Chapter 18

The Sweetest Nectar

"Look ahead," he commanded behind my ears.

I bit my lower lip with the sudden surge of awkwardness I felt when his warm breath touched the small part of my neck. I have no idea how long have we been riding his horse. Masyadong nangingibabaw ang ilang sa akin dahil sa halos wala ng distansya ang mga katawan namin ni Waldo.

He's only wearing a thin white shirt kaya ramdam ko ang singaw ng katawan niya. Na kahit na malamig ang hanging nararamdaman kong dumdampi sa balat ko ay mainit pa rin ang pakiramdam ko.

Pinilit kong kumalma sa pamamagitan nang ilang ulit na malalim na hininga. Kung iintindihin ko ang paglalapit ng mga katawan namin ay hindi ko na magagawang mapagmasdan ang magandang tanawin ko. Masyadong okupado ni Waldo ang malaking bahagi ng isip ko kaya hindi makatutulong kung maging ang mabilis na pintig ng puso ko ay iintindihin ko rin.

I blinked my eyes a couple of times to help my vision focus on the scenery ahead of me. It was a two-story barn colored maroon and was surrounded by white wooden fence. Malawak ang buong bakuran na kung susumahin ay kakasiya ang limang pinagsama-samang barn. May fountain din sa harapan at sa gilid ay may maliit na playground na binubuo ng swing, slide, maging ang sandbox.

"This is the center of the whole hacienda. You would be able to see everything from here since this is the highest place in the whole El Refugio," Waldo informed. "We mostly stay here whenever the others are here. This is where we hold gatherings and celebrations."

"What about the playground? For Galan's child?" usisa ko.

"Hmm. It was our gift to Erza on her third birthday."

"Hindi ba niya hinahanap ang mama niya?" maingat na tanong ko.

"She's asking, of course. Nitong nakaraan lang siya huminto. Wala naman siyang ibang bibig kundi ang mama niya. Galan's doing everything to fill in the space Ezra's mom made. But no matter what he does, only his woman would be able to complete their child."

Nakaramdam ako ng awa para sa bata. She became a victim of two people's choice and was left with nothing but a broken family. Hindi ko man alam ang buong kuwento maliban sa mga ipinaalam ni Waldo, nasisiguro kong masakit sa parte ng bata na iniwan siya ng ina niya. She's too young and vulnerable to experience the cruelty of life.

"Hinahanap naman siguro siya ni Galan?" hindi siguradong tanong ko.

"He never stopped, Hope," humahangang saad niya.

Maging ako ay napahanga. Hindi ko man siya personal na kilala pero sa mga narinig ko ay kahanga-hanga ang determinasyon niyang buuin muli ang pamilya nila. Pero ang ilang at takot na nararamdaman ko nang makaharap si Galan ay gano'n pa rin.

Nabura sa isip ko ang mga bagay na kaninang pumupuno roon nang maramdaman ko ang paglapit pang lalo ng katawan ni Waldo. Hindi ako nakagalaw at napatuwid sa pagkakaupo nang sa isang iglap ay ipinatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko dahilan para mas lalong magkalapit ang mga mukha naming dalawa.

Binulabog ako ng malakas na tibok ng puso ko dahil sa maliit na distansyang mayroon kami ngayon. Pero dahil sa limitadong espasyo ay hindi ako makakilos para lumayo man lang sa kaniya ng kahit na kaunti. Gusto kong dumistansya dahil bukod sa iyon ang tama ay alam kong magiging normal na ulit ang tibok ng puso ko kapag nalayo ako sa kaniya. Pero pinipigilan ako hindi lang ng sitwasyon namin ngayon kundi maging ng sariling katawan ko mismo. Na para bang mas gusto niyong maramdaman ang init ng katawan ni Waldo kaysa sa malamig at preskong hangin ng buong El Refugio.

"See that house?" mahinang saad niya.

Sa kabila ng matinding ilang ay pinilit ko ang sarili ko na umakto ng normal. Sinundan ko ang direksyong ramdam kong tinitingnan niya base sa nararamdaman kong posisyon ng mukha niya.

I was greeted by an all-white palace-like house surrounded by high gold fences as if protecting the royalties living in that mansion. Maliit lang iyon sa paningin ko dahil sa malayong distansya pero nasisiguro kong katulad ng bahay ni Waldo ay malaki rin iyon.

"That's Laszlo's property." He maneuvered Rook to face our right in order for us to have a view of the north side of the El Refugio. "That's Galan's."

Unlike the straight-from-the-book looking mansion of Laszlo, Galan's looks like a model house of a modern mansion. Halos salamin ang lahat ng makikita mula rito at kulay itim ang tema. Kulay itim rin ang bakod ng kaniya ngunit mas mababa kung ikukumpara sa halos dalawang palapag na gate ng kay Laszlo.

Muli niyang pinaikot ang aso hanggang sa salungat na direksyon na kami nakaharap ngayon, sa timog na bahagi. A huge farmhouse greeted me. The one I mostly saw on american movies. Kulay puti iyon at sa tatya ko ay tatlong palapag o higit pa. Hindi katulad ng dalawang nauna, walang bakuran iyon ngunit malinis na hardin ang nasa harapan.

"I assume that's Ken's," hula ko.

I felt him nodding his head. "Yes."

Waldo guided his horse to make another turn until we were able to face his own part of their land. He quietly moved even closer towards me the same time that I felt his one hand made its way towards my abdomen until he finally settled it into a one-arm hug. Hindi ko iyon nagawang mapagtuunan ng pansin dahil nakuha na ng magandang disenyo ng bahay ni Waldo ang atensyon ko.

A white luxurious vintage house greeted me. Apat na palapag iyon at karamihan ay babasagin at malalaking bintana ang mayroon. At the right side of the house was an elevated pool made of glass. Just like Ken's villa, Waldo's doesn't have any gate at all. Ngunit malawak rin ang paligid kaya aabutin pa rin ng minuto bago tuluyang makakarating sa bahay mismo.

The surrounding of his house was filled with different kinds of trees, mostly coconut. Kaya marahil malamig ang paligid anumang oras sa buong lugar.

"Ready to see where we are going?" tanong niya.

I gulped once and finally dared to make a move and face this man. Katu;ad ng inaasahan ko, halos wala pang isang dangkal ang layo ng mukha naming dalawa. He let go of my waist only to put his warm hand on my cheek, letting me borrow its warmth to ease the coldness I was feeling.

He smiled at me. And I just found myself drunk with how beautiful he looked, making me unconsciously smile on my own.

"Ready."

***

I thought that what I saw in my early days here in El Refugio was already the best. But seeing how beautiful this part of the hacienda got me awestruck by how it gives me peace. Maayos na nakahilera ang mga bulaklak sa malawak na lupain base sa uri at kulay ng mga ito.

From roses, calla lily, daffodil, daisy, iris, gladiola, and so much more. But what caught my eyes was the bed of sunflowers openly accepting the radiating rays of the sun. Mas malamig na simoy ng hangin ang yumayakap sa kabuuan ko ngayon, mas malamig pa sa hanging nararamdaman ko mula sa loob ng bahay ni Waldo.

"Ken doesn't look like a man doing flowery things," bahagyang nakangiwing saad ko. "He looks like a model student mixed with a playboy image."

"Models student, yes. Playboy, no," he answered. "Siya lang ang nagtapos sa aming apat na walang ibinabagsak na subject maski isa. But he's not a playboy. Ever since I've known that man way back in high school, there was only one woman in her life."

"Who? Lilian?" I asked, referring to his sister.

"I wish it was her, but she's not."

"Pero bakit gano'n sila kalapit sa isa't isa? They act as if they were in a relationship," komento ko.

It's not just about how they act towards each other. The way Lilian seeks Ken's comfort speaks for how she depends on that man. And even how Ken cared for her to the point that he first went to see Lilian even before going back to his own house.

Or maybe I was just too imaginative that I started to put colors on everything meant to just be colored like black and white.

"But your sister likes him, right?" nangangapang tanong ko.

"She does. But Ken thinks she's too young for her and that dude has yet to move forward from the person he'd been wanting to be with."

"Bakit? Ilang taon ba ang agwat nila?"

"six years. My sister just turned twenty-four while me and the rest of the gang are thirty."

"Edad lang naman 'yon," may bahid ng lungkot na saad ko.

"It was just his excuse not to hurt my sister's feeling. Ang totoong rason ay ang babaeng hindi niya pa rin makalimutan hanggang ngayon."

Nakaramdam ako ng awa para kay Lilian dahil sa mga nalaman ko kay Waldo. Of course, I knew how that feels from the experience I had with Harris. Iyong pakiramdam na alam mong wala namang pag-asa pero kumakapit ka. Iyong kahit maliit na tiyansa kinakapitan mo para lang makasama iyong taong hindi naman handang sumugal sa iyo.

Ganiyan naman kasi madalas kapag nagmahal ka. Sa isang punto, magiging tanga ka. Gagawin mo ang lahat para sa kaniya kahit walang kasiguraduhan. Katulad ko na matagal kumapit sa isang relasyong sa hiwalayan lang din naman tutungo. Akala ko kasi maisasalba pa pero hindi naman pala.

Our reason may differ but the feeling would always be the same. One-sided love is a bitch that brings nothing but pain to a person.

May rahas na bumuntong hininga si Waldo sabay pasada ng tingin sa malawak na lugar na pinupuno ng magaganda at makukulay na bulaklak. "Minsan, hindi ko na rin maintindihan ang isang iyon. This wasn't originally a flower farm but he changed it into this one for my sister since Lilian loves flowers."

"Ang komplikado niyong mga lalaki," nakangiwing saad ko.

"Everyone is complicated, Hope. We differ in opinion and beliefs. We sometimes clash in personality and traits," he stated.

Napatango ako bilang tahimik na pagsang-ayon sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Sabihin man ng mga kababaihan na komplikado at mahirap intindihin ang mga kalalakihan, parehong opinyon din ang ibabato nila pabalik. Dahil magkakaiba ang mga tao. The only way to solve the problem is for one party to adjust, compromise, and to accept defeat. Hindi puwedeng palaging tama ka at mali ang isa. Both should meet halfway to avoid making a problem grow bigger.

Lumanghap ako ng hangin at agad kong naramdaman ang kaluwagan sa aking dibdib. Iba ang hangin sa lugar na ito. Malinis at magaan sa pakiramdam. Isama pa ang natural na malamig na hanging bumabalot sa buong El Refugio.

Napayakap ako sa sarili ko nang humampas ang panghapong hangin sa balat ko na nagdulot pang lalo ng ginaw sa akin. Mukhang napansin iyon ni Waldo kaya mas lumapit pa siya sa likod ko. I felt intentionally bumping his side on me until he finally put one arm around my shoulder.

"Iyong braso mo, Waldo, naliligaw yata," pagpaparinig ko sabay tingin sa kaniya.

"I think it just found its rightful place," ngisi niya.

Pairap na nag-iwas ako ng tingin, hindi dahil sa ilang kundi dahil sa ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. "Palala ka na nang palala, Waldo," komento ko.

"That's how you affect me, honey."

My steps immediately halted upon hearing that endearment once again. Hindi ko na alam kung ilang beses ko na ba iyong narinig mula sa kaniya. Maging ang unang araw at pagkakataon na narinig ko iyon mula sa kaniya ay hindi ko na rin maalala.

I became familiar with the ways he calls me that even though it wasn't that long since I met him, it feels like years had gone by with us knowing each other. Hindi ko rin makuhang maitama o punahin man lang ang mga pagtawag niya sa akin sa iba't ibang paraan dahil ang tanging nagagawa ko lang ay magkunot noo.

Para sa dalawang taong wala namang relasyon, hindi normal ang magkaroon ng tawagan sa pangkaraniwang pagkakataon maliban na lamang kung sobrang malapit sila sa isa't isa. At hindi kami pasok sa kategoryang iyon ni Waldo dahil hindi ko naman siya lubos na kilala.

"You really need to stop calling me that. Wala naman tayong relasyon," saad ko.

"Be my girlfriend then."

My mouth immediately fell open. Kusang napaatras ang mga paa ko para dumistansya sa kaniya. He said those words with no hint of playfulness. I tried to mask the shock I got from his words by rolling my eyes at him, taking it as a joke even though I was not really aware of his intention.

"Mga kalokohan mo," pagbibiro ko matapos ay pinangunahan ang paglalakad.

Pero tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ay mabilis na siyang nakahabol. Waldo immediately held my hand and made me stop walking. Marahan niya akong inikot paharap sa kaniya matapos pinakatitigan sa mga mata.

"Let's play a game." He wiggled his eyebrows and plastered a mischievous smile on his lips.

"Kinakabahan ako sa ganiyan mo, Waldo,"nakangiwing tugon ko.

"It's just a simple game, don't worry." Itinaas niya ang magkahugpong naming mga kamay para magawa niyang dampian ng halik ang likuran ng kamay ko. "Game?"

Bahagyang bumukas ang mga labi ko sa kagustuhang sumagot ngunit mas piangunahan ako nang pagwawala ng puso ko dahil sa ginawa niya. "What scheme are you planning now, huh?"

Pabirong itinaas-baba niya ang balikat niya bilang sagot sa akin. "Nothing unless it concerns making you fall for me." Sinamaan ko siya ng tingin na umani lang ng tawa mula sa kaniya. "Let's play, honey. Pick every flower you want and make a bouquet out of it. Kahit simple lang."

"Anong klaseng laro 'yan, Waldo."

"A game where I'll make you fall."

Everything happened in a blink of an eye. Mabilis na nawala sa paningin ko si Waldo sa ilang segundo lang matapos niyang bitawan ang huling mga salita niya. It took me a couple of seconds to fully comprehend what he wanted me to do.

Nagsimula akong tahakin ang daan sa pagitan ng kulay pula at puting mga rosas. I'm not very familiar with different kinds of flowers except for those I know. At isa pa, masyadong maraming uri ng bulaklak sa flower farm na ito at imposibleng mapangalanan ko ang lahat sa loob lamang ng iisang araw.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng walang direksyong paglalakad ko. Ibang uri ng bulaklak na ang nakikita ko ngayon. Something very familiar that brings back my childhood memories. Walang pagdadalawang isip na pumitas ako ng ilang bugkos no'n ngunit imbes na gawin bouquet katulad ng gusto ni Waldo ay iba ang ginawa ko.

I sat on the ground, not minding how dirty I would get. Pumitas ako ng isang santan sa maliit na bugkos na nakuha ko. Matapos ay marahan kong ang dulog bahagi para mahugot ang manipis na tangkay na nakapaloob doon. Hindi ko sigurado kung iyon ba ang tawag doon dahil wala naman akong alam sa bulaklak. Nang magtagumpay ay napangiti ako nang makita ang butil ng makita ang matamis na likidong naroon.

I closed my eyes and savored the sweetness of it. It was only a drop but the taste was good enough. Nang maubos ko na ang lahat ng naroon sa tatlong bugkos na napitas ko ay pinagkonekta ko ang mga iyon sa pamamagitan nang pagpasok ng bawat dulo sa sa maliit na butas sa gitna ng bulaklak.

A satisfied smile appeared on my lips when I was able to come up with a flower crown. Tumayo ako nang matapos para hanapin ang taong bigla na lang akong iniwan dito.

"Waldo?" pagtawag ko sa kaniya.

Wala akong narinig na tugon, o maski kaunting ingay man lang na nagpapahiwatig kung may ibang tao. Nagpatuloy akong maglakad kahit na walang eksaktong destinasyong nais puntahan.

"Stay where you are, Hope. I'll come for you," Waldo finally answered but his voice sounded far from where I was.

I immediately stopped walking. I roamed my eyes around to find him but to no avail. Mas mababa man sa akin ang mga halaman pero wala pa rin akong makita maski isang pigura ng tao.

"Nasaan ka?" tanong ko ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong nakukuhang tugon.

The crunching sound of dried leaves from my back caught my attention. But instead of turning my back to finally face the approaching man behind me, I remained still.

"Face me, Hope," he ordered but I was so busy calming myself that I became incapable of moving even just for a tiny bit.

Palapit na nang palapit ang tunog na ginagawa ng bawat paghakbang ni Waldo sa likuran ko. But for some reason, I just found my heart thumping so loud. Wala namang kakaiba pero may pumipigil sa akin na harapin siya.

"Come on, honey," he softly said.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago naglakas loob na harapin siya. My eyes automatically widened in shock upon seeing what he was holding in his one arm.

"You planned this," pabulong na akusa ko.

A playful smile formed in his lips making him look more handsome in my eyes. I opened my lips to speak but it ended up being just half open for no sound came out from it in disbelief.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. At sa bawat lapat ng mga mata ko sa kaniya ay wala akong ibang maramdaman kundi paghanga. Wala namang naiba sa porma niya maliban sa magandang ngiting suot niya at ang malaking bugkos ng bulaklak na hawak niya.

Hindi lang iyon simpleng pinagsama-samang iba't ibang uri bulaklak katulad ng inaasahan ko. Totoong bouquet iyon na maganda ang pagkakaayos. Most of the flowers were white and pink roses. It was big, almost occupying all of his body.

Pinigilan ko ang sarili ko na huwag umatras nang humakbang siya paabante. "Ilang gabi kong inisip kung paano kita dadalhin dito." Nginiwian niya ako bago muling humakbang para putulin ang distansya sa pagitan naming dalawa. "I told you last time, Hope," he cryptically said.

Mabilis na nahinuha ko ang gusto niyang iparating sa akin sa mga simpleng salita lang niya na iyon. It was his warning last time at the hospital while we were only centimeters apart. I could still remember that moment and the exact feelings I had that night.

At katulad nang gabi na iyon ay binulabog ng malakas na pintig ng puso ko ang dibdib ko. Nagulo ang kaninang payapa kong isipan at pinuno ng kung anu-anong bagay na hindi ko magawang ituwid. Maging tahimik kong palgid ay biglang naging maingay hindi dahil sa tunog na nanggagaling sa paligid ko kundi dahil sa malakas na pintig ng puso ko.

"This time... I won't miss." He smiled at me again before finally closing our distance. "For you, honey," malambing na usal niya sabay abot sa akin ng bulaklak na hawak niya. "No warning this time now, Hope."

Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon pa nang pagkakataon na makagawa ng kahit na anong kilos. He immediately snaked his arm around my waist before finally doing wanted.

He kissed me.

I was a fool for thinking that it would only be a peck. But only a second after our lips touched, he slowly started creating a rhythm like a slow dance suitable for both of us. I wanted to act nonchalantly about it, but the erratic beating of my heart speaks otherwise.

It might be just a spur of the moment and I would probably regret this when my mind went back thinking straight, but I couldn't help but savor the moment. And I must admit that I enjoyed it. With his kiss, I feel like I've tasted the sweetest nectar in the whole place.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top