Chapter 19

The Lullaby

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang muli mapunta sa gawi na iyon ang mga mata ko. Ang simpleng hilamos na umaabot lamang ng halos tatlong minuto ay sampong minuto ko nang ginagawa ngayon. Sa ilang taon kong nabubuhay, ni minsan ay hindi ko ginawang pagmasdan ang sarili kong repleksyon ng higit pa sa isang minuto maliban tuwing kailangan kong maglagay ng kolorete sa mukha. Pero iba ngayong gabi.

Muli akong nagmulat ng mga mata at gaya ng inaasahan ay roon na naman lumapat ang paningin ko. Sa mga labi kong kanina ay hinalikan ni Waldo.

"Get yourself together, Prescilla," I said to myself through gritted teeth. "It's just a kiss," bulong ko, pilit na kinakalma ang sarili kahit na malabo. "Bakit niya kasi ako hinalikan?!" gigil na tanong ko.

Napasabunot ako sa bagong suklay ko lang na buhok dahilan para muling magulo iyon. Sa inis na nararamdaman ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpapadyak upang kahit papaano ay magawa kong kumalma.

Nang wala pa ring napapala ay nagdesisyon na akong lumabas ng kuwartong tinutulugan ko, kuwartong kung tama ang hinala ko ay pagmamay-ari ni Waldo.

Sinikap kong gawing tahimik ang bawat paghakbang ko upang huwag makakuha ng atensyon mula sa kahit na sinumang maaaring makasalubong ko. I tried to be as quiet as I could until I finally reached the kitchen of Waldo's mansion.

"May kailangan ka, hija?"

Mabilis akong napatalikod nang marinig ang tinig na iyon. Nakita ko ang isang may edad na babae na sa tingin ko ay siyang mayordoma ng buong bahay.

"Kukuha lang ho ng pampatulog," sagot ko.

"Gatas ba, hija? Ipagtitimpla na kita," nakangiting alok niya sa akin.

Pinilit kong ngumiti ng totoo pero ramdam na ramdam ko ang pag-aalangan na nararamdaman ko mismo. "Hindi po."

Ang kaninang ngiti na nakapaskil sa mga labi ng ginanag ay agad naglaho at maging ang mga mata niya ay naging blangko. Ngunit bago iyon ay nakita ko pa kung paanong napuno ng lungkot ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako.

"Nakikita ko sa iyo si Sandra sa iyo," tila nangangarap na saad niya.

"Sino po si Sandra?" naguguluhan kong tanong.

Mataman niya akong pinagmasdan, pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Sinubukan kong huwag mailang ngunit ang tinging ibinibigay niya ay sadiyang may kakaibang dulot sa akin ngayon. Maagap na napigilan ko ang sarili ko upang huwag umatras nang lapitan niya ako.

Marahan siyang kumilos palapit sa akin matapos ay hinaplos ang buhok ko. Kumislap ang mga mata niya dahil sa mga luhang hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pero naaapektuhan ako sa paraan nang pagkakatitig niya.

It was as if I was a memory who became a reality. No... she wasn't looking at me because of who I am. The way she stares makes me feel like I became a replica of another person who she's been longing to see. Or maybe not me... but my situation

Naroon ang awa sa mga mata niya. Ngunit hindi katulad ng iba na pawang awa lang ang makikita, lamang ang pag-intindi sa kaniya. "Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap, hija."

"Manang, can you help me with my dinner?" tanong ng bagong tinig na nagmumula sa likod ng mayordoma.

Bahagya akong sumilip sa likod at hindi na ako nagulat pa nang makita ang nakababatang kapatid ni Waldo na si Lilian ang naroon. Mabilis na tumalima naman si Manang ngunit binigyan niya muna ako ng mahinang ngiti bago ako tuluyang tinalikuran.

Pinanood ko ang ginawang pag-alalay ng ginangkay Lilian patungo sa dining area sa labas lang ng kusina. Nang mawala sila sa paningin ko ay saka lang ako kumilos para kumuha ng alak sa ref na siyang balak ko kanina. Maliit na napangiti ako nang makita na hindi lang iisa ang naroon.

I took a couple of bottles with me and held it using my one arm while the other reached for some junk foods that were placed at the small pantry placed beside the refrigerator. Satisfied with the things I brought, I made my way to the veranda on the second floor.

"Thank goodness no one's here," mahinang bulong ko sa sarili ko.

I placed all of the snacks at the small circular table centered between two single sofas. I sat on the hammock that was placed at the right corner of the veranda.

"Okay ka lang ho ba?"

Mabilis na nilingon ko ang nagsalita at nabungaran ko ang isa sa mga kasambahay ni Waldo. "Okay lang po ako." Maliit ko siyang nginitian para mapanatag siya at nang tuluyan niya akong iwan ay saka nagsipasukan ang mga kung anu-anong bagay sa isip ko.

The first sip of alcohol that I did immediately stirred my mind, opening up the pandora's box of the dark side of my life. Maging ang mga memoryang bumabagabag sa akin kanina ay nawala na. Panibago ngunit mga pamilyar ng imahe ang nasisipasukan sa isip ko ngayon.

Sitting on this hammock while looking in front of me made my mind chaotic despite the serenity it should be giving me. How I wish the breathtaking view ahead of me would be enough to calm my demons. How I wish it would be enough to take all the negative thoughts running on my head right now. But just like how it has always been for me, the darkness within me would always win, defeating the light that I badly wanted to let in.

The night was deep, and people at these hours are falling soundly asleep. Just like how the lively nature who welcomed me earlier today. From the singing birds that I've heard and the splashes of the water from a distance, it was now replaced by the soft whisper of the wind saying goodnight. And the cold embrace of the wind reminds me that I am alone tonight.

I let go of another sigh once again. Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay nang pagbuo ng imahe sa isip ko na ilang beses nang nangyari sa araw na ito, maging sa mga nakalipas na araw at buwan na nagdaan sa buhay ko. The urge to open my eyes was strong, but it felt weaker compared to the beast controlling my mind right at this moment.

Ayoko sanang makita ang imaheng nabubuo na tila bulong na nag-uudyok sa akin na gawin ang bagay na ginagawa rin niya. Pero kahit anong pilit kong magdilat ng mga mata, nananalo ang gutom at pag-aasam na gawin din ang ipinakikita niya.

"Why aren't you sleeping yet, queen?" said someone.

I fell way too deep into oblivion that comprehending what that person said became impossible. The familiar shortness of my breath happened again as if a heavy object was pressing my chest, making it hard for me to breath normally. At sa paglinaw ng imaheng naglalaro sa isip ko ay mas naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko.

It was an image of a woman carrying a newborn child, hugging the fragile child close to her chest. But what broke me more was the dangling rope in front of her. And I don't even have to make it difficult for me by thinking what it could possibly mean. It was an attempt. And I was the woman trying to kill herself.

"It pains me seeing you cry, Hope," that person said again. His voice now sounding clearer. "Open your eyes, honey," utos niya na ang dating ay pakiusap. Naroon ang pagkaalarma at pangangapa sa dapat na gawin.

"Ang sakit, Waldo," tugon ko habang pinananatiling nakapikit ang mga mata ko.

"Alin ang masakit?" nag-aalalang tanong niya. "Sabihin mo sa akin kung nasaan ang masakit. 'Yong sugat mo ba? Gusto mo tumawag ako ng doctor?"

Umiling-iling ako kasabay nang paglandas ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko. "Hindi ko alam. Hindi ko alam, Waldo."

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam na parang pinipilipit ang parte na 'yon. Ang kaninang mabigat nang pakiramdam ay mas bumigat pa kahit na hindi hindi ko matukoy ang pinagmumulan no'n.

Binuksan ko ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ay ang madilim na kalangitan. Walang mga talang makikinang at liwanag na nagmumula sa buwan. Sa halip ay puno ng madilim at makakapal sa ulap lamang.

"Bakit ang bigat dito?" naguguluhang tanong ko habang idinidikdik ang hintuturo sa sariling dibdib. "Sobrang bigat..."

"Hope..." mahinang usal ni Waldo.

Mula sa likuran ko ay pumunta siya sa harapan ko para magawang matingnan ako ng buo. Sa likod ng nag-uulap kong paningin ay tiningnan ko siya sa pag-asa mahahanap sa kaniya ang pagkalma.

Walang salita na ikinulong niya ako sa bisig niya at ginawaran ng mahigpit na yakap. "Nandito lang ako. Nandito na ako."

Walang ibang bagay na pumapasok sa isip ko kundi ang sakit at bigat na nararamdaman. Maging ang mga bagay na sinasabi niya ay hindi ko maintindihan. Pilitin ko man na ilaan sa kaniya ang buong atensyon ko ay hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw sa isipan ko ang paghahanap ng dahilan sa bigat na nararamdaman ko.

"Ang sakit ng puso ko, Waldo," pagsusumbong ko. "Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong mahanap na dahilan. Basta masakit. Sobrang sakit."

Ang mga luha na kanina ay napipigilan ko pa ay tuluyan nang kumawala na parang bukal sa bilis nang pagragasa. Nanatili lang akong nakaupo roon. Habang si Waldo ay nakaluhod sa harapan ko ag yakap-yakap ako. Tutok ang dalawang mga mata ko sa harapan ngunit walang partikular na bagay na tinitingnan.

Hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling ang sakit. O maski ang hanapan ng dahilan ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko ay hindi ko magawa. Ang tanging bagay na malinaw sa akin ay nasasaktan ako at sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Bakit ako nasasaktan?" wala sa sariling naitanong ko na lang.

"Hindi ko alam, Hope," tugon niya na ang boses ay puno nang pag-aalala. "Please be fine, honey. Please..."

"Okay lang ako, Waldo. Masakit lang pero okay lang ako," pagpipilit ko na ang kasunod ay panibagong mga luha.

Okay lang naman ako kanina. Pero bakit ang bilis na naging ganito ako sa loob lamang ng ilang oras na pag-iisa?

Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatangay sa kadiliman na bumabalot sa akin. Wala akong ibang bagay na nagawa kundi ang manatiling luhaan habang hinahanap ng pilit ang kapayapaan. Wala akong mahanap na liwanag sa dilim na bumabalot sa akin. Wala ni kakarampot na tanglaw na maaaring magsabi na magagawa kong makaahon sa kinasasadlakan ko.

Pumikit akong muli ngunit ngayon ay sa mas maeiin na paraan na para bang magagawa no'ng burahin ang mga imaheng naglalaro sa isip ko. Ayoko na. Sawa na ako sa paulit-ulit na lang na ganitong pakiramdam na para bang wala nang katapusan. Napapagod na ako na paulit-ulit na masaktan at umiyak kahit na walang eksaktong dahilan.

Kung sana ay noon pa lang tinapos ko na. Hindi na sana ako nagdalawang isip pa noon at hinayaan na lang ang sarili na tuluyang wakasan ang lahat ng problema ko. Kung sana ay hindi ko na hinayaan na magdahan-dahan pa ako... wala na sana akong sakit na nararamdaman ngayon. Payapa na sana ang buhay ko.

"Tinuluyan ko na sana noon pa. Tinapos ko na sana para wala ng problema," puno ng pagsisisi na naisatinig ko.

Naramdaman ko ang bayolenteng pag-iling ni Waldo. Inalis niya ako mula sa pagkakasandal sa katawan niya. He cupped my face using his big hands that it occupies almost my whole face. The warmth it possesses can be felt because of the cold eas of my face. Using both of his thumb, he removed the tears on both of my cheeks.

"Please stop saying that, Hope," malungkot na usal niya. "You're too young to be gone early, sweetheart."

Ako naman ngayon ang umiling, pilit na itinatanggi ang mga narinig. "No one would care. No one would cry for my death. No one would even notice. In fact, it might solve every problems that life threw at me."

"Hush, honey. It's nothing like that." Bumaba ang ulo niya patungo sa noo ko at sa ganoong puwesto ako pinagmasdan sa mga mata ko.

I forced myself to calm down and just let everything on my mind run free. I sip on the alcohol again, drinking a bigger amount this time. Umabot sa mas mababa pa sa kalahati ang natira. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng alak, tinutulungan akong kumalma kahit papaano.

Waldo, on the other hand, pulled one of the single sofas and placed it beside me. Nang makaupo sa sofa ay hinarap niya ako matapos ay hinawakan ng mahigpit hinawakan ang kamay ko.

"Would I ever be fine?" wala sa sarili ng tanong ko.

Waldo pulled me closer to him by dragging the metal stand of the hammock. Nang sumapat na sa kaniya ang distansya naming dalawa ay iginabayan niya ang ulo ko pasandal sa balikat niya.

Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kanang kamay niya matapos niyang bitawan kanina. Habang ang bakanteng kamay naman niya ay ipinalibot niya sa baywang ko, kinukulong ako palapit sa kaniya. He started to make soothing movements on my waist and back to fully calm me. And slowly, I started feeling at peace.

"The only way to get better is to help yourself get healed," he whispered in my ears.

I know that. Of all people, I know that only I could really help myself in this battle. Pero madaling sabihin ngunit napakahirap gawin. Gusto ko, pinipilit kong gustuhin na bumuti pero sobrang hirap simulan. Para akong naliligaw na batang hindi alam kung saan sisimulang hanapin ang mga magulang.

I felt like everything around me was bigger than I am. It feels like they were the barricades that were stopping me from doing anything. Gusto ko, pero bago pa man ako magsimula ay humihinto na agad ako.

Bahagya akong dumistansya kay Waldo matapos ay inubos na ang natitirang alak sa boteng hawak ko. Ngunit hindi ako roon huminto, I grabbed another bottle of beer and didn't hesitate drinking an ample amount od it. Nagbukas din ako ng isang tistsirya na inillagay ko sa kandungan ko para hindi ako mahirapan.

"Mind drinking with me?" I asked him.

"I'll finish the last bottle."

"I'll get more downstairs," I said.

Nakita ko siyang umiling sa akin bilang pagtutol. "That's enough for tonight, honey. I need to wake up early tomorrow."

"May pupuntahan ka? Take me with you for me to finally be able to leave this place," tuluy-tuloy na saad ko.

"I told you already, Hope. I have no intention of letting you leave this place," he answered with finality.

Hinanap ko ang pamilyar na pagtutol na siyang malinaw kong naramdaman noong mga naunang araw na nagising ako rito. Ngunit kahit anong kapa ko sa nararamdaman ko ay hindi ko maramdaman ang pagtutol. I could still see myself arguing with Waldo about letting me go home.

But now that it has been almost a week, I just found myself slowly getting attached to this place. Maybe because of the beauty it possesses. Or how it gives me the assurance that no matter how rough life would be, a place like this would always welcome me.

"I'll be bringing Ezra here tomorrow. Galan asked me to babysit her."

My heart skipped a beat upon hearing his words. But it was immediately replaced by worry. I was never given a chance to get close to any kid. Even just the mere thought of being with one child scares me. Pakiramdam ko ay kung malalapit sila sa akin ay mapapahamak sila.

My mom turned me into that kind of person. He made me fear being a mother, or just being with a kid. Takot akong pamalapit sa kanila. Takot akong hawakan sila dahil baka may mangyaring masama sa kanila kung ako ang kasama nila. Only if I didn't end having a miscarriage with my first child then maybe I would grow to like being with a kid.

But instead of fondness, I feel fear.

I couldn't imagine myself as a mother anymore. The feeling brings terror to me unlike how it should make me feel happy. The experience I had didn't end on a positive note making me feel so unworthy of the title of being a mother.

"Let's sleep now, Hope," masuyong saad niya.

"I want to sleep here."

"Sleep then. I'll carry you to bed later." Inalalayan niya akong mahiga matapos ay kinuha sa maliit na puting cabinet sa gilid ng hammock ang isang kumot.

"Why am I even staying in your room?" tanong ko habang pikit ang mga mata.

I took my time in finding the most comfortable position to make myself fall asleep easily. I curled my body and hid myself underneath the comforter and let myself be taken away by the comfort of the night.

"My room has the best view. You would be able to see most of the landscapes of El Refugio." Sa kabila nang nakapikit kong mga mata ay naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa buhok ko matapos ay siimulan niyang haplusin iyon para tulungan akong makatulog. "I thought that seeing the beauty of this place would help for your peace of mind."

"Thank you for everything, Waldo," sinserong bulong ko, hindi sigurado kung abot ba iyon sa pandinig niya pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Thank you for helping me."

"Anything for you, my queen," he whispered back.

Hindi na ako sumagot pa sa kaniya, I just let him continue to sooth me with his strokes on my head. A little while later, he began humming a song I wasn't familiar with. It was a mellow melody coming from his mouth that calmed my chaotic mind and being. His hand never rests on combing my hair, helping me sleep peacefully.

I didn't know if it was the effect of alcohol or his calming voice, but I just found myself slowly drifting off to sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top