Chapter 14

The Chase

"Damit mo." Walang halong pag-iingat na inihagis ni Katiya ang isang paper bag sa kamang inuupuan ko. "Kung handa ka na, nasa baba lang ako."

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makasagot pa dahil agad na tumalikod din siya. Mizu, on the other hand, caught my attention by tightening his hold on my hand.

"You could stay here all you want, Prescilla. Hindi mo kailangang umalis."

Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. I moved a bit closer to him and hugged him tight as if it would be the last time I'll be able to do it. Walang salitang ibinalik niya 'yon sa akin ng mas mahigpit.

We stayed that way for a few more minutes before we finally let go of one another. I gave him a small smile, far different from the one I used to give him when we were still kids. This one was fake, full of pretension, and no sincerity at all. Alangan man, ginantihan niya rin ako ng ngiti.

"I'll be fine, Mizu." I nodded my head and held his hand tighter than his hold. "I promise to cry less. I'll try my best not to get hurt. I promise not to make you worry, dear cousin."

"Could I trust you not to hurt yourself?" puno pa rin ng pag-aalalang tanong niya.

The fake smile on my lips faltered but I was quick to keep it on my lips. "Of course, Mizu."

Nagkatinginan kami. At sa likod no'n ay alam kong nagkakaintindihan kami, na ang sagot ko'y walang kasiguraduhan. Parehong hindi sigurado kung kaya kong panindigan.

I tapped his back once more before standing up to finally get myself ready for our leave. Mizu sighed before doing the same thing. Isang beses na tinanguan niya pa ako bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Katiya. Basta ang sinabi lang niya ay nakahanap na siya ng tutuluyan ko at doon niya ako dadalhin ngayon.

Mabilis na pagligo lamang ang ginawa ko matapos ay agad na nagbihis ng damit na ibinigay ni Katiya para sa akin. Inayos ko ang maayos ko ng damit habang sinisipat ang porma sa salamin. Katiya bought me an attire close to her preference, not mine. Isang maong na pantalon, manipis at hapit na sando, at denim na jacket bilang pamatong.

I just feel like fixing myself that would make me look decent. Wala naman talagang dahilan para gawin ko 'to. Gusto ko lang kaya pinagbibigyan ko ang sarili ko. Nang makontento'y tsaka lang ako lumabas at nagtungo sa salas para gisingin ang natutulog na si Waldo.

"Waldo," mahinang tawag ko.

I fell immediately asleep during our ride back home. Nagising na lang ako kanina na nadito na ako sa kuwarto.

Nagdahan-dahan ako sa paglalakad patungo sa taong nakabaluktot ngayon sa sofa. Nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib, tiklop ang mga tuhod at pilit ipinagkakasiya ang sarili sa kakarampot na espasyo roon. Tahimik na lumuhod ako sa harapan niya, kapantay ng mukha kung saan kitang-kita ko ang bawat parte no'n.

"Waldo," bulong ko, intensyon ay gisingin siya ngunit salungat ang lakas ng boses sa gustong mangyari.

He stirred lightly but his eyes remained closed.

"Wake up. Aalis na ako," mahina pa rin ang tinig ko.

He moved again but this time was bigger than earlier. He slowly opened his eyes and it effortlessly met mine. Dala ng ilang sa maliit na distansyang mayroon kaming dalawa, kusang umatras ang katawan ko. But his reflex was quicker than my move even though he's half asleep. He grabbed my pulse and pulled me close, leaving enough distance for my comfort.

"Saan kayo?" tanong niya habang pilit na nakikipaglaban sa antok.

"Did you even sleep?" sa halip ay tanong ko.

"When Katiya came over, yes." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pag-awang ng labi ko ngunit bigo na makasambit ng isang salita. "You fell asleep in the car and I don't want to leave you here alone with my head filled with images of how you lost it the other day." Pinutol niyang muli ang pagsasalita ko sana nang unahan niya ako. "And don't even think that it's your fault cause it was not. It was my choice." Tumiim ang titig niya sa akin, nagpapaintindi. "Every decisions that I, we, the people surrounding you, were our choices. Pabor man sa amin o hindi, makabubuti man o makasasama, kami ang may hawak ng desisyon namin. Wrong choice doesn't mean it's your fault. Keep that in your mind, Hope."

Ang dami ng sinabi niya. Iisa lang ang tanong ko pero ang sagot niya'y hindi ko nabilang. Ganoon kahaba ang paliwanag niya at kakatwang naintindihan ko at tumatak ang bawat salitang narinig ko. I know that not everything was my fault. In some cases I was just a victim of someone else's wrong decision.

I was reared and shaped to be a follower. A coward who would always sit at the command of my owner. Gano'n ako itinuring ng mga magulang ko. Sila ang laging tama. Ako ang palaging nasa mali at ang palaging nasisisi sa mga bagay na hindi ako sigurado kung kasalanan ko pa bang talaga.

That was the reason why it became a habit owning the fault even if it was never mine. Ako na lang ng ako at walang tutol akong tumatanggap. Hanggang sa nakasanayan. Hanggang sa paulit-ulit at naging routine ko na sa buhay.

"Saan kayo?" tanong niya na pinuputol ang tren ng mga kaisipan sa utak ko.

"Hindi mo na kailangang malaman," pinal na sagot ko, tinatapos na ang usapan.

He took a deep breath before finally letting go of my hand. If it was relief or some emotion I'm afraid to name that I felt when we've lost physical connection, I don't really know. Ibinaon ko sa likod ng isip ko ang naramdaman ng puso kong 'yon at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Mauuna na ako." Nagsimula akong humabang palayo sa kaniya.

Isa. Dalawa. Tatlo. Katulad ng inaasahan ay nagsalita siya dahilan nang paghinto ko.

"I'll see you again."

Puno ng kasiguraduhan ang boses niya, tila alam na alam na muling maglalandas pa kaming dalawa. Alam kong malabo na. Hindi niya alam kung saan ako tutungo. Only Katiya knew where my destination would be. Not even Mizu knows. Neither do my parents. Not even me.

"Aalis na ako," muli ay paalam ko.

I didn't let him speak more. Nagpatuloy na ako sa pagpalakad sa mas mabilis na paraan ngayon. I didn't bother to answet him, nor to look back. I just left.

***

Nakakakonsensya. Hindi ko maiwasang manliit at mahiya habang nakikita ang mga bagay na nabungaran ko nang makalabas na kami ni Katiya sakay ng sasakyan niya. Habang ako nalulugmok sa mga emosyon at sa tingin ko'y mababaw lang na dahilan, ang epekto ng bagyo at ang pinsalang iniwan ay malala.

Mula sa bintana ng sasakyan, tinanaw ko ang mga bahay na nadadaanan namin sa shortcut na dinaanan ni Katiya. It's a small town that mostly consists of houses made with materials not enough to protect the family living there against the storm. Kung hindi tinangay ng hangin ang bubong, literal na walang iniwang matinong parte ng mga bahay ang nagdaang bagyo.

Walang bubong. Puno ng putik ang bahay. Gumuhong mga haligi at kung anu-ano pa. Habang ako, may malambot na higaan at komportable pa rin sa kabila ng bagyo. Sila ay takot at ngayo'y walang naisalba na kung ano. Habang ako buhay pag-ibig ang inaalala, sila, pagbangon ang problema.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sabay iwas ng tingin sa nasasaksihan.

"Tarlac."

Tumango ako, walang reklamo at handang sumunod lang sa kaniya. Ipinanganak man ako sa maynila, mangmang ako pagdating sa mga direksyon o daan. I am not the type to drive around the whole city to kill some time. I'd rather sleep, eat, or be with... him.

That's why I wasn't able to foresee what was ahead of us. Noong una, nagdududa pa ako. Pero nang makita ko ang matayog na gusaling naghahari sa buong lugar, nagsilbi 'yong kumpirmasyon kung nasaan ba talaga kami.

Saavedra-Santiago Realm

Tahimik lang akong nakatingin sa daan. Iniignora at pinipigilan ang sarili na mapatingin sa gawi na 'yon. But when I took a split second glance on the sea of people in front, it robbed my whole attention.

"Pull over, Katiya," utos ko. Unti-unting huminto si Katiya sa sapat na distansya na magagawa pa rin naming makita ang mga taong nasa labas ng kompanya ng mga magulang ko. "Anong nangyayari?" tanong ko kay Katiya na alam kong may maisasagot sa akin.

"Hindi ba halata? Pinapapasok pa rin ng hari at reyna ang mga tauhan nila sa kabila ng pinsala ng bagyo," paliwanag niya. "Mga hindi pa nga nakakabangon at payapa ang lagay, pinahihirapan na agad."

"Hindi ba puwedeng ipagpaliban na lang muna? Katatapos lang ng bagyo. Tingnan mo ang mga tao, maging sila pinaaalis sa lugar," reklamo ko.

"Sa tingin mo may pakialam ang mga 'yan?" sarkasmong tugon ni Katiya. "Wala, Prescilla. Oo, mahirap ang sitwasyon ngayong katatapos lang ng bagyo at anong malay natin kung may mga nawalan ng miyembro ng pamilya nila dahil sa nangyari. Pero hindi uubra ang ganiyang dahilan sa mga gahaman mong magulang. Maglupasay man ang mga emoleyado, hindi sila pakikinggan. Malas lang talaga sila na napunta sila aa among pansariling interes lang ang alam."

Kung kanina'y nakokonsensya na ako, mas lalo na ngayon na nakikita ko ang mga tao sa labas na nakatingin sa gusali. Mga kapwa wala pang ayos ang karamihan, halatang napasugod lang dahil sa utos ng mga nasa itaas.

Kailan man ay hindi ako nagkaroon ni katiting na interest sa kompanya ng pamilya. O kung alamin ang mga ginagawa ng mga magulang ko sa buhay nila. Nang magdedesisyon akong lumayas at putulin ang koneksyong mayroon ako sa kanila, inalis ko na rin sa isip ko na ang pakialam sa kanila. Oo nga't masamang magtanim ng galit at hindi magandang tingnan, pero hindi rin gano'n kadali na magkalimot at magpatawad. Lalo na sa ginawa nila sa akin at sa anak ko.

"Mabuti na langat hindi ka nagmana sa mga magulang mo, Prescilla," pagbibigay opinyon ni Katiya.

"Masama rin ang ugali ko, Katiya. Mas masama lang talaga silang dalawa," saad ko. "Alam kong mali ang magsabi ng ganito sa ibang tao, mas lalo na sa mismong mga magulang ko. But I don't mind being a bad daughter to them. Pahuhupain ko muna ang galit ko. Uubusin ko muna ang sama ng loob na mayroon ako. Saka na ako hihingi ng tawad kapag sinsero na ako."

Muli kong binalingan ang mga kalat na taong nasa harapan namin ngayon. Halo-halo ang mga edad nila, maging ang kasarian na pinangingibabawan ng mga kababaihan. Karamihan ay mga bata at mukhang iilang taon pa lang sa kompanya. Mayroon ding iilang matatanda na sa tingin ko'y kinatandaan na ang pagtatrabaho sa mga magulang ko.

Higit sa lahat, ang presensya ng isang babaeng may umbok sa tiyan ang nakakuha ng atensyon ko. I could only see her side making her bump more obvious. Tantiya ko na nasa ika-limang buwan na siya nang pagbubuntis. Bakas ang pagod sa mukha ng babaeng habang kipkip anh laptop sa may dibdib. She looks so exhausted as if the previous nights have been nothing but nightmares.

My heart sank in pain for the woman when one man approached her and forcefully made her walk towards the front door. Every movement of the man was violent and ruthless. Halatang walang pakialam kung makasakit man ng iba. Maging ang kalagayan ng babae ay hindi kila binigyang pansin.

Tears pooled my eyes in pain. But worry took a greater part of me for the welfare of the woman and the child on her womb. Kusang kumilos ang mga kamay ko para buksan ang pintuan ng kotse sa parte ko kung hindi lang ako naagapan ni Katiya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" may pagbabanta sa tono niya.

Ipinagsawalang bahala ko 'yon dahil mas nanaig sa akin ang kagustuhan na tulungan ang babaeng nagdadalang tao. "That woman needs help. Paano kung makunan siya sa ginagawa nila sa kaniya?!" gilalas ko.

Hindi ko na makilala ang sariling boses dahil sa panginginig no'n. I fear for their safety. Lalo na at wala sa itsura ng mga taong 'yon ang pagkakaroon ng pakialam sa kalagayan ng babae.

"Paano kung ikaw ang mapahamak?" kalmante man ang pagkakasabi niya no'n ramdam ko pa rin ang galit na nakapaloob sa salita niya. "Pinaghahanap ka nila, Prescilla. Pinapaalala ko lang sa'yo, nakasunod pa rin sa iyo ang mga mata ng magulang mo, naghihintay ng pagkakataon na kuhanin ka."

Nagtalo ang isip ko sa kung ano ba ang pinakamainam na desisyon. Luhaang hinarap ko ang babae na marahas pa ring kinakaladkad ng lalaki. I don't want to imagine what might happen if the woman ends up in danger. Natatakot ako. Mas lalo na sa anak niya na hindi pa naisisilang sa mundo.

I don't want another unborn kid to suffer because of my monstrous parents. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko kung ano ang pinag-ugatan ng lahat ng ito. Iisa lang naman ang dahilan. Ang mga magulang ko.

I feel guilty kahit na wala naman akong kinalaman at wala naman akong ginagawang mali. The mere fact that their blood runs through my veins was enough to link me to their mess. Inuusig ako ng konsensya ko. It's pushing me to make a move and do something and help the woman.

"Can you protect me?" I asked, not minding the disagreement I am seeing in her eyes.

"Huwag kang lalabas, Prescilla," banta niya.

"Since when did I obey you?" natatawang tanong ko.

I didn't let her say any more words. Mabilis na binuksan ko ang pintuan at agad na lumabas upang hindi na niya matutulan. I took my time walking, one step every two seconds. Hindi nila agad ako napansin. Nagpatuloy sila sa sapilitang pagpasok ng mga empleyadong halos wala pa sa tamang bihis papasok sa loob ng gusali.

Malamig pa rin ang simoy ng hangin at basa pa rin ang daan. Ngunit hindi 'yon sumasapat sa mga taong 'to na walang ibang nais kundi ang pera at kapangyarihan.

Wala sa plano ko ito. I told myself that I don't want to have connection with my parents. But here I am, walking towards the direction of the crumbling empire that my parents' used to love. Hindi ko na sana papansinin. O ang pag-iinteresan pa ang problema ng mga magulang ko kung hindi ko lang nakita ang babae.

"Boss!" sigaw ng isa habang ang mga mata ay nakasunod sa akin. "Siya 'yong anak ni madam, diba?"

Halos sabay-sabay na lumingon sa direksyon ko mga nakaitim na lalaki. Bumakas agad ang rekognasyon sa mga mata nila dahilan para mapunta sa akin ng tuluyan anh atensyon ng lahat.

I silently took a sigh of relief when I saw the woman become free from the man who was dragging her along with her things. Mabilis na umalis ang babae at pumagitna sa dagat ng tao nang sagayon ay magkaroon siya ng proteksyon.

Pinasadahan ako ng tingin ng taong tinatawag nilang Boss. Gano'n na lang ang pangingilabot ko at ang pandidiring naramdaman ko nang bumakas ang pagnanasa sa mga mata niya matapos akong suyurin ng tinin. Nagtagal pa ng ilang segundo ang pamingin niya sa dibdib ko na siyang mas nagpangilabot sa akin.

"Hulihin niyo," utos niya suot-suot ang nakapandidiring pagnanasa sa mga mata. "Baka bigyan pa tayo ng bonus ni madam."

"Sa tingin mo talaga gagawin nila ang bagay na 'yan? Mukhang pera iyon, sa tingin mo magwawaldas iyon sa atin ng kahit na piso?" pasigaw na sagot ng isa.

"Sumunod ka na lang sa utos ko, hangal! Kunin niyo nang mapadali ang trabaho natin dito!"

Huminto ako sa mismong gitna ng kalsada. Walang dumadaan na kahit anong uri ng sasakyan, ngunit walang kasiguraduhan ang kaligtasan ko. May higit limang metro distansya sa pagitan namin. Hindi ako kumilos, hinintay ko lang ang paglapit nila.

Ang totoo'y wala akong plano bukod sa lumabas at kumuha ng atensyon. I was only aiming for the safety of the woman and I succeeded. But I am now faced with a new problem that I have no idea how to survive. Hindi ako natatakot o makaramdam man lang ng kaba para sa sariling kaligtasan.

Kung puwede lang na utusan silang barilin ako. Kaso alam ko na bago nila gawin 'yon pakikinabangan muna nila ang lahat ng puwede nilang mahita sa akin. Kung ano man 'yon, wala akong alam at pakialam. I don't care about myself. I just don't want to be eaten by my conscience seeing another woman lose a child.

I know the feeling first hand. Para kang inalisan ng kalahati ng pagkatao mo. You'll feel lost, just a person without direction in life. Mahirap makabangon at nakakapagod kumbinsihin ang sarili na okay lang dahil hindi. Losing a child is like losing your own self. Walang kapantay na sakit.

"Bumalik ka rito, Prescilla!" sigaw ni Katiya mula sa likuran.

Her scream triggered the men. Mabilis na nagsitakbuahan palapit sa akin ang mga naglalakihang mama na handang dakipin ako. But even before they could even close the one meter left between us, a big bike came.

Gumawa ng malakas at matinis na ingay ang motorsiklo sa ginawang paghinto sa mismong tapat ko. Itinaas niya ang takip ng helmet para ipaalam ang pagkakakilanlan. At sa isang mabilis na galaw, nagawa niya akong maiangat pasakay sa likod niya.

Wala siyang sinayang na minuto. Mabilis na pinasibad niya ang motor dahilan para hindi agad makabawi sa gulat ang mga taong naroon. With his one hand left on the handle, he reached for the smaller helmet in front of him and handed it to me using his other hand. Mabilis na sinuot ko 'yon nang hindi na kumakapit sa kaniya.

"What the fuck, Hope! Hold on!" he ordered me, angered by my action.

Hindi ko pinansin ang galit niya at tinapos na lang ang ginagawa. There was danger approaching behind us, a van full of armed men to be exact.

Mukhang napansin din 'yon ni Waldo na siyang mas nagpabilis sa pagpapatakbo niya. He let go of one handle again for him to have his way to reach for my hand. Waldo immediately wrapped it around his waist to secure me in my place.

"Please don't let go," he pleaded.

Wala pa rin akong imik. Ang kapahamakan na nagbabadiya sa akin at hindi lubusang rumerehistro sa sistema ko. I doesn't feel like my life was at risk. I don't feel the nervousness and the fear of dying right at this moment. Instead, it was directed to someone else.

I have always been seeking and running towards the end of life. Walang takot akong sumusubok ng mga paraan para tumigil ang paghinga ko. Now that death itself is chasing me, I can feel the rush of want and need to be own by it.

Pero sa kabila no'n, mas nangingibabaw ang kagustuhan na maligtas aa habulan na 'to. Hindi dahil takot akong mapahawak, kundi dahil para sa kaligtasan ni Waldo. I fear for his safety. And I want nothing but for him to live.

For the first time, I wanted to survive.

Sa isang putok ng baril tuluyang lumukob ang takot sa akin. "They're close!" sigaw ko para marinig niya.

"Fuck!" mariin mura ni Waldo nang gumewang ng bahagya ang motorsiklo dahil sa basang kalsada.

Muntikan na kaming matumba kung hindi lang mabilis na nakabawi si Waldo at naging tuwid na ulit ang takbo. Binagabag ako ng matinding konsensya nang mapagtantong may nadadamay na naman na tao dahil sa akin.

Ang isang putok ay nasundan pa hanggang sa hindi ko na nasundan pa nang bilang. Sa kalat ng mga balang lumilipad sa ere, hindi ko alam kung may natatamaan ba sila. Ngunit ang huling putok na narinig ko, sinabayan 'yon nang pagsakit ng likuran ko.

"Huwag mong patayin, tanga! Kailangan natin ng buhay!" sigaw ng isa mula sa likod.

Ipinagsawalang bahala ko ang naramdaman sa pag-aakalang wala lang 'yon. Itinuon ko ang paningin sa daan, humahanap nang maaaring malusutan.

Frustration started to build up. And tears automatically started falling from my eyes even before I realize it. It just happened. Walang partikular na rason, kusang na lang silang tumulo na para bang napaka natural na ng bagay na 'yon.

"Just drop me off and save your ass, Waldo," sabi ko sa sinadiyang pinahinang boses na umabot pa rin sa kaniyang pandinig.

"There's no way in this fucking world that I'll leave you alone, Hope," he said full of conviction.

What he said rang a bell. Alam ko sa sarili ko na kailanman hindi ako naging importante. Kung may mangyayari man, o kung mapapahamak man ako, okay lang. Sa mabagal na proseso, tuluyang naintindihan ko ang gusto niyang iparating.

My life was nothing but a life, but here he is... acting like my life was worthy for his life.

Naramdaman ko ang pagliko niya sa isang mapuno ngunit makipot na daan. Paminsan-minsa'y tumatama ang mga sanga ng puno at halaman sa katawan ko sa sobrang kipot ng daan. At dahil doon, nagawa naming makatakas ng tuluyan.

Halos mapabuntong hininga ako sa kaluwagan na naramdaman ko nang masigurong wala nang sumusunod sa amin. Naramdaman ko ang unti-unting pagmemenor ni Waldo hanggang sa tuluyan nang naging normal ang takbo.

"Okay ka lang? Walang masakit?" paniniguro niya, hindi inaalala ang sarili.

"Okay lang," mabilis na sagot ko. Sobrang bilis na namuo ang pagdududa sa kaniya.

"Sigurado ka?"

He was about to pull over when I tightened my hold on him. "Just keep going," I said in a hush.

Wala siyang ibang pagpipilian kaya ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho. At sa bawat lubak ng daan na dinadaanan namin, ay siya ring kirot na nararamdam ko sa likod ko.

But the pain it's causing me doesn't even match with the betrayal that my parents have caused me. Bakit umabot pa sa ganito?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa lugar na masisiguro ko ang kaligtasan mo," seryosong sagot niya.

Hindi ko alam kung kaya kong maniwala na may lugar ngang magagarantiya ang kaligtasan ko. Sa ilang beses kong paglilipat ng tirahan at pagtatago, nahahanap at nahahanap pa rin nila ako.

Walang hangganan ang kakayahan ng mga magulang ko. Mas lalo na ngayon na may ibang tao na ang nagahahabol sa akin na mas masahol pa sa kanila. Hindi ko alam kung saan sisimulan ang paghahanap ng rason kung bakit mas lalong naging magulo o ang pagbibigay ng lunas sa mga problemang kinakaharap ko.

Binaha ako ng tanong na hindi ako sigurado kung mabibigayan ko ba ng kasagutan. Naging sunud-sunod ang pasok ng problema, na hindi ko alam kung mareresolba pa ba. At sa lahat ng bagay na 'yon, iisa lang ang sentro. Ako.

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko, hindi ko inaasahan. Pagod na napasandal ako sa likod ni Waldo habang hindi na maampat ang bawat pagdaloy ng likido sa magkabilang pisngi ko.

"Gusto ko lang naman maging malaya pero bakit parang ang hirap?" wala sa sariling sabi ko, pagod at nasa boses na ang pagsuko.

L Y N C E N O

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top