Chapter 10

Abortion

"Anong plano mo ngayon?" pambungad ni Katiya nang sagutin ko ang tawag niya.

Tatlong oras na ang nakalipas matapos akong hilahin papasok ni Mizu sa loob ng kuwartong inookupa ko. Sapilitan niya akong pinanatili rito kahit na ang talagang gusto ko'y abusuhin ang mga oras habang si Harris ay nasa harapan ko. Ramdam ko ang tinitimping galit ng pinsan ko sa mga salitang sinabi ko. At sa kabila ng pananahimik niya, alam kong maraming bagay siyang gustong sabihin. Hindi nga lang siya nabigyan ng pagkakataon dahil sa tawag na natanggap niya mula sa reception sa baba.

The rain's getting heavier with each passing hour that made the people at the function hall stranded. And Mizu went there to attend the guest. Habang ako, nanatili rito sa kuwarto ko. Not that I intend to go there, masyado na akong nasaktan ngayon para mas lalo pang saktan ang sarili ko.

"I plan to do nothing but to drown myself with alcohol for the rest of the night." tanong ko pabalik.

I began to massage my temple using my free hand for the effect of alcohol was finally kicking in. Nakararamdam na ako nang pagkahilo pero alam ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko.

But just like any other moment where I seek the company of alcohol, a few cans or bottles would never quench the thirst I feel. Hindi pa rin sapat.

"Tigilan mo na iyan, Prescilla," pigil niya sa akin. "May balita ako sa iyo."

Tumid na nahiga ako sa sofa. "What is is, Katiya?"

"May nahanap na akong matutuluyan mo. Sa Tarlac."

"Would I be found there?" I prompted. Hindi ko na inintindi ang niya tungkol sa matutuluyan ko umano dahil mas gusto kong malaman kung sa lugar ba na iyon ay maigagarantiya ang kaligtasan ko.

"Walang lugar na hindi nila maaabot maliban na lang kung tago ang lugar na iyon. Alam mo iyan," imporma niya na ikinabunting hininga ko.

Even with me, living a life far from them, I could never fully be free from their grip. Palagi pa rin silang naroon, nakabuntot, at nakasunod sa bawat hakbang ko. Walang tigil na nagbabantay sa mga kilos ko. At walang sawang humahanap ng tiyempo na ibalik ako sa poder nila.

It feels like there's no escape. Nag-iikutan lang kami at palaging nauuwi sa hindi magandang tagpo sa huli. We would always clash, and I would always end up running away to have the freedom they never gave me.

Okay lang sana kung ako lang. I was fine with how they controlled my life even though I was old enough to live on my own, to have my own decisions. I never complained with anything, I just accepted what was offered before me. I turned a blind eye on everything. I just lived my life even though I wasn't sure if it was still decent enough to be called a life. I was a puppet, trained to be a woman of my parent's own choice. I was muted, they became deaf. That was my life, and I was fine with that. Pero nang madamay na ang anak ko, doon nagsimulang maging magulo.

I grew tired of being fine. There comes a point where I wished for their domination to stop. And losing my child was the last string. I ran away. I chased the life that was supposedly mine but was never given a chance to own. Ngunit sa kabila ng kalayaan, sa kabila ng paglayo ko sa kanila, hindi ko kailanman tunay na naramdaman ang laya.

"Nakikinig ka ba?" masungit na tanong ni Katiya na pumukaw sa atensyon ko.

"Nakikinig ako, hindi lang ako nagsasalita dahil wala na rin namang saysay dahil tama ka naman. Kahit saan pa ako magpuntan, nakabuntot pa rin sila." Umayos ako ng upo at hinalungkat ang plastik na dala ni Mizu kanina.

Humanap ako ng tira pang alak na naroon at mabilis na kinuha nang makita na mayroon pang isa.

"Boss, handa na po," anang tinig ng isang lalaki mula sa kabilang linya.

"Katiya?" alangan na tawag ko.

"May sinabi ba akong pumasok ka?" angil niya sa bagong tinig. "Labas. Susunod ako."

"Who are you talking to, Katiya?" nanghihingi ng kasagutang tanong ko.

"Tauhan ko," Walang emosyong sagot niya.

Natigilan ako sa narinig. Mabilis na napuno ng katanungan ang isip ko na karamihan ay pumupunto sa kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Katiya. Paanong nagkaroon siya ng tauhan?

But hearing this conversation felt like she's a totally different person. Katiya always acts as my minion even if she was not obligated to. Kusa niyang ginagawa ang mga bagay na makabubuti o makatutulong sa akin kahit na hindi naman dapat. I know that she also has a sack of problems, but she doesn't seem to mind helping me first.

We may be on a different battlefield and the weight of our problems differs, but we find comfort in each other. Wala man siyang kakayahang ipakita, ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. She wouldn't be constantly checking up on me if she does not.

"Alam na ba nila kung nasaan ako ngayon?" I questioned, easing my worry with what her answer would be

"Hindi pa. Pumunta sila noong nakaraang araw sa tinutuluyan mo pero hanggang doon lang sa ngayon. May bagyo at limitado lang ang puwedeng gawin nila. Bakit ka ba kasi nila hinahanap?" naguguluhang tanong niya.

"They want me to be their successor which I obviously don't want. It's complicated. It's dirty. Ayokong mabuhay sa paraan na nakasanayan nila. Belittling people, making it hard for them to make a living, treating them like trash, and so much more that it disgusts the hell out of me. I don't want them to make turn me like a madman who's after a throne." Bahagyang natigilan ako at ilang segundong hindi nakapagsalita nang unti-unting may mapagtanto. "I want to breathe, Katiya. They suffocate me."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Hayaan mo sila sa buhay nila. Mabuhay ka sa gusto mong paraan. Bahala silang maghabol."

If I were to be honest with what I really feel towards my relationship with my parents, I'd rather cut ties with them. Masama mang pakinggan, at hindi man maganda sa mata ng lipunan, mas gusto kong hindi sila ang mga magulang ko. They've been my worst nightmare and every time a recollection of what happened to me six months ago comes into my mind, I just couldn't help but to blame them. For their selfish reasons and for their nonstop greed to become more than they already were.

Katok sa pinto ang pumutol sa mga bagay na umiikot sa isip ko.

"Call you later, Kat." Ibinaba ko ang tawag matapos sabihin 'yon.

Matapos ilapag sa lamesa ang cellphone at bote ng beer na hawak-hawak ko ay nagtungo ako sa pinto. Halos kaladkarin ko na ang katawan ko patungo roon para alamin kung sino ang tao. I could feel the effect of alcohol that's making me dizzy. But my throat still feels thirsty for more drink.

"I ordered you some soup," Waldo said while entering my room even without my consent.

"Hindi ka na sana nag-abala. I could do it on my own," pahabol na turan ko dahil sa bilis ng kilos niya ay agad siyang nakalayo sa akin.

"Just get here and eat this."

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago sumunod sa kaniya. Hindi ko na alam kung paanong paaalisin siya sa buhay ko gayong siya mismo ang nagpupumilit na pumasok.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang presensya niya o ang mainis dahil ang totoong gusto ko ay ang mapag-isa. I don't want any complications in my life. I also don't want to involve myself with another man. At mas lalong hindi ko gusto ang pag-aalaga na ibinibigay niya.

I may act like a fragile piece of jewel but I know how to stand on my own. I must learn how to toughen myself for no one would do it for me. Mahirap dumepende sa isang to. Mas lalong mahirap idepende ang kasiyahan mo sa iba dahil oras na mawala siya, sila, magiging mahirap ibalik sa dati ang lahat.

I don't know why he's doing this. His reason. Waldo's intention. But I'm afraid that it might be something that cannot be reciprocated.

"Bakit, Waldo?" tanong ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko. Sumandal ako sa nakasaradong ref habang siya naman ay patuloy sa pagsasalin ng pagkaing dala niya sa mangkok.

"Anong bakit?" walang lingong tanong niya pabalik.

"Why did you do what you did earlier?"

I watched how he momentarily stopped from what he was doing. But he immediately got his composure back and started plating the soup he brought. "Don't know either. My fist was probably itching to punch someone."

"You do know that there was no need for that, right? You could've just let it go. Wala ka rin namang dahilan para gawin 'yon. Wala siyang kasalanan sa'yo," nauubos ang pasensya na dahilan ko.

Waldo sighed deeply and motioned me to sit down on the dining chair. Pagbuntong hininga na sumunod na lang din ako para umiwas sa argemento. What I want right now is for him to enlighten me about his past actions and his current ones.

Ang gusto ko na lang ngayon ay bumalik sa mundong ginawa ko para sa sarili ko. I just want to live the way I used to before he entered the picture. Mundong ako lang ang naroon.

"How can you still be worried about him?" he asked, disappointed.

"Look, I'm not worried about him. Ayoko lang na may taong madamay pa sa mga gulo ng buhay ko. And I'm not your obligation to start with. So, why bother?"

"Can't you just give thanks for what I did?" he sarcastically said, facing me this time. His face was now filled with irritation and I know for sure that I am the reason.

"Hindi ko pasasalamatan ang ginawa mo." Naiinis na tumayo ako mula sa pagkakaup at bumalik sa sala at muling kinuha ang natitirang alak na naroon sa lamesa. "Hindi ko hiniling sa'yo na suntukin mo siya sa kahit ano pa mang dahilan ang mayroon ka. What I want is to have my personal space back."

"Then what? Let you attempt to kill yourself, again?" Tinawanan niya ako ng sarkastiko bago namaywang at mataray na tiningnan ako. "I'm not a fool, Hope."

"Why do you care? Buhay ko naman 'to. Puwede kong gawin ang mga bagay na gusto ko."

"Then you shouldn't have looked at me with those hopeful eyes that day." He dangerously took a step close to me, taking his time while his eyes were piercing as it looked at me.

Nilabanan ko ang kagustuhan ng kalooban ko na huwag mag-iwas ng tingin. Pinilit ko ang sarili ko na tingnan rin siya sa kabila ng kakaibang pakiramdam na ibinibigay niya.

His eyes lost all of its emotion but the sweetness of his voice speaks otherwise, both contradicts one another. Naging ibang tao siya ngayon sa paningin ko.

Three more steps and he's now in front of me. Leaving enough distance not to step on my personal space, but close enough for him to reach the bottle of beer I was supposed to drink.

Awtomatikong sumama ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman ang pagkabitin dahil sa pagkuha niya ng bote ng alak. Naiiling na sinumulan niyang iligpit ang mga basyong nakakalat sa lamesa at isinilid sa plastic na naroon kasama ang may lamang kinuha niya mula sa akin.

"How can I leave you alone if I care too much?" He squatted down to level our eyes.

I gulped hard to swallow the bile on my throat when I saw how intense his gaze was. It was moist, as if there were tears ready to fall. His eyes held a story that was hidden under the deepest part of his soul that the only way to know it is to enter his life.

"You don't have to care, Waldo," I whispered softly.

He smoothly shook his head to show his disagreement with the statement. "How can I not when I know behind those eyes who looked at me a few months back, was a woman who's suffering too much but was silently wishing to be saved from her damned life."

It was just a fact. One fact that he said but the way he delivered his words made it more miserable. He made it possible for me to feel what he felt that moment that our eyes first met.

Nanumbalik ako sa panahong 'yon at maging ang mga nararamdaman ko noon ay muling lumukob sa akin. I could perfectly understand his words because that was the exact description of how I felt that day. The flicker of light. The tiny hope that I felt when his gray eyes tenderly met mine.

Naramdaman ko noon ang pag-asa na matagal na akong tinakasan. Sa kabila ng maikling segundong nakita ko ang liwanag sa gitna ng kadilimang bumabalot sa akin, nagkaroon ako ng pag-asa na baka sakaling magawa kong bumangon pa. I also want to try to live and enjoy life the way it should be.

But every time I'd try, life would always look nothing but darkness. Katulad ng paulit-ulit na pagpapaalala sa akin ng mga nangyari nang gabing 'yon. Kung paanong ibinabalik sa memorya ko kung paano akong tumakbo sa kabila nang panghihina ko para lamang makahingi ng tulong.

Looking for the joy to live is harder than living itself. Dahil mahirap sa pakiramdam na parang wala kang silbi. Na lahat ng nasa paligid mo ang tingin sa'yo ay sagabal lang at pabigat. No one really took notice of what I really feel. No one ever asked if I was okay. I've got no friends to chit-chat with. And my loved one left me hanging.

And I can't help but ask... if I die, would they finally care? Would they finally ask what I felt or if how was my day? Would they finally give me value? Would they treat me like my life matters? Would they cry their hearts out looking at me sleeping inside a coffin?

***

"SUNDIN MO ANG inuutos ko sa'yo, Prescilla," may pagbabanta sa boses ni Mama.

Mariing itinikom ko ang bibig ko at sunud-sunod na umiling bilang pagtutol sa kanina pa niyang sinasabi sa akin. There's no way in hell that I would agree to this kind of shit. At hinding-hindi ko ipahahamak ang anak ko dahil lang sa kaniya. Even if it would cost me my own life, I'd rather die than let them hurt my unborn child.

Ibinalot ko ang sinapupunan ko gamit ang dalawang braso ko upang kahit papaano ay maprotektahan ko ang sanggol na dinadala ko. I'm only two months pregnant and I just found out today after visiting a doctor. Ilang linggo na rin akong maduduwal at napapadalas na rin ang pagkaramdam ko ng hilo kaya nagpatingin ako sa doktor. And the news about my pregnancy shocked the whole Santiago Mansion.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang anak ng tanyag na mag-asawang Santiago ay mabubuntis ng maaga sa edad na dalawampu't tatlo. Walang asawa, bagaman may nobyo na hindi tanggap ng mga magulang ko.

"Hindi kita binuhay at pinalamon para maging disgrasyada, Prescilla. Huwag mong gawing kahihiyan ang pangalang iginapang ko para lang lumago," pagpapatuloy niya sa kanina niya pang paglilintanya.

"Disown me, then," paghahamon ko. "Hindi ko akalaing ganito kayo kababa, Ma."

"Hindi maaari. Walang magpapatuloy ng mga ipinundar kong negosyo kung mawawala ka sa pamilyang 'to." Lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko na umabot pa sa puntong bumabaon na ang kaniyang kuko sa balat ko. "Hind puwedeng masayang ang kayamanang pinaghirapan ko dahil lang sa kalandian mo," gigil na sabi niya.

Mahina akong natawa, hindi makapaniwala na nakatanggap ng ganitong pang-iinsulto mula mismo sa bibig ng sarili kong ina. "So, your wealth weigh more than your unborn grandchild is that it?" natatawang tanong ko. "Anak mo ako, Ma. At apo mo ang dinadala ko."

"Wala akong sinabing magpabuntis ka!" nangigigil na sigaw niya at mas lalo pang ibinaon ang kuko sa balat ko. "At sa mahirap ka pa talaga nagpabuntis. Sa dukha na wala naman ipapakain sa'yo at diyan sa binuo ninyo."

Kusang naglandas ang luha ko sa mga insultong narinig. Insultong hindi para sa akin pero walang kasing sakit. Dahil taong mahal ko na ang pinag-uusapan.

Hindi ko itatangging malaki ang agwat ng estado namin sa buhay ni Harris, ang nobyo ko, pero hindi 'yon basehan para bastusin siya ng ganito ng magulang ko.

At mas masakit na ang dating sa akin ay okay lang na magpabuntis ako basta sa taong mayaman at kapantay namin ng estado. Okay lang basta may pera pero kung sa isang dukha, napakalaking kasalanan na.

"Kung mayamang lalaki ang nakabuntis sa akin okay lang? Kung anak ng isa sa mga amiga mo, okay lang? Okay lang maging disgrasyada basta galing sa kilala o mayamang pamilya? Gano'n ba, Ma?" naghahanong tanong ko na dahilan para lumuwag ng kaunti ang pagkakahawak niya sa akin. "Ganito na lang ba talaga kahalaga sa iyo ang pera na nagagawa mo nang kalimutan kung saan ka nagsimula? Ma, pinapaalala ko lang sa'yo, mahirap ka rin noon." Marahang kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at ibinaba bago siya hinarap ng maayos. "Alam ko ang kuwento ng buhay niyo dahil sinabi sa akin ni Lola. Naranasan mo ring magdildil ng asin para magkaroon ng laman ang tiyan mo. Tapos ngayon ganito ka trumato ng tao?"

Mas lalong naglandas ang luha sa pisngi ko nang makatanggap ng sampal mula sa kaniya. Sampal na hindi lang ako sinaktan sa pisikal na paraan kundi maging sa aspetong emosyonal.

"Wala kang alam sa naging buhay ko noon. At masuwerte kang ipinanganak ng mayaman. Hindi mo maiintindihan dahil hindi mo naman dinanas kaya huwag kang matapobre na parang alam mo ang lahat." Tinaliman niya ako ng tingin at humakbang palapit, ipinakikilala ang antas niya na mas mataas sa akin. "Isang linggo. Sa loob ng isang linggo at dala-dala mo pa rin ang batang 'yan sa sinapupunan mo, ako mismo ang gagawa ng paraan para alisin 'yan. Hindi ako nagbibiro, Prescilla. Kilala mo ako."

Tinalikuran niya ako at ganoon na lang kabilis na dumoble ang bilang ng mga luhang umaalpas sa mga mata ko. Hindi ko magawang awatin ang pagdaloy no'n na kahit sunud-sunod na ang ginagawa kong pagpunas ay patuloy pa ring nababasa ang pisngi ko.

Nang matanaw na malapit na siya sa bukana ng nakabukas kong kuwarto ay naglakas-loob akong muling nagsalita.

"Killing my child is just you... killing your own child." Mahina akong natawa. "Nakuha mo nga ang yaman na pangarap mo, marangya na ang buhay mo, pero naging masama ka namang tao, Ma."

Naiwan akong mag-isa sa malaki at puno ng karangyaang kuwarto na 'yon nang walang lingong umalis si Mama. Ramdam ko ang sakit at hinanakit sa bawat palitan namin ng salita. But the pain doesn't compare to the betrayal my own Mom made me feel.

What she wanted... hindi ko kaya. Hindi ko kailanman magagawa.

Nanginginig na napaupo ako sa sahig sapo ang sinapupunan ko, pinoprotektahan sa kung sino mang magtangka na saktan siya. Walang patid ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko habang paulit-ulit na rumerehistro ang gustong mangyari ni mama.

Masakit, sobrang sakit ng katotohanang gustong kitilan ng buhay ng ina ko ang anak ko. Ang sarili niyang apo. Dahil lang sa kadahilanang mahirap ang ama niya, hindi kapantay ng estado ng aming pamilya.

L Y N C E N O

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top