The Last Goodbye


Payapa. Iyan ang aking nararamdaman sa oras na ito. Nakaupo ako sa bintana habang nakatitig sa kawalan. Tanging pagpatak ng ulan, lagaspas ng hangin at pag ikot ng orasan ang aking naririnig. Ramdam ko ang paghaplos ng hangin sa aking balat. Napayakap ako sa sarili. Bigla akong may naalala. Ganito din dati pero iba ang sitwasyon.

Mabigat na naman ang dibdib ko. Gusto ko na namang umiyak. Ngunit pagod na ako. Pagod na pagod na akong umiyak at masaktan. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit ang sakit, parang tinutusok ang puso ko. Bakit hindi ko kayang tapusin ang sakit na nararamdaman ko? Bakit nandito parin ako? Bakit parang hindi ako umuusad? Bakit parang ako lang ang nakakaramdam nito?

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang huli niyang mensahe.

"Tama na, Jaz. Mag move on ka na."

Nagsipatakan na naman ang mga luha ko. Gago ba siya? Ang dali para sa kanyang sabihin na mag move on na. Kung ganon sana kadali, matagal ko ng ginawa! Pero hindi e! Sinanay niya ako! Sinanay niya akong lagi siyang nandyan! Kung mang iiwan lang naman pala siya edi sana tinuruan niya akong kalimutan siya! Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap hindi na niya ako mahal. Saan ba ako nagkulang? Ginawa ko naman lahat ah. Lintek na pag-ibig! Nakakabaliw!

Maraming araw na ganon lang ako palagi. Hindi ko alam paano nangyari pero isang araw, payapa na ang pakiramdam ko. At ito ang araw na iyon. Tuwing naiisip ko ang nakaraan, hindi na masakit. Siguro dahil nasanay na ako o dahil alam ko na ang halaga ko. Bakit pa natin ipipilit ang sarili natin? Nabuhay naman tayo sa mundong ito na hindi sila kasama. Naniniwala akong sa tamang panahon, darating ang tamang tao... na sasaktan tayo ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top