Chapter 2
TRIGGER WARNING: suicide
Her Dripping Blood
Her Dripping Blood
Pabagsak na inilapat ko ang aking katawan sa matigas na papag na higaan ko habang ang isip ay inuulan ng mga memorya sa naganap na pagkikita naming ni Harris. Wala akong mahanap na kaluwalhatian sa puso ko dahil sa mga sagutan sa pagitan namin. Ang kapanatagan na matagal ko nang hinahanap ay mas lalo lang akong tinakasan at nilubayan.
The deafening silence surrounding my apartment didn't help me at all, instead, it only serves as the fuel of my memory lane as it continues to flow over my head. Kung saan-saan ako dinala ng memorya kong hindi ko alam kung paano ko matatakasan. Paulit-ulit na ipinaaalala sa akin ang mga bagay na gusto ko na lang kalimutan.
I feel drained.
I feel tired.
Maging ang kalasingan ay tuluyan na akong iniwan.
"Sana panaginip lang," pagkumbinsi ko sa sarili ko. "Sana okay pa ang lahat."
But you didn't save your child!
Nanikip ang dibidb ko dahil sa sigaw na iyon ng isang bahagi ng isip ko. I didn't kill him... but I didn't save him either.
"Hindi ko iyon ginusto. Wala akong laban," pagkontra ko sa sarili kong isipan.
"You dared do shitty dance with another man as if you didn't kill an innocent child!"
A lone tear escaped my eye, feeling unfair and wronged. "I never killed my child," I uttered sorrowfully.
Paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko ang naging usapan namin at ang galit na nahahaluan ng panunumbat sa boses niya sa bawat salitang kaniyang binitawan. Ramdam ko ang galit na naipon sa puso niya magmula nang mangyari ang mga bagay na lubos kong pinagsisisihan.
I was young back then. I don't have any courage to fight back and fight for the things that I want to keep holding on to. I was never heard by the people surrounding me no matter how loud I scream for my plea.
I never had the courage and strength to protect the most precious thing in my life during those times. Their ears remain blocked and they only hear what they want to hear. And that doesn't include my opinion. I was voiceless. They made me one.
Gustuhin ko mang umayaw, tinangka ko mang tumakas, subukan ko mang magmatapang, nauuwi at nauuwi pa rin sa mga bagay na taliwas sa kagustuhan ko.
Katok sa pinto ang gumising sa diwa ko. Sa kabila ng kalaliman ng gabi ay hindi ko makapa ang takot na dapat kong maramdaman ngayon. Panatag pa rin ang kalooban ko dahil isang tao lang naman ang nagtatangkang lumapit sa bahay-bahayan ko.
My house looks creepy on the inside but way creepier on the outside. Madilim at walang buhay ang loob at labas ng bahay ko na siyang sumasalamin sa buhay ko. Iisang ilaw lang ang binubuksan ko tuwing gabi at halos sira na rin ang haligi ng bahay na malapit nang bumigay.
"Katiya," bungad ko sa taong kasing dilim lang din ng gabi ang ayos. "Ang dilim mo pa rin," naiiling kong komento.
Balot ang katawan niya ng itim na leather jacket habang ang panloob ay itim pa rin na fit t-shirt. Itim na leather pants ang pang baba at itim na rubber shoes ang kaniyang sapin sa paa.
Bumuga siya ng usok na nanggagaling sa sigarilyong nakaipit sa bibig niya bago ako hinarap. "Oh, pinabibili mo." Inihagis niya ang itim na plastik sa paanan ko.
Tahimik na pinulot ko 'yon at binuksan para matingnan ang laman. Nang masigurong tama ang bagay na binili niya ay kusang umukit ang isang ngiti sa mga labi ko. "Salamat."
"Kailan mo gagamitin 'yan?" Nagkibit-balikat ako, walang eksaktong sagot sakaniyang tanong.
"If you were in my shoe, what way would you choose?" Sumandal ako sa hamba ng pintuan habang hinihintay ang sagot niya.
Walang emosyong binalingan niya ako ng tingin. "Huwag mo akong banatan ng ingles dahil hindi ako natutuwa. Pinapaalala mo lang ang demonyong lalaki na 'yon na gusto kong ibaon sa lupa." Naiiling na pinatay niya ang sigarilyo sa pamamagitan ng pagbato sa sementadong sahig at pag-apak doon.
Hindi ako naapektuhan sa kagaspangan ng pananalita niya. Sanay na ako sa bagay na iyon, it's been months since I've met her anyway. At nakasanayan ko na rin ang maanghang na pananalita at magaspang na pag-uugali niya.
She's like that, like a woman without a soul. Walang kahit na anong emosyong mababasa sa mga mata niya at walang halong pakialam ang bawat salitang sasabihin niya kahit pa makasakit siya ng damdamin ng iba. She never showed me her feelings nor unveiled them to anyone.
Magmula nang makilala ko siya, wala akong makapang init na nagmumula sa kaniya. She lacks an emotional connection with the people surrounding her. She lacks affection and warmth, and the absence of love in her heart made her seem like a solid stone.
She speaks in a monotone manner and her face is always void of any emotion. Literal na wala siyang nararamdaman na sakit, mas lalo na ang awa at pagmamahal. Kaya masaktan man siya o makasakit man siya ng iba, wala siyang pakialam.
"At para sagutin ang tanong mo, kahit anong paraan pipiliin ko. Pareho lang din naman ang magiging resulta sa huli bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko?"
"Ayaw mo bang subukan lahat ng paraan?" tanong ko ulit.
"Hindi ako tanga, Prescilla. Sayang sa panahon. Kung mamatay, eh 'di, mamamatay. Pakialam ko kung sa paanong paraan. Kung nahihirapan kang pumili ng paraan, ako na lang ang gagawa para sa 'yo. Hindi ako mamamatay tao pero hindi rin ako takot makulong."
"Sira ulo ka talaga," naiiling na sagot ko sa huling parte ng nga sinabi niya.
"Totoo ang sinasabi ko. Kilala mo ako, hindi ako takot maging kriminal, lalo na pagdating sa taong 'yon."
Hindi ko maiwasan ang mapatawa at mapailing. Hindi ko alam kung sino ang mas malala sa aming dalawa. Siya na hindi takot na maging kriminal at handa pang pumatay. O ako na hindi sinasadyang naging makasalanan at naghihintay na lang na tamang oras para pagbayaran ang lahat.
Masyadong magulo ang buhay ko. Pero alam kong higit na mas magulo ang kaniya na nagresulta sa kung ano siya ngayon. Wala siyang kinatatakunan na kahit sino o ano.
The madness she's feeling doesn't even match mine. She's a woman who's seeking retribution. A soulless woman who would cross heaven and hell to do everything just to put justice in her hands and make every single person who wronged her pay.
"Alam mo, sa nakikita ko, hindi mo rin gusto ang ginagawa mo." Inilingan niya ako. "Takot kang mamatay."
Ako naman ang umiling sa kaniya. "Nagkakamali ka. Hindi ko ginagawa dahil gusto ko na kung gagawin ko na iyon, magagawang mabayaran ang lahat ng pagkakamali ko."
"Prescilla." Humakbang siya palapit sa akin. "Kahit na anong gawin mo, kahit ilang hiwa at laslas pa ang iguhit mo sa pulso mo, ibitin mo man ang sarili mo, ang resulta ay kamatayan mo. Walang pinakamainam na paraan. Wala kang pagpipilian. Kung gugustuhin mo, gagawin mo. Walang sabi-sabi. Walang pero-pero."
Hindi ko nagawang makasagot sa kaniya. This is not the first time she said such words to me. But everytime she does, I would often be tongue-tied just like now.
"Pero kung naghihintay ka nang sasagip sa 'yo kaya hindi mo magawa iyang binabalak mo, gumising ka na ngayon pa lang. Dahil iyong taong akala mo kakampihan ka ay matagal ka nang iniwan." Umayos siya ng tayo matapos ay tinalikuran ako. "Alis na 'ko. Kung may ipabibili ka pa, sabihan mo lang agad ako nang maihanda ko."
Nang mawala ang pigura ng babae sa harapan tsaka lang ako bumalik sa loob ng pipitsugi kong bahay. Nang marating ang higaan ay kinuha ko ang may katamtamang laki na itim na kahon sa ilalim para ilagay ang bagong dagdag na bagay na maaari kong gamitin sa hinaharap.
I don't know what would be the best choice for this. Unlike Katiya, I want to plan it out. Gusto ko na sa gagawin ko ay magdudusa ako bilang kapalit ng mga maling desisyong nagawa ko sa buhay.
I have no idea what it will be when the right time comes. I want it to be something that would make me feel all the freedom that I never felt in my 25 years of living.
If it will be my end, I want it to be something that will pay off the sins that I have committed in my life.
Especially for now protecting my child.
***
Mabilis na binalot ako ng inis dahil sa maingay at magkakasunod na katok sa pintuan ng bahay ko. Halos ilang dipa lang ang layo ng kinahihigaan kong papag mula roon kaya abot na abot ng tainga ko ang ingay na nililikha ng taong nasa likod no'n.
Aburidong tumayo ako at mabilis na nagmumog at hilamos bago pinagbuksan ang taong sumira sa tulog ko. Ngunit gano'n na lang kabilis na ginapangan ako ng kaba at galit nang makita ang mga taong napagbuksan.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko na pilit pinipigil ang galit para sa kanila.
Kung puwede lang na muling isara ang pinto ay ginawa ko na. Kaso ang nakaharang na bulto ng malaking bodyguard nila ang pumipigil sa akin na gawin ang gusto ko.
Bakit ba hindi agad pumasok sa isip ko ang posibilidad na maaaring sila ang mapagbuksan ko? Ilag ang mga tao sa akin at takot na lapitan ang bahay ko dahil sa madumi at nakakatakot na itsura no'n. Tuloy ay nakaharap ko ang mga taong kinasusuklaman ko.
"Wala kayong mapapala sa akin. Makakaalis na kayo," malaming kong usal.
Sa kabila ng matalim na tinging ibinabato ko sa kanila ay nanatili ang lamig na bumabalot sa dalawa, isang bagay na natural na sa kanila. They would often act like this, to the point that I already got used to it.
They have no emotion, just like Katiya. They never showed interest in me unless it concerns their reputation and plans for how I should be.
But never in my life have I liked what they planned for me. The life that they want me to live. A life where they are shaping me to be just like them. Merciless, almost like a demon.
"I can't believe you chose to stay here instead of our mansion," puno ng disgustong sabi ni Mama na halos idura na ang bawat salitang binibigkas.
Hindi ko siya sinagot at pinanlisikan lang ng mga mata. Gamit ang matapobreng mga tingin ay sinuyod niya ang kabuuan ng bahay ko at hindi nawala sa mga mata niya ang pangungutya at pandidiri na para bang kulungan ng baboy ang kinalalagyan ko.
"We're taking you with us, daughter." Humakbang palapit si Papa na kusang nagpaatras sa akin patalikod.
"And you will follow my command, Prescilla Hope Santiago. A Santiago deserves better and this isn't where you should be." She gracefully fixed her hair and put it behind her ears. "Our empire is waiting for you. You need to rule our people and prove your worth as our daughter. I already had enough of you tainting our names. Ayoko nang kumalat pa na sa ganitong klaseng lugar ka lang nakatira."
Nanindig ang balahibo ko sa malamig at mapanganib na pananalita niya. The coldness is still there, it actually never left her. The name Queen Lady Santiago stands for coldness. And me being her daughter doesn't excuse me for being treated as if I am her possession and not her child.
Not even when I lost my child made her change one bit. She made no room for me to grieve because she took part in my loss.
Funny how she looks so angelic when her inside is the complete opposite.
My father? He's no different. Federico Santiago was just a male version of my Mom. Mas pinalambot lang ng kaunti pero demonyo pa rin ang pag-uugali. Maaawa ng sandali pero babalik pa rin sa dating gawi matapos ang ilang sandali.
My parents are control freaks. They treated me like a puppet that they could control through the strings attached to my hands and limbs. They wanted me to be someone they molded in accordance to their liking. They want to shape me as the young heiress of their empire. They want me to be just like them, merciless.
But I never liked what they wanted me to be and being with Harris was like healing. He made me feel like my fantasies could be once a reality, a dream come true. But my mother will always be the villain in my life, always ready to wake me up from my make-believe shattering a beautiful dream and turning it into a nightmare.
"I'm not coming with you. I would never want to have a connection with you again. You disgust me." Mas lalong sumama ang mukha ko sa naging pagtalim ng tingin niya sa akin. Na para bang ako pa ang sinisisi sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Don't you dare talk to me like that, Prescilla. Sisihin mo ang sarili mo dahil maaga kang naglandi at nagpabuntis. Kung sinunod mo lang kami, sana hindi ka parang baboy na pinagsisiksikan ang sarili sa basurang lugar na 'to."
Humakbang siya palapit sa akin at agad na napaigik ako sa ginawa niyang marahas na paghaklit sa braso ko. "Stop it, Ma!" Inis na pilit kong inalis ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa braso ko.
"And do you think I came here to listen to you?" Tinaasan niya ako ng kilay. "I don't care whether you like it or not. You. Are. Coming. With. Us." pagbibigay riin niya sa bawat salitang binibitawan.
Napuno ng matinding galit ang puso ko. "I loathe you! Both of you!"
"Take her," utos niya sa dalawang malalaking tauhan na kasama matapos ay tinalikuran na ako.
Agad na sumunod sa kaniya si Papa na wala man lang ginawa para pigilan ang asawa. Mabilis na nanakbo ako palabas at sumiksik sa pagitan ng dalawa na madali ko lang napagtagumpayan dahil sa maliit na bulto ko.
Ngunit mabilis lang din nila akong nahawakan sa magkabilang braso at walang pag-iingat na kinaladkad palapit sa nakaparadang sasakyan. Naglikot ako, pinaghahampas ko sila, pinagsisipa sa pagbabakasakaling makawala pero bigo ako dahil dalawa sila.
"Let go of me!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa paglilikot para makawala.
Puwersahan nila akong pinasakay sa backseat ng sasakyang dala nila, walang pag-iingat at halos ibalibag na. Wala roon sila Mama at Papa dahil nasa kabilang sasakyan sila. Sa passenger seat sumakay ang isang lalaki habang sa driver's seat naman ang isa pa.
Walang sinasayang na isang segundo na agad nilang pinasibad ang sasakyan pagkara na pakasara pa lang ng pintuan. Ang katahimikang bumabalot sa aming tatlo ay nagbibigay laya sa akin na makapag-isip ng paraan kung paano sila matatakasan.
I busied myself by roaming my eyes around the expensive car I am currently at. Walang taong nakabantay sa magkailang gilid ko kaya malaya akong makakatalon palabas.
Napalingon ako sa pintuan at nang makitang hindi naka-lock ang pinto ay nabuhayan ako. Kung babalakin ko man na tumakas ay hindi agad sila makakahabol dahil nasa unahan sila at nasa likod ako. Ang sasakyan naman nila Mama ay nasa unahan kaya malabong mahabol nila ako. Isama pa na nasa highway kami at hindi sila puwedeng huminto na lang basta.
Hindi ako makaramdam ng takot para sa sarili sa naiisip na gagawin. Kung tatalon man ako palabas habang nasa gitna kami ng malaking kalsada, malamang na sasalubong sa akin ay ang mga humahagibis na sasakyan.
In worst case scenario, I might die.
No, it wasn't the worst-case scenario, it's the best one. To just die and finally taste freedom.
Pikit-matang humugot ako ng isang malalim na hininga bago binuksan ang pintuan sabay talon palabas. Mabilis na tumilapon ang katawan ko dahil sa bilis nang pagpapatakbo nila ng sasakyan. Hindi ko napigilan ang mapaigik at mapapikit nang walang habas na humampas ang katawan ko sa mainit na aspalto na dala ng tirik na araw.
Nagpagulong-gulong ako at ramdam ko rin ang ilang beses na paghampas ng ulo ko kasabay nang mainit na likidong dumadaloy pababa sa pisngi ko mula sa noo.
Nang tumama ang katawan sa pavement sa gilid ng kalsada ay saka lang natuldukan ang paggulong ko. Mabilis na sumigid ang matinding sakit sa katawan ko dahil sa bugbog na inabot no'n.
"Nagpapakamatay ka ba!" narinig kong bulyaw ng isa mula sa looob ng sasakyan niya.
"Huwag mo kaming idamay, peste! Gagawin mo pa akong kriminal ng wala sa oras!" dagdag pa ng isa.
Naging sunud-sunod ang busina ng mga sasakyan at maging ang tinig ng galit na boses ni Mama ay naririnig ko na rin.
"Estupido! Get her!" nagngingitngit sa galit na utos niya.
"Kung sawa ka na sa buhay mo, huwag kang mandamay ng ibang tao!" sigaw pa ng isang motorista.
Tanga, nakitang tumatakas.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit agad ding nagbawi nang matanaw ang papalapit na mga tauhan ni Mama. Napuno ng ingay ang kaninang abalang kalsada dahil sa ginawa kong pagtalon.
Ang kaninang nagpapaunahan at naggigitgitang mga sasakyan ay mga nakapirmi na lang sa kalsada habang pinanonood ang iika-ika kong paglalakad.
Mabilis na pumara ako ng taxi at agad na sumakay para makalayo sa kanila. Tsaka lang naging payapa ang puso ko nang lagpasan na nang sinasakyan ko ang lugar na pinag-iwanan ko sa kanila.
"Fuck this life," pagod na bulong ko.
Hinihingal na isinandal ko ang bugbog sarado kong katawan habang pilit na pinakakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Miss, sa ospital ba kita ibababa?" tanong ng driver na nag-aalalang nakatingin sa akin.
Nasulyapan ko mula sa rearview mirror ang itsura ko. Hindi ko naiwasan ang mapangiwi nang makitang nagkalat na sa kanang pisngi ang dugo ko na nagmumula sa putok kong noo.
Marungis ang itsura ko na nababalutan ng dumi ng sahig at ang kaninang puting t-shirt na suot ko ay kulay abo na ngayon. Nagkaroon din ng hiwa ang suot kong jogging pants na sumugat sa hita ko.
I look like a shitty beggar but it's better to be this way than to be held hostage by my own parents. The dirt on the ground doesn't even match with the dirt that they hold in their hands.
Makasalanan din akong tao at anak. Pero mas masahol pa sila sa akin at ayaw ko nang mas dumihan pa ang sarili ko sa ilalim ng mga kamay nila.
"Alam niyo ho ba ang Cruz Empire?" tanong ko na hindi sinasagot ang tanong niya kanina.
"Yes, ma'am."
"Doon niyo po ako ibaba," imporma ko matapos ay ipinikit ang mga mata.
"Pero paano ang mga sugat mo, hija?" may bahid pa rin nang pag-aalalang tanong niya.
Mapait na ngumiti ako sa itinuran niya. "Masamang damo ho ako, hindi pa po ako mamamatay kahit na gustuhin ko pa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top