Unsteady
Cesia's POV
Tinignan ko ang mga kamay namin habang tumatakbo papalayo sa portal.
Ayaw niya talaga akong bitawan.
I felt blood run on my cheeks. Pero nalulungkot pa rin ako. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan pag nagising ang nga titans.
Dahil sa'kin, nasira yung portal.
Nang makasecure na kami ng location na ilang metro lang ang layo sa portal, ay tumigil na kami para tignan ito.
Naputol ang nga sanga nito at isa-isang bumagsak mula sa mga ulap.
May ilang mga gigantes na natamaan. Tas yung iba patuloy pa rin sa pagtatakbo.
Narinig namin ang halakhak ni Hecate.
Naiinis na talaga ako sa babaeng yan.
Pero paano nga ba namin matatalo ang isang goddess?
"Risking it all will be your downfall demigods." Napuno ng mist ang peripheral view namin saka lumabas ang goddess.
Nakangiti siya bitbit ang isang torch.
Nagmukha siyang black lady dahil sa aura niya ngayon.
Kumunot ang noo ko pagkatapos marinig ulit ang boses niya mula sa ibang direksyon.
"Pain and suferring for your deities. The promise of a new era. Give up and you will be our first kings and queens." lumitaw ang pangalawang Hecate. May bitbit pa rin siyang torch.
Narinig namin ang tunog ng mga susi. "or we will offer your decomposed bodies to your Gods." natatawa niyang dugtong.
Nagpakita ang pangatlong Hecate, this time, mga susi na yung dala niya.
Tatlong Hecate?
Hmm. Di na ako magtataka. Ngayon ko lang kasi naalala, siya rin yung Goddess of crossroads.
Nagulat nalang ako sa biglaang pag-atake ni Mayethrusa sa sarili niyang kapatid. Kaya isang segundo lang at nasa lupa na silang dalawa.
Nag anyong ahas ang dalawa at pilit kinakain ang isa't-isa.
Tutulungan ko na sana si Ariethrusa kaso pinigilan ako ng isa sa mga Hecates.
Malamig ang kamay niya sa braso ko at yung mga kuko niya masakit sa balat.
Napangiwi ako nang hinigpitan niya ang kanyang kamay sa braso ko dahilan na maramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula dito.
"Because of you this situation has gotten worse. I will kill you." nanlilisik ang mga mata niya.
Hindi ako nakagalaw.
Dahil sa sinabi niya.
Nakatulala ako sa harap nila. Kahit ramdam na ramdam ko yung masakit na kamay ni Hecate.
Napapikit ako dahil mas diniinan niya ang kanyang mga kuko sa balat ko.
Binigyan nila ako ng nag-aalalang tingin.
Nakahadlang kasi ang dalawa pang Hecate sa pagitan ko at ng Alphas kaya di sila makalapit sa'kin.
"To the underworld with you-" hindi ko narinig ng tuluyan ang sasabihin niya.
Biglang nag-iba ang paligid. Nasa island pa rin ako pero hindi na madilim.
Nagtaka ako saglit nang makita ang babaeng nakasuot ng chiton na naglalakad papalapit sa'kin.
"heavenly..." katulad nung dati, nakaka enchant pa rin yung ngiti niya. May invisible force na humihila sa'kin papunta sa kanya. I guess kahit sino talaga ang mahihila ng aura niya.
Ito ata yung will ko na gustong gusto yung boses niya.
"Hmm... titignan mo lang ba ang magandang mommy mo?" nakapameywang niyang tanong.
"u-umm.." pumunta ako sa kanya. "ano pong ginagawa nyo dito?"
"We were given the permission to come down to claim Hermes' pets. It actually took us a great amount of effort to get his permission." sagot niya.
Nakatitig lamang ako sa mga mata niya na paiba-iba ang kulay. Tila may sariling buhay ang kagandahan niya.
"and I am very much dissapointed in you." bumigat ang pakiramdam ko pagkatapos marinig ang sinabi niya.
"I'm sorry... alam kong dahil sa'kin nagising ang mga titans." yumuko ako. Wala akong karapatang tignan ang isang goddess sa kasalanan ko.
"No." she lifted my chin. "I'm disappointed because you are blaming yourself. This was no one's fault. If anything, this was the rebels' fault. They knew the consequences when they proclaimed war."
Napangiti ako at tumango.
Wala na kaming magagawa kung magigising si Gaia...
Napunta ang mga mata niya sa braso ko at hinipo ito.
Kumunot ang noo niya. "Hecate." bakas sa boses niya ang tinding galit.
Tinignan niya ako ng matagal. "Surrender your body, child. You should not fight a goddess of great power. You are not ready."
Nagtaka ako sa sinabi niya...
Bumalik ako sa realidad. Natagpuan ko na nakaangat at kasalukuyang sinasakal ni Hecate. Pahigpit nang pahigpit ang kanyang kamay.
Di ako makahinga.
"Hecate." nagulat ako sa sinabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Saka ko hinawakan ang kamay niya na nasa leeg ko.
Hindi ko ginawa yun.
Teka. Nalilito na ako sa nangyayari ngayon.
"You belong to the underworld." hindi ako ang nagmamay-ari sa boses na kusang lumalabas sa bibig ko.
"A-aphrodite." binitawan niya ako saka siya napaatras.
Aphrodite? Sino? Ako?
"You are one of them? Easy to guess." nagsalita ulit ako.
Naalala ko ang sinabi ni Aphrodite.
Tama nga ang hinahala ko.
Ang goddess ang may control sa katawan ko at wala na akong ibang choice kundi ang... manood sa susunod na mangyayari.
Ria's POV
WHAT THE HELL IS HAPPENING.
"Aphrodite?" nagtataka kong tanong kay Kara.
Tumango siya. "That is not Cesia." nakasingkit ang mga mata niya.
So it is Aphrodite.
This is the first time I saw her. Well not really dahil kay Cesia pa rin ang katawan na ginagamit niya.
But it is true... ang tungkol sa boses niya.
Narinig namin ang halakhak ni Hecate. "I didn't think I would encounter an Olympian... because I thought you are grounded."
Binigyan lang siya ni Cesia... no wait... ni Aphrodite ng bored look.
"consider yourself lucky... dahil hindi lang isang olympian ang nandito." sagot niya.
It's her voice that makes her so powerful.
Damn. Hindi lang si Hecate ang kinakabahan dito.
Ako rin.
Nakakakilabot ang boses niya and at the same time, nakakamangha.
Her voice sends alarms in my brain. Especially ngayong halata na galit siya.
"Really? so Zeus sent two Olympians for me? I'm flattered."
Dalawa? Dalawang olympians ang andito?
"Oh no love. He's here to claim what is his." sagot ng goddess.
Nawala na ang mist at nakita ko kung sino ang naglalakad papunta sa'min bitbit ang staff niya.
"Ariethrusa. Mayethrusa." tinawag niya ang dalawang ahas.
Ngumiti siya. "come to papa.." tugon niya.
Agad lumapit ang dalawang ahas sa kanya. "that's it... you were made to serve me." mahina niyang bulong. "You were stolen from me..."
Dahan-dahang umakyat ang mga ahas sa staff niya. Pero bago pa sila naging metal, tinanguan kami ni Ariethrusa bilang pasasalamat.
"Finish your business Aphrodite." he then proceeded to fly with his winged sandals.
Well... that was fast.
Napunta ang mga mata namin kay Hecate na nakatulala.
Ewan pero napangiti ako. Ngayon lang ako nakakakita ng goddess na takot.
And it is good to know that they can feel fear too.
"Kneel before your mistress, chthonic goddess" utos ni Aphrodite.
Kung hindi lang sana binanggit ni Aphrodite ang 'chthonic goddess', napaluhod na rin ata kami.
Ganito ba katindi ang kapangyarihan ng isang Olympian?
"No." kumapit si Hecate sa staff niya kaya hindi siya nakaluhod. Nagmukha siyang kuba sa posisyon niya ngayon.
"How dare you not obey my orders!" dahil sa galit na pinakawalan ni Aphrodite, lumindol sa buong isla.
We felt the heavy air around us. I feel like suffocating too.
"I command you to kneel!" nag echo ang boses niya.
Then... lahat kami.
Pati ang mga gigantes.
Bumagsak sa lupa...
and we can't get up.
What the hell.
The monsters started whining while kneeling until the goddess ordered them to shut up.
"This is why you belong to the underworld, Hecate. You do not belong here nor the heavens." nagsalita ang goddess. Pero naging gentle na ang boses niya ngayon.
She stood before another goddess with poise and so much power... to the point na ako yung kinakabahan para kay Hecate.
Ayan ang mapapala niya.
Tinapat ni Aphrodite ang kamay niya kay Hecate.
"What is wrong? Do you not have power?" tanong niya.
Galit na inangat ni Hecate ang ulo niya. "I curse you goddess-"
"silence." tumigil rin siya.
She leaned her head and looked at the goddess. Saka unti-unting lumiwanag ang kanyang kamay.
"I will not kill you for you are a goddess. But I will... punish you." sambit niya.
Kung papatayin nga siya ni Aphrodite, wala ng mist. Isa pa naman sa most fundamental ang mist sa mundong ito. I guess she has a point.
Needed pa rin si Hecate para sa daloy ng mundo.. kahit... kahit malaki yung kasalanan niya.
"Hecate, go back to the underworld and repay for what you have done."
"N-no!" sigaw niya.
Nagbuntong-hininga si Aphrodite. "Hecate, love, a goddess is righteous. Now, look at what you did."
"Tsk. I... I regret nothing." nakangising sagot ni Hecate.
"Then I will make sure you will."
Narinig namin ang hiyaw ni Hecate.
Tinakpan ko ang mga mata ko dahil sa matinding liwanag.
Mayamaya, binalik ko ang tingin ko at nakitang nawala na si Hecate sa posisyon niya.
"stand Alphas." gaya ng sinabi niya, tumayo rin kami.
"I will not return to help you again.. neither will the Gods." pagbibigay-alam niya.
Her eyes turned from fierce to mother-like. Para bang concerned nga siya sa kalagayan namin.
Is she really?
Pumikit siya. "the titans are awakened." saka niya kami isa-isang tinignan.
"You can not help your precious mortals anymore. The ground will be.... the battlefield." naging malungkot ang boses niya.
"your next move is to temporarily protect humanity from the creatures. And stay together, for we will need you when the third prophecy comes." huminto ang mga mata niya kay Art.
A few seconds passed at bumalik na ang dating Cesia. Kinukurap-kurap niya ang mga mata niya. Saka niya sinuri ang kanyang mga kamay at buong katawan.
"Cesiaaaa!!!" niyakap ni Art si Cesia.
"We still need to fight these monsters." ani Kara tas humiwalay sa'min.
Nagbuntong-hininga ako.
Right.
Hinagis ko ang espada sa direksyon ng mga gigantes na papunta sa'min at tumakbo para salubungin sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top