Chapter 23
Her Sole Friend
Mas ibinalot ko sa makapal na kumot. Hindi para pawiin ang lamig ng hanging dumadampi sa akin kundi para itago ang panginginig ng mga kamay kong kanina ko pa nararamdaman.
To receive an insult for other people hurts. But to hear it directly from my mom made me feel an excruciating pain that I could barely manage to survive. Minsan, mas gusto ko na lang isipin na ampon ako at anak ng ibang mag-asawa at hindi ng mga magulang ko. That way, it would only hurt for a few moments and I'd be fine once again.
Footsteps from my back became louder as they were coming nearer to where I was resting. Sumiksik ako sa pader para bigyan ng daan ang mga kasambahay na pababa ng hagdan. Ilang sandali na lang ay lulubog na ang araw kaya abala ang lahat sa paghahanda ng hapunan ng mga bisita. Matapos ang gulong nangyari kanina ay hindi na muling umalis pa ang apat na kalalakihang nakasama namin kanina.
The empty house of Waldo was nowhere to be seen now. Puno na ng mga tao sala ng bahay hindi lang dahil sa mga kalalakihan kundi maging sa ilan pang tao na sinama nila rito. Laszlo was now with his mayordoma, whom I thought is more than that. Galan's with his daughter. While Ken came alone.
"Katiya!"
Mabilis na napalingon ako sa bandang pinto nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Galan. Sumalubong sa akin ang walang emosyong mukha ng babae habang naglalakad papasok ng bahay. She's wearing her usual attire, leather pants with a white fitted sando covered with a denim jacket.
Iginala niya ang paningin niya sa salas at tumigil nang matapat sa akin na nasa pinakatuktok ng hagdanan. Pero bago pa man siya makahakbang para lapitan ako ay napahinto na siya nang yumakap sa isang binti niya si Ezra.
"Ikaw mommy ko?" inosenteng tanong ng bata sa kaniya.
Galan also stood up and went after his child. "Katiya," hindi makapaniwalang sambit niya.
"Mommy ko ikaw," muling saad ng bata.
Nakalimutan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin kanina. Nakuha ng eksena sa harapan ko ang buong atensyon ko. Agad kong naramdaman ang saya sa puso ko para kay Ezra na sa wakas ay nakita na ang ina niyang iniwan siya ng ilang taon.
Nagbaba siya ng tingin kay Ezra at sa isang natural na galaw ay sinuklay niya ang buhok ng bata. "Kauusapin ko lang sandali si Prescilla. Mamaya na tayo mag-usap, Galan," wika ni Katiya, kausap ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang pagmasdan lang babae na para bang isang biro lang na nandito siya.
From afar, I could sense Galan's hesitation. Maybe because he was afraid that there would be no second chance to have a word with the woman he's been chasing for so long. Umangat ang kamay niya para marahil ay hawakan si Katiya ngunit pinigilan din niya agad ang sarili niya. Nakuntento na siyang tingnan lang ito, kinakabisa ang mukha sa bawat anggulo.
Sa huli, bumuntong-hininga ang lalaki matapos ay binuhat ang anak na ayaw bumitaw kay Katiya. "Mommy's going to talk to Aunt Prescilla, baby. Let's wait for a short while, alright?"
Katulad ng ama niya, naroon din ang pagtutol kay Ezra. She shook her head repeatedly while trying to reach for her mom.
"Let's wait for a bit, sweetie," pag-aalo ni Galan.
Tears pooled Ezra's eyes that she tried to remove by wiping it using the back of her hand. But she didn't say anything, she just stared at her mom. Katiya sighed while looking at the two who were now walking towards the opposite direction of her. Nang pumasok na sa dining area ang dalawa ay saka lang siya naglakad patungo sa direksyon ko.
Lahat ng mga mata ng taong naroon ay nakasunod sa kaniya. Mula kay Laszlo at sa mayordomang katabi niya, maging kay Ken at Waldo na nag-uusap kanina. Ang tanging hindi lang kumilos ay ang katabi ni Ken na si Lilian na diretso lang ang tingin sa harapan.
Tumayo ako nang malapit na niyang marating ang kinaroroonan ko. Nang nasa harapan ko na siya ay sinenyasan ko siyang sumunod sa akin na walang imik niyang sinunod. I took her to the veranda. And there, we let ourselves be caged in a world that only revolves around the both of us.
"Anong klaseng kademonyohan na naman ang ginawa ng mga magulang mo sa iyo?" diretsong tanong niya bago pa man makaupo ang isa sa amin.
"Wala namang bago na makakukuha ng interes mo," walang ganang tugon ko. "Tinutukan lang naman ako ng baril. Pinagtangkaan akong patayin. Sinabihan ako ng malandi. Ininsulto ako na para bang hindi nila ako kadugo." Pagod na bumuntong hininga ako. "It already happened twice but the feeling was still the same."
"Malamang. Magulang mo iyon at anak ka." Ibinagsak niya ang katawan niya sa sofang naroon. "Pero kung ganiyang klaseng pagtrato lang din naman ang makukuha mo, wala akong makitang dahilan para gustuhin mo pang sumama sa kanila. Lalo na at kung sila ang dahilan kung bakit nawala ang anak mo sa iyo."
Muli kong naramdaman ang panginginig ng kamay ko nang maalala ang nangyari sa anak ko. "Hindi ko alam kung kaya ko pa bang kalimutan ang bagay na iyon, Katiya," pag-amin ko.
Mabilis na pinaligiran ng luha ang mga mata ko. Nanikip ang dibdib ko at pinahirapan akong huminga na para bang may kamay na tumatakip sa ilong ko at may nakabarang kung ano sa daluyan ng hangin ko.
"Hindi mo kailangang kalimutan, Prescilla, dahil pareho nating alam na imposibleng ibaon sa limot ang ganoon kasalimuot na pangyayari sa buhay mo," komento niya.
"Okay lang din naman siguro ang mapagod, diba?" pabulong na tanong ko. "Kasi sagad na sagad na ako, Katiya."
Inalis ko ang makapal na kumot na nakatabing sa katawan ko. Agad na yumakap sa akin ang lamig ng paligid. Malakas ang bawat hampas ng hangin base na rin sa marahas na pagsayaw ng mga sanga ng punong nakakalat sa buong El Refugio.
Nitong mga nakaraan, masasabi kong naging magaan ang pakiramdam ko. Lumuwag ang kadenang nakagapos sa buong pagkatao ko. Pero sa isang pagkakataon lang, bigla ay bumalik ako sa puntong wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit.
"Edi, mapagod ka. Magpahinga ka. Umiyak ka. Lahat ng gusto mo, ramdamin at gawin mo. Pagbigyan mo ang sarili mo, Prescilla," mahabang saad niya. "Huwag mo lang paabutin sa puntong sasaktan mo na naman ang sarili mo. Kapag ginawa mo iyon, para mo na ring hinayaang manalo ang mga magulang mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang gusto ng mga magulang mo ay ikulong ka sa isang buhay na wala kang ibang mapagpipiliin kundi ang maging sunud-sunuran. Wala kang laya na gawin ang gusto mo, na sundin ang sarili mong desisyon. Kung itutuloy mo ang balak mo noon pa, para mo na ring isinuko ang buhay mo sa kanila. Mabuhay ka ng sa gusto mong paraan. Gawin mo ang mga bagay na gusto mo noon pa man. Sa pagkakataon na ito, Prescilla, sarili mo naman."
Huminga ako ng malalim, hinahayaan ang mga salita ni Katiya na tumatak sa puso at isip ko. Katiya has always been the silent type of woman. Pero pagdating sa ganitong klase ng bagay ay napakarami niyang alam sabihin. At lahat ng iyon ay sakto at tama. Lahat ay nakagagaan sa pakiramdam at ipinakikita sa akin kung ano ang mas nararapat na gawin.
"Do I still have money left in me?" tanong ko sa kaniya.
I have no idea how much I have after what happened in my house. She was the one who recovered the things that could still be saved in my burnt property. She knew my finances better than me. Huling beses na napuntahan ko ang bahay ko ay noong nagtangka ako. Pagkatapos no'n ay hindi ko na alam dahil mas lalong gumulo ang buhay ko.
I was linked to Waldo unexpectedly. I suddenly got a place that I could live without any worry. But I still couldn't feel that I am free. Pakiramdam ko nakagapos pa rin ako at may pumipigil pa rin sa akin kahit na malayo na ako sa mga magulang ko.
"Sapat pa naman para sa kung ano mang babalakin mo," sagot niya.
"Would I be able to survive?" walang kumpiyansang tanong ko sa kawalan.
Binalingan ko kulay kahel na kalangitan kung saan ang araw ay unti-unti nang bumababa para magbigay daan sa buwan. Masyadong mabilis na lumipas ang araw ko. Masyadong maraming nangyari na hindi ko na nagawang nasundan ang lahat at pakiramdam ko lahat ay malabo.
Nagising akong ang iniisip lang ay ang pag-alis ni Waldo na nakatakdang mangyari ngayong gabi. Ngunit sa biglaang pagdating ng mga magulang ko ay biglaang nagulo ang simpleng araw lang sana para sa aming lahat.
"Tulungan mo ang sarili mo. Iyan lang ang tanging paraan para mabuhay ka sa paraang gusto mo."
"I feel lost, Katiya. Pakiramdam ko, para akong nawawalang batang hindi alam kung saan magsisimulang hanapin ang dapat na puntahan. Masyado akong nasanay na sumusunod lang. Ngayon na ako na lang mag-isa, hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko na wala direksyon," paglalahad ko ng mga bagay na matagal nang bumabagabag sa akin.
"Bakit dito? Ayaw mo ba?"
Muli akong napabuntong hininga. Hinarap ko siya sa pagkakataon na ito at tinitigan sa mga mata niya. Sumandal ako sa railings at pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.
"Ayaw mo ba rito?" balik na tanong ko.
Ang natural na niyang malamig na ekspresyon ay mas lalo pang lumamig dahil sa tanong ko na iyon. Sumandal siya sa sofa habang naka de kwatro ang mga paa. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya, hindi ako nag-iwas ng tingin sa kabila ng ilang na nararamdaman ko dahil sa lamig no'n na hindi ko kayang pantayan.
"Ayaw mo bang makasama ang anak mo? Ayaw mo bang maging ina sa kaniya?" muling tanong ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.
Tumalim ang tingin niya sa akin kasabay nang pagtagis ng bagang niya tanda ng pagtitimpi. Ngunit dahil kilala ko na siya at hindi lang iilang beses na nakita ko sa kaniya ang ganitong klase ng reaksyon, alam ko na hindi siya galit o kung ano.
it's more like she's battling with herself. More like her mind contradicts what she really wanted to do. Patunay na roon ang mas lalong pang pagsasalubong ng dalawang kilay niya. She was the one who looked away first, letting herself drown with her own battles.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko bago ako nagpunta rito?" malayo ang tingin na tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay siya na magpatuloy. Being friends with Katiya for a period of time I grew to know when she's trying to open up. Na isang beses pa lang nangyari, noong pareho kaming nagpapakalunod sa alak upang sana ay imbsan ng panandalian ang mga problema naming dalawa na hindi naman nangyari.
"Nagpaplano ako na pasukin ang bahay ng isang sikat na personalidad. Nag-akyat-bahay ako para makuha ko ang gusto kong matagal ko nang gustong mapasa akin," kuwento niya. Muli niya akong tiningnan sa mga mata, hinahayaan akong makita ang hirap na pinagdadaanan niya. "At higit pa roon ang maaari kong gawin para lang makuha ang matagal ko ng gusto. Higit pa sa simpleng akyat-bahay lang. Kilala mo ako, Prescilla. At lahat ng mga salitang binibitawan ko sa harap mo ay mataas ang posibilidad na maging totoo. Ang posibilidad na makapatay ako ng tao. Ang posibilidad na maging kriminal ako at makulong. Lahat ng iyan ay magagawa ko. Sa tingin mo ba gugustuhin kong lumaki ang anak ko na ako ang kinikilala niyang ina? Isang babaeng puno ng dumi sa mga kamay?" Pagak siyang natawa. "Mas gugustuhin kong hindi niya ako kilalanin kailanman. Kaso wala, eh. Ang pesteng tadhana na ang naglalapit sa aming dalawa."
"Then be with your kid, Katiya. Kahit para sa kaniya na lang." Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. "I don't know what you feel for Galan, but think about your child, too. Hindi na lang sa inyong dalawa umiikot ang mundo niyo. May anak kang kailangang isipin at alagaan."
Sumusukong bumuntong-hininga siya sabay sandal ng ulo sa kinauupan. I did the same, too. And from that position I continued watching how the bright sky turned into darkness with sparkling stars as its accessories.
"Hindi ka naman siguro galit sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit kayo nagkitang muling tatlo, diba?" mababakas ang takot sa boses ko nang tanungin ko ang bagay na iyon.
Hindi ako gumawa ng kahit na anong kilos. Pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw ni Katiya habang tinataniya kung ano ang magiging sagot niya. Pagdating sa babaeng ito, hindi madali na manghula kung ano ang nararamdaman niya dahil hangga't maaari'y sinasarili niya. Basang-basa ko man siya sa mga simpleng bagay ngunit ang ganitong kalalim na usapan ay wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Sa tingin mo, bakit ako nandito kung galit ako sa iyo?" malamig na tanong niya.
Kusa akong napangiti. Puno man ng sarkasmo ang pananalita niya ay ni hindi ko magawang mainis. Bagkus ay mas lalo pang natuwa ang puso ko dahil ito ang Katiya na nakasanayan ko. Iyong Katiya na walang ingat ang bawat salita. Katiya na hindi iintindihin ang nararamdaman mo basta masabi lamang ang punto niya.
Katiya na sarkastiko. At Katiya na nag-iisang kaibigan ko.
"Pineste na naman ako ng nobyo mong praning. Baka raw kung anong gawin mo sa sarili mo kaya pinapunta ako rito," aburidong kuwento niya sa nangyari. "Maghanap ka na kasi ng ibang kakaibiganin mo nang hindi na ako ang kinukulit ng lalaking iyon."
Mahina akong natawa sa disgusto at iritasyong tahasan niyang ipinakikita sa akin bagaman alam kong hindi naman iyon totoo talaga. "Eh, bakit mo kasi ibinigay ang numero mo sa kaniya? Kung tama ang tanda ko ay ikaw pa ang unang lumapit para masiguro mo ang kaligtasan ko dahil sabi mo nga, hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi kita." Ngumisi ako kahit na alam kong hindi niya naman iyon nakikita. "Maghanap ka na rin ng ibang kakaibiganin mo. Iyong taong hindi mo na kailanganing alalahanin," pagbibiro ko.
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko kung paanong tinaliman niya ako ng tingin. Naningkit ang mga mata niya habang nanlilisik na nakatingin sa akin. Ngunit imbes na matakot ay napangiti na lang ako.
Alam ko, at nasisiguro kong alam rin ni Katiya, na kahit na anong mangyari ay kasangga namin ang isa't isa. We are each other's only friend. Kahit ano pang pagtataboy namin ay alam naming pareho sa kami lang din naman ang magdadamayan sa huli. It was like we were bound to find one another and be each other's support system. She found me when I was at my worst and saved me.
Gano'n kalalim ang koneksyong mayroon kami na kahit malayo ang isa ay gagawa ng paraan para damayan ang isa pa. If not with her, I would be lying on a coffin now. Kung hindi dahil sa mga paalala niya at pangaral niya ay matagal na akong wala. At kung hindi rin dahil sa pagiging sarkastiko niya ay hindi ako malilibang at tatawa.
Kung sa iba, nahahanap nila ang kulang na bahagi ng buhay nila sa katauhan ng lalaking iniibig nila. Ako... natagpuan ko iyon kay Katiya. We may quarrel. Our opinion differs. More often than not we would disagree to the other party's point. But that only makes us a person that we are. That makes us know who we are and it makes us complement one another.
"May gana pa akong problemahin ka. Sa susunod na lang ako maghahanap kapag sawa na ako sa iyo," masungit na tugon niya.
Gaganti na sana ako nang pang-aasar nang muling maalala si Ezra. "Saan ka ngayon? Paniguradong hindi ka paaalisin ni Galan o ng anak mo."
"Saan pa ba? Kung saan nila ako hihilahin, doon ako," pagsuko niya.
Naging mapaglaro ang isip ko, binibigyan ng malisya ang kaniyang naging sagot. "Kailan ka pa naging sunud-sunuran, Katiya? Mahal mo pa, 'no?"
Irap ang natanggap ko bilang sagot. Ngunit ang kumpirmasyon o pagtanggi ay hindi niya ibinigay. Nanatiling tikom ang bibig niya habang nakatanaw sa kung saan.
"I hope, I'm not interrupting something," anang tinig sa aming likuran.
Lumingon ako para kumpirmahin na si Waldo iyon habang si Katiya naman ay nauna nang tumayo. Pinagpag niya ang maglabilang manggas ng damit niya kahit na wala namang dumi roon.
"Babalik ako bukas dito dahil balita ko ay aalis si Waldo mamayang gabi. Para mapanatag naman ang isang iyan at makapagpahinga ang telepono ko sa pangungulit niya," imporma niya, may bahid pa rin ng iritasyon ang boses.
Tumango ako sa kaniya. Nilingon ko si Waldo na naiiling na lang sa mga sinabi ng kaibigan ko. Nagsimula siyang maglakad palapit sa amin na sinabayan naman nang paglalakad ni Katiya palayo sa akin.
"Praning," bulong ng babae nang magkatapat sila ni Waldo.
Napapailing na pinanood ko siyang magpatuloy sa paglalakad. Ngunit bigo ako na pigilan ang ngiti ko dahil sa pagiging kakaiba ni Katiya at maging ng mga salita at kilos niya.
Magaan ang dibdib na umayos ako ng upo habang hinihintay ang tuluyang paglapit ni Waldo. Parang ilang minuto lang ang nakararaan problemado ako sa mga bagay na hindi ko alam kung dapat ko pa bang problemahin. Parang kanina lang ay walang direksyon ang isip ko.
Ngunit nang dahil sa wala namang saysay na usapan namin ni Katiya ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Wala namang espesyal sa mga salitang binibitawan namin. Hindi rin naman engrande ang mga sandaling nagdaan. Pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa presensya at mga salitang narinig ko mula sa kaniya.
Maybe that's what I really need. The presence of a friend that would make me realize things. I don't need to have a lot, or be surrounded by numerous people and be part of a squad. Katiya is enough. A sole friend is more than enough.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top