Twin Mistake

Art's POV

Magandang bukas. Magandang buhay!

"Yiieee!!" binuksan ko ang bintana at inenjoy ang sinag ng araw. Syempre, nag store ako ng sunlight para maiwasan ang energy gap.

Nag abot ang kilay ko.

May nakalimutan ata ako...

Pero kinibit-balikat ko nalang ito.

Yun nga siguro... Nakalimutan ko kung ano yung nakalimutan ko.

Anyways, the sun is out so dapat nasa labas na rin ako para mag almusal.

Namiss ko lahat ng details dito sa dorm namin. Pati yung dumi sa sahig namiss ko.

Lumabas na ako ng room. Nakita ko si Ria at Cal sa counter kumakain.

"Goodmorniiinnngg!!!" bati ko sa kanila.

"Kakagising mo lang ba?" nagtatakang tanong ni Ria.

Tumango ako saka tumabi kay Cal.

"Wait... So who's in the clinic with Cesia?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ria.

OH NOOOOOO. Ako nga pala dapat yung magbabantay kay Cesia. Hindi nga dapat ako natulog eh.

Huhuhu. Ang bad bad ko! Nakalimutan ko si Cesia. Hindi ako true friend.

Isa akong traydor...

Isa na akong 'bes'...

"Trev is with her." lumabas si Kara sa kwarto niya. Naka towel pa yung buhok niya.

Ayy.. Hehehe nandoon naman pala si Trev eh. Safe na safe pala si Cesia.

Susubo na sana ako sa katakam-takam na pagkain nang inutusan ako ni Ria na gisingin yung dalawa na natutulog pa sa kwarto ni Cesia.

Hmp.

Padabog akong pumunta sa kwarto at nakita ang dalawang magkapatid na himbing na natutulog. Ang cute nilang tignan kasi nakacuddle position sila.

"Hss..." narinig kong reklamo ni Caisy.

"Gising na daw huuuy!!" tumatalon-talon ako sa kama nila. Pero tumigil naman ako dahil sa tunog ng spring. Naku naku. Patay ako nito ni Cesia pag nasira yung bed niya.

"Tererereeennn.. Caisy... Daisy... Waakke uppp ~~Lallaalaaaa!!!" tinapat ko ang bibig ko sa tenga ni Caisy.

Unang bumangon si Daisy. Kinusot-kusot niya ang mata niya.

"anong oras na ho ba?" tanong niya.

Omooo!! Ang cute cute niyang tignan. Gusto ko siya pakainin ng maraming ice cream para mas magiging chubby yung cheeks niya.

Omg. Nice idea.

Tumayo ako at pinagpag ang skirt ko.

"oras na para kumain tas maligo dahil susunduin na kayo ni Hermes mamaya." sagot ko.

"Really?"

"Totoo?"

Sabik na sabik pa yung dalawa.

"Mmhmm.." tumango ako.

Isang woosh ng hangin lang ang iniwan nila sa harap ko.

Tsk tsk. Ang salbahes talaga ng mga batang 'to. Hindi man lang sila nag thank you na ginising ko sila.

Pagkatapos ayusin ang higaan, lumabas na ako para kainin ANG ALMUSAL KONG HINANDA KO PARA SA SARILI KO PERO KINAKAIN NA NGAYON NI CAISY.

"Hoy hoy hoy... Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" kinalabit ko siya.

Dineadma lang ako ni Caisy tas pinagpatuloy ang pag kain sa almusal ko.

Huhuhu. Bata palang ang maldita na.

Binalewala ko nalang ang kasalanan niya. Malaki rin naman ang utang na loob namin sa kanila dahil tinulungan nila si Cesia.

Kumuha nalang ako ng sandwich at umupo SA UPUANG KATABI NI CAL NA NGAYO'Y INUUPUAN NA NI DAISY.

Kinaaaliwan pa talaga ni Cal si Daisy ah.

Okay na sana yung almusal ko eh kunin nila. Pero yung main course ko ninakaw rin.

"Where are you going?" narinig kong tanong niya.

"Sa kwarto. May meeting kami nila blossom.." Kung paano ka patayin dahil ang landi-landi mo.

"Should I go with you?"

Umiling ako. "Wag na. Kitang-kita ko namang nag eenjoy ka jan."

Napansin ko si Ria na nagpipigil ng tawa.
"Mas mag eenjoy daw si Cal pag ikaw kasama niya... Sa kwarto..."


Huh?


"Eat with us.." aya ni Kara.

Tinignan ko ang sandwich ko tas umiling na naman. Tinalikuran ko sila at dumiretso na sa kwarto ko.

Tahimik lang ako hanggang hapon nang handa na kaming isauli ang kambal kay Hermes.

"These are not mine." ani Hermes pagdating sa harap namin.

"Ano?" inis na tanong ni Ria.

Umiling si Hermes. "These snakes aren't mine." pasimple niyang sagot.

Nagtinginan kami. Pero hindi ko tinignan si Cal. Kasi nga, nagtatamputampuhan ako sa kanya. Sira na ang araw ko dahil sa kanya simula umaga.

Makakain nga ng ice cream mamaya!

Sanay naman akong mag-isa eh...

"Father. Pinahanap mo sila sa zoo. Ayan. Sila ang nahanap namin. Puta- nag aagaw buhay na nga si Cesia ngayon. Tas nagkamali pa kami ng ahas?!" tumaas bigla ang boses ni Chase.
Siniko siya ni Dio para ipaalala na isang God parin ang kausap niya. Isang major God.

Pero close sila ng ama niya eh kaya. Meh.

"I don't know whose-" naputol ang pagsasalita ni Hermes dahil may usok na lumabas sa likod niya.

"Mine." lumindol sa buong room dahil sa nakakabinging pamilyar na boses.

Ha. WAAAAAAHH! Wait. Alam ko ang boses na'to. Idol ko'to eh!!

At di nga ako nagkamali.

Naglakad siya papalapit sa kambal.

"Iris? Where did you come from? When did you arrive? What the hell are you doing here and most importantly, what are you wearing?!" inulanan ni Hermes si Iris ng nga tanong.

"Hermes." ika niya at nang snob. "I came from Boracay. Just arrived. I'm here to claim what's mine and yes, I am wearing a bikini I just bought. I WAS ON VACATION REMEMBER?!" nakapameywang siya.

Para siyang miss universe sa pose niya ngayon. Glittery mint green ang kulay ng bikini niya tas naka white heels pa siya.

Nakita kong sinapak ni Ria si Chase kaya di ko maiwasang ngumiti.

Ahihihi. Ang kyot kaya nilang tignan. Nakaka heart heart.

Isa-isa kaming tinignan ni Iris. "Listen. The caduceus I'm holding right now is fake. I had to fake it so that other deities can't sense my powers weakening."

Hinead to toe niya si Hermes. "You heard me right. That's why I took the time to relax because I was using my goddamn powers the whole time. It was tiresome. Wala akong caduceus na kakapitan ng kakayahan."

Bumalik ang mga mata niya sa'min na naghihintay na ipagpatuloy ang sinabi niya.

"I was searching too. That's when someone told me na isang grupo ng weirdong teenagers ang kumuha sa kanila. And that is why... I'm here." hinipo niya ang pisngi ni Caisy.

Nag hiss si Caisy bilang sagot.

Ilang segundo lang ang kinailangan ng dalawa para mag anyong ahas. Inikutan nila ang dulo ng staff bago sila naging metal. Nagulat si Iris saglit nang bumigat bigla yung staff pero kinibit-balikat lang niya ito pagkatapos.

"I will be looking for the reasons why both our staffs were stolen. Good luck for your search." nawala agad siya sa harap namin. Ginulat na naman niya kami dahil bumalik siya.

"Where is Aphrodite's daughter?" nag-aalalang tanong niya.

"Still unconscious. Why?"

Hindi sinagot ni Iris ang tanong niya. "I need to talk to her... Her mom wishes to send her something. But she is not here so... ~taa taa!!"

Naglaho na siya. Akala ko nga babalik siya eh kasi gustong-gusto ko talaga siya. Sana siya nalang yung mommy koooo!!

'Hihihi... Joke lang pa... Kung narinig mo man yon.. Peace...'

"But what you said... They describe the twins perfectly..." puna ni Dio.

Hmm... Ano nga bang pinagkakaiba nila?

Matagal na nag-isip si Hermes.

"They don't have names-" hindi pa tapos magsalita si Hermes nang nag-appear ulit si Iris.

Sasalubungin niya sana si Iris ng kamao pero mukhang alam ni Iris ang mangyayari kaya nag appear siya sa tabi ko. Smoke lang ang lumabas sa harap ni Hermes.

"You know... I have heard that your snakes are back in Arcady. You might find them under a fight like you did. Palagi pa naman silang nag-aaway. Tsk." nawala siya sa tabi ko.

Tumango ako. Oo nga. Baka ang staff lang ni Hermes ang makakaunite ulit sa dalawa.

"Ah.. I forgot..." napahawak si Hermes sa ulo niya. "The snakes are different when separated. Only when they are together, their skin turns silver. Katulad ng mga alaga ni Iris. Magkasama sila palagi at ayaw nilang mahiwalay sa isa't-isa."

"So ano nga? Para matapos na natin 'to!" sabik na sabi ni Chase.

Huhuhuhu. Babalik na naman kami sa simula sa paghahanap.

Ayoko naaaa! Pagod na pagod na ako. Huhuhu.

Gusto ko mag spa.

"Mahirap ipagtagpo ang dalawa. They are both adults unlike Caisy and Daisy. They have both distinct personalities. They have different abilities and color. Every inch of them is opposite to the other." kahit anong explain ni Hermes, wala akong naririnig kundi "blah blah blah. Dapat hanapin niyo ulit sila."

HUHUHUHU HALP.

"What do they look like?" halata sa boses ni Kara ang pagkadismaya.

"One has the ability to control ice. And the other, fire." sagot ni Hermes.

"RED AND BLUE?!" napasigaw si Ria.

Tumango si Hermes.

"ARE YOU FUCKING SERIOUS." napamura si Dio.

Mukhang hindi pala kami babalik sa running start.

Magkapareho lang naman kasi yung misyon na binigay sa'min eh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top