Gift
Sunod sunod na tunog ang narinig ni Allaine sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nagkakagulo sa group chat dahil sa hindi nagawang makadalo ng kanyang mga kaibigan.
Nais sana mag mag tampo ng dalaga, ngunit malawak ang kanyang pang unawa. Hindi na pwedeng magawa pa nila kung ano ang nagagawa noong nag aaral pa sila sa kolehiyo. May kanya kanyang buhay ang bawat isa sa kanila at malayo na ang mga narating. Hindi na magawang makumpleto kahit isa beses simula nang sila ay magtapos sa pag aaral.
Aiselle:
Free ako. Day off ko today.
Bahagya napangiti si Allaine ng sa wakas ay may libre na sa mga kaibigan nya. Ang konting pag asa na makasama niya ang mga ito ay sumisibol.
Leth:
Ay! may gagawin ako. May lakad kami ni ate ngayon. Para sa check up ni nanay.
Lyn:
Ano ba yan?! Para lang sa birthday ni Allaine. Kahit mamayang gabi. Hoy! Jane ano? G ka?
Nagkibit balikat s'ya dahil sa naging sagot ni Leth. May sakit na kasi sa puso ang ina n'ya kaya ang mga libreng oras ay inilalaan ni Leth sa kanyang ina.
Jane:
Pag isipan ko pa. Ayaw ni jowa.
Marie:
Ano ba 'yang jowa mo? Daig pa asawa.
Tanging sa group chat nalang sila nagkakausap, madalas ay tuwing gabi lang o 'di kaya ay sa umaga bago umalis ang mga ito papasok ng kani-kanilang trabaho.
Gerard:
Kahit ako, kung gabi na. Hindi ko papalabasin si Miles.
Leth:
Bakit sinagot ka na ba?
Aiselle:
Mali naman tanong mo Leth! Dapat ganito. Sasagutin ka ba?
Bahagyang napabungisgis si Allaine dahil sa mga kaibigan. Hindi na sila madalas magsama pero solid pa rin sila hanggang ngayon.
Aiselle:
Oy! Allaine, pumunta ka nalang dito sa amin. Pagluluto kita, wala rin naman akong magawa.
Muling napangit ang dalaga dahil sa unusad ng kaibigan. Masarap magluto si Aiselle, kaya hindi nakakapag taka na hindi ito maiwan ng long time boyfriend.
Lyn:
Sige G! Punta rin ako sa inyo, Elle.
Leth:
Hala ang daya. Hindi ako makakasama.
Pag mamaktol ni Leth. Gustuhin n'ya man ay mas pipiliin nya ang ina. Palagi ganoon ang nangyayari at dahilan niya kaya hindi madalas kasama sa mga gala sa tuwing magkakabiglaan ang tropa.
Jane:
Hindi lang naman ikaw. Ako rin.
Marie:
Ah basta! Bahala kayo, pupunta kami.
Gerard:
Ako rin. Tamang tama may bilhin ako malapit kina Elle. Kaso, hindi ako magtatagal. Susundo pa ako kay Miles.
Lyn:
Oh edi kayo na may mga lovelife.
Napailing na lamang si Allaine habang nakangiti.
Simula kasi noong tumungtong s'ya ng kolehiyo ay sila na ang naging kasakasama niya. Madalasan pati sa mga group projects ay sila pa rin ang magkakagroup. Kaya naman lubos ang pag papahalaga nila sa bawat isa.
Ako:
Sige pupunta ako kina Aiselle. Kita kits guys!
Tinipa niya iyon bago tuluyang binitiwan ang kanyang cellphone. Mabilis nya tinungo ang banyo upang maligo at makapagbihis.
Pair of ripped jeans at isang simpleng fitted na crop top ang kanyang suot. Isang sling bag na pula para sa kanyang personal na gamit. Sa bahay lang naman sila tatambay kaya naisip niya na tsinelas nalang ang suotin imbes na mag doll shoes o sneakers. Hinayaan niyang lumugay ang kanyang mahabang buhok.
"Ma, aalis po muna ako."
Paalam niya sa ina ng makita ito sa sala. Nakadekwarto ito habang nanunuod ng paboritong teleserye sa television.
"Saan ka pupunta?" pag uusisa nito.
"Kina Aiselle lang po. Day off niya ngayon," paliwanag niya sa kanyang ina.
"Hindi ba dapat ay sila ang napunta rito?" halata ang iritasyon sa boses ng kanyang ina.
Noon pa man ay ayaw na nito sa mga kaibigan ng anak. Hindi rin alam ni Allaine kung ano ang dahilan ng lubusan pag ayaw ng ina sa mga kaibigan. Kung titingnan ay mabait ang mga ito, matatalino at hindi katulad ng ibang kabataan na puro lakwatsa ang inatupag noong kolehiyo pa sila. At ngayon na matatayong na ang mga ito ay lubos pa rin ang pag ayaw ng kanyang ina. Paliwanag nito ito ay may kung ano raw sa mga kaibigan ng anak ang hindi nya gusto. May pakiramdam daw s'ya na hindi mabubuting tao ang mga iyon kahit ni minsan ay walang ipinakitang masama ang kahit sino man sa kanila.
"Ma, sige na."
Pagsuyo nito sa ina atsaka ginawaran ng halik ito sa pisngi.
Nang tuluyan na siyang makaalis sa harap ng ina ay sumakay na ito sa kanyang kotse. Ilang oras rin ang lalakbayin bago nito marating ang lugar ng kaibigan.
Naisipan niyang bumili ng ilang pagkain. Kaya naman dumaan siya sa isang convenient store sa may high way.
"Ice cream nalang siguro at ilang chitcirya."
Saad niya habang pinagmamasdan ang mga paninda doon.
Kumuha sya ng dalawang mag kaibang flavor na ice cream. Ang isa ay coffee cramble at ang isa ay cookies and cream. Ilang piraso rin ng malaking chitcirya at ilang bote ng beer ang kanyang binili.
"Ms. may piso po kayo?"
Tanong sa kanyang ng cashier. Labis kasi ng piso ang kanyang pinamili at upang hindi na mahirapan sa pag susukli ay mag bibigay na lamang siya ng piso.
"Thank you po, come again."
Ngumiti ito sa kaniya bago tuluyang iniabot ang sukli at ang pinamili nito.
Nang makabalik na siya sa kotse ay sinipat nya muna ang kanya cellphone.
Aiselle:
Nasaan na kayo? Malapit na ito maluto?
Kasunod ng kanyang chat ay isang picture kung saan ay makikita mo ang Korean barbecue na niluluto nito. Meron pang carbonara. Inihanda ng kaibigan ang kanyang mga paborito. Hindi nya maiwasang makaramdam ng excitement dahil doon.
Lyn:
Otw!
Leth:
Ang dadaya nyo.
Yon ang mga huling chat na kaniyang nabasa. Kanina pa iyon, mga isang oras mahigpit na ang nakalipas mula ng huling mensahe na iyon. Kaya naman hindi na siya nag abala bang mag reply. Muli sya bumaling sa klasada at minameobra ang kanyang sasakya. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ng dalaga dahil sa wakas ay muling makakasama ang mga kaibigan. Hindi man kumpleto ngunit sapat na iyon para sa ngayon. Hindi na sya mag aasam pa ng kahit ano.
Pinarada nya ang kotse sa gilid ng klasada. Sa harap noon ay ang pamilyar na motor na kasunod ng isang pulang honda civic.
Muli ay ngumiti siya. Andito na ang dalawa sa kanyang mga kaibigan. Bago pa siya tuluyang makapasok ay may narinig siyang kalabog.
Bumilis ang kanyang puso ng mapagtanto mula iyon sa bahay ng kaibigan. Mabilis nyang tinungo ang loob ng bahay.
Tumambad sa kanya ang pinagsamang amoy ng tamis anghang na sauce ng korean barbecue at ang creamy na carbonara. Ngunit hindi iyon ang nagpagulat sa kanya.
Ang inaasahan niyang maingay na sala ni Aiselle ay tahimik na ngayon. Walang buhay na ilaw o kahit anong bagay na mag bibigay ng ingay sa paligid.
"Elle?"
Tawag nito mula sa sala patungo sa kusina. Ngunit walang bakas ng kanyang kaibigan.
"Elle? Andito na 'ko."
Sambit ni Allaine pero walang kahit isang ang sumagot.
Isang katok ang pumukaw sa kanya. Galing iyon sa labas. Isang kaibigan na lamang ang alam nya wala pa rito.
Mabilis syang nag tungo sa may pinto para buksan iyon. Ngunit walang kahit sino ang kanya naabutan. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Muli ay sinipat nya ang paligid ngunit isang box lamang nakita niya mula sa kanyang paanan.
Huminga siya ng malalim bago iyon kinuha.
"Naku, ang mga ito talaga ang daming pakulo," usad niya.
Iniisip nya kasi na baka pakulo lamang ito ng mga kaibigan. Bumabawi dahil sa hindi nakadalo kahapon.
Unti unti nyang kinalas ang buhol ng pulang ribbon mula sa isang itim na box. Tumambad sa kanya ang isang USB.
Ngumuso si Allaine dahil naguluhan sya sa nakita. Para saan ang USB? Ang tanong na tumatakbo sa kanyang isipan.
Isang puting sobre ang kasama noon. Agad nya iyong kinuha at binuksan upang basahin.
"Allaine, happy birthday. This is my gift for you. Hope you like it."
Basa niya sa sulat nakapaloob doon.
Luminga sa kabuuan ng bahay ni Aiselle. Hinanap ng kanyang mga mata ang laptop nito. Labag sa loob ang gagawin pero nilalamon siya ng kuryusida kung para saan ba ang USB na kaniyang hawak. Kung bakit iyon ang regalo sa kanya at kung nasaan ang mga kaibigan. Isa lang ang sigurado siya, gagawin nya iyon para masagot ang kanyang mga tanong.
Agad nyang binuksan ang laptop ni Aiselle. Swerte siya na wala iyong password o kung ano man.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo ng makita ang date na nakalagay sa USB. Date iyon ng kanyang kaarawan. Ang video ay kahapon pa nagawa.
My gift
Yon ang nakalagay sa nag iisang file na andoon. Walang pag aalinlangan nya itong pinindot.
Isang masayang kanta ang bumungad sa kanya. Kaya naman, mabilis nitong napawi ang kanyang agam agam.
"Hi, andito kami sa beach!"
"Ang daya, hindi sila pumunta ng birthday ko dahil ng beach sila. Mga lapastanga," natatawang saad ni Allaine sa sarili.
"Eto si Aiselle! Say hi beb!" Si Leth.
"Hi! Kain tayo. Umm sarap," saad nito bago tumawa.
Katulad ng dati, fashionable pa rin talaga si Aiselle. Gustong gusto nya ang spotlight kaya naman naging modelo ito. Si Leth naman ay manager na ng isang sikat na supermarket.
"Mga beb, hindi ba talaga darating si Marie?" si Lyn.
"Susunod siya, nagtext sa akin."
Sagot ni Leth kay Lyn habang inaayos nito ang camera upang mas makuhanan pa sila at ang maganda view.
"Jane, tara doon sa may dalampasigan. Picturan mo ako! Pang instaface lang."
Yaya ni Aiselle kay Jane bago ito tuluyang hilain. Ilang pose pa ang ginawa ni Aiselle bago ito tuluyang tinawag ni Gerard para tulungan silang mag ayos ng pagkain. Naiwanan si Jane sa may dalampasigan dahil gusto pa raw niyang makipaglaro sa tubig dagat.
"Guys tawagin nyo na nga si Jane. Ako'y gutom na," si Lyn.
"Garbe lagi talaga gutom ang isang to."
Sambit muli ni Allaine, hindi nya maiwasang mapangiti dahil sa pinag gagawa ng mga kaibigan nya. Hanggang ngayon ay hindi na pa rin maintindihan kung paano iyon naging regalo gayong hindi naman sya binabanggit sa video.
"Wala si Jane doon!" si Gerard.
"Paanong wala? Tingnan mo nga ulit," si Leth habang inaayos ang mga ulam sa lamesa.
"Wala nga!" sagot ni Gerard.
Nagulat si Allaine ng bigla nalang nawalan ng picture ang video. Para iyong TV na walang atena. Gagalawin na sana nya ang USB ng bigla itong gumana ulit.
"Lyn! Hoy! Tulong naman. Hindi na makita si Jane, pa upo upo ka pa jan!"
"Napapagod ako Elle, wait lang. Promise, ikaw muna. O kaya antayin nalang natin sina Gerard at Leth,"
"Ay bahala ka nga jan, hahanapin ko si Jane."
"For sure natutulog lang iyon kung saan," natatawang sabi ni Allaine sa sarili.
Antukin kasi si Jane kaya naman madalas talag itong mawala o umalis para matulog.
"Jane?"
Patuloy ang sigaw ni Aiselle upang mapukaw ang atensyon ng nawawalang kaibigan. Nakarating na siya sa bandang dulo ng lugar ngunit walang Jane ang lumabas hanggang sa natisod siya sa isang bagay na nakalubog sa buhanginan.
Matinis na tili ang pinakawalan ni Aiselle ng makakita ng bahagi ng paa ng isang tao.
Namilog ang mata ni Allaine dahil sa napanuod. Kita nya mula sa kuha ng isang drone ang reaksyon ni Aiselle habang dahan dahan hinuhukay ang parte kung saan isang paa ng tao o isang bangkay ba iyon na nakalubog sa ilalim ng buhangin.
"Elle, bakit?"
Tarantang lumapit si Lyn sa kaibigan ngayon ay maluha luha na. Namilog rin ang kanyang mga mata ng makita kung ano ang dahilan ng pag hihesterikal ng ni Aiselle.
Kunot ang noo ni Allaine habang pinapapanuod ang video. Bakit ganon ang laman nito?
"Gerard? Leth? Oh my God! Bilisan nyo!"
Sigaw ni Lyn para makuha ng atensyon ng dalawa pang kaibigan ngayon ay sigurado na ito sa kanyang nakita. Nakatakip ang bibig ni Aiselle at pa iling iling to habang pinagmamasdan ang bangkay ng kaibigan na kanina lamang ay kasama nya pa. Na kanina lamang ay kinukuhanan pa sya ng mga litrato.
"No! No! No! Hindi to totoo."
Hikbi ni Aiselle ang narinig mula sa video. Namuo na rin ang mga luha ni Alliane sa kanyang mata. Hindi ito magandang biro para sa kanya. Pero sinubukan nya pa ring ipag patuloy ang panunuod, hindi niya ito ititigil hanggang hindi nya nalalaman ang totoo.
"Kasalanan ko ito," hikbi ni Aiselle.
"Oo! Kung hindi mo sya iniwan sana ay buhay pa siya!"
"Kung hindi mo ako tinawag sana ay hindi ko sya iniwan doon!"
"Tama na! Please kayong dalawa tama na!"
"Paanong tama na Leth?! Kasalanan ni Aiselle yon!"
"Walang may gusto nito Gerard!"
"Pero tama si Aiselle... kung hindi mo sya tinawag, hindi ito mangyayari. Hindi maiiwanan si Jane doon! Sana kasi noong umalis sya, ikaw ang pumalit! Nag iisa kang lalaki dito! Dapat ay pinoportektahan mo kami!"
"Ako pa ang may kasala-"
"Tatawagan ko lang si Tita, kaylangan nya itong malaman."
Naiyak na rin si Allaine habang pinapanuod ang mga kaibigan na nagkakasira at nagsisisihan sa isang bagay na wala namang may gusto. Kagat kagat nya ang pamibabang labi habang patuloy na pinapanuod ang video. Gulong gulo na siya na hindi nya magawang patayin na ang video na iyon.
"Walang signal, pag siniswerte ka nga naman."
Bulaslas ni Aiselle habang itinataas ang kanyang cellphone sa kawalan. Nakarating na siya sa mapunong parte ng lugar para humanap ng signal. Pero wala rin. Malayo na siya sa dagat.
"Ano ba yan? Paano ko tatawagan si tita nito?"
Bakas ang inis sa boses ni Aiselle sa mga oras na iyon. Nag dadalamhati siya para sa kaibigan ngunit wala siyang magawa, kahit tawag ay hindi nya magawang gawin dahil hindi sya makahanap ng signal.
"My God! Wala bang signal talaga di-"
Isang malakas na hampas ng kung ano ang narinig ni Allaine mula sa video. Katulad kanina bago nawala si Jane ay ganoon muli ang nangyari sa video, nawalan ulit ito ng signal.
"No! Wag mong sabi na si Aiselle naman!"
Bakas na sa boses ni Alliane ang pag aalala at takot para sa kaibigan.
Nang muling bumalik ang video ay tumambad sa kanya ang kanyang kinakatakutan.
Si Aiselle ay nakahandusay sa damuhan, may pasa sa muka at ilang parte ng katawan. Bukas ang zipper ng kanyang suot na short.
"Gerard! Lyn! Si Elle! Shit, ano bang nangyayari. Elle, gumising ka! Please gumising ka!"
Bakas sa boses ni Leth ang takot dahil sa nakita walang buhay ang kaibigan. At sa tingin nya ay ginahasa ito.
Muli ay may nakita na naman sa drone. Ang paglabas ni Gerard sa kung saan, habang sinasaraduhan ang kanyang zipper.
"D-don't tell me... no!"
Hindi makapaniwalang sambit ni Allaine dahil sa kanyang naiisip. Hindi kayang irehistro ng kanyang utak ang kanyang iniisip.
Hindi iyon kayang gawin ng kinilala nyang kuya at kaisa isang lalaki sa kanilang groupo.
"Elle! Elle!"
Sambit ni Gerard ng tuluyan na itong makalapit sa bangkay ni Aiselle.
"Gerard, si... Lyn,"
Sabi ni Leth ng magtagpo ang mata nila ni Gerard. Nabuo na sa isip ni Leth na iniisa isa ang mga tropa nya. Pinilit pa rin ni Leth na hindi isipin si Gerard iyon. Walang pwedeng ibang gumawa kundi sya. Kaibigan nya si Gerard ngunit kaibigan nya rin si Elle. Isa lang ang sigurado, hindi na pwedeng madadagdagan pa ang mamatay.
"Ano bang gift to guys? Wag naman kayong magbiro ng ganto," sabi ni Allaine sa kawalan. Wala syang ibang kasama sa bahay ni Aiselle.
Hindi na muling pumasok sa isip nya na nag iisa sya roon at walang ibang tao mula pa kanina. Mahirap na para sa kanya ang mag isip pa lalo't gumugulo sa kanya kung tunay bang patay na ang dalawang kaibigan.
"Tumawag ka ng pulis Lyn,"
Bungad ni Leth sa kaibigan ng makita itong buhay pa.
"Bakit? Nasan si Elle?"
"Wala na sya."
"Huh? Paanong wala na?!"
"Patay na siya Lyn! May pumatay sa kanya! Nakita k-kong bukas ang zipper ng short n-nya!"
Sigaw ni Leth. Ramdam na ang bigat ng paligid. Hindi na makuha ni Leth napigilan ang sarili. Kanina lamang ay si Jane, ngayon ay Aiselle, natatakot sya sa maaring maging kasunod pa nito.
Sa kabilang banda ay ganoon rin ang nararamdam ni Allaine habang pinapanuod ang mga kaibigan na mamatay at nahihirapan. Naguguluhan sya sa posibilidad na totoo lahat ng nangyari sa video na iyon.
"K-kaylangan na nating humingi ng t-tulong. Tatawag tayo ng p-pulis."
Garalgal na ang boses ni Lyn, hindi na rin nya maayos ang sarili. Hinalikwat nya ang mga gamit na nakapatong sa lamesa nila. Samot sari iyon, ngunit hindi nya makita ang cellphone na kanyang hinahanap.
"Andito lamang iyon! Gerard, 'di ba hiniharam mo kanina? Nasaan na?!"
"Lyn, ibinalik ko sa iyo!"
"Wala dito! Kung ibinalik mo iyon, sana andito. Pero wala!"
"Burara ka kasi!"
"Ako pa ang burara?! Hanapin mo iyon!"
"Eto na! Baka naiwan ko kung saan!"
"Samahan kitang maghanap," si Leth.
"Wag ninyong iwan si Lyn, guys."
Pag mamakaaw ni Allaine kina Gerard at Leth na parang may pag asang maririnig sya ng mga nito.
Muli ay nagpakita ang pamilyar na pag kawala ng signal.
"No... no... oh please, no!"
Halos mag makaawa sya sa screen habang pinagmamasdan ito. Gusto nyang alugin o kung ano man pero hindi nya magawa.
"Guys!"
Sigaw nya kahit walang kasiguraduhan kung may makakarinig ba sa kanya. Pero wala pa ring lumabas na kahit isa sa mga kaibigan nya.
Kumunot ang noo nya ng biglang bumalik sa dati ang video.
Pumikit sya ng mariin bago muling ibinukas ang mga mata, tila may ayaw syang makita sa screen.
Andoon si Marie, dumating ito tulad nga ng sabi kanina na susunod sya. Parang gustong batuhin ni Allaine si Marie para sabihin na umuwi na lang sya pero wala syang magawa. Ang masakit pa din ay pinapanuod nya sila isa isa at walang kasiguraduhan kung sino ang mawawala.
Dinampot ni marie ang isang ylabe tubo na nakapatong sa nagkalat na gamit kung saan nag hahanap si Lyn ng cellphone kanina. May bakas ng dugo ang mga gamit at ganoon rin ang tubo na ngayon ay hawak na ni Marie.
Nangangatal ang kanyang kamay habang pinagmamasdan iyon.
"Marie,"
Pukaw ni Gerard sa kanyang atensyon.
"Guys, ano to? Bakit may dugo?"
Namilog ang mata nina Gerard at Leth. Si Allaine naman ay tinakpan ang kanyang bibig para sa nag babayadyang hagulgol.
Tama ang kanyang hinala sa tuwing mawawalan ng signal ay may namamatay sa mga kaibigan nya.
Patay na si Lyn. Wala na sya.
Naguunahan ang mga luha sa mata ni Allaine. Hindi sya makapaniwalang sa isang saglit ay tatlo sa mga kaibigan nya ang nawala. Sana ay pananginip ang lahat ng ito, sana ay nantitrip lang sila.
"Siguro ay patay na si Lyn," si Gerard.
"Siguro? T-teka? Wala akong maintindihan. Leth, ano 'tong sinasabi ni Gerard?"
"Patay na si Jane, ganoon din si Aiselle, at tingin namin ay dahil jan sa tubong hawak mo ay patay na rin si Lyn."
"W-what? Guys, naman nag popower trip na naman kayo. Kaya mahirap malate sa tropa, napagtitripan." natatawang sabi ni Marie.
Umiling iling si Allaine, na para bang sinasabi niya kay Marie na hindi nagloloko ang mga kaibigan nya. Natama ang mga sinasabi nila. Na sya mismo sa sarili nya ay nakikita nyang hindi iyon basta trip na lamang.
"Alam mo, hindi ko maiwasang magisip. Tropa tayo dito, una si Jane?"
"Anong bang sinasabi mo Leth?"
"Marie, pakiramdam ko talaga may kinalaman si Gerard dito!"
Sabi ni Leth, bago tingnan ng malalim si Gerard. Buo na ang isip ni Leth na tama ang hinala tungkol sa kaibigan. Masakit man pero unti unti ay nasasagot ang tanong na si Gerard nga tunay na salarin.
"Ako?! Bakit ako?! Magkasama tayong dalawa mula pa kanina, kaya paanong ako?"
"Malay ko, kung teknik mo iyon para linangin ako. Kami. Hindi ba? Tinawag mo si Elle, para maiwan mag isa si Jane, tapos ano noong natagpuan kong walang malay si Elle, nasa malapit ka lang? Kaya paanong hindi... ikaw!"
Panay ang duro ni Leth kay Gerard. Pilit nitong ipinapakita kay Marie ang kanyang punto. Na kung titingnan ay may basihan lahat.
Sa kabilang banda ay ganoon na rin ang nararamdaman ni Allaine. Marahil ay si Gerard nga talaga. Mahirap para kay Alliane na isipin iyon pero wala syang pag pipilian. Hindi iyon makakaya ni Leth dahil babae sya at isa pa si Gerard lang ang may motibo dahil ito ang laging nakaka alitan bago sila mamatay.
Inihilamos ni Allaine ang kanyang palad sa kanyang muka. Gulong gulo na sya sa lahat ng nakikita. Hindi na nya alam kung alin ang paniniwalaan. Kung ang kutob nya o ang kanyang mga mata.
"Totoo ba? Ginawa mo iyon, Gerard?"
Tanong ni Marie sa kanya. Bakas na sa muka nito ang pag kalito.
"Marie, bakit hindi mo tanong rin si Let-"
"Ikaw ang tinatanong ko!"
Umigting ang panga ni Gerard dahil sa naging sagot ni Marie. Naka pamewang lang si Leth habang pinagmamasdan si Gerard na pinagatanggol ang sarili. Bakas sa muka nya ang inis at galit.
"Bakit hindi mo sabihin na nagkaaway rin kayo ni Lyn bago sya mamatay?"
"Oo! nag ayaw kami pe-"
"Yon! inamin mo na, ikaw nga!"
Pailing iling si Marie habang pinagmamasdan ang pag tatalo ng dalawang kaibigan sa kanyang harapan. Katulad nya ay ganon rin si Allaine, hindi sya makapaniwalang si Gerard nga talaga ang pumapatay.
Pero bakit? Anong dahilan?
Kinuha nya ang kanyang cellphone para sana tawagan si Gerard at kausapin ito ngunit nagulat sya ng wala kasi isang notification ang naroon.
Binalikan nya ang group chat nila at wala ng sumunod sa sinabi ni Leth. Na iyon na ang huling mensahe, hindi iyon ganon sa mga oras na ito. Iba na ang kutob nya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso ngunit na pukaw iyon ng muling mawalan ng signal ang laptop.
Eto na naman.
"Ano ba?! Tama na! Anong bang gusto mo?! Sino ka ba?!" Sigaw niya na parang may makakarinig sa kanya.
Na parang may tao sa bahay ni Aiselle at hindi lang sya. Malakas ang pakiramdam nya na may nag mamasid sa kanya at tuwang tuwang nakikitang nagdurusa sya.
Napabaling sya muli sa laptop ng tumunog ito. Nakita nyang tumatakbo si Marie sa malawak na kakahuyan.
"A-ano to? Bakit ka tumatakbo? Tumatakas ka ba?" tanong nya tila ba ay may pag asang marinig sya nito.
"Waah!"
Napatayo sya sa kinauupuan nita ng mahulog si Marie sa isang bangin.
"Oh my God, kumapit ka bebs."
Nakatakip na muling ang kanyang palad sa bibig at ang mga luha ay naguunahan sa pag agos. Dahan dahan sya umupo sa upuan habang pinapanuod ang kaibigan hindi nya alam kung makakaligtas pa ba.
"Tulong, tulungan mo ako."
Unti unting inabot ni Marie ang kamay ng kung sino. Dahan dahan rin lumapit ang kamay noon kay Marie, pero sa kasamang palad binawi nya iyon. Hindi nya inabot ang kamay ni Marie, bagkos ay kumuha ito ng isang bato at ibinagsak kay Marie upang tuluyan na itong mahulog.
"Ugh! Kung sino ka man! Putang ina mo! Ano bang gusto mo?!"
Halos mag wala na si Allaine sa harap ng laptop na iyon. Gusto nya iyong sirain pero hindi pa tapos ang video.
Muli ay nawalan iyon signal. Dalawa na lamang sa kaibigan nya ang buhay. Mas lalo pa syang naguluhan dahil hindi nya alam kung sino ba ang paniniwalaan.
"Patay na rin si Marie," bungad ni Gerard ng malapit na ito kay Leth.
"Alam ko! Dahil iyon lahat... sayo!" puno ng galit ang aura ni Leth, hindi iyon maikukubli sa kanyang boses.
"Sa'kin?"
"Oo, sayo! Baka nga... mamaya ako na ang sunod na mamatay."
"O, baka ako?"
Ngumuso si Leth at unti unti itong lumapit kay Gerard.
"Pwede ba, wag na tayo mag lokohan dito!" si Leth.
"Patayin mo na ako ngayon na, Gerard!" dagdag nya pa
Umismid ng bahagya si Gerard nago tuluyang nagsalita muli.
"Bakit hindi mo gawin... Leth?"
"Sino lang ba may kayang gawin iyon?"
"Malamang hindi ako."
Natigil ang kanilang usapan ng biglang may kung ano ang mabilis na dumaan sa kanilang likuran. Sabay silang lumingon doon at bigla na naman nawalan ng signal.
"Fuck!" Bulaslas ni Allaine.
Hindi na nya alam kung ano ang dapat maramdam. Sobrang sakit na noon na hindi nya alam kung paano pa dadalhin, ang mamatayan ng isang kaibigan ay masakit na pero ang mamatayan ng apat o baka lima pa pag balik ng video ay mas masakit. Ang kaninang mga nakangiti nilang muka ay hindi na ko makikita ngayon.
Napatigil sya sa pag hikbi ng biglang tumunog ang music box ni Aiselle, kasabay noon ang pagbalik ng video. Hindi nya alam kung alin ang uunahin nya ang hanapin ang music box o ang tapusin ang video.
Bakas ng tila hinilang katawan sa buhangin ang kanyang nakita sa screen. Mahaba iyon at tila kinuha pa ang mga katawan kung saan.
Kita ni Allaine ang mga bangkay ng kanyang kaibigan na nakatalag sa may dalampasigan. Totoo nga bang patay na sila? Wala doon si Gerard ngunit wala rin si Leth?
Namilog ang mata niya ng makita n'ya kung sino ang humihila sa isa pang bangkay patungo sa dalampasigan. Iniaayos nya ang pag hanay sa bangkay tinitingnan nya muna mabuti ang mga iyon bago bumaling sa monitor.
Ang madilim at nanlilisik na mata na wari bay nakatitig kay Alliane.
Leth?
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa iyo, Allaine? Wala na ang mga plastik mong kaibigan. Hindi ba iyon ang gusto mo? Mawala sila, dahil hindi ka naman nila talaga itinuring na kaibigan."
Tumawa ito ng malakas bago pinatay ang video.
"At sempre..."
Dahan dahan lumingon si Allaine sa pinanggaling ng boses. Hindi na nito na gawang magsalita dahil sinaksak na agad sya ni Leth sa dibdib.
Nakangiti pa ito habang hawak hawak pa rin ang music box.
"Plastik ka rin. Lahat kayo plastik! Kaya dapat mamatay kayong lahat!"
Sabi ni Leth bago tuluyang bunutin ang kutsilyo sa dibdib ni Allaine. Tumawa ito ng malakas habang pinapanuod ang kaibigan unti unting bumabagsak sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
"Mga plastik."
Ngayon ay naiiyak sya habang sinasabi iyon pero unti unti rin napapalitan ng tawa ang kanyang iyak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top