito nagtatapos ang lahat sa pagitan namin. We both just needed time to heal ourselves and find our lost lives. And maybe after that we'll be fine. We'll walk the path that would take us into each other's arms.

"Hoping not to cross paths with you, Harris," sinserong hiling ko. "Promise not to appear in front of me. Give that to me as a gift."

I was sincere. Kung mayroon may isang bagay na hihilingin sa kaniya, iyon ay ang hindi na namin muling pagkikita. I couldn't look at him the same way we used to. Being with him became the hardest thing to do now. He's far different from the Harris he was before. At masakit para sa akin ang parte na iyon.

Seeing him would only remind me of the past I don't even want to remember. I won't force myself to be casual with him because that would be impossible, that would be an act of hypocrisy. Sapat na sa akin na nakuha naming humingi at magbigay nang pagpapatawad. Pero ang bumalik sa dati at umakto na parang walang nangyari ay magiging kalabisan na.

I want to totally cut the strings connecting us once and for all. He was the very first person who made me feel defeated and betrayed. He may have given me life, but he also took it with him when he left me for another woman. He is my very first trauma. And I want to give myself a favor from breathing air peacefully without him in sight.

"I promise, Prescilla," pangako niya. "You won't be able to see even the tip of my shadow. Not even Melissa. You've had enough of us. That's the best we could give you. Our disappearance."

Buong pagpapasalamat na tumango ako sa kaniya. Binawi ko ang kamay ko sabay hakbang paatras, palayo sa kaniya.

"Goodbye, Prescilla."

Goodbye, Harris.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top