True Self

Jamie's POV

Hindi ko nasalo ang hinagis na unan nung Heather.

Nasa camp kami nila.

Nagdidistribute lang siya ng mga kakailanganin namin dito sa tent. Dito muna kami hangga't 'safe to roam' na daw yung syudad. Lalo na't mga 'kalahi' daw namin ngayon ay 'main target' ng mga 'daemons'.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong alam sa sinabi niya kanina eh.

Sumama lang kami kasi alam niya yung kababalaghang nangyayari sa'min.

May ibang terms pa siyang ginamit na hindi ko gaanong naintindihan.

Hello. Bago pa ako sa ganito. Isa lang po akong ordinaryong babae noon.

"Jamie. Come here..." tinawag ako ni Heather.

Binaba ko ang bag at kumot na dala-dala ko saka pumunta sa kanya.

"Your mom... I have sent some of my girls to take care care of her so you really don't have much to worry..." kakaiba ang tono ng boses niya kaya nahalata kong may tinatago siya mula sa'kin.

"Bakit? Anong meron kay mama?" tanong ko.

Nagbuntong-hininga muna siya bago sumagot. "When you told me she has been asleep for a long time, I was curious. I examined her and saw a lot of mist inside her."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"She's under an enchantment... but that's just a guess.." sagot niya.

Hindi niya ako hinintay na mag react sa balita niya. Iniwan niya lang akong tulala.

WATDAPAK.

Akala ko na comatose lang yung nanay ko tas ngayon? May kung anong abracadabra ang nasa katawan niya.

Kaya pala antagal niyang magising...

Ba't nga naman di ko napansin yun... Tsk. Ang tanga ko talaga...

"Hey? You okay?" nabalik ang atensyon ko kay Sebastian na tinapik ang balikat ko.

Tumango ako. "Mukhang okay lang naman ako..." nginitian ko siya.

"You want to talk?" alok niya saka hinawakan ang kamay ko.

Binitawan ko agad siya at nagtitingin-tingin sa labas. "Si Arah..." iniba ko ang topic para makaiwas ng drama.

Pero hinawakan niya ang pisngi ko dahilan na humarap ako sa kanya.

"You're confused right now.. But we'll go through it all together, right?"

Kahit kailan hindi talaga ako marunong magtago ng feelings. Syempre obvious na obvious na may problema ako. Hindi kasi ako magaling magpanggap. Hindi ako best actress no. Sadyang mabunganga lang talaga ako. Kung anong nararamdaman ko, nilalabas ko.

Ngumiti ulit ako saka binaba ang kamay niya. Kahit gusto ko yung feeling ng ginawa niya.

Wag ka munang lumandi ngayon Jamie.

Kakaalam mo lang na na abracadabra yung nanay mo.

"Wag kang OA. Baliw. Syempre magkasama tayo. Maliban nalang kung magpapakamatay ka. Mag solo ka kung ganun." tinaasan ko siya ng kilay.

Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napangiti ulit ako habang nakatingin sa kanya.

"Yeah.. If I die, I'll make sure to bring you with me. I'd ask them to bury you alive beside my grave. Death can't part us either." puna niya.

"Sweet na sana eh! Walangya! Hahaha" sinuntok-suntok ko siya.

"Am I interrupting something?" napatigil kaming dalawa dahil sa boses.

Lumingon ako at nakita ang isa sa mga kasamahan ni Heather na may dalang spear.

Tinanong ko kay Heather kung amazona ba sila, hindi naman daw. Nakalimutan ko tuloy yung tawag sa kanila.

Pero ang cool nilang tignan infairness. Feel na feel ko ang girl power sa camp na'to.

"Demigods?" isa-isa niya kaming tinignan.

Kinuha ni Sebastian ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

Potek. HINDI NIYA BA ALAM NA KINIKILIG AKO tuwing ginagawa niya yan.

Enebeeee. Asdfghjkl. Sige Sebastian wag na wag kang bumitaw. HHWW tayo kumbaga.

It's us against the world. Charot.

"Should we start your lecture? I'm not a good history teacher pero alam ko ang sinasabi ko. I'll try my best to be understandable." saad niya at unang tumungo papalabas ng tent.

Sumunod kaming dalawa.

Tinignan ko si Sebastian na straight look lang ang pinapakita sa lahat. Walang bakas ng takot, kaba kahit curiousity man lang.

Katulad niya, sinubukan ko ring wag pansinin ang mga titig na natatanggap ko mula sa karamihan ng tao na nasasalubong namin.

Para kaming mga bagong bilanggo sa bilangguhan.

Hindi naman siguro kami i-bubully diba?

Pinapasok kami ng babae sa loob ng madilim na tent. Sapat na yung liwanag sa labas para maaninag ang dalawang upuan na nasa loob.

Umupo kaming dalawa at nag antay na magsalita ang babae.

"This is a presentation we made for unaware divinities. Fortunately, we get to use it!" excited na sabi niya.

Ngayon ko lang napansin na mas bata pala siya kesa sa'min. Nakakakilabot kasi yung tindig niya. Parang matanda kung umasta.

Lumabas ang isang screen sa harap namin.

"Uso din pala projectors dito?" natatawa kong tanong.

"With our unlimited source of electricity? Yes of course." sagot niya.

Tumango ako. Unlimited source of electricity... May ganun pala... Sige.

Tinuro kasi sa'min sa eskwelahan na may limitations lahat ng energy sources.. Kasama na dito ang kuryente kaya dapat magconserve and/or preserve.

Magtatanong na sana ako kaso umilaw na yung screen, at nagsimula ng magsalita ang babae.

Unang nag appear ang painting ng isang dosenang katao na nakikipaghalubilo sa isa't-isa. Iba-iba rin ang mga suot at dala nila. May halong ancientry yung painting.

Sunod na lumabas ang iba pang mga paintings.

Lahat sila magkaiba ang laman. May babaeng nakaupo sa tabi ng ilog, lalaking naglalaro kasama ang mga bulaklak.

"You know these paintings?" tanong nung babae.

"They all have one thing in common. They're about the greek mythology.." sagot ni Sebastian.

Eh ako? wala lang.

Di ako nakakarelate sa pinag-uusapan nila. Di kaya ako mahilig sa history. Di rin ako interested sa mga ganyan. Dakila akong tamad.

Greek myths... alam kong isa yan sa itinuro sa'min noon.
Pero wala talaga akong kaalaman tungkol diyan since wala naman akong naalala na lesson namin ni isa. Hehehe.

Bumaba ang mata ko sa mga kamay namin at napangiti. Wala talaga siyang planong bitawan ako.

The whole time, nakikinig lang ako sa lecture habang sinusuri ng maigi ang bawat picture na nilalahad ng projector.

Ngayon ko lang napagtanto na nakaka interes din yung mga ganitong topic. Lalo na't kung katabi mo isang gwapo. Kaholding hands pa.

"I cannot tell you all the stories. There are a lot of them. I just want to let you know the basics." sabi niya patuloy pa rin ang pag s-scroll ng maraming portraits, pictures at paintings.

May mga drawings akong nakita na hindi ko gaanong naintindihan.

May half kabayo at half tao.

May mga lumilipad na lions. Yung tipong sa libro at internet mo lang makikita.

"Last but never the least, the olympians... the major deities living at the top of Mt. Olympus." puna niya. Bumalik yung pinakaunang painting na nakita ko.

Marami siyang sinabi sa'min tungkol sa katangian ng mga diyos at diyosa na nakatira sa bundok. Iniisa-isa pa nga niya lahat ng deities eh.

"What's with them?" naiintrigang tanong ni Sebastian. "Actually, what are all of these?"

Napatigil yung babae a moment bago magsalita ulit. "Maybe you tried to search for your history.. your family background.. but failed." naglakad siya papunta sa harap namin. 

"well here's the answer."

Nagtinginan kami ni Sebastian.


"this is who you are."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top