Chapter 11
The Coldest Night
I could feel my neck and back coated by my own sweat. I was running fast, trying to reach my destination while only consuming a small amount of time. The rush and nervousness consuming me at the same time, making me unable to think straight.
Alam ko kung gaano kahirap ang kalabanin ang oras pero ito ang kinahaharap ko ngayon. Oras. Bawat patak na umuubos sa tila pinong buhangin sa babasaging orasan na mayroon ako ay siya ring pagkain ng matinding kaba sa puso ko.
Hindi! Hindi puwede!
Mas binalisan ko pa ang pagtakbo sa kabila nang nanginginig kong mga paa nang sa wakas ay tumambad na sa akin ang tinutungo ko.
Atubiling pumasok ako sa loob at agad naman akong dinaluhan ng mga nurse na naroon. Bago pa man ako makapagsalita, nauna na ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko mahanap ang tapang na sabihin ang dahilan nang pagpunta ko rito. Dahil maisip pa lang, naninikip na sa sakit ang dibdib ko.
"My c-child..." nanginginig na umpisa ko. "They did s-something to my c-child."
Mahigpit na napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang muli ang pananakit no'n. Umawang ang labi ko sa sakit at halos mamilipit nang tuluyang mawalan ng bisa ang anesthesia na itinurok nila sa akin kanina.
"Ano hong nangyari?" kalmante ngunit nagmamadaling tanong ng nurse na naka-alalay sa akin.
Hindi ko na kinakailangan ang sumagot pa. Because in the next second, blood started to gush out from my inner thigh.
Not wasting any second, a couple of nurses aided me and put me on a stretcher. But I know that no matter how speedy they move and not matter how much they try, it's too late. Everything was too late. Ramdam ko, at alam ko na wala na. Na wala na ang anak ko, na binawi na siya.
Pero wala namang masama na sumubok, diba? Hindi naman masama na magbakasakaling maliligtas pa rin siya kahit na ramdam ko ang pagkawala ng malaking parte ng pagkatao ko. Gusto kong paniwalain ang sarili kong may pag-asa pa na makasama ko siya at magkaroon ng pagkakataon na maging isang ina. Pero sa isang pangungusap lang matapos ang halos isang oras na pagtingin nila sa kalagayan ko, tuluyang namatay ang pag-asang kinakapitan ko.
"I'm sorry, Miss, but we weren't able to save him."
Nagdilim ang paningin ko. Poot at walang hanggang galit ang nararamdaman ko. Sa kabila nang saradong talukap ng mga mata ko, hindi maampat ang pagtulo ng mga luha ko.
"You were dreaming," Waldo hushed me after waking me up from my sleep.
I gently pushed his warm hand that was on my back away from me. Tahimik na kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan nang ilang ulit na paghinga ng malalim. The fast beating of my heart then slowed down. Until I can finally breathe normally again.
Only if it was really just a dream. But it's not. Because it was once a reality, now turned into a nightmare that would always haunt me in my sleep.
"Bakit ang dilim?" tanong ko.
Alam kong gabi na at natural na madilim na, kaso maging ang lampshade na iniwan kong bukas kanina nakapatay na rin. I slept right after kong matapos kainin ang dalang pagkain ni Waldo. I didn't even bother to see what he did after our short late dinner to ease my headache. Basta ko na lang siyang iniwan sa kusina.
"Black out. May natumba umanong poste ng kuryente ilang metro mula rito," imporma niya.
Sa sinabi niyang 'yon ko napansin ang mapanganib na pagbayo ng hangin mula sa babasaging bintana. The branches of trees were violently swaying with every harsh blow of the air. Maging ang malakas na pagpatak ng malalaking butil ng ulan ay maririnig sa kabila ng saradong bintana.
Gano'n na lang kabilis na nagbago ang panahon. Mula sa mahinahon hanggang sa ngayon na tila galit at naghahamon.
Hinanap ko ang cellphone ko na katabi ko lang din at agad ba tinawagan si Mizu. I'm sure that he's still awake given our current state.
"Everything fine up there?" he worriedly asked right after he answered.
"Everything's fine. Ikaw? Nasaan ka?"
Nagsimula akong kumilos pababa sa kama ngunit dahil sa dilim ng paligid ay halos wala na akong makita, may mga pagkakataon pa na nagkakabanggan kami ni Waldo.
Imbes ba mailang at lumayo, pinanatili niya ang distansya sa pagitan namin at umalalay sa pagkilos ko. Questions filled my head again but I chose to let it all go and proceed with what I was doing.
"I'm here at the function hall. Stranded ang mga tao rito." Bumuntong-hininga siya na para bang napakabigat na pasanin ang dala-dala niya. "I'll check on you later. Stay away from the windows, masyadong malakas ang hangin," habilin niya.
Hindi ako sumagot at hinayaan na lang siya na ibaba ang linya. Nagpatuloy ako sa pagtayo at nagtungo sa banyo na hindi madaling gawin dahil sa dilim ng paligid. Ginamit kong ilaw ang phone ko na nagsisilbing gabay sa dinaraanan ko.
Nang marating ang pakay, nagsipilyo ako at naghilamos para mahimasmasan kahit papaano. There's no more headache but what's left was the fragments of my bad dream. Of course, even in broad daylight it would flash on my memory without a warning.
"Anong signal na tayo?" tanong ko bago nagsimulang maghilamos.
"Three. One more city and the typhoon will hit us."
Napabuntong hininga ako. I do trust the structure of Mizu's building but I couldn't help but worry about the safety of other people. At itanggi ko man, nag-aalalang akong baka mapahamak ang mga taong nasa baba.
"Worried? For yourself or for your ex?" malisyosong tanong niya.
Ginapangan ng inis ang sistema ko sa narinig. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at maingat na lumabas ng banyo. Dinala ako ng mga paa ko sa salas at doon ko napiling maupo.
Tinanaw ko ang madilim na kalangitan mula sa babasaging salamin na naroon banda sa balkonahe. Dahil na ikalawang palapag lang naman kami, kita mula rito ang pagsasayaw ng puno ng mangga na nasa gilid lang halos ng kuwarto kung nasaan ako.
It's giving me chills knowing that something can be as dangerous as this. Hindi mo mapipigilan na hindi kabahan lalo na kung nasa harap ko na mismo ang ebidensya kung paanong mas maaaring pang maging mapaminsala ang bagyo. Ramdam ko ang lamig sa kabila ng patay na aircon. Sarado man ang bintana pero kakatwang hanggang dito sa loob ay malamig pa rin.
Naupo si Waldo sa katapat kong single sofa nang hindi inaalis ang paningin sa akin. "What was your dream all about? You looked rushed and hurt."
Kusang nag-iwas ng tingin ang mga mata ko. I looked down and focused my eyes on the glass center table. Ramdam ko pa rin ang tingin niya subalit ayokong salubungin pa.
I bit my lower lip to stop myself from talking. When it comes to this man, talking about my feelings has been so easy as breathing. Nagagawa ko na agad ang masabi sa kaniya ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko at huli na para mapagtanto 'yon.
But the strange thing about it was that it gives me peace as if a heavy load has been lifted from my heart. Itanggi ko man, sadyang kakaibang kaluwalhatian lang talaga ang naidudulot nang pagkausap ko kay Waldo minsan. Sa halip na ilang, kakaibang gaan sa pakiramdam ang dulot niya.
He always says the right words as if he knew what needed to be said. Palaging nasa tama ang opinyon at palaging nililinawan ang isip ko. He always makes me forget the things that I intend to do. Kaya hangga't maaari'y umiiwas ako. Pero paano ko gagawin 'yon kung palagi siyang nasa tabi ko?
Sabay na nilingon namin ang cellphone niya nang mag-ring 'yon. Lily. 'Yan ang pangalang nakarehistro sa tawag na natanggap niya.
"Yes, Lilian?" sagot niya na hindi lumalayo sa akin at nananatiling nakatingin. "I'm fine here. Malapit na akong umuwi. Stay in the house or stay at Ken's."
Nanatiling makadaop ang mga mata namin habang patuloy ang pakikipag-usap niya sa tumawag. Sa ilang na nararamdaman, tumayo ako at nagtungo sa pintuan.
Bumungad sa akin ang madilim at tahimik na hallway. Tanging ang iilang emergency lights lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Mula sa malayo'y naaninag ko ang iilang taong papalapit sa direksyon ko.
Iniwan kong bukas ang pinto at muling pumasok sa loob. Sa pagbabalik ko ay siya ring pagtatapos ng tawag ni Waldo sa kausap. Sinundan niya ng tingin ang pag-upo ko, hindi inaalis hanggang sa kaharap na ako.
"Hungry?" Umiling ako. "Sleepy?" Iling ulit ang tugon ko. "Happy?"
Natigilan ako. "It's been a long time since I last felt that emotion."
"You can always try and choose to be happy. Mahirap siguro dahil sa pinagdadaanan mo pero sa hinaharap kakayanin mo." He gave me a reassuring smile as if it was a promise that what he said would happen at the right time.
"Why do you sound so sure? Paano kung wala na palang hinaharap para sa akin?" Tinawanan ko ang naging pag-iiba ng itsura niya. Mula sa desididong ekspresyon na nauwi sa pagiging simangot. "We would never know what would happen in the future. Hindi masamang mag-isip ng ganoong bagay."
Bumuka ang bibig niya para magsalita pero naunahan siya ng isang pamilyar na tinig na nagmumula sa bukas na entrada ng kuwarto ko.
Tinambol sa kaba at isa pang pamilyar na dahilan ang puso ko nang makilala kung kaninong tinig 'yon. Ang hindi pa rin nagbabagong epekto niya sa aki'y naro'n pa rin kaya ganito na lang ang eratikong reaksyon ng puso ko.
Sa kabila ng madilim na kapaligiran, nakita ko ang salubong na kilay at pagdidilim ng mata ni Waldo, hindi natutuwa sa presensya ng bagong dating. Maging ako ay nagulat, pero mas lumalamang ang galak na nandito siya ngayon kahit na walang kasiguraduhan kung ano ang kaniyang dahilan.
"Prescilla," pag-uulit niya sa kaninang pagtawag sa pangalan ko.
Inilingan ako ni Waldo, pinipigilang lumingon. Ngunit sa kabila ng pagtutol niya, nanaig ang kagustuhan kong makita ang taong kahati na ng pagkatao ko.
"Harris," bulong ko, halos wala ng tinig dahil sa gulat na narito siya ngayon.
"Ano bang kailangan mo sa babaeng 'yan, Harris?" nagtitimping tanong ni Melissa na siyang nasa likod niya.
"Go back to our room. Stay with Kate," utos niya sa babae.
Tinaliman ako ng tingin ni Melissa at nanatili lang na nakatayo sa tabi ni Harris. "I am not going anywhere unless you're with me, Harris," Melissa said firmly, not accepting any more rebuttals from him.
Nagtitimpi at nagbabantang tiningnan ni Harris ang kasama. Nilabanan naman 'yon ni Melissa at hindi basta-basta nagpasindak. Hindi ko mawari kung ano ba ang dapat na maramdaman o kung paanong aalamin ang pakay nila rito.
Ayoko sa gulo. Hindi ko gustong manggulo kaya nga nanahimik na lang ako. Kung ano man ang gusto nila, sana, sabihin na lang nila agad. Dahil sa bawat segundong lumilipas na kaharap ko sila, mas lalo nilang ipinapamukha sa aking hindi na ako ang babae sa buhay ni Harris.
"Ano ba ang kailangan niyo?" pagpuputol ko sa mainit na pagtitinginan ng dalawa.
Doon lang ako binalingan ni Harris. Maging si Melissa ay nilingon din ako. Ang kaibahan nga lang ay may galit akong nababasa sa tingin niya. Galit na hindi ko alam ang pinanggagalingan dahil alam kong wala akong nagawang mali sa kaniya. Kung tutuusin, ako pa nga dapat ang magalit dahil sa ginawa nila sa akin.
Marahan akong tumayo matapos ay naglakad palapit sa dalawa ngunit siniguro ko ang higit pa sa sapat na distansya sa pagitan naming tatlo. Ramdam ko ang tingin na ibinibigay sa akin ni Waldo mula sa likuran ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at itinuon ang buong atensyon sa lalaking noon ay siyang nasa tabi ko.
"I..." panimula ni Harris, nauutal at puno nang pag-aalinlangan. "I want to say something."
Bumakas ang hiya sa mukha niya na agad nasundan ng pagsisisi. Kahit hindi na niya dugtungan, nakuha ko na agad ang ipinupunto niya. Naintindihan ko na at gusto ko na lang hilingin na huwag na niyang ituloy pa ang naumpisahan niya.
Kung mayroon mang magwawakas sa gabing ito, nasisiguro kong hindi lang ang pagbuhos ng ulan 'yon. Dahil sa oras na matapos ang usapang sinimulan niya, ay siya ring pagtila ng pag-asang babalik pa kami sa dating dalawa.
"Anong gusto mong sabihin?" Lumunok ako nang maramdaman ang barang nasa lalamunan ko.
Hindi pa man siya nagsasalita naiiyak na ako. Wala pa mang kasiguraduhan ang sasabihin niya, nasasaktan na ako.
"I'm sorry."
Tumango ako ng kusa, naiintindihan. "Bakit ngayon lang, Harris?" Mabilis na pinunasan ko ang bumagsak na luha sa mga mata ko. "Sa haba ng panahong may pagkakataon ka na umamin, bakit ngayon lang? Dahil nakita ko na? Dahil nasa harap ko na kayong dalawa? Am I that unworthy? Am I that unvaluable? Ganoon na lang ba kababa ang importansya ko sa buhay mo na kailangan umabot pa ng ganito katagal?"
Maagap ang naging pag-iling niya at ganoon na lang din kabilis ang pagtakas ng luha sa mga mata ko nang makita ang awa sa mga mata niya. Bagaman nakikita kong sinsero siya sa paghingi ng tawad, hindi pa rin no'n kayang ibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Nararamdaman ko na ang katapusan para sa aming dalawa. Siguro ito lang talaga ang hinihintay ko. Ang paghingi niya ng tawad para tuluyan nang lumaya mula sa nakaraang nagtatali sa akin para hindi makausad. Ito na lang siguro ang kulang para magawa ko nang maituloy ang dati ko pa dapat winakasan.
Kasinungalingan ang sabihing tanggap ko na at handa na akong tuluyang pakawalan ang pagmamahal ko sa kaniya. Kaya ko pa. May lakas pa akong kumapit ngunit dahil sa paghingi ni Harris ng tawad, siguro nga ay oras na para bumitaw sa taong kailanman ay hindi na kayang ibalik ang higpit ng kapit ko.
Hindi magiging madali lalo na kung halos idepende ko na sa kaniya ang buhay ko noong mga panahong tila isang sa isang masayang kuwento umiikot ang aming mundo. Mahirap ang proseso nang pagtanggap, pero siguro naman ay kakayanin ko. Para sa sarili ko. Sarili ko naman ngayon.
"Duwag ako, Prescilla. Kaya imbes na umamin ay naghanap pa ako ng butas para kumalas. Imbes na magtapat, naging patung-patong lang ang kasinungalingan." Humakbang siya palapit, kinuha ang dalawang kamay ko at hinawakan niya ng mahigpit. "Patawad."
Sa takot na baka makita niya ang mga sugat ko nagmamadaling binawi ko ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak niya. Ngunit ganoon na lang ang kabang naramdaman ko nang imbes na bitiwan ay inikot niya 'yon upang magawa niyang maiharap sa kaniya ang pulso ko.
"Bitiwan mo ako," kabadong utos ko.
Limang segundo. Wala pa ring pagbabago. Nakapako pa rin ang mga mata niya roon maski lumipas na ang isang minuto.
"Harris?" naguguluhang tanong ni Melissa sa nobyo.
Naramdaman ko ang presensya ni Waldo na lumapit sa likuran ko. Ang kaninang pagbawi na hindi ko nagawa ay isang segundo lang niyang naisakatuparan. Mula sa likod, kinuha niya ang kamay ko at marahang itinabi sa magkabilang gilid ko.
Inaasahan ko'y aalis na siya matapos gawin 'yon ngunit nanatili lamang siyang nakatayo sa likuran ko. Hindi na ako nagkomento at tiningnan na lang si Harris na ngayo'y bakas ang kalituhan sa mga mata habang tinitingnan ako.
"Makakaalis na kayo," anang baritonong boses ni Waldo.
"Let's go, Harris." Kumapit si Melissa sa braso ni Harris at akma nang aakayin nang hindi matinag ang huli sa kinatatayuan. "Anong problema?" inis na tanong ni Melissa.
"Mali ang iniisip ko, diba?" humihingi ng kumpirmasyong tanong niya.
"Wala akong kailangang sabihin," matigas na sagot ko.
Hindi ko gustong isipin na pag-aalala ang siyang nababasa ko sa kaniya. Ayoko nang bigyan pa ng dahilan ang sarili ko para muling umasa. If we were gonna end this tonight, might as well end it right.
"Let's go, Harris. Ano pa bang ginagawa natin dito? We don't even need to be here and say some apologies!" Tuluyan nang napigtas ang pisi ng pagtitimpi ni Melissa. Kung puwede lang siguro na magpa-padiyak siya ay ginawa na niya dahil sa inis na marahil ay para sa akin.
Galit na binalingan siya ni Harris. "We owe her that, Melissa," mariing sagot ng lalaki.
"Do we? Really?" Binalingan niya ako at ang sarkasmo ay basang-basa ko sa nanunuya niyang mga mata.
Sa buong mga panahong nakilala ko siya bilang ibang babae ni Harris noong mga panahong kami pa, wala akong ibang ginawa kundi ang manahimik lang. I gave her nothing but my silence and just let the two of them play fire behind my back. Walang kahit na isang pagtutol o panunumbat man lang. Maski ang siraan sila o pigilan ay hindi ko ginawa.
I really do believe that they owe at least an apology. Kahit 'yon na lang ang ibigay nila sa akin. I never wronged Melissa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang kaanghang ang pananalita niya sa akin imbes na dapat ay nagpapakumbaba.
Ako pa rin ba ang mali nito? Nasa akin pa rin ba ang kasalanan?
"You should look back on what you did first, Melissa. Dahil kung tama ang pagkatatanda ko, naging babae ka muna bago ka ibinalandra." Matapang na humakbang ako papalit sa kaniya, walang intensyon na magpatalo bagaman talunan na ang puso. "Nagpabuntis ka pa nga, diba? Para hindi mo na pakawalan?"
Galit na sinugod niya ako ngunit agad na napigilan ni Harris sa tuluyang paglapit. She reached for her hands and acted as if she's ready to scratch my skin using her long nails. But Waldo quickly grabbed my arm and pulled me lightly and speedily backward to avoid her attack.
Waldo stood behind me. Harris stood beside her. No matter how safe I feel with Waldo standing to protect me, I still couldn't help but to wish I was her. Para si Harris ang katabi ko. Ang poprotekta sa akin kahit na malabo.
"Oo nagpabuntis ako," gigil na buwelta niya. "At least ako, binuhay ko ang anak ko. Hindi katulad mo na walang kuwentang ina na nagpalaglag ng sariling anak!"
"Watch your words, lady," Waldo warned darkly.
Mas lalong umakyat ang inis na nararamdaman ko sa kaniya. "Ano bang alam mo sa totoong nangyari para magsalita ka nang ganiyan? Wala naman, diba? Ang alam mo lang namang gawin ay magpakasasa sa pag-aari ng iba."
"Bakit?" gigil na hamon niya pa. "Totoo naman, diba?! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang sarili mong anak!"
"Wala kang alam!" histerya ko na umani nang katahimikan.
Naging malalim ang bawat paghinga ko at mas lalong tumatalim ang bawat titig ko kay Melissa. Hindi ko na mahanap ang pagkalma dahil kumlat na sa buong sistema ko ang galit para sa kaniya.
I could feel their eyes on me but mine was locked on only one person. "Bago mo punahin ang mga nakikita mo sa ibang tao, magsalamin ka muna para makita mo ang sariling dumi sa bakuran mo. Wala kang alam sa totoong nangyari, Melissa. Kaya anong karapatang mayroon ka para pagsalitaan ako nang kung anu-ano?"
Pinalis ko ang luhang muli na namang tumulo sa mga mata ko. Nakita ko kung paanong kumalat ang pagkapahiya sa mukha niya. Pero tapos na ako sa kaniya dahil mas ramdam ko na ngayon ang titig na nagmumula sa isang taong pinagkaitan ko rin ng katotohanan.
Humakbang ako paatras habang abala ang isang kamay sa pagpupunas ng luha. Isang hakbang. Dalawa. At sa pangatlo ay nagawa na akong hawakan ni Harris para pigilan matapos makabawi sa pagkabigla. Hawak na niya ngayon ang pulso ko kung saan naroon ang mga naghilom na sugat na palatandaan ng bawat araw na nagdadalamhati ako.
Hindi ko gustong idamay ang anak namin dito. At nagsisisi ako kung bakit binuksan ko pa ang tungkol sa kaniya nang mabanggit ang pagbubuntis ni Melissa. It doesn't feel right to drag my late child into this mess. Mabigat sa puso.
"Ano ang totoo, Prescilla?" seryosong tanong niya.
Ilang minuto kong tinimbang kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo. At sa kabila ng mahabang minutong dumaan sa pagitan naming lahat, nanatiling nakapako sa akin ang paningin niya, nahihintay.
Naghihintay...
"Hindi ko pinalaglag ang anak natin," mahinang pag-amin ko, nakatingin sa mga mata niya nang diretso. Umiling ako ng ilang beses, pilit na ipinaiintindi na mali ang kung anumang katotohanang alam niya. "My mom forced our baby out. She forced me to drink pills to stop my pregnancy by shoving those meds until I couldn't do anything else but to swallow. She and her aide tied my hands and limbs on my bed, making it easier for them to conduct a suction abortion on me. Wala akong laban, Harris. Kahit magmakaawa ako, sumigaw, at magwala, hindi ako kailanman mananalo sa kanila."
Hindi ko nagawang punasan ang pamilyar na mainit na likidong naglalandas sa magkabilang pisngi ko sa kawalan ng lakas sa muling pag-alala sa araw na 'yon.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" He closed his mouth only to open it a second later but was not able to utter a single word.
Mas lalo akong nasaktan. Bakit nga ba hindi ko ipinaalam kaagad? Dahil naduwag akong hindi niya ako paniniwalaan? O dahil alam ko na ang kasagutan bago ko pa man subukan?
"What's the guarantee that you'll believe me?" nasasaktang tanong ko. At mas lalo kong naramdaman ang sakit nang mag-iwas siya nang tingin, palatandaan na sumasang-ayon siya sa sinabi ko. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong ipaalam sa'yo. Ang magmakaawa na pakiggan mo ako. Pero hindi ko magawa, wala akong lakas ng loob dahil nabulag ka na sa kagustuhang kumalas sa relasyong mayroon tayo. You were so eager to leave me, to go to the one you truly love, to break up with me. Paano pa ako aasang pakikinggan mo ako kung ang tingin mo sa bawat sasabihin ko ay hindi totoo?
"At sa tingin mo ba talaga na magagawa kong ipalaglag ang anak natin?" Dinuro ko ang dibdib ko kung saan naroon ang puso ko. "Mahal ko ang anak ko, Harris. Ilang beses kitang tinawagan para humingi ng tulong na itakas ako sa impiyernong 'yon dahil wala akong kakayahang makaalis dahil bantay-sarado ako. Pero ni minsan ba sumagot ka? Ilang araw akong lumuhod at nagmakaawa sa mga magulang ko na hayaan ako sa pagbubuntis ko para mabuhay ang anak ko. Nasaan ka nang mga panahong 'yon?" Binalingan ko si Melissa. Pagkapahiya ang naroon sa mga mata niya. "Nasa babae mo. Nagpapakasaya habang ako nagpapakahirap sa pagmamakaawa para mabuhay lang ang anak nating dalawa. Siguro nga kasalanan ko. Siguro nga may naging parte ako kung bakit nawala ang anak ko, anak natin," pagdidiinan ko sa huling salita. "Ang unfair lang, Harris. Nagawa mong makita ang maling nagawa ko pero ni minsan hindi mo nakita ang iyo "
Alam kong hindi maganda ang manumbat o ang magbilangan kung sino ang may mas maraming nagawang pagkakamali. Malinaw sa akin na dapat ay hindi na ako lumayo sa konteksto ng pinag-uusapan namin at pinagtuunan na lang ng pansin ang totoong nangyari sa anak naming dalawa. Pero hindi ko maiwasan dahil pakiramdam ko sa akin na lang ibinubuhos ang lahas ng sisi gayong kung tutuusin ay biktima lang din ako ng masamang hangarin ng magulang ko.
"Seven years ago, I met a young man who made me see life from a different perspective but made my young and judgmental mind appreciate the difference of people at the same time. Five years ago, two years after we first met, I became his and he became mine. Four years later, we were given a blessing but were immediately taken back which broke us apart. But you know what made our story spectacular? In between that five-year relationship that we were together came a person who became part of our story. In the middle of that five-long fairytale, was a woman who tore us apart. Half of those five years were lies. And I did nothing but to compromise, for the sake of making you stay in my life. And for the sake of keeping myself sane."
I thought that the night was cold enough to make my heart incapable of feeling any pain. Or at least it can shield me from any more possible pain. But I was wrong.
Palagi naman akong mali sa maraming bagay. Hindi na nakagugulat na maging sa pag-aakalang wala nang mas sasakit pa sa mga nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Because I gave myself permission to hope once more. I allowed myself to hold onto the belief that telling him the truest truth about the real story would make him soft for me again. But just like how it always works for me and my fucked up life, I was wrong. It never worked my way again no matter how I wanted it to.
"I'm sorry..."
Those were his last words. The only thing that he was able to say before turning his back on me and leaving me hanging once again.
But the difference between then and now was bigger than the ocean. I wasn't alone this time. Someone took my side and even without words he's letting his presence be felt.
From my back, he slid his hand in between the small space of my dangling hand and my side. He silently took my hand, holding it tight, and letting me know that we would protect me.
L Y N C E N O
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top