Chapter 26
His Manipulation
May sariling utak na humakbang paatras ang mga paa ko para dumistansya kay Lilian at para pakalmahin ang sarili ko kahit na imposible iyon ngayon. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang umalis at lisanin ang lugar na ito na siyang paalala kung ano ang rason sa likod nang pagdala sa akin rito ni Waldo.
Ang marahang pag-atras ko ay unti-unting bumilis hanggang sa nauwi sa pagtakbo. Lilian, who was incapable of following me immediately, shouted to stop me but to no avail. Nagpatuloy ako sa pagtakbo, paalis sa lugar na ito na akala ko ay kapayapaan ang maidudulot sa akin. Pero sa likod pala no'n ay puno lamang nang pagpapanggap. Akala ko tahanan ang matatagpuan ko rito pero imbes na kapayapaan ay nagkabuhol-buhol pa yatang lalo ang buhay ko.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Wala akong alam sa lugar na ito maliban sa mga bagay na pinagdalhan sa akin ni Waldo. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo ng walang direksyon, pilit na hinahanapan ang sarili ng lugar sa mundong hindi ko alam kung kabilang ba ako.
Nahinto lang ang mga paa ko nang mag-ingay ang cellphone kong tanging bagay na dala ko. Bumati ang pangalan ni Katiya sa akin.
"Nasaan ka?" bungad na tanong niya sa akin. "Nakita kitang tumakbo palabas sa bahay ni Waldo. May problema ba?"
"Hindi ko alam, Katiya," tulirong sagot ko. "Hindi ko na alam."
"Diyan ka lang kung nasaan ka man. Hahanapin kita." Ibinaba na niya ang tawag matapos ang tawag.
Katulad nang utos niya ay hindi na ako kumilos pa. Nanatili lang akong nakatayo roon habang hinihintay ang pagdating ni Katiya na muli na namang sasagip sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas na tanaw-tanaw ko lang ang direksyong pinanggalingan ko.
Nabuway lang ang tayo ko nang mula sa likuran ay may bumangga sa akin. "Prescilla!" gulat na sigaw ni Waldo na siyang nakabangga ko.
Mabilis na kumalas ako sa kaniya, halos itulak na siya sa pagkabigla. Para siyang isang nagliliyab na apoy kung lumayo ako. Na para bang sa kaunting paglapit lang niya ay masusunog ako. Parang sirang plakang paulit-ulit na pumailanlang ang mga salitang narinig ko mula kay Lilian. Na pilit ko mang huwag alalahanin ay hindi ko magawang makalimutan.
Ang magandang imaheng ni Waldo na nakaukit sa isip ko ay biglang nadungisan. Ang mga kabutihang ipinakita niya sa akin ay bigla kong pinagdudahan.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya.
"Waldo..."
He's just using you.
"May nangyari ba? Bakit parang naiiyak ka?" pag-aalala niya.
Hindi ko nagawang sumagot kaagad. My initial reaction spoke for what I really wanted now. Humakbang akong muli paatras, pinalalawak ang distansya sa pagitan namin para sa sarili kong kaluwagan.
Sunud-sunod ang naging pag-iling ko. "I want to leave. this place."
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya kasabay nang pagsasalubong ng dalawang kilay niya. He took a step closer to me while his extended hand was trying to reach me. Awtomatiko akong umatras at iniwasan ang pagdampi ng kamay niya sa balat ko.
"What's wrong, honey?" Waldo asked, confused.
"Wala," mabilis na tugon ko dahilan para mas lalo siyang maguluhan.
Sa mabilis na paglipas ng isang segundo ay agad naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari sa iyo, Hope. Hindi iyong manghuhula ako."
Sa sinabi niyang iyon ay parang nakita ko ang Waldo na laman ng kuwento ni Lilian bago ako tumakbo. Pakiramdam ko tuloy ay ibang Waldo ang kaharap ko ngayon, malayo sa dating siya na nakakasama ko. Natural na sa kaniya na magtanong dahil sa pagbabagong ikinikilos ko. Pero ni minsan ay hindi naalis sa isip ko ang pagdududa kung para ba sa akin ang pag-aalala niya o para sa namayapang dating nobya.
Mabilis na napuno ng luha ang mga mata ko habang pinanonood kung paanong balutin nang pag-aalala ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Pero ang pagkatiwalaan iyon ay hindi ko na magawa ngayon dahil mas pinangingibabawan na ako nang pagdududa.
"I just want to leave, Waldo. Let me leave," pakiusap ko.
Nagtangka akong lagpasan siya ngunit maagap niya akong napigilan. "Tell me what's happening. May nangyari ba habang wala ako? May sinabi ba si Lilian sa iyo?"
"May hindi ba siya dapat sabihin?"
Sa ginawa niyang pag-iwas ng tingin ay nakumpirma kong mayroon nga siyang inililihim sa akin. Ang kaninang pagdududa lang ay naging kumpirmasyon na ngayon. Ang kaninang alinlangan ay puno na ngayon nang kasiguraduhan.
"Sasabihin mo bang nagsisinungaling lang siya kung iyon ang hihilingin ko sa iyo? Pasisinungalingan mo ba ang lahat ng narinig ko?" sunud-sunod na tanong ko sa mahinang boses.
Pero kahit na anong hiling pa ang gawin ko sa kaniya, hindi no'n mabubura ang katotohanang totoo ang lahat ng mga narinig ko, kasama na ang tungkol kay Cassandra.
"Sasabihin mo ba sa akin na totoo ang sinasabi mong nararamdaman mo? Mabibigyan mo ba ako ng garantiya na lahat ng ipinakita mo sa akin ay totoo?" Pinaligiran ng luha ang mga mata ko dala ng mga emosyong pumupuno sa akin ngayon. "Sabihin mo sa akin, Waldo, na lahat ng mga namagitan sa atin ay galing talaga sa puso mo. Baka sa ganoong paraan magawa kong magpanggap na wala akong narinig. Baka sakaling kaya kong kalimutan lang lahat ng mga nalaman ko."
Binilang ko sa isip ko ang mga segundong lumipas sa pagitan namin matapos kong magsalita. At hindi lang segundo ang lumipas, inabot iyon ng minuto. Pinatutunayan na ang lahat ng mga narinig ko ay totoo.
Nanatili lang nakatingin sa akin si Waldo, puno nang paghingi ng tawad at pagsisisi. Pero ni hindi no'n magawang pawiin ang sakit na idinulot niya sa akin. Oo nga at hindi pa kami gano'n katagal na magkakilala. Pero dahil sa mga ginawa niyang pagtulong sa akin ay halos idepende ko na ang lahat sa kaniya.
Sa makailang panahong ipinagkatiwala ko ang sarili ko sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang seguridad at pag-iingat niya. Pero ang ang kapalit pala ng mga iyon ay ito. Ang pakiramdam na niloko ka at ginamit ng taong pinagkakatiwalaan mo.
"I just wanted to help you out. To pull you away from the darkness that you've been living with," Waldo reasoned out, finally breaking his long silence.
Parang mas lalo yata akong nasaktan ngayon na sa kaniya ko na mismo naririnig ang mga salitang naririnig ko lang sa ibang tao. Iyon ang sagot na inaasahan ko na, pero sa pagkakasabi niya ay pinatutunayan niya na ginawa lang niya ang lahat para linisin ang konsensya niya.
"Pagtulong ba talaga ang ginawa mo? You manipulated me and took advantage of me and my situation. Helping me by using me as a replacement for your late fiancé to clean your conscience for you weren't able to take good care of her while she was still alive." I wiped off my tears in a harsh way as I threw daggers at her with my stares.
Bumakas sa mga mata niya ang sakit na hindi na niya nagawa pang pagtapan. And even that hurted me too. Dahil para bang gusto no'ng ipahiwatig na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya ng mga nangyari sa kaniya sa nakaraan.
Bigla akong nanliit.
Sa mga salita at kilos ni Waldo sa akin nitong mga nakaraan, ipinaramdam niya sa akin na para bang ako ang mundo niya. Lahat ng makabubuti sa akin ay walang pagdadalawang-isip niyang ginawa. But niw things ended up like this, parang bigla akong nawalan ng lugar.
"Here I am thinking that you would be different from my mom. Yet, you are just like them. Fuck me for trusting you. But damn you to hell for what you did to me. What you did isn't help. It's just a road widening of the path that I will take towards my death. But thankfully I am no longer that Prescilla thirsty for my own death. Siguro nga natulungan mo ako kahit papaano, siguro nga dahil sa iyo kaya nagkaroon ng tapang sa puso ko. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?"
Unti-unti siyang lumapit sa akin ngunit hindi ko na magawang makailag sa pagkakataon na ito dahil natulos na ako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan kong naramdaman ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko kasabay nang pagdaloy ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko.
Kasalanan bang mabilis akong nagtiwala? Pagkakamali ba na hinayaan ko na mahulog sa kaniya sa loob ng ilang buwan lang?Kasi kung hindi... bakit ganito kasakit ang balik na para bang kasalanan ang nagawa ko?
It feels like someone groping my chest, making me feel a taste of the pain caused by trusting a man I thought would be different from all the people who treated me as if I'm their prey.
"I like you, Hope— No, I love you."
I staggered on my feet hearing those powerful words from him. Hindi ko inaasahan at mas lalong hindi sa pagkakataon na itong ubos na ang tiwala ko sa kaniya.
Pakiramdam ko sa gabing ito ay mas nadurog pa ang basag-basag na ako. Dahil bukod kay Katiya, sa kaniya ko lang ibinigay ang tiwala ko. Hindi ko siya gustong pagkatiwalaan pero dahil sa mga pagpapatunay niya ay kusa ko na iyong ibinigay sa kaniya.
And now, I ended up like this. Like a broken vase close to being ashes.
Humapdi ang mga mata ko nang mapuno muli iyon ng mga luha. Walang babalang nagbagsakan ang mga luha roon, tuluy-tuloy at walang patid na ipinakikita sa kaniya ang epekto ng lahat ng mga nalaman ko ngayon.
Marahan ko siyang inilingan, itinatanggi ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "It wasn't love, Waldo. It's manipulation."
I felt betrayed and no doubt that I feel hurt. Parang may malalaking karayom na tumutusok sa puso ko. Sobrang sakit sa pakiramdam na hindi ko alam kung paanong mawawakasan. Nagtuluy-tuloy ang buhos ng mga luha sa magkabilang pisngi ko habang sa isip ko ay paulit-ulit na nag-iingay ay tatlong salitag binitawan ni Waldo.
Kung sa ibang pagkakataon ko narinig ang pag-amin niya, walang salitang maniniwala ako. Bago siguro ang mga nalaman ko ay may posibilidad pang maging ako ay aamin din sa kaniya. Pero wala na kasi, eh. Tapos na. Huli na ang pagkakataon.
"Kung ganitong klaseng pagmamahal lang din naman ang ibibigay mo, huwag na lang siguro. Kung ang pagmamahal na sinasabi mo ay para sa iba na ibinabaling mo lang sa akin, siguro naman mas karapat dapat pa ako sa higit pa." Hindi ko nagawang punasan ang luha sa mga mata ko dahil sobrang bilis nang bawat pag-agos no'n. "Alam kong makasalanan ako. Hindi ako perpekto at napakarami ko nang nagawang mali. Pero hindi ko naman yata deserve ang ganito?"
"I'm sorry, Hope. Hindi ko alam na magiging ganito." Puno ng pagsusumamong tiningnan niya ako sa mga mata ngunit agad ko nang naitayo ang pader sa pagilid ng puso ko para maprotektahan ang sarili ko. "I admit being confused with my feelings. I admit seeing Cassandra in you, with how you suffer. Peero noong umpisa lang iyon. The more I spend time with the clearer I see you as who you are. As Hope, my honey and my queen."
Kalahati ng isip ko ang naniwala sa sinseridad nang pagkakasabi niya. Pero hindi pa rin mawala-wala ang pagdududa. Mapait akong napangiti sabay iling ng marahan. "Let me leave Waldo. Hindi na muna ngayon."
"Maniwala ka sa akin. Nagsasabi ako ng totoo." Nagsusumamo niya akong tiningnan, nagmamakawa na mapakinggan.
"At least half of my mind believes in your word, Waldo," I said truthfully. "Pero hindi kasi buo. At mahirap sumugal sa mga salita mo hangga't basag ang tiwala ko sa 'yo."
Hindi siya nakapagsalita. Tiningnan lang niya ako habang may nasasaktang ekspresyon sa mukha.
Kusang pumikit ang mga mata ko nang masilaw dahil sa papalapit na sasakyan sa direksyon naming dalawa ni Waldo. I even covered my line of vision using my arm for me to be able to see the familiar car of mine approaching us.
Gumawa ng ingay ang biglaang paghinto no'n sa gilid namin dahilan para mapangiwi ako sa paglangitngit no'n. Bumukas ang bintana kung saan bumungad sa akin si Katiya na seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"Sakay," mahinang utos niya.
Walang pagdadalawang isip na naglakad ako palapit sa kaniya ngunit sa isang hakbang pa lang na nagagawa ko ay agad na napigilan na ako ni Waldo. Pagkataranta ang dominante sa mga mata niya nang balingan ko siya ng tingin.
Kinumbinsi ko ang sarili ko na huwag magpaapekto sa nangungusap niyang mga mata. Pilit ko nilabanan ang kagustuhan ko na magpadala sa kaniya. Sinisigaw ng puso ko na lumapit sa kaniya at baliwalain ang lahat pero sa pagkakataon na ito, isip ang pinaiiral ko dahil mas tama na lumayo sa kaniya ngayon.
Because Waldo and I both need it. The time for ourselves and to know what we really want. Waldo has things he must sort out first before anything else. That goes the same way for me.
"Let go of me, Waldo," pakiusap ko.
"No, Hope. Sabihin mo muna sa akin kung anong nangyari." Inilingan ko siya habang ang bakanteng kamay ay unti-unting niluluwagan ang kamay niyang nakahawak sa akin. "I need you, Hope..." sa nakikiusap na tinig ay saad niya.
Naging malabo ang rehistro niya sa paningin ko hanggang sa tanging ang pigura na lang niya ang naaaninag ko nang mapuno ng luha ang mga mata ko.
"Hindi ako siya, Waldo. Hindi ako ang kailangan mo. Hindi rin ang mga babaeng may kaparehong sitwasyon kay Cassandra. Hindi ako. Hindi ang iba." Humakbang ako paatras, pinalalaki ang distansya sa pagitan naming dalawa. "Kailangan mo ang sarili mo. You need to accept the fact that you've made a mistake. You must forgive yourself. And you must accept the fact that your fiancé's already gone. Using other women to ease your guilt by doing to them, to me, the things you weren't able to do for Cassandra. Wala na siya, Waldo."
Stunned by my words, he wasn't able to move an inch. He just stared at me, lost by his own truth that he still wasn't able to realize.
Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para makalayo sa kaniya. At hindi ako nabigo. Nang masimula akong maglakad nang mabagal ay ni isang pulgada ay hindi man lang siya kumilos. Hanggang sa makasakay ako sa sasakyan ay nanatili siya roon at nakatulala lang sa malayo.
Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan. Kapuwa kami tahimik sa loob ngunit ang mga mata ko ay nakapako sa side mirror habang pinagmamasdan ang nakaestatwa pa ring si Waldo.
"Anong nangyari?" tanong niya nang marating na namin ang highway.
"Hindi naman gano'n kalala kung ikukumpara sa mga nagdaang problemang kinaharap ko. It just felt right to leave." Huminga ako ng malalim. "I found out that years ago he had a girlfriend he was supposed to marry. But due to some circumstances, she committed suicide. And Lilian told me that his brother used to bring a woman who was having an emotional battle just like I do to try to help her."
"Ginamit ka niya?" mapanganib na tanong ni Katiya.
"Parang gano'n. Iyong mga bagay na hindi niya nagawa para sa kasintahan niya ay sa akin niya itinutuon." Sumandal ako sa kinauupuan ko sabay pikit ng dalawang mga mata para subukang matulog. "Hindi naman gano'n kalala katulad nang nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan. Pero hindi ko pa ring maiwasang masaktan. I just couldn't help but wonder if during the whole time that I was with him, was he really thinking about me or he was seeing Cassandra."
"Sana pinag-usapan niyo nang maayos. Dapat hindi ka tumakbo at hinintay mo siyang ipaliwanag sa 'iyo. Dapat nagtanong ka," sunud-sunod na saad niya.
Mapait na nginitian ko siya. "I was afraid that when I let myself be close to him more, I wouldn't be able to stop myself from craving for his embrace."
Katiya sighed deeply but remained silent. I was thankful for the peace she offered. And after a rollercoaster-like event tonight, I was able to drift off to sleep. Pero sa kabila no'n, sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top