Chapter 24

The Truth

Nagising ang diwa ko nang makaramdam ng pagkilos sa gilid ko na para bang may taong naglalakad doon. Sa kabila ng antok at bigat ng katawan ay pinilit ko ang sarili kong gumising upang alamin ang nangyayari. I was greeted by Waldo who was quietly entering the room while carrying a tray full of food for breakfast. May nakita pa akong dalawang baso ng tubig.

He gave me a shy smile as if he was caught even before he could make his presence known. Nagtuloy-tuloy siya nang paglapit sa akin hanggang sa maibaba niya sa bedside table ang dala niyang tray. He signaled me to stay on top of his bed as he went to enter the comfort room of his room.

Dito ulit ako natulog sa kuwarto niya, habang siya naman ay sa kabilang kuwarto natulog bilang kapalit ng hindi ko pagtulog doon. He insisted for me to stay here but I want to sleep somewhere else where I wouldn't have to share the same bed with him. Iyong una ay wala akong kakayahang magreklamo nang tabihan niya ako dahil tulog ang kamalayan ko. Pero kung masusundan pa iyon ay aayaw na ako bilang respeto na lang sa sarili ko.

"Here, cleanse your mouth."

Waldo went closer to me while carrying an empty basin in one hand with the other carrying a glass of water. Naguguluhan man sa mga inaakto niya ay hinayaan ko lang siya. He looks so happy doing everything like he's a butler serving his queen. And I don't want to erase the smile on his face. It just looks so beautiful to him.

"Akala ko ba aalis ka?" salubong ang kilay na tanong ko matapos akong makapagmumog.

"I want to spend one more day with you." Kinindatan niya ako na inirapan ko bilang sagot.

Nagmamadali siyang bumalik sa banyo para siguro ay ilagay ang mga kinuha niya roon. Nang makabalik ay siya na rin ang naglagay sa ibabawng kama ng tray na dala niya habang ako ay pinanonood lang siya.

"Ang weird mo ngayon," puna ko. "May kasalanan ka bang nagawa?"

Nabawasan ang ngiti niya. "Marami akong kasalanan sa iyo. Pero saka na lang ako aamin pagkauwi ko galing ng Maynila."

"Waldo," takot na sambit ko sa pangalan niya. He shook his head before turning his attention towards the food he brought for both of us.

Dati nang maalaga at maasikaso si Waldo, walang duda ang bagay na iyon. Noon pa man na kakikilala pa lang namin ay inaalagaan niya na ako at iniingatan. Mas lalo na nang mapadpad kami sa lugar na ito. He showered me with care.

Pero iba ang araw na ito. Pakiramdam ko ay may mali sa kaniya at sa mga ikinikilos niya. Pakiramdam ko ay may pilit siyang pinagtatakpan sa likod ng mga ginagawa niya ngayon sa harapan ko. Pero ang kuwestiyunin siya at ususain ay hindi ko na ginawa. Wala akong lakas ng loob sa maaaring dahilan. Wala akong makapang tibay para pakinggan siya kaya mas pinipili ko na lang na magpatangay sa agos ng mga nangyayari.

"Prepare yourself, I'll wait for you downstairs," he said right after we finished breakfast. He went over the tray to give me a quick kiss on my cheek. "Wear something you'll be comfortable with, honey."

He winked at me before going out of the room taking the utensils we used. Naiwan ako sa kuwarto na balot ng mga katanungan sa isip ko. Pinilit kong huwag magpaapekto at umakto ng normal hanggang sa matapos ako sa pag-aayos.

Napabaling ako sa pintuan nang makarinig ng katok mula roon. Maglalakad na sana ako para pagbuksan ang taong nasa likod no'n. Pero bago pa man ako makalapit sa pinto ay bumukas na iyon at iniluwa si Lilian. At dahil marahil ay pamilyar na siya sa lugar ay hindi na siya nahirapan pang pumasok sa loob.

Pinanood ko kung paanong kumunot ang noo niya habang marahang inililinga ang ulo na para bang hinahanap ang presensya ng kung sino. Nang lumipas ang halos isang minutong katahimikan at pakiramdaman ay mas lalo pang nagsalubong ang kilay niya na para bang naiinis sa hindi ko malamang dahilan.

"Kuya's not here," sabi niya sa sarili niya.

"Lumabas siya kani-kanina lang," pagbibigay alam ko.

"You're the girl he brought here."

"And I feel like you hate me for some reason."

Naglakad siya ng marahan palapit sa direksyon ko. Pero hindi gaya ng inaasahang hihinto siya sa harap ko ay nagtuluy-tuloy lang siya hanggang sa makaupo na siya sa kama ni Waldo. Kinapa niya ang paligid ng puwesto niya, dinadama ang lambot no'n sa mga kamay niya.

Katulad ng mga naunang pagkakataon na nakita ko siya, wala na namang pokus ang mga mata niya. She was looking elsewhere, with no particular object in her sight.

"My brother doesn't love you," walang babalang saad niya. "He's just using you."

"Anong ibig mong sabihin?" nanghihingi ng linaw na tanong ko sa kaniya.

"This bed..." Nag-angat siya ng tingin bagaman hindi iyon tumama sa akin. "This used to be owned by Cassandra. This was her place."

"Sinong Cassandra?"

Mapait na nginitian niya ako matapos ay muli nang tumayo. "Ask my brother."

Walang lingong iniwan niya ako roon na magulong ang isip. Binundol ng kaba ang dibdib ko, sobrang lakas at bilis ng bawat pagtibok no'n. Nagkabuhol-buhol ang kanina'y payapa kong isipan. Napuno ng katanungan ang isip ko sa kung sino ang tinutukoy ni Lilian sa mga pahaging niya kanina bago ko iniwang nalilito.

Bigla ay parang ipinamukha sa akin na hindi ko talaga lubusang kilala si Waldo. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili ko dahil walang reklamo akong tumitira rito sa kabila ng katotohanang estranghero pa ring maituturing ai Waldo. At ang mga salitang binitawan ni Lilian sa akin ay mas lalo lang ipinakita na ang taong walang sawang nagliligtas sa akin at ang taong.

Gusto kong kastiguhin ang sarili ko sa kung paanong hinayaan kong magpatangay sa agos ng nararamdaman ko. Kung bakit ibinigay ko ng buo ang sarili ko at lung bakit hinayaan kong mahulog kay Waldo. Bigla ay nagkaroon ng malaking bitak ang noo'y perpektong imaheng mayroon ako para sa kaniya. Sa mga simple ngunit may kaakibat na bigat na kahulugang narinig ko mulay kay Lilian, agad ko nang pinagdudahan ang intensyon ni Waldo unang paglapit niya sa akin noon.

Nagkamali na naman ba ako sa pagkakataon na ito?

Muling umingay ang pinto at sa pagkakataon na ito ay ang nakangiting mukha ni Waldo ang nabungaran ko. Pinilit ko ang sarili na ibalik iyon sa kaniya habang sa isip ko ay pilit kong binubura ang mga bagay na napag-usapan namin ni Lilian kanina.

"Tara?" tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang tugon, hindi na nagtangka pang magsalita sa takot na baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong magtanong pa.

"May gusto ka bang puntahan?" Kinuha niya ang kamay ko matapos ay hinawakan iyon

"Ikaw ang nag yaya, Waldo, kaya bakit ako ang tinatanong mo?" Nagpeke ako ng tawa para hindi siya mag-isip ng kung ano.

Pero kahit na anong gawin ko, hindi pa rin mawala-wala ang pangalang binanggit ni Lilian sa harapan ko. Sa paraan nang paglalahad niya kanina, ramdam ko ang pangungulila niya sa taong iyon. I could feel how much that person weighs on Waldo's sister and how much she knew about her.

And it makes me wonder if I would ever receive the same amount of acceptance from him. Ramdam ko pa rin kasi talaga na hindi siya masayang nandito ako. Na hindi niya pa rin ako tanggap sa kabila ng ilang araw na pananatili ko rito kasama sila.

"I saw my sister coming out of my room, may sinabi ba siya sa iyo?" he asked after a brief silence.

"She was looking for you, that's it," pagtatapos ko ng usapan.

Ayaw kong buksan hangga't maaari dahil paniguradong dadalhin ko iyon hanggang sa matapos ang araw na ito. Pupunuin lamang ng mga katanungan ang isip ko at maapektuhan lamang ako. And filling my mind with countless thoughts would only bring stress to me.

Bahala na kung saan man ako dadalhin ng mga nalaman ko kay Lilian. Bahala na kung sa mga susunod na bukas ay muli na naman akong masasaktan. Wala na rin naman sa intensyon ko ang magtagal sa lugar na ito. Ilang araw na lang, sa susunod na pagkakataon ay babalik na ako sa buhay kung saan ako lang ang naroon.

Ayaw kong paabutin pa sa punto na makakasanayan ko na ang ganitong klase ng buhay kung saan nasa pangangailaga ako ni Waldo. Sadiyang nakakatakot lalo na ngayon na ang kumpiyansang isang daang porsyento kong ibinibigay kay Waldo na hindi niya ako sasaktan ay unti-unti nang nalalamatan ngayon.

"Do you think Lilian doesn't like me?" hindi napipigilang tanong ko limang minuto matapos niyang paandarin ang sasakyan.

Nakita ko siyang napalingon sa akin ng mabilis samantalang ako naman ay nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana. Puro puno lang ang nadadaanan namin, malayo sa mga matatayog na gusaling makikita sa syudad.

"She said something, didn't she?" kumpiyansang tanong niya.

"Wala naman siyang sinabi," pagsisinungaling ko. "I'm just wondering if my presence bothers her. If she doesn't like me at all. Ilang linggo na rin akong tumutuloy sa inyo pero ni minsan ay hindi kami napagbigyan na makapag-usap man lang. I sometimes feel like she's avoiding me."

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa gilid ko. "She's not. Lilian's going through something right at this moment."

"Are you sure about that?"

"Hmm. Don't mind her too much."

Hindi na ako nagkomento. Pero sa isip ko ay pakiramdam ko may pinagdadaanang mabigat si Lilian na maging si Waldo ay hindi alam. Masyadong malihim ang nakababata niyang kapatid na sa tingin ko ay nakasanayan na niya dahilan para mahirapan siyang buksan ang sarili niya sa iba.

I want to pity her, but what I wanted more was to talk to her and let her open up to me even though we have no connection or anything. Sometimes, it's easy to open up to someone you barely knew. It sometimes feels more relieving. Mas madali kasi minsan na magsabi sa iba dahil pagdamay ang ibibigay nila.

Kailanman ay hindi ko naranasang makausap ng matino ang pamilya ko maliban kung may kinalaman sa pera o ikayayaman nila. Pero nasisiguro kong kung hindi ganoong klase ng pamilya ang kinalakihan ko ay maaaring hindi ako naging ganito. Only if my family cared more about the welfare of their child and our family, we wouldn't fall apart like this.

Masarap siguro sa pakiramdam na napakikinggan ka, inaalagaan, at iniingatan. Hindi tulad ng naranasan kong binalewala, ginawang pipe, at tinanggalan ng karapatang mabuhay ng naaayon sa gusto ko. And growing up with a not-so-good family, I began to realize how important it is to always check on one's family member. And that includes checking on yourself.

Sobrang hirap na sarili mo lang ang kinakapitan mo. Tipong gusto mong magsumbong at manghingi ng simpatiya pero walang makikinig sa iyo. The feeling of being left behind, it's awful. Mahirap dahil sarili mo rin ang kalaban mo. Pilitin mo mang maging matapang, mas madaling piliin na maging mahina at sumuko sa laban. But doing that means defeat. And defeat means no more chances for me to be free. Kaya sa unang pagkakataon matapos ang mga buwan na purong pagsuko ang alam ko, gusto ko nang maging matapang ngayon hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili ko.

"Nandito na tayo," pagbibigay alam niya na pumukaw sa atensyon ko.

I blinked multiple times and was greeted by a huge mall. "Hindi mo naman sinabi na old-school date pala ang gusto mo," biro ko.

Waldo chuckled. "It's been ages since I last went to this kind of place. Umiikot lang hacienda ang buhay ko."

Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Hinintay ko ang ginawa niyang pag-ikot para pagbuksan ako ng pinto. Nginitian ko siya bilang pasasalamat.

Kinuha niya ang kamay ko at hindi na binitawan iyon hanggang sa paglalakad namin papasok sa loob. Hindi gaya ng inaasahan ko ay wala masyadong tao sa loob ng establishimyento. Maging ang mga kumakain sa piling kainan sa loob ay kaunti lang din. At hindi gaya sa ibang sikat na mall na napuntahan ko ay simple lang ayos ng mga taong nakakasalamuha namin.

"Anong gagawin natin dito ngayon?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa buong lugar.

I am not a fan of malls nor shopping. Gastos lang ang mga iyon. Kung hindi pa siguro ako pipilitin ni Mama noon na sumama sa pagmo-mall ng mga anak ng amiga niya ay hindi ako lalabas ng lungga ko.

"How about a movie?" suhestiyon niya.

Ngumiwi ako ngunit kalaunan ay umiling. "Kain na lang tayo sa food court."

"We just ate an hour ago, honey," he reminded.

"I'm craving for some shawarma," takam na usal ko.

Hinayaan niya akong hilahin siya patuno sa escalator dahil nasa lower ground ang escalater ayon sa mga signage na nakikita ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar para tingnan ang uri ng mga pagkaing mabibili roon.

"Dito ka na lang. Ako na ang bibili ng gusto mo." Waldo pulled me towards a vacant chair and assisted me to sit. "What do you want for your drink?"

"Cola will do," nakangiting sagot ko.

"In a minute, your highness." Tila isang tagapagsilbi na yumuko siya sa harapan ko bago umalis para bumili ng makakain naming dalawa.

Sa totoo lang, may nakita na ako kanina sa taas na mas malaking puwesto na shawarma rin ang binebenta. Pero mas pinili ko rito dahil mas kalat ang mga tao hindi katulad doon na kakaunti lang. This way I could make myself preoccupied watching the people around me. I could make myself busy unlike how I would have a lot of time to think of negative things.

Kahit naman kasi ilang beses kong itanggi sa sarili ko, alam kong apektado ako ng mga narinig ko mula sa kapatid ni Waldo. Pinipilit ko lang ang sarili kong umakto na para walang narinig dahil mas lumalamang ang takot ko sa maaaring kahinatnan kung magtatanong ako. Kaya lahat ng tanong ko, nilulunok ko na lang para wala ng gulo.

Ilang sandali lang ay muling bumalik si Waldo dala ang mga pinamili niya para sa amin. Isa-isa niyang ibinaba sa lamesa ang dalawang shawarma at dalawang bote ng coke bago inokupa ang upuan sa harapan ko.

"Thank you, Waldo," pasasalamat ko.

"My pleasure serving you, my queen," he replied sincerely.

Nabitin ang ginawa kong pagkuha sa shawarma dahil sa narinig. Mukhang napansin niya iyon kaya siya na ang nagtuloy ng balak ko. But he remained clueless about the reason why I stopped. That behind my action was the countless questions running in my mind.

"Waldo," pukaw ko sa atensyon niya.

"Hmm?" He handed me the shawarma he opened for me. Hindi niya sinalubong ang paningin ko, nanatiling tutok ang atensyon niya sa ginagawa.

"Why me, Waldo?"

I remember asking this same question to him before, not just once. And his answer still lingers in my mind. Pero pakiramdam ko lahat ng sagot niya hindi pa rin sapat ay may nakatagong ibang pakahulugan. Noon pa man hindi ko na makuhang maniwala dahil pakiramdam ko masyadong malayo sa reyaldad.

Ngunit mas lalo lamang lumihis sa ang paniniwala ko ngayo. Pakiramdam ko ay lahat naging kasinungalingan lamang. Hindi ko na alam kung paano kukumbinsihin ang sarili ko na totoo ang lahat gayong ang kapatid na niya mismo ang nagbibigay ng dahilan para magduda ako.

"He's just using you."

Pakiramdam ko ay may pumigang marahas na kamay sa puso ko nang muling umalingawngaw ang boses ni Lilian sa isip ko. Sa paanong paraan niya ako ginamit? Kailan nagsimula? O kung sa umpisa pa lang ba ay iyon na ang intensyon niya.

"What? May problema ba?" litong tanong niya.

"I'm just wondering why you're helping me."

Sa kabila ng takot na nararamdaman ko ngayon, pinilit kong tapangan ang sarili ko na tingnan siya at panoorin ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.

Kung kanina ay kapayapaan at tuwa ang nababasa ko roon, ngayon ay biglang napuno ng takot. Bumakas ang rekognasyon sa mga mata niya bago naging mailap na kanina naman ay nagagawa akong tingnan ng diretso.

"I already answered that, Hope," he answered with a hint of dismissal.

"I know." Bumuntong hininga ako. Pabagsak na sumandal ako sa kinauupuan sabay iwas ng tingin sa kaniya na siyang ibinaling ko sa mga pakalat-kalat na tao sa paligid namin ni Waldo. "Ang hirap lang kumbinsihin ng sarili ko para paniwalaan ang naging sagot mo. It feels like a lie. Or if not, I felt like it was directed towards someone. And that wasn't me."

Natahimik siya. I may have said those words cryptically, but deep inside me I was hoping for a real answer from him. Pilit ko mang balewalain ang babaeng binanggit ni Lilian, hindi ko magawa dahil tumatak na agad siya sa isip ko.

And I know for sure that whatever Lilian said was all true.

"Lilian said something," puno ng kasiguraduhang saad niya.

"It doesn't matter if she did or not. I want the answer that I deserve, Waldo. The truth behind all of your actions." Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya, pilit na hinahagilap sa mga mata niya ang katotohanang ipinagkait niya. "Were you truthful to me, Waldo?"

"Of course, Hope. I wouldn't lie to you." He reached for my hand and looked at me pleadingly. "Trust me, please. Please trust me," he pleaded.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. I wanted to trust him too, like what he wanted me to. But as reality started to show itself to me, it became the hardest thing to do.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top