Chapter 16
Shield
Mas isiniksik ko ang sarili sa ilalim ng kumot at pilit na hinanap ang init na papawi sa lamig na nararamdaman ko ngayon. Patay na ang air-con ngunit bukas ang mga bintana kaya malamig pa rin ang paligid. Gusto ko man 'yong isara, pinangungunahan ako ng panghihina kaya hindi ko magawa.
Hindi ko na nabilang kung ilang oras na ba akong nakahiga rito matapos akong puwersahang pinagpahinga ni Waldo. And since that moment that my body became one with the bed, my body felt weaker.
Gumawa ng ingay ang pagbukas ng pinto ngunit wala na akong lakas na harapin 'yon. Ang mga hakbang na naririnig ko ay nag-iimporma sa akin na hindi lang iisang tao ang pumasok sa loob. Pinanatili ko ang pagkakapikit ng mga mata ko at pinilit ang sarili na makatulog dahil ayokong makipag-usap sa kahit kanino. Kahit pa kay Waldo.
"Is she fine, William?" boses 'yon ni Waldo.
The one he was talking to laughed at him. "Kanina ko pa sinabi sa iyo na okay lang siya. I'm just here to clean her wounds. Huwag kang masyadong praning."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Waldo na agad nasundan nang paghakbang niya palapit sa direksyon ko. "Sigurado kang walang complications? She moved earlier. Ni hindi nga nag-iingat sa ikinilos kanina. Nakipagtalo pa sa akin. Paano kung lumala at bumuka ang tahi ng sugat niya?"
Imbes na tulog at payapang paligid ang mahanap ko sa pananatili sa kuwartong 'to, mas lalo lang yatang umingay ang paligid ko. Idinilat ko ang mga mata ko at bahagyang umubo para makuha ang atensyon ng dalawang taong kasama ko rito.
"Mas lalo akong magkakasakit sa rami ng tanong mo, Waldo," kunot ang noo na sabi ko.
"Hope," puno ng lambing na sabi niya, malayo sa kaninang tinig na nag-aalala. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"
"Fuck this side of you," nandidiring bulong ng lalaki sa likuran ko.
Umani 'yon ng masamang tingin mula kay Waldo ngunit nang ibalik niya ang tingin sa akin ay magaan na lang 'yon. "Are you okay?"
I tried to put a smile on my lips but it didn't last longer and immediately disappeared. "Gusto kong matulog," ang siyang naging tugon ko.
He gently smiled at me and nodded his head as a response. "Go do what you need to do, William."
"You disgust me, bro. I'd rather not involve myself with any woman kung magiging ganito lang ako. Magsama kayo ni Galan," mahihimigan nang pandidiring na tugon ng lalaki.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon sa halata namang may malisyang pahaging ng lalaki. Hindi ko lang lubos na maintindihan kung bakit ganito na lang kung umakto si Waldo ngayon.
Dati na siyang nag-aalala. Noon pa man na kakikilala pa lang namin ay grabe na siya kung bigyan ako ng atensyon kahit na wala kaming alam sa isa't isa. Nagsimula lang sa kotse niyang hindu sinasadyang naihulog ko sa tulay, ngayon ay hindi ko na maintindihan kung anong klaseng relasyon pa ba ang mayroon kaming dalawa.
We weren't strangers anymore. We knew each other's name and he knew what I was going through. Sa tingin ko ay dapat na hanggang doon na lang. Kaso sa ipinakikita niya ay para bang may mas malamim pa kaming ugnayan. Sa bawat pag-aalala niya ay para bang isa akong taong may halaga sa buhay niya na karapat-dapat ingatan.
"What are you doing?" he dangerously asked again.
The man with the name William sighed. And even if I haven't seen him, I could already imagine the irritation he's feeling towards Waldo. "Lilinisin ko ang sugat niya, Waldo. What do you expect me to do? Do my job while she's being covered by your comforter? Wala akong superpowers o healing powers na magagawa ko siyang gamitin gamit lang ang tingin," puno ng sarkasmo na tugon ni William.
Napabuntong-hininga ako at pinilit ang sarili na mag-angat ng tingin kay Waldo. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko sa likod at pangangalay ng buong katawan, pilit na inabot ko ang kamay niya. Hindi 'yon naging madali at laking pasasalamat ko nang siya na mismo ang nag-abot no'n. He sat on the floor for him to have a closer look on my face.
Mataman ang tingin na iginawad niya sa akin. Pilit na inalis ko ang ilang sa sisterma ko habang pilit na kinukumbinsi ang sarili na walang ibang dahilan kung bakit niya ito ginagawa maliban sa konsensya dahil siya ang kasama ko nang mapahamak ako. Pero sino pa ba ang maloloko ko? Mula noon pa man na makailang ulit niya akong iniligtas, nasa isip ko ng may dailan. Hindi naman siguro siya uulit sa pagtulong sa akin kung wala?
O baka masyado lang malikot ang imahinasyon ko at gumagawa ng mga dahilan na hindi naman totoo?
Kinalma ko ang sarili at pilit na ginawang normal ang takbo ng isip ko. Inalis ko rin ang mga haka-hakang nabubuo roon. "Let him do whatever he needs to do para matapos na," mahinang bulong ko.
Waldo let go of a sigh. He looked behind me and signaled William using his eyes to do whatever needs to be done. Nang magsimula na ang huli ay ibinalik na niya sa akin anh tingin.
Sa tindi ng ilang na idinudulot ng tingin niya sa akin ay napapikit ako. Sa kabila ng dilim na dala ng talukap ng mga mata ko ay ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin. Ilang sadali lang ay naramdaman ko ang masuyong pag-aalis niya ng mga hibla ng buhok ko na nakatabing sa mga mata ko.
"I need to remove this," pagpuputol ni William aa katahimikan na ang tinutukoy ay ang kumot na nakatabing sa buong katawan ko. "Dapa ka, Miss."
Sa pag-alalay ni Waldo ay marahan akong dumapa. Agad na kumapit sa balat ko ang lamig nang iangat ng lalaki ang shirt na suot ko para magawa niyang tingnan ang sugat ko. Dala ng lagnat at sama ng pakiramdam ay natagpuan ko na lang ang sarili kong bahagyang nanginginig sa lamig dahil sa bawat pagdampi ng hangin sa balat ko.
"Make it fast, William," tarantang utos ni Waldo.
"Matuto kang kumalma, Waldo. Pati ako natataranta na sa mga ganiyan mo," masungit na tugon ni William. "Mas lalo akong matatagalan kung mamadaliin mo ako nang mamadaliin. Titigan mo na lang ang mukha ni Miss Beautiful para naman kumalka ka."
"Ang daldal mo para sa isang lalaki," pasiring na turan ni Waldo.
"Marami pa akong puwedeng sabihin, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil disgutong-disgusto na ako sa mukha mo."
"I pay you big, buddy. You love money and that's all you care about."
"Shh..." mahinang wika ko, pinipigilan pa na masundan ang batuhan ng salita ng dalawa.
Para akong may kasamang dalawang bata kahit na ang totoo ay pareho na silang nasa edad. walang gustong magpatalo kahit na wala namang saysay ang pinagtatalunan nilang dalawa. Naiingayan ako at mas lalo lang sumasakit ang ulo ko pero hindi ko maiwasan na mapangiti dahil salamin ng pagiging malapit nila sa isa't isa ang barahan nila.
Humigpit bigla ang hawak ko sa kamay ni Waldo nang makaramdam nang paghapdi sa sugat ko. I closed my eyes to avoid Waldo's gaze but that made him worry even more. Naramdaman ko siyang kumilos sa puwesto niya. Dala nang kuryosidad ay muli akong nagmulat ng mga mata.
I was greeted by Waldo gently laying down on the bed beside me. When he finally found a comfortable position, he lifted my head and made me use his one arm as his pillow. Ang bakanteng kamay naman niya ay marahang humahagod mula sa ulo ko pababa sa ibabaw na bahagi ng likod ko.
"It's almost done, honey," he whispered directly in my ears.
I nodded my head in response but I didn't say a word. He continued soothing me and slowly... the pain started to subside slowly.
"Ano bang nangyari sa inyo? Why would someone shoot your worman?" puno man ng kuryosidad ang boses niya, hindi maitatanggi ang kaseryosohan na nakapaloob doon. "I don't think this was just a simple misencounter."
"Because it wasn't," Waldo cryptically answered.
"Dude, our doors are always open for you and your woman. You could always ask for help. Especially Galan's," William offered.
Waldo rests his hand on my back before answering his friend. "I know, man. But this was something personal. It's between Hope and her family."
"Hands off then, brother. Just ring us up if you need back-up."
"Thanks, brother."
"You, too, lady. I'll leave my calling card here, feel free to call me if you need any help." Marahan niyang tinapik ang sugat ko na tapos na niyang linisin.
My eyes were immediately filled with how he assured me of his care. Tumango ako bilang sagot kahit na hindi ako sigurado kung napansin niya ba iyon. I tried to hide my face only to find it being placed in Waldo's neck.
I slowly moved my hand and encircled around Waldo's waist to let him know how grateful I am to him and his friend, William. I became incapable of speaking as if a big lump was placed on my cords. I just felt grateful, too overwhelmed to even utter a single thanks.
Hindi ko mahanap ang dahilan ng ganitong reaksyon mula sa kanilang dalawa, mas lalo mula kay William na hindi ko naman personal na kilala.
"Thank you..." mahinang bulong ko na umani nang tango mula kay Waldo.
"Rest now, honey. Let's eat when you wake up," ganting bulong niya matapos ay hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.
***
Ang pamilyar na amoy ni Waldo ang mabilis na nanuot sa ilong ko sa kabila ng distansyang nakapagitan sa amin. The woody and amber smell of his perfume that was mixed with sweet and citrus became familiar with me. And I can't help admit that I somehow got used to it.
"Anong gusto mong kainin?" masuyong tanong ni Waldo pagkapasok na pagkapasok pa lang sa kuwartong tinutuluyan ko.
Patalikod na nakahiga ako sa kama, salungat sa direksyon niya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Hindi ko na nabilang ang nga minutong lumipas magmula nang iwan ko siya sa baba. Maging kung ano oras na ba.
I could feel my hunger but I have no power to help myself go down. I fell asleep immediately after they left me. Wala akong ideya kung ilang oras ba ako nakatulog pero base sa nakikita ko mula sa bintana ay dapithapon na.
Naramdaman ko ang paglapit niya at ilang sandali lang ay nakaupo na siya sa gilid ng kama. The bed was a king sized one but with him sitting just a few inches away from me made it feels like it became smaller.
"Hope, you should eat now. You haven't eaten anything since yesterday." He gently moved forward making himself closer to me. I felt lke the bed shrunk even more, making our distance become even smaller. "What do you want?" he asked with his voice sounding as if he was talking to a child.
"I'll skip, Waldo," tanggi ko.
Matunog siyang bumuntong hininga ngunit naroon pa rin ang pagpapasensya. "Should I just bring the food here?"
Mariin akong napapikita nang sa mga sumunod na sandali ay naramdaman ko na ang pagdampi ng mainit na palad niya sa braso kong nakalabas sa kumot.
"I have no appetite," pagod na usal ko.
"Honey, you're making me worry about you. Kumain ka na. You'll eat on your own or I'll feed you my way?"
Napapantastikuhang nilingon ko siya, bahagyang nagulat sa mga binitawang pagbabanta. "Pinagbabantaan mo ba ako?" iritableng tanong ko.
"Of course not," maang-maangan niya. "I'm offering suggestions here."
Naningkit ang mga mata ko, nanunuri, nang makita ang sinusupil na ngiti sa mga labi niya. Naroon ang kapilyuhan sa kislap ng mga mata niya. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip ni Waldo ngayon ngunit hindi ko mapigilan ang kaba na nararamdaman.
"Anong nasa isip mo?" nagdududang tanong ko.
"Mga paraan para pakainin ka?" natatawang tugon niya.
His laughter followed, filling the four corners of his room. And I just found myself focused on every sound that was escaping his mouth. This was the first time he let himself lose in front of me. Ni hindi ko nga sigurado kung ano ang nakakatawa sa pinag-uusapan namin.
Ever since I met this man, I saw nothing in his eyes but worry. Sa bawat lapat ng mga mata niya sa akin, naroon ang pag-aalala. I never saw this side of him, and I am wondering why it feels like it has been a long time since he laugh like this. Gano'n ang dating sa akin bagaman wala akong ideya kung ano nga ba ang naging buhay niya bago ako dumating.
It looks like he's laughing at his own joke, something that I couldn't even understand fully. Saan ba sa mga sinabi niya ang nakakatawa?
Nagsalubong ang kilay ko nang sa pagtataka kung ano ang dahilan nang tawa niya. "Tatawa na rin ba ako?" kunot ang noo na tanong ko.
He immediately calmed himself and coughed multiple times to stop himself from laughing. "Let's eat."
"Nababaliw ka na," naiiling na komento ko matapos pinilit ang sarili na tumayo. There's no point arguing. Paniguradong siya rin naman a g mananalo kaya magpapaubaya na lang ako.
"Oo, nababaliw sa'yo."
Napahinto ako sa pagtayo at halos mapanganga sa gulat dahil sa narinig. Gusto ko siyang lingunin pero mas lamang ang pagpipigil ko sa sarili. The back of my mind was screaming for me to show violent reaction. But I was too shocked to even form a single word. Walang nakakabigla kung tutuusin pero ang epekto ng mga salita niya sa akin ay kakaiba. His words turned me into a mute, made me incapable of thinking straight.
I shook my head violently for a couple of times to erase what he just said. And it took me one full minute to finally get my head in the right path. Pabuntong hininga na nagsimula ulit akong kumilos, pinipilit na magmukhang normal sa kabila nang gulat na idinulot niya sa akin.
Mabilis na nakaagapay naman sa akin ni Waldo na agad tumulong sa paglalakad ko. He put his hand on my back, gently leading our way outside. Ang isa naman niyang kamay ay nasa siko ko. Mas lalo akong napangiwi, kung umalalay ay akala mo naman nalumpo na ako.
"Likod ang tinamaan sa akin, hindi paa," pagbibigay-alam ko sa isang bagay na alam naman niya.
"Pero hirap kang maglakad. Kung puwede lang kitang buhatin ay ginawa ko na. Kaso alam kong hindi mo magugustuhan kaya aalalayan na lang kita."
Agad na umasim ang mukha ko na nasundan nang masamang tingin sa kaniya. Hindi niya 'yon inintindi bagaman nanlilisik na ang aking nga mata. Mas nilawakan lang niya ang ngisi niya at itinuon ang atensyon sa paglalakad namkng dalawa.
"Bakit ang landi mo?" hindi napipigilan na tanong ko.
Ngumisi pa siyang lalo na para bang papuri ang salitang pinakawalan ko. "Apektado ka na ba? Paano pa kaya kung itotodo ko na?" may bahid pa rin ng landi na ngisi niya.
Mas tinaliman ko pa ang tingin ko ngunit wala pa rin 'yong epekto. "Pakainin mo na lang ako kaysa puro kabaliwan ang lumalabas diyan sa bibig mo."
"Yes, queen. I'll be the one to feed you as if you're a kid, my baby."
Umirap ako sa hangin sa panibagong itinawag niya sa akin. Ngunit nauwi 'yon sa ngiwi nang mapagtantong tila tunog nag-uutos ang dating ko na siya namang totoo. Gusto ko mang bawiin ang naunang pahayag, mas pinili ko na lang ang magpaubaya at magpatangay.
My forehead knotted because of the loud voices of men. Even with the closed door of the room I am occupying, I could still hear them loud and clear. They are loud, screaming, laughing like a madman.
"May bisita ka ba?" naghihingi ng kumpirmasyon na tanong ko.
"My friends. Co-owner of el Refugio."
"Co-owner? You mean this land?"
He nodded as a response. "This place is wide, honey. A single person won't be able to manage this hacienda. It's divided into four. North, south, east, and west. I manage the east part while the other manages the rest."
"What do you do in the east part?"
"Nagsasaka ng iba't ibang uri ng pananim. Magmula gulay, prutas, o palay. Lahat ng puwede at puwedeng pagkuhanan ng kita."
"Ang sabi mo hindi ka mayaman? Eh, ang yaman-yaman mo," nalilitong sabi ko.
"Ang sabi ko, hindi ako kasing yaman ng nga magulang mo. May pera ako, oo. Pero may mga tao rin akong kailangang buhayin."
Sa sinabi niyang 'yon ay muli kong naalala ang kasalukuyang kalagayan ng kumpanya ng mga magulang ko at ng mga tao nila.
Kung puwede lang na huwag isipin at magpatay malisya sa mga nangyayari, ginawa ko na. Kung hindi ko siguro nakita ang mga taong nasa labas ng mala-impiyernong kompanya na 'yon ay magagawa ko pang ignorahin ang mga nangyayari.
Kaso hindi. Sa pagbagsak ng pinuno, sunod na bumagsak ang mga nasasakupan niya. Kasalanan ng isa, damay ang lahat. Gusto kong pumikit na lang at huwag tingnan ang mga bagay-bagay kaso kapag ginawa ko 'yon, para ko ba ring inihalintulad ang sarili ko sa mga magulang kong walang kaluluwa.
Laman 'yon ng isip ko hanggang sa makababa kami ng hagdanan. At agad na bumungad sa akin ang dalawang kalalakihang nakaupo sa sofa habang may isa pang lalaking naka-video call lang. Ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin ng taong nasa harapan namin sa bawat galaw ko.
One of them smiled at me warmly but the other one remained stoic. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at agad na napahinto ako sa paglalakad nang makita ng buo ang mukha ng lalaking mistulang bato at walang ekspresyon.
The intimidating aura of his made me want to shrink. His powerful appeal screams for authority as if he's a king of his own kingdom. But those weren't the reason why I stopped walking. It was because of his familiar face.
Naningkit ang mga mata ko para matingnan siya ng mas mabuti habang inaalala kung saan ko siya nakita. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko pa rin mahagilap sa memorya ko kung sino siya.
"May problema ba?" tanong ni Waldo sa akin.
Tahimik na umiling ako at sa wakas ay nag-iwas na ng tingin sa lalaki. "Nasaan ang kusina? Asikasuhin mo na lang ang mga bisita mo."
"Ipagluluto kita," masuyong sabi niya.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga hanggang sa tuluyan kong maramdaman ang pagkalma. "May mga bisita ka, unahin mo sila."
"Alright, alright." He sighed and motioned his hand towards the left side of the living room. "That's the dining area. I'll join you soon, palalayasin ko lang 'tong mga 'to."
Hindi na ako nagkomento pa at nagtungo na lang sa direkayong sinasabi niya. I could hear them talking in small voices behind my back, but I didn't mind them.
Nang makarating sa destinasyon ay agad na pinuntahan ko ang ref na naroon. Walang pagdadalawang isip na kumuha ako ng lata ng beer at mabilis na inubos ang laman no'n nang isang inuman lang. Agad na gumuhit ang pamilyar na lasa ng alak sa lalamunan ko ngunit tila mas nauhaw lang ako. Humigpit ang pagkakakapit ko sa lata na naging dahilan nang pagkakayupi no'n.
Inaasahan ko na magtatagal pa si Waldo sa sala para sa mga kaibigan niya ngunit wala pa mang minuto ay naramdaman ko na agad ang presensya niya sa likuran ko. He extended his hand for him to close the door of the refrigerator, stopping me from getting another can of beer.
"That's not the proper way to start a meal, lady," he said using his dangerous tone.
Nagkibit-balikat lang ako at hinarap siya. And that was the biggest mistake I've made today. Because the moment that I turned around, his burning eyes greeted me.
Umatras ako ng isang hakbang na agad niyang sinundan nang pag-abante. Pumintig ng malakas at mabilis ang puso ko nang ang tingin niya ay hindi niya inalis sa akin maski isang segundo.
"W-What?" I stuttered. And how I wish I could slap the back of my head for making it so obvious that he affects me.
One side of his lip rose up while his eyes remained fixated on mine. "Do you still love him?" he asked in a quiet voice.
"Oo," walang pagdadalawang-isip na sagot ko. Hindi man buo ang mga salita niya, agad na napagsino ko ang tinutukoy niya.
"Paano kung isip mo na lang pala ang sumasagot sa akin ngayon? Paano kung nasanay ka lang pala sa pagmamahal na pinaniniwalaan mo pero ang totoo ay ubos na pala?"
Umigtig ang panga ko. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis sa pagkuwestiyon niya sa nararamdaman ko. "Kilala ko ang sarili kong nararamdaman, Waldo," giit ko.
"Hmm." He nodded his head slowly then took a small step forward towards me. "More work for me then."
Naguluhan ako sa ipinupunto niya. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga salating sinambit niya. Ang pagtatanong na gagawin ko na sana para pahupain ang kalituhang idinulot niya sa akin ay hindi na nangyari.
Nilagpasan niya ako at nagtungo sa ref at naghalungkat doon. I remained rooted on where I was standing, still trying to comprehend what he just said. More work for him? What does he mean by that?
Tahimik na umupo ako sa isa sa mga upuan sa likod ng island counter, pilit na inaalis sa isip ang mga ibinulong niya na nagpagulo sa akin. Walang imik na pinagmamasdan ko ang likod niya habang abala siya sa ginagawa. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa panonood ng mga eksperto niyang galaw na kabisado na ang mga susunod pang hakbang. Ang mabibilis niya kamay ang pumukaw sa atensyon ko kaya kahit na wala sa plano ay napako na sa kaniya ang paningin ko.
My face distorted in annoyance. Wala sa plano ko ang hangaan siya. At mas lalong hindi ko gusto na panoorin siya. Ngunit dahil sa pagpapakitang-gilas niya sa pagluluto ay kusa na lang nababaling sa kaniya ang paningin ko. Mas naiinis ako sa sarili ko dahil maging ang normal lang naman na gawain ay hinahangaan ko. Mula sa paghihiwa niya ng mga sangkap hangga sa paggigisa ay pinanood ko.
At ang pinakakinaiinisan ko sa lahat ay nababanguhan na agad ako sa niluluto niya na kung tutuusin ay sibuyas lang naman. Idagdag pa na takam na takam na agad ako samantalang normal na adobo lang naman ang niluluto niya para sa hapunan ko.
"Aalis ako sa isang linggo," imporma niya na humila sa akin mula sa lihim na pagpapantasya.
Tumikhim ako at inayos ang upo kahit na hindi naman niya ako nililingon. "Good. Isama mo na rin ako para makauwi na ako."
Nahinto siya sa ginagawa. At kusang napasandal akon muli sa upuan nang harapin niya ako habang nakataas ng bahagya ang isang kilay. "May uuwian ka ba?"
I was offended. Even if it was the truth, I couldn't help but to feel bad for myself. Tama siya. Umalis man ako sa lugar na 'to ay wala akong uumiwang iba. Walang naghihintay sa akin maski bahay na puwedeng tirhan. Sa halip na bubong na masisilungan ay maaaring bala pa ang salubungin ko pagkalabas ko rito dahil sa mga taong pinagkakautangan ng pamilya ko.
Pero kailangan bang isampal pa? Hindi pa ba sapat na alam ko at kailangan pang ipamukha na walang kuwenta talaga ang buhay ko.
Mula sa magulong isip ay nakuha niyang muli ang atensyon sa ginawa niyang paglapit sa akin. Yumuko ang kalahati ng mukha niya upang magawa niyang ipagpantay ang mukha naming dalawa. The gentleness on his eyes speaks for the care that he's been showering me. His one hand went up to capture my chin. He gently guided it upwards to have a better eye contact with me.
"Relax, your highness. This place is very much open for you. Not that I intend to make you leave this place." He tapped my cheek once before letting it go for him to face his task once again.
Naging abala siya sa mga sumunod na minuto habang ang katahimikang bumabalot sa amin ay bunibigyan ako ng pagkakataon na balikan ang mga nangyari sa buhay ko nitong mg nakaraan.
Maingat ang kilos na naupo ako sa high chair na naroon. Sa ganoong paraan ko siya pinagmasdan. But everything about the fragments of my days highlights only one man.
"I'm sorry, Waldo," mahinang bulong ko.
Nahinto siya sa ginagawang paghiwa matapos ay hinarap ako. Akala ko ay mananatili lang siya sa ganoong puwesto ngunit naglakad siya palapit sa direksyon ko ngunit tila hindi pa rin siya nakuntento. Umikot siya at tinawid ang pagitan naming dalawa.
"Why are you sorry now, honey?" masuyong tanong niya.
He moved a bit closer towards me as he cage me in between his arms. Itinukod niya ang dalawang kamay sa island counter na nasa likuran ko. Magkakrus ang dalawang paa niya kung saan nakapaibabaw ang kanan sa kaliwa. Tuloy ay halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Pasensya na kung nadama ka sa gulo ng buhay ko," nahihiyang saad ko.
"It's my choice, Hope." Tumuwid siya nang tayo matapos ay ipinatong ang isang kamay sa ulo ko. Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko hanggang sa nauwi sa mahinang pagkabig niya sa akin hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakapaloob sa mga bisig niya. "You may act tough but I know you're vulnerable inside. You may push people away but that won't stop them from worrying about you. Just like how worried I am that even though I want to distance myself from you, it would be impossible for images of how vulnerable you are lingers in my mind."
"Pero hindi kasama na mapahamak ka dahil sa akin."
Ngayon lang lubos na rumehistro sa isip ko ang mga nangyari bago kami napunta rito. The way those men chased us as if they were hunters and we were their prey. How it put us in danger and how guns were fired, terrorizing us about our safety.
But above all that, the fear of putting Waldo's life at risk still haunts me. Hindi naman siya malalagay sa ganoong sitwasyon kung hindi dahil sa akin. I was thankful that the bullet hit me and not him. I would forever blame myself if it was him.
"Thank goodness you are safe." Malalim akong bumuntong-hininga at napasiksik pang lalo sa dibdib niya. "I'm glad I was the one shot."
"I'd gladly take a bullet for you without any hesitation, Hope," he assured. His embrace tightened as his one hand made its way to trace the part where I was wounded. "Does it hurt?" masuyong tanong niya.
The corner of my eyes heated once more because of the gentleness coating his voice. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat sa boses niya. Isang bagay na kailanman ay hindi ipinaramdam sa akin ng kahit na sino.
I felt like someone cared, as if someone was afraid to lose me. And fuck life for robbing this kind of feeling from me. Ang sarap pala sa pakiramdam na mayroon kang halaga. Sobrang nakapupuno sa puso na may taong nandiyan sa tabi mo para iparamdam sa iyo na importante ka.
Walang pasubaling naglandas ang luha sa magkabilang mata ko at kusang kumilos ang mga kamay ko para yumakap sa baywang ni Waldo. I just felt too grateful towards him and his actions. He never failed to seize the abundant worry and pity filling me. It's as if he knew everything and knew what exactly it is that I need.
The comfort. The care. The protection and security.
"I could feel my shirt getting wet, honey," he informed with a hint of mischief and worry at the same time.
"I'm not crying," I said, spitting out an obvious lie.
"Crying doesn't make you a weak person. Pretending to be fine doesn't mean you're strong." He started stroking my hair gently. A few moments later I felt his head descending until I finally felt his lips planting a kiss on top of my head. "Be weak. Be strong. You're a human after all."
Hindi ko nagawang makatugon sa mga salita niyang iyon. He filled me with familiar yet unfamiliar emotions once again. I was familiar with it, the fast beating of my heart that I couldn't keep up with. Kilalang-kilala ko ang pakiramdam na iyon at hindi ko na kailangan pahirapan ang sarili ko para mapangalanan dahil ilang taon ko ring naramadman iyon para sa isang tao.
Pero kakaiba ang ngayon. Dahil mas malakas ang bawat pintig ng puso ko. Mas malalim ang pinanggagalingan at hindi ko alam kung hanggang saan ang hangganan.
Tama si Waldo. Isip ko na lang ang sumasagot sa kaninang tanong niya tungkol sa pagmamahal ko kay Harris. I knew that to myself the moment that Waldo entered my life. I was just using it as a defense to protect myself and to save the remaining pieces of my already broken heart.
Dahil isang sakit pa, isang emosyonal na laban pa, wala nang matitirang lakas sa akin para lumaban. Pagsuko na lang ang tanging solusyon na maaari kong kapitan.
"I'll be your shield. I'll protect you as much as I can, Prescila Hope Santiago."
L Y N C E N O
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top