Chapter 25
The Replacement
"Nagkamali na naman yata ako, Katiya," nawawalan ng pag-asang pahayag ko.
"Saan at paano, Prescilla?" tanong niya sa tono na parang hindi naman siya interesado.
Pinanood ko siyang ayusin ang pagbubuhat niya kay Ezra na tulog na tulog sa mga bisig niya. Nandito kami sa bahay ni Galan, sa pool area.
I visited Katiya when Waldo left at dawn earlier this day.. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos ang pag-uwi namin ni Waldo kahapon. I forced myself to sleep in the car and woke up in his room with the news of his leave. Hindi na rin ako nagtanong pa o ang nag-usisa. I just let things flow like a calm river.
Kung ano man ang mga maaari kong malaman sa mga sumunod na araw, saka ko na lang aalalahanin kapag dumating na ang araw na iyon. Ang totoo ay hindi na naalis ang pagkabagabag ko matapos ang naging pag-uusapn namin at ang mga nalaman ko. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko
I was actually organizing the clothes Waldo let me borrow from Lilian. Maayos na nakalatag na ang lahat ng iyon sa kuwarto ni Waldo at ihahatid ko na lang sa kaniya mamaya. I was just waiting for the right time. Wala kasi siya sa bahay at sa pagkakaalam ko ay nasa villa ni Ken ngayon.
"About Waldo." Bumuntong hininga ako, hirap intindihin ang sitwasyon. "Lilian said one name and past situation of Waldo that I'm afraid to know."
"Alamin mo. Para maaga pa alam mo na kung saan mo ilulugar ang sarili mo." Tiningnan niya ako gamit ang malamig niyang mga mata. "Walang masama kung magtatanong ka at aalamin kung ano ba talaga ang intensyon niya sa iyo. Karapatan mo rin naman iyon dahil una pa lang ay siya na ang nagpilit ng sarili niya sa 'yo."
"Feeling ko masasaktan na naman ako." Sarkastiko akong natawa, hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
"Nagtiwala ka, eh."
"Dapat pala nagpilit pa akong iwasan siya. O 'di kaya'y umpisa pa lang ay nilayuan ko na siya."
Katiya shook her head at me. "Lumayo ka naman at umiwas, Prescilla. Ilang beses mo na rin siyang pinagtulakan."
Napabuntong-hininga na lang ulit ako sa kawalan nang sasabihin. Katiya on the other hand slowly went towards Ezra's bed to gently lay her there. Tulog na tulog na ang bata sa bisig ng ina niya. Nang masigurong hindi na magigising ang bata mula nang maihiga niya ang anak sa kama ay sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya.
Katiya brought me to the third floor of Galan's modern house. Hindi katulad sa ikalawa at unang palapag ng bahay ni Galan na kulay puti at brown ang interior, ang ikatlo ay may kadiliman at halos itim ang lahat ng naroon. It actually looks like a mini bag with the complete setup of a bar counter, stools, leather sofas, and even different kinds of alcoholic beverages and even wine refrigerators.
"You look like someone who's been living here, Katiya," komento ko.
Binalingan lang niya ako gamit ang malamig niyang tingin bago niya ako muling tinalikuran para magtungo sa isa pang ref sa loob ng bar counter. Ako naman ay nagtungo sa single sofa na naroon at doon siya hinintay.
Moments later Katiya came back holding two cans of beer in both of her hands. "Ang tipid mo naman," nakasimangot kong sabi.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala akong sinabing maglalasing ka," pagsusungit niya. "Kailangan mo lang ng pampakalma."
"Kalmado naman ako," saad ko.
"Puso mo siguro pero utak mo hindi." Binuksan niya isang lata pero imbes na uminom roon ay inabot niya iyon sa akin.
"Ikaw?"
Umiling siya sa akin. "Si Ezra," simpleng sagot niya na para bang iyon na ang eksplenasyong kailangan ko.
Kusang umukit ang ngiti sa mga labi ko sa mabilis na pagbabago niya dahil lang sa pagpunta niya rito. She became a different person, hindi man sa aspetong emosyonal pero sa mga kilos naman niya ay mapapansin ang pagbabago.
Katiya became cautious and she became a considerate person that she never was. Tingnan mo ngayon, dati ay hindi niya tinatanggihan ang alak at sigarilyo pero ngayon ay umiiwas na para sa anak niya.
"Hindi ko na alam. Gusto kong magtanong pero pinangungunahan ako ng takot." Napapikit ako nang gumuhit ang pamilyar na lasa ng alak sa lalamunan ko.
"Hindi mo man malaman ngayon, malalaman mo pa rin naman sa ibang panahon. Ngayon ka na magtanong habang maaga pa para kung sakaling hindi aayon sa iyo ang maririnig mong katotohanan, may pagkakataon ka pang lumayo habang hindi ka pa tuluyang nahuhulog."
Hindi. Mali siya sa bagay na iyon. Dahil sa puntong ito alam ko sa sarili kong hulog na ako.
"Wala ka namang ibang pagpipiliian maliban sa tanggapin kung anong kahihinatnan ng mga nangyayari sa 'yo ngayon. Aalis ka na rin naman," dugsong niya.
"Iyan na lang din ang kinakapitan ko, Katiya," sagot ko, iniignora ang kung anong laman ng isip ko.
Muli akong napabuntong-hininga. Katiya was right. It was my plan to leave this place tomorrow. At katulad ng nakagawian ay tutulong na naman si Katiya sa akin. She would be the one who would help me get out of this place unnoticed. Kung aayon ang lahat sa napag-usapan namin kanina, bukas ng gabi na ang alis ko.
Hindi ko alam sa kaniya kung may balak ba siyang bumalik o kung katulad ko ay pipiliin niya na ring mamuhay ng mag-isa. But I would like it better if she'll choose this place. Dahil nandito ang anak niya. Dahil nandito ang pamilya niya.
"Puntahan mo na lang ang address na ibinigay ko sa iyo. Diyan ako nakatira at walang tao riyan ngayon. Nandiyan din ang mga gamit mong nakuha ko sa bahay mo noong nakaraan. Sasakyan mo ang ginamit ko nang magpunta ako rito. Iyon din ang gagamitin natin paalis."
Tumango ako. "Thank you, Katiya. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala ka."
"Sa kangkungan, Prescilla," sarkasmo niya. "Kaya kung ako sa iyo, gamitin mo iyang buhay na mayroon ka para gawin ang lahat ng gusto mo. Huwag mo nang hahayaang makulong sa isang bagay o sitwasyon."
Huli na yata para roon. Dahil sa mga sinabi ni Lilian at sa katotohanang malalaman ko, alam kong huli na ako.
***
Kabado akong naglalakad sa tahimik na pasilyo sa ikalawang palapag ng bahay ni Waldo isang araw matapos ang pag-uusap namin ni Katiya. Wala akong ibang nakakasalubong na kahit sino, maging ang mga kasambahay ay wala rin ngayon. Kulang ang tapang na mayroon ako para puntahan ang taong sadiya ko pero kailangan kong gawin dahil huling araw ko na rin naman dito.
Wala akong ideya kung ano ang sasalubong sa akin oras na makita ko si Lilian. Kung katulad ba ng mga nakaraang araw na malamig ang pagtrato niya na para bang galit siya ang bubungad sa akin. O kung sa pagkakataon na ito ba ay mabibigyan na niya ng linaw ang lahat ng kaguluhang idinulot ng mga salita niya sa akin noong nakaraan.
Maingat na kumatok ako sa pintuan ng kuwarto niya nang marating ko na iyon sa wakas. Ang isang kamay ko ay bitbit ang ilang pirasong damit ni Lilian a maayos ang pagkakatupi na isasauli ko na ngayon.
"Sino iyan?" tanong niya gamit ang natural na malambing na boses.
Sumagap ako ng hangin at pinuno ang dibdib ko sa pagbabakasakaling maiibsan no'n ang kabang nararamdaman ko. "It's Prescilla."
Mula sa nakasarang pintuan ay narinig ko ang mahinang ingay nang pagkilos ni Lilian. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi mawala-wala ang kabang pumupuno sa dibdib ko.
"Pasok ka," sa mahinang tinig ay aniya.
Maingat na binuksan ko ang pinto ngunit imbes na pumasok agad ay sumilip muna ako. I saw Lilian sitting on her bed. Tuwid lang siyang nakatingin sa harapan niya habang walang kakilos-kilos ang katawan.
Maingat na lumapit ako sa kaniya at huminto lamang ng sapat na ang distansya sa pagitan naming dalawa. Marahan kong ibinaba ang magkapatong niyang damit sa footrest ng kama niya.
Ang totoo ay hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan ngayon. Hindi ko alam kung paanong magsisimula sa usapang balak ko sana. Para akong binalik sa pagkabatang takot makisalamuha sa iba. Hirap na hirap akong magsalita maski isang beses kahit na madali lang naman iyong gawin sa normal na pagkakataon.
"May sasabihin ka ba?" tila naiinip na tanong niya.
"Ano..." Napakamot ako sa ulo ko ng hindi ko mahanap ang sariling boses para magtanong. "Gusto ko lang humingi ng dispensa kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan sa buong durasyon nang pananatili ko rito," mababa ang boses na saad ko.
Pinanood ko kung paanong nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Hindi ako galit. At wala naman akong dahilan para magalit sa iyo."
"Pero bakit parang may nagawa ako?"
Bumuntong hininga siya sa naging tanong ko. "I'm not mad at you. I just don't like the idea of having you in this house."
Umawang ang labi ko nang tangkaing magsalita ngunit walang tinig akong nabikas kahit isa. Bakit taliwas ang sinasabi niya sa lamig ng naging pagtrato niya sa akin? Maging ang unang beses na napadpad ako rito at maging ang bayolenteng reaksyong una niyang ipinakita ay hindi ko pa rin nalilimutan hanggang ngayon.
"I used to have a best friend."
Muli ko siyang pinagmasdan nang magsimula siyang magkuwento. She has this faraway look on her face. The longing was there and if I'm not mistaken, tears have already pooled her eyes. Bumaling siya pakaliwa kung saan bintana ang makikita niya.
Hindi ko alam ang intensyon niya sa pagkukuwento niya ngayon. Ni hindi ko nga alam kung bakit naisipan niyang maglahad sa aking ng kuwento niya gayong ito pa lamang ang unang pag-uusap naming dalawa. I was actually taken aback, but the need to hear her out was greater within me.
Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang magawa kong pigilan ang sarili ko na makapagsalita. I want her to talk her heart out. And what I want now is to listen to her. Because maybe that way, I'll be able to know why she ended up like this.
"You see, we are each other's sisters but we didn't end like those from the fairytale. "
For countless times, I felt the feeling of being in pain, seeing Lilian shedding tears became foreign. It was more than just a hard object pressed against my chest that made it difficult for me to breathe normally. It doesn't even match the pain I felt seeing Harris walk away.
Lilian was just there, motionless while telling a story about her. Ni hindi man nga lang siya mukurap nang pumatak ang luha niya na agad nasundan ng higit sa isa pa. Na para bang maging siya ay hindi iyon naramdaman.
"Did you have a fight?" I asked, trying to complete the puzzle of her life.
Marahan siyang umiling sa akin, puno ng lungkot at pagsisisi. "She lost her fight."
Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko na kailangan pa ng ibang detalye. What she said was enough to patch half of the whole story. At hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kaibigan niyang tinutukoy niya.
"We were both young and fresh grads at twenty. We barely just got out of our teenage years. But the pressure got the best of her." Another tear fell from her eye. "She was supposedly getting married two years but instead of going to church and walking down the aisle, she was carried while she's peacefully lying in her casket. Instead of a wedding gown, she was wearing her goodbye dress."
Napakapa ako sa magkabilang pisngi ko nang maramdaman kong gumuhit ang mainit na likido roon dala ng bigat na nararamdaman ko ngayong pinakikinggan siya. Ang pangungulila ay nasa boses niya. Ang lungkot ay larawan ng bawat luhang pumapatak mula sa inosente niyang mga mata.
"Her parents were pressuring her to succeed in her chosen field as a flight attendant. Being engaged at a young age made her lose so many opportunities, not because it was a hindrance but because of too much love she has for her fiancé. She wanted to put her everything for the preparation for their upcoming wedding. But instead of excitement, the pressure was all she could feel. Our peers were starting to build their careers while she was busy creating a family. And what triggered her emotions more was the lack of sympathy from her fiancé."
"What do you mean by that, Lilian?" mahinang tanong ko.
"She was showing signs of depression. She was always anxious. There would be a time that I would see her crying for no particular reason. Masyadong maraming nangyari sa maikling panahon lang. Mabilis na nagbago ang buhay niya." Lilian slowly turned her head in my direction. Pero hindi niya nagawang salubungin ang mga mata ko dahil hindi siya tumingala at nanatili lang diretso ang paningin. "But her man was too busy with his plans for the both of them that he forgot to check on his girlfriend. HE forgot to ask if she was fine or if something's bothering her. Masyado siyang nakampante na okay lang ang lahat dahil hindi naman nagrereklamo ang kaibigan ko. Pero sa likod ng katahimikan niya ay ang ingay na pumupuno sa isip niya."
Binalot ako ng awa para sa taong sentro ng mga kuwento ni Lilian. Ramdam ko sa mga piling salitang ginamit niya ay ang bigat na pinagdaanan ng matalik niyang kaibigan noon. Pakiramdam ko ay dinala ako ng kuwento niya sa punto na iyon at ipinakikita sa akin kung paanong nalugmok ang taong iyon.
It was as if I entered a movie house wherein the life of that girl was playing on-screen, allowing me to watch the story of how much she suffers from her life. And I just found myself crying with Lilian as if what we were watching was the most tragic movie that was ever created in the world.
"She used to be a bubbly woman who did not know how to feel sad. But as we grew older, that's when things started going out of control. Cassandra was a happy person until there was nothing left with her but sadness."
RInging sound followed her last words. Parang bigla akong nabingi gayong malinaw ko namang narinig ang lahat ng sinabi niya.
Agad nakabuo ng teyorya ang isip ko at tila nagtagpi-tagpi ang lahat ng kuwento ni LIlian magmula pa kahapon. Bigla kong nainitindihan ang lahat. Ang mga katanungang nabuo sa isip ko ay biglang nabigyan ng kasagutan.
Ang takot na nararamdaman ko noon nang maisip ang posibilidad na ginagamit lang ako ni Waldo ay biglang napalitan ng awa para sa sarili ko. Lilian was right. I was just used. Maybe Waldo just saw a glimpse of his previous fiancé in my situation. Maybe he was just trying to ease his guilt by diverting his attention by saving me.
And he did. Only to create another scar in me.
"I tried to save her, or at least stop her from her plan that day." Lilian shook her head in disappointment and disbelief, with pity and unending grief. "But I wasn't enough. Cassandra's scar already reached the deepest part of her heart making her unable to rise up. She wasn't drunk, but she was drowning with so much emotion that nothing would be able to ease it for her. That night, I knew what she's planning to do and the reason why I tagged along. Pero wala pa rin akong nagawa. Even before I could stop her and step on the break myself, she already stepped on the accelerator resulting in a car crash involving the two of us."
"Your eyes..."
Tumango siya. "I used to see the color of the sky, to differentiate the bright colors from the dark. But after that night three years ago there was nothing left in me but darkness."
Dumoble ang bigat na nararamdaman ko. Maging ang awa sa sarili ko ay napatungan ng awa para sa sitwasyong mayroon si Lilian ngayon.
"And my brother, the man who took care of you, wasn't able to save the woman like he's supposed to. Binuo niya ang bahay na ito sa isiping makakasa niya rito si Cassandra. She used to be the one ruling this household." Umangat ang mukha niya dahilan para muntikan nang maglapat ang mga mata naming dalawa. "Kaya ayaw kong nandito ka dahil ayaw kong matulad ka rin sa nauna pa sa iyo na ginamit lang niya para pahupain nag konsensya niya."
Aakala ko sagad na ang gulat na naramdaman ko sa mga rebelasyong nalaman ko ngayong gabi. Pero sa huling pasabog na isiniwalat niya ay parang mas lalo pang nayanig ang mundo ko.
Nakunteto na ako, eh. Nakuntento na ako sa paghihintay ng mga kasagutan dahil takot akong magtanong. Hindi na ako agtangkang mag-usisa pang lalo kahit na gulung-gulo ang isip ko. I just let everything pass before my eyes but now another truth was unveiled that I wasn't ready for.
"You weren't the first person my brother brought here. May mas nauna na sa iyo isa't kalahating taon na ang nakararaan. They broke up, too. And I thought that it would be the end of it, but you came."
"Hindi ko alam," nanlulumong bulong ko.
I felt betrayed. Tama si Lilian, I was only used by Waldo for him to appease all of his regrets because of what happened to his late fiancé.
"I know what he's doing and I don't want you to be a victim of his act. You deserve better. You deserve more than just to be treated like a replacement."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top