Chapter 13
His Warning
Sa mga pagkakataon na nagpunta ako sa ospital, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang takot. Kahit na sariling buhay ko ang nalalagay sa alanganin, wala akong pakialam man lang. Pero ngayon na ibang tao ang dahilan nang pagpunta ko rito, walang segundo na hindi ko naramdaman ang takot at kaba.
Magmula nang makasakay ako sa sasakyan hanggang sa mga minutong binabaybay na namin ang daan patungo sa lugar na ito, ni minsan ay hindi naging mapayapa ang takbo ng isip ko. Maging ang pagtibok ng puso ko ay hindi man lang naging normal maski kaunting pagkakataon, palaging mabilis at malakas ang bawat tibok na alam kong ang dahil sa takot na nararamdaman ko para sa taong sadiya ko ngayon.
"Huli na ito, Prescilla," may halong pagbabanta sa boses na saad ni Katiya.
Hindi na ako nagtangka na lingunin siya dahil alam kong sa paglingon ko ay nagbabantang tingin niya ang mabubungaran ko. Alam ko naman na hindi sila sang-ayon. Harapan nilang ipinararamdam sa akin ang pagtutol nila sa gusto kong mangyari. Si Katiya na kanina pa ako binabara sa bawat salita niya. Si Mizu na ilang beses akong pinaaalalahanan magmula pa kanina sa kung anong puwede kong mabungaran oras na matunton ko na ang pakay ko.
Ngunit kahit pagsamahin pa ang mga salitang ibinabato sa akin ng dalawa, mas malala pa rin ang epekto ng pananahimik ni Waldo sa isang gilid. I expected him to be just like Mizu who never stopped nagging at me. And I thought that noise was better than being trapped in silence. But the silence offered by Waldo was way different than what I had imagined.
"Hindi mo man lang ba siya pipigilan?" asar na tanong Mizu sa katabi niya sa harapan ng sasakyan.
But the man he's talking to kept his mouth shut. I could feel it. That behind the quietness he's giving us was the silent scream he's been keeping to himself. The moment that I insisted on going to the hospital where Harris was confined, only one sentence escaped his mouth. After that... it became a battle of his silence versus the hundreds of questions currently running in my head.
"Nandito na tayo," walang halong maski isang patak ng tuwa na imporma ni Mizu sa aming lahat.
"Huling beses na ito," muling saad ni Katiya ng mga katagang narinig ko na kanina.
Katabi ko siya sa backseat habang ang dalawang lalaki ay nasa harapan ng sasakyan sa pangunguna ni Waldo na siyang nagmamaneho.
"Gumising ka, Prescilla. Huwag mong ugaliin ang pagpapakababa at pagpapakatanga sa isang taong kailanman hindi ka pinili man lang."
Mabilis nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang mainit na likido ng luhang gumuhit sa pisngi ko. Dati na siyang ganito magsalita, walang emosyon at malamig ang dating sa iba. Pero iba ngayon, sobrang laki nang pagkakaiba sa sitwasyong mayroon kami ngayon. Alam kong nagtitimpi lang siya. Malinaw kong nararamdaman ang inis niya sa akin ngayon na nagpapakatanga na naman ako sa taong tinalukaran na ako ng ilang beses.
"Alam ko, Katiya. Hindi ko nakalimutan ang mga bagay na iyan."
"Maaaring hindi mo nga nakalimutan. Sadiyang mas lamang lang ang pagmamahal mo sa kaniya kaya kahit nasaktan ka na, handa ka pa ring bumalik at maghabol sa kaniya. Sa susunod na iyak mo, hindi na kita aaluin man lang dahil ikaw na ang nagdala sa sarili mo niyan," sunud-sunod na saad niya.
Hindi na ako sumagot pa dahil maging ako ay hindi na rin magawang maintindihan ang sarili ko. Sobrang gulo ng isip ko at ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko at hindi na rin nahinto ang pagwawala ng puso ko. I know that I should stop myself from going to this place. I have no right. And shame on me for still wanting to see Harris despite being the reason why he ended up like this.
But I promised myself that this would be the last time I'll be a fool for love. After this, I'll stop myself from thinking about the man who never made me feel that I am worth the fight. I would no longer be a woman kissing a man's feet. Para kahit iyong respeto na lang ay maibigay ko sa sarili ko.
I have already lost my value by repeatedly trying to win a man who never saw my worth. This would be my last. Gusto ko lang masiguro na okay siya para mapanatag ako. Para kahit papaano, mabawasan ang pagsisi ko sa sarili ko kung bakit nagkaganito. Because if I don't do this, my worry would never subside. I would never be at peace.
"Sasamahan kita sa loob," deklara ni Waldo matapos patayin ang makina ng sasakyan.
"Salamat, Waldo," mahinang tugon ko.
Tahimik na lumabas lang siya ng sasakyan. Mizu started moving as well, getting out of the car but instead of going in my direction, he went towards Katiya's to open the door on her side.
The nervousness I was feeling earlier doubled when Waldo's stoic face greeted me when he opened the door for me. Kabadong lumabas ako at sa sobrang kaba ay halos maramdaman ko na ang pangangatog ng tuhod ko.
I was expecting him to distance himself from me but he did the contrary. Instead of walking away, Waldo held my hand and intertwined it with his. I was bewildered. I couldn't even recognize why my heart has gone wild now for the nth time.
Hindi na lang simpleng mabilis at maingay ang bawat pagtibok no'n. Eratiko, magulo, mabagal matapos ay biglang bibilis, at sobrang lakas. Rinig na rinig ko ang bawat pagtibok no'n na para bang may suot akong stethoscope na direktang nakatapat sa parte ng puso ko at sinadiya para iparinig sa akin kung anong klase ng epekto mayroon si Waldo sa puso ko.
"Waldo..." I mumbled.
Sa unang pagkakataon magmula nang magising ako kanina, tiningnan niya ako. Matapos ang mahabang katahimikang ibinigay niya sa akin, muli ay kinausap niya ako. It was only a few minutes of silent treatment that he gave me. But in my heart, I've missed hearing his voice as if every time he would open his mouth, a sweet melody would come out.
"This would be the last time I'll allow you to cry for that man. Let every bit of droplets of tears drop. I promise you, Prescilla. After this day, I'll do everything in my power to help you have your smile back."
Those were the exact same words he said to me earlier as if it was a memorized piece he prepared to say to me for this moment. But the effect of his words didn't differ at all. It still made my heart turn into a summersault just like the first time I heard it. It still gave me assurance, as if what he said was a promise that he would fulfill until we reached the end of the world.
But would I dare be a prisoner of these kinds of words again? Would I allow myself to succumb to the feeling I am undoubtedly starting to feel for Waldo?
"Let's go, Hope," he initiated.
Walang imik na nagpahila ako sa pangunguna niya nang magsimula siyang paglakad papasok sa ospital. The two people who were with us remained where they were, watching us as we went further.
"I'm sorry, Waldo," mahinang saad ko, sa boses ko ay naroon ang hiya.
I felt his grip on my hand tightened a bit at the same time that I felt his thumb caressing the back of it. "Why are you saying sorry, Hope?" tanong niya sa nangangapang tono.
"For dragging you into this. I'm sorry if I disappointed you with my actions. And I'm sorry if I couldn't let him go," nakayukong sabi ko.
"It's your own feeling, you don't have to say sorry." Matunog siyang bumuntong hininga na sa kabila nang pag-iwas niya ng mukha niya sa direksyon ko ay rinig na rinig ko pa rin.
Pinigilan ko ang sarili ko na balingan siya sa kabila nang kagustuhang makita ang mukha niya. Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula. Kung saang punto nag-ugat ang pagbabagong unti-unti kong nararamdaman.
Kung magmula ba sa muling pagkikita namin sa ospital nang madatnan niya ako sa labas ng gusaling pagmamay-ari ni Harris. O kagabi na ipinaramdam niya sa akin na may halaga ako. Na sa kabila nang pagtalikod ng mga tao sa akin ay handa siyang manatili sa tabi ko upang iparamdam na hindi ako nag-iisa.
It was just one verse of a song that he sang to me but the impact it gave me was greater than the betrayal the whole world made me feel. It was as if he gave me back the value that I've lost, the importance that other people overlooked.
Npahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Waldo nang bumukas ang elevator na magdadala sa amin sa ikatlong palapag ng ospital kung saan naroon si Harris. Sa bawat pagtaas ng numerong inaakyatan ng elevator ay siya ring mas lalo pang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Sinadiya kong bagalan ang bawat paghakbang ko nang makalabas na kami ng elevator. Bawat hakbang ay binibilangan ko pa para lamang mabigyan ng pagkakataon ang sarili ko na kumalma. Nang maaninag ang pamilyar na pigura ng isang babaeng nakaupo sa gilid ng pintuan ng kuwarto ay awtomatikong nahinto ang mga hakbang ko.
"Why did you stop?" Waldo asked, confused.
"Shh..." I put my index finger in front of my lips to signal silence to him.
"What are you doing?" he asked in a hushed tone, following my instruction.
Marahan ko siyang hinila paatras patungo sa tagong bahagi ng kinaroroonan namin kung saan may malaking halaman na tumatakip sa bench na naroon. Kung didiretsuhin ko ang paglalakad at kakaliwa, hindi malabo na makikita agad kami ni Melissa.
I quietly sat at one of the seats followed by Waldo sitting beside me. I immediately covered my face with both of my hands, finally freeing myself from Waldo's touch.
"What's wrong, Hope?" he asked carefully.
Naramdaman ko ang init na nagmumula sa palad ni Waldo nang dumampi ang palad niya sa likod ko. I am only wearing a thin black shirt, making me feel his warmth even more.
"I don't have a plan to create a ruckus in this place that would surely happen if Melissa would see me." Malalim na hininga ang sunod kong pinakawalan. "Gusto ko lang masiguro na okay siya. Katulad nang sinabi ko kay Katiya kanina, huli na ito."
I heard him sigh but he didn't say anything afterwards. I, on the other hand, remained silent. Gustung-gusto ko na ang puntahan ang kuwarto ni Harris pero alam ko na gulo ang kahahantungan ng lahat kung magtatagpo ang landas namin ni Melissa.
Puwede namang makibalita na lang ako kay MIzu at hindi na sadiyain pa rito si Harris para makaiwas sa gulo. But that wouldn't guarantee me peace. Nasisiguro ko na mababagabag pa rin ako at mapupuno pa rin nang pag-aalala ang isip ko patungkol sa kalagayan ni Harris.
"Someone's heading this way," bulong ni Waldo na pumukaw muli sa atensyon ko.
Salubong ang dalawang kilay na binalingan ko para lamang mabungaran ang kaparehong ekspresyon. Siya naman ngayon ang sumenyas sa akin na baban ang boses ko. Maingat na lumapit siya sa akin sa paraan na magagawa niyang masilip ng bahagya ang pasilyong iniiwasan naming dalawa.
We were at the edge making it possible for him to easily have a glimpse of the hallway even without leaving his seat. His big build was towering over me, covering most of my small body. Just then... the familiar fruity strawberry scent of a woman started to fill the whole place.
Mabilis na ginapangan ako ng kaba nang makilala ang pabango na iyon na siya ring madalas kong maamoy sa mga damit ni Harris noong mga pagkakataon na sa kaniya ako tumutuloy. I came to memorize that smell that I hate the most. Dahil alam ko na sa oras na sumagi sa pang-amoy ko ang pabangong iyon ay nagbibigay iyon nang kasiguraduhan na magkasama silang dalawa.
"It's Melissa," pagbibigay alam ko kay Waldo.
Habang hindi pa rin umaalis sa puwesto ay nagbaba siya ng tingin sa akin. Mahigpit na napakapit ako sa kulay abong t-shirt na suot niya sa bandang sikmura nang maramdaman pang lalo ang kaba na hindi na lang sa presenya ni Melissa kundi maging dahil sa maliit na distansyang mayroon kaming dalawa.
"Okay ka lang?" maingat na tanong niya.
Maingat na tumango ako habang pilit pang huwag ilapit si Waldo sa akin dahil isang maling galaw lang ay hindi malabong magdadampi ang mga labi namin.
"Hindi niya ako puwedeng makita," ganting bulong ko. "Gulo ang mangyayari, Waldo," takot na dagdag ko.
"I know, honey." He carefully inched closer towards me, leaving only a few centimeters between our lips. "Tell me if you're uncomfortable so I would move away, okay?" Isang tango lang ang naibigay ko sa kaniya bilang pag-iingat.
I could free security from him with how he shields me from Melissa's vision. His upper body was facing me, allowing me to feel his warmth with his breath fanning my face. Despite the growing awkwardness, I dared to look at his face.
I forced myself to swallow the bile on my throat when I saw how his gaze dropped from my eyes to my lips. Wala sa sariling bumaba rin ang paningin ko sa mga labi niya na bahagyang nakaawang. Kusang umatras ang katawan ko nang gumawa siya nang maliit na kilos paabante.
"Hope..." halos mababaw na dampi ng hangin na lumapat ang boses niya sa tainga ko sa sobrang hina nang pagbanggit niya sa pangalan ko.
"Stop, Waldo," pigil ko.
Nawala sa isip ko kung bakit nauwi kami sa ganitong posisyon. Sigurado ako na nakalampas na sa amin si Melissa ngunit kung kailan nangyari iyon ay hindi ko na napagtuunan nang pansin dahil nakuha na ng buo ni Waldo ang atensyon ko.
I looked at his eyes once again, letting me see his expression as if having a battle with himself. Nakita ko kung paanong mariin siyang pumikit kasabay nang pagdausdos pababa ng ulo niya hanggang sa humalik na ang noo niya sa noo ko.
Sabay na lumalim ang paghinga naming dawala. At sa muling pagdilat ng mga mata ko, ang nagbabagang mga mga ni Waldo ang nasalo ko. The hunger was there, not intending to be hidden. I knew what he wanted to do, but I don't want it for I know That if I would give in now I would not be able to save myself from being drowned.
I automatically closed my eyes when he finally closed the distance between us. He let himself fall, landing his lips onto the right corner of my lips. Kaunting distansya na lang ang pagitan at labi ko na ang tatamaan niya. I stayed rooted until I was finally able to feel his moist and warm lips on the side of mine.
"Think of this as my warning shot because next time," he said in between his deep breaths. "I won't miss. When I am given another chance, I'll make it real."
Mahina ko siyang natulak sa sobrang taranta, hindi lang dahil sa ginawa niya kundi mahing sa narinig. His voice contains a promise that one day, he'd do what he said.
"Tara na, habang wala pa si Melissa," halos walang hingahang saad ko.
Mabilis na tumayo ako na sinegundahan nang mahinang tawa ni Waldo. "Relax, Hope," nang-aasar na bulong niya malapit sa tainga ko.
Tumuwid ang likuran ko nang gumapang ang init ng hininga niya mula sa tuktok ng tainga ko pababa sa leeg ko. Aminado akong apektado ako. Mali. Hindi lang apektado kundi apektadong-apektado ako ni Waldo.
His mere presence affects me. He makes my heart go wild and beat erratically. Noon pa mang unang beses na nakita ko siya sa bar na pagmamay-ari niya, alam ko na na iba siya. He affects me in a way that no man has ever made. Not even Harris who has been with me for almost a decade if we didn't fall apart.
Action speaks louder than voice. But an action supported with words is a totally different story. At iyon ang ginawa at ginagawa ni Waldo noon at ngayon. He saved me not just once but a lot of times. He stood beside me when the man I was chasing turned his back on me. He made me feel that I am valued. He gave me security.
But not that he's not just doing it with his actions but also saying words that contains not just one meaning, everything became a blur. Inaalisan ako ng mga salita niya ng pagkakataon na makapag-isip ng matino. Ginugulo ng mga salita niya ang isip ko. Ginigiba ng presensya niya ang pader na itinayo ko sa paligid ko.
"He looks fine to me," he stated when we finally stopped in front of Harris's room.
May maliit na babasagin at transparent na salamin sa ibabaw ng doorknob kaya nakikita namin siya mula sa kinatatayuan naming dalawa.
"Hmm," pagsang-ayon ko.
Wala namang matinding tama si Harris baae sa nakikita ko. Maliliit na galos lang sa mukha at ang nakasementong kanang kamay lang. Taliwas sa inaasahan kong malalang lagay niya.
Malalim akong huminga nang sa wakas ay maramdaman ang pagkalma. Para akong nabunutan ng tinik ngayong nakikita ko na siyang malayo sa kapahamakan. Nawala na rin ang takot maging ang pag-aalala dahil alam kong maayos na ang lagay niya.
"Are we good now?" muli ay tanong ni Waldo.
Maliit na ngumiti ako matapos ay tumango. "Yes."
"Good." He didn't waste any second. The moment that I answered his question, he immediately pulled me away from that room.
Sa taliwas na direksyon kung saan kami nanggaling ang tinahak namin ngayon. Nanatili pa ring nakahawak sa kamay ko ang kaniya habang sabay naming binabaybay ang daan palabas ng ospital.
"Stop thinking and worrying about him now, Hope," Waldo said after a short while.
"I know, Waldo. Nasiguro ko naman na ngayon na okay lang siya kaya panatag na ako. Magagawa ko na siyang alisin sa isip ko."
Nang gabi na iyon pa lang na nagkaharap kami ay malinaw na sa akin na hanggang doon na lang. Na ipilit ko man, hindi na mabubuo ang kung ano mang nasira sa pagitan naming dalawa. I was ready to ñet him go. Hindi na ako maghahabol pa ng isang taong ayaw namang magpahabol.
It was the goodbye that we had with him walking away from me beside the woman that he chose over me. I already accepted that. Talo na rin naman ako umpisa pa lang. Sadiyang mahirap lang hindi mag-alala sa isang taong nakasama ko sa halos kalahati ng buhay ko kaya kailangan kong masiguro na malayo siya sa kapahamakan bago tuluyang sumuko.
And now was that time to finally cut the strings connecting the both of us. This is our end. This is the end for me and the first man that I loved.
L Y N C E N O
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top