XV | Rescue
Dio's POV
"At least wear some underwear." I snickered at the sirens who took a break after singing their stupid song. Now they're back to sing another song. This one, this time, they just composed recently.
It's pretty much obvious that they don't want to kill us. Not yet. They want us to suffer. They want us to go through all their song list before finally killing us with one final song.
"B-Bro..." Umuubo-ubo ng dugo si Chase. Nakalupasay siya sa sahig habang bahagyang nakasandal ang kanyang likod sa pader. "K-Kahit 'yan nalang, h-hayaan mo na."
"Nagdurusa na tayo dito at kabastusan pa 'yang pinag-aabalahan mo?" naiirita kong tanong. "Did you hit your head right after you were born, Chase?"
Tinignan ko sina Cal at Trev na parehong nakayuko't nakapikit, natutulog. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa matinding pagod o dahil desisyon lang talaga nila ang matulog sa halip ng dinanas namin.
"Tsk." Pinikit ko nalang din ang bagong pangkat ng mga sariwang sugat na namuo sa katawan ko. "To hell with you."
Kailan ba 'to matatapos?
Sinamaan ko ng tingin ang tatlong sirens.
Kailan ba kami nila balak tapusin?
A familiar voice answered my question. It was faint but my ears perked up the moment it echoed outside the dungeon.
"Woah. Ito nga 'yong nasa vision ko!"
Art's voice woke both Trev and Cal. Sabay silang lumingon sa labas.
Nabibigatan man sa mga sarili, nagawa naming apat na tumayo para salubungin sina Art, Kara at Ria na nagpakita.
I was about to warn them about the three sirens when they all stopped singing and stood up on their feet. Hindi nila napansin ang pagdating nina Kara dahil tila nakatuon sa iba ang buong atensyon nila.
"Can you hear that?" tanong ng isang siren.
"Yes," sagot ng isa. "Someone is singing a new song!"
Nananabik silang umalis para siguro puntahan 'yong kantang naririnig nila.
"Trance?" I asked Kara who didn't answer and proceeded to unlock the metal bolt and opened the bars for Ria, who quickly summoned her flaming sword. Ginamit niya ito upang putulin ang mga kadenang nakakabit sa mga paa namin.
We felt like breathing new air the moment we stepped outside our prison.
"Anong nangyari sa inyo?" Art asked, referring to the wounds in our bodies. "Kailangan niyo ba ng kapangyarihan ko?"
"You can't heal us here," sabi ko. "They cursed us with one of their songs. As long as we're here in this island, our wounds will never close and new ones will keep opening."
"Hala." Ngumuso si Art. "Grabe naman..."
Mula sa sulok ng aking paningin, nakita ko si Kara na inangat 'yong skirt ng dress niya at may inilabas na dagger mula sa ilalim nito.
I didn't bother to hide my gaze. Nakuha niya ang atensyon ko kaya binigay ko ito sa kanya. Nilingon ko siya, at tinignan ang kabuuan niyang hitsura.
She wore a party dress while barefoot.
They all did, actually.
"Cesia," sambit ni Trev.
"Upstairs," sagot ni Kara.
Nanliit ang aking mga mata. Iniwan nila si Cesia nang mag-isa?
We moved through the corridors and climbed up the narrow stairs. Like the island, the entire palace was made out of corals and rocks, including the stairs.
"Lavenders green..."
A delicate voice singing a familiar melody greeted us when we arrived at the main hall of the castle. Agad kong nakilala kung kaninong boses ang kumakanta.
"Dilly dilly... Lavenders blue..."
Sa gitna ng hall, natagpuan namin si Cesia na nakaupo sa sahig, napapalibutan ng mga sirens na halatang kinahuhumalingan siya.
Now that I think of it, Cesia and the Sirens almost have the same power to lure with their voice, but the Sirens have to sing, while Cesia doesn't have to.
Tahimik kaming dumaan sa likod nga nagkukumpulang sirens at nang makalabas na kami ng palasyo, hinintay namin si Cesia.
"Pinatulog ko sila." Nagmamadali siyang lumabas. "Pero magigising din sila 'pag may ingay kaya tara na."
We stood in between the castle and a cliff, when suddenly, a woman screamed.
"Catch them!" sigaw nito. "Catch the thieves!"
A woman wearing a black cloak climbed up the peak of the hill, together with her men who ran to attack us.
The woman continued to point at us and screamed, "She still has her sword!" Lumakas 'yong boses niya. "You! You have tricked me!"
Nakarinig din kami ng sigaw mula sa loob ng palasyo.
"They're escaping!"
An exhausted sigh escaped from my dried and bloodied lips.
The Sirens.
They're awake.
Cesia's POV
"Sino na naman 'yan?!" tanong ni Chase, tungkol sa babaeng dinuduro kami habang tumatakbo. Inuunahan siya ng mga tauhan niyang may dalang mga sandata.
"Malay ba namin na matutunton niya pala agad kami!" ani Art. "Huhuhu!"
At mula sa kabilang direksyon, sumusugod din ang mga sirens.
Napalunok ako. Wala na akong boses na magagamit dahil naubos ko na ang lakas ng loob ko kakakanta sa kanila. Kung susubukan kong kumanta ulit, sigurado akong manginginig 'yong lalamunan ko.
Umatras ako, hindi alam kung anong gagawin.
"We had a deal daughter of Ares!" sigaw ng witch.
"Ria?!" ani Chase. "Kasalanan mo 'to?!"
"Huwag mo nga akong sisihin!" galit na sigaw ni Ria pabalik sa kanya. "We only did what we did to save your heavy ass!"
At nagsimula na naman silang magbangayan.
"Anong heavy ass pinagsasabi mo?! Kaya naming tumakas dito kahit wala kayo, 'no?!"
"Oh, yeah? If you could, you would have already escaped!"
"Hindi mo ba talaga naisip na kaya kami nagtagal dito kasi nag-eenjoy kami? Ikaw kaya kantahan ng sirens buong gabi?"
"Shut the f*ck up, Chase!"
"Tsaka paano niyo kami maliligtas nito, eh, kayo nga 'tong nagdala ng bagong kalaban-" Sandaling tumahimik si Chase. "T*ngina— 'yoko na! Pinapalala mo lang 'yong pagkahilo ko!"
Napasinghap ako nang biglang sumugod si Art sa mga tauhan ng witch. Nang mag-abot sila sa gitna, huminto si Art, gayundin ang mga kalaban.
"Hala! Ano 'yan?!" sigaw niya sabay turo sa itaas.
Tumingala kaming lahat at sandaling napapikit sa napakaraming sinag ng liwanag na umulan sa mga kalaban. Karamihan sa nakaharap ni Art ay natamaan, at ang mga natirang nakailag ay agad niyang pinadalhan ng mga palasong gawa sa liwanag.
"Boys, you better look for a way to get us out of this mess," naiinis na tugon ni Ria. Bitbit ang nag-aapoy na espada, sumugod siya sa mga sirens at mga tauhan ng witch na nagkaisa. Sumunod din si Kara sa kanya.
"Kung tumalon nalang kaya tayo sa bangin?"
Hindi ko agad nakuha ang sinabi ni Chase dahil isang kutsilyo ang dumaplis sa aking kanang pisngi. Dinaanan lang ako nito, hindi natamaan, ngunit tumagal ang ugong ng blade sa aking tenga pagkatapos akong daplisan nito.
Dahil sa matinis na tunog na ito, nagsimula akong mahilo.
May lason, napagtanto ko. May lason ang bawat sandata ng mga tauhan ng witch.
Luminga-linga ako nang magkahiwa-hiwalay ang aking kapaligiran. Dumami ang mga kalaban, at nang tignan ko ang aking kanang kamay, dumoble ito. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pagtataka kung bakit labinlima ang bilang ko ng aking mga daliri, nang pansinin ko ang repleksyon ko sa tubig malapit sa aking paanan.
Sa sandaling nakita ko ang dumudugong hiwa sa aking pisngi, huminto sa pag-ikot ang aking kapaligiran. Pinunasan ko ito ngunit agad ding napatigil nang makitang pinalala ko lang ang hitsura ko dahil kumalat ang dugo.
Binaba ko ang aking kamay at naiiritang tinignan ang mga lalaking tauhan ng witch.
"Men," matigas kong bigkas na ikinatigil nilang lahat. "Surrender your weapons."
Kusang bumigat ang mga sandata mula sa kanilang mga kamay. Nahulog ang mga ito sa lupa, pabaon sa putik.
"Pick them up!" sigaw ng witch. "I command you!"
Bago pa man masunod ng mga kalaban 'yong utos niya, ginamit ko ang aking bracelet upang hatakin ang mga sandata sa direksyon namin. Dahil dito, tumalsik ang putik sa kinatatayuan ko, at saka ako napatingin sa duming dumikit sa katawan ko.
"Hala..." Narinig kong sabi ni Art. "Ba't niyo dinumihan 'yong damit niya?"
"Dito!" Kumaway-kaway si Chase upang kunin ang atensyon nina Kara, Ria, at Art. "Umalis na tayo!"
"Ha?" Naunang tumakbo si Art patungo sa'min. "Saan? Wala akong nakikitang daan, ah!" Nilagpasan niya ako, at gayundin sina Kara at Ria na sumunod sa kanya.
Samantalang, nanatili akong nakatuon sa mga kalaban. Isang lalaki na nangunguna sa muli nilang pagsugod ang napahaltak ng ulo pagkatapos kong ipalipad pataas ang panang inapakan niya.
Abala sa witch at mga tauhan niya, hindi ko namalayan ang paglapit ng mga sirens. Muntik na akong maabot ng matutulis nilang kuko kung hindi sa isang kamay na humawak sa aking braso.
At tumakbo ako, pataliwas sa direksyon ng palasyo, patungo sa dulo ng bangin, kasama si Trev, na siyang biglang humablot sa'kin at kasalukuya'y hatak-hatak ako palayo sa gulo.
Binitawan lang niya ako nang makarating kami sa dulo, kasama 'yong iba.
"Are we going to jump?!" praning na tanong ni Ria.
Lumitaw si Chase sa likod niya. "Sinong may sabi?" sabi nito sabay buhat sa kanya.
"What the hell are you— Chase! Ibaba mo nga ako!" galit na sigaw ni Ria habang pilit kumakawala.
Hindi siya pinansin ni Chase. Sa halip, isang bahagyang ngiti ang sumilay sa labi nito habang inaayos ang pagkakabuhat sa kanya.
Pilit tinutulak ni Ria ang kanyang sarili mula kay Chase. "Chase!"
"Yo." Namamaalam ang tinging ipinadala ni Chase sa'min. "Una na kami! Bye!"
At bigla siyang naglaho kasama si Ria.
"Cal, pwede bang huwag na tayong tumalon?" Narinig kong tanong ni Art.
Napalingon ako sa kanya at doon ko lang napansin na nakasakay na pala siya sa likuran ni Cal. Saglit kaming sinulyapan ni Cal bago ito tuluyang humakbang papasok sa kadilimang tila kumot kung gumalaw nang takpan sa kanila.
Napaatras ako nang kasunod na yumanig ang lupa dahil sa papalakas na pagtama ng alon sa paanan ng bangin. Tumingin ako sa gawi ni Dio na sinesenyasan si Kara na mauna. Dagliang nanliit ang mga mata ni Kara bago ito tumungo sa dulo at pasimpleng tumalon.
Sumunod si Dio na sinaluduhan pa kami bago humilig pahulog sa bangin.
Pagkatapos, sinalubong ko ang nangungusisang tingin ni Trev sa'kin pero mabilis ding nabaling ang aking atensyon sa mga kalabang papalapit na sa'min.
Umunat ang mga daliri ko sa kanang kamay nang ihanda ko ang suot kong weapon na unti-unting lumiwanag.
"You think you can fight them off?" bulong ng hangin sa'kin, at nang tignan ko ang direksyon kung saan ito galing, nakita kong wala na si Trev.
Mabilis akong luminga sa kabilang direksyon nang mahagip ng aking tenga ang nanunukso niyang tawa na tila sumasabay pa sa simoy ng hangin.
Hindi niya naman ako iiwan, 'no?
Pagkaraan ng ilang sandali, nanlaki ang aking mga mata.
Iniwan niya ako?!
Umatras ako nang umatras, pilit nag-iisip ng gagawin para makatakas, hanggang sa muntik na akong mahulog mula sa dulo ng bangin.
Umaksyon ako na parang gustong patahanin ang mga kalaban. "Teka—" Teka, paano ko nga ba sila papakiusapan? Papatayin na nila ako! "Teka lang!" sigaw ko ilang segundo bago ko namalayang nakatapat na ang aking mukha sa mga bituin.
Isang simoy ng hangin ang biglang tumulak sa'kin.
Bahagyang umawang ang aking bibig upang magpakawala ng nasindak na hininga habang desperado kong sinubukang abutin ang lupa.
Dug dug.
Wala akong narinig maliban sa sarili kong puso na pilit kumakawala mula sa aking dibdib.
Dug dug.
Unti-unting natakpan ng aking buhok ang aking pananaw sa kalangitan, saka ako pumikit. Pinagdaop ko ang aking mga palad sa aking dibdib at taimtim na humiling sa bituin na huli kong nasilayan.
Ayoko pang mamatay.
Humigpit ang pagkakadikit ng aking mga kamay.
Ayoko pa talagang mamatay!
Isang mahinang hikbi ang aking pinakawalan nang maramdaman kong may dumapo sa aking likuran. Pero hindi ito ang malamig na hampas ng tubig o ang sakit ng matatalim na bato.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Malambot ang pagbagsak ko sa bisig niya dahil sa hangin na umalalay sa'kin.
"A-Akala ko..." mahina kong sabi, pero hindi ko natapos, dahil pilit kong tinuon ang aking pag-iisip sa pagpapatahan ng kumakabog na takot sa aking dibdib.
Kumunot ang kanyang noo. "Akala mo?"
Nang tuluyan na akong kumalma, tinulak ko siya sa dibdib. "Huwag mo nga akong takutin ng gano'n!"
Hindi niya ako pinansin. Sa halip, bigla siyang lumunsad mula sa batong pinagpapatungan niya dahilan para mapakapit ako sa kanya.
"Trev naman, eh!" sigaw ko habang lumilipad na kami. "Sabing huwag—"
Naputol ang sasabihin ko nang mahagilap ang ngiting gumuhit sa kanyang labi.
Hindi ko maialis ang tingin ko, lalo na nang mapansin ko kung paano haplusin ng liwanag ng buwan ang kanyang mukha. Dahil sa malamlam na sinag na tumatama rito, naging mas maamo ang kanyang hitsura, mas matingkad, at... mapayapang pagmasdan.
Pinigilan ko ang kamay kong gumalaw nang kaunti, gustong damhin ang nakakapanibagong lambot sa kanyang mukha.
"Stop staring at me like that," tugon niya habang nakatuon sa harapan.
Nginitian ko siya. "Manggulat ba naman!" sagot ko sabay kurot ng kanyang pisngi.
Malambot nga!
"Tsk—" Itinabig niya ang aking kamay gamit ang kanyang ulo. "Do that again and I will seriously lose my grip of you."
Ngumisi ako. "Di mo naman gagawin 'yan, eh..." Kumisap-kisap ako sa kanya. "Akala ko nga iniwan mo'ko do'n—"
Matalim niya akong sinulyapan bago ako bitawan.
"Aaaaah!" Umaalingawngaw kong sigaw habang nahuhulog. "Trev! Patay ka talaga sa'kin! Ipapa-kidnap kita kay Hades pagdating ko sa Underworld!"
Imbes na matakot, nabalot ako sa inis pagkatapos makita ulit ang nang-aasar niyang ngiti.
Mabilis kong itinapat ang aking kanang palad sa kanya, at gamit ang bracelet kong agad lumiwanag, hinatak ko ang damit niya at sabay kaming bumagsak sa dagat.
"Cesia!" Narinig kong sigaw niya nang makaahon ako.
"Ang sama-sama ng ugali mo!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Napamura din ata siya.
Hindi ako sigurado dahil napasukan ng tubig 'yong isang tenga ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top