Traumatized

Jamie's POV

Ilang katok ang naririnig ko pero di ko pa rin ito kayang buksan.

"Ate!! Punta na'ko school... Byers! I love you ate! Sana alam mo yan! Ihahatid ako ni Kuya Sebastian! Take care! Kain ka na! Andito lang ako. Call me when you need meeee!!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto.

Napaurong ako matapos marinig ang sinabi ni Arah.

Mas nagiging sweet siya ever since nilolock ko na yung sarili ko sa kwarto.

Ilang araw na ata ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakapagmove-on.

Ang bilis lang ng nangyari at wala akong nahahanap na explanation.

Ano ba talaga ang mga 'yon? Sino yung babaeng tumulong sa'kin... Yung tatlo pa nyang kasama?

Tinignan ko ang sungkod ng yumaong tatay.

Most importantly... ANO BA TALAGA 'YAN?!

Grabe. Nababaliw na ako dito.
Nagiging isang golden palakol ang sungkod ni tatay. Hinahabol pa ako ng mga multo.

Kumuha ako ng unan at pinatong ito sa mukha ko.

Traumatized na nga ako dito eh! Nakakainis na!

Ilang minuto ang lumipas, nakarinig na naman ako ng katok sa pinto.

Hindi na ako nag-abalang tumayo at buksan ito. Alam ko naman kung sino ang nasa labas.

"Jamie? I left the food on the table. May aasikasuhin lang ako sa ospital." sambit niya.

Pinikit ko ang mga mata ko tas huminga ng malalim.

Nag-antay muna ako ng ilang minuto bago tumayo para masiguradong wala na ngang tao maliban nalang sa'kin.

Paglabas ko palang, naramdaman ko ang isang kamay na humatak sa'kin. Saka niya ako itinulak sa pader at ibinihag sa pwesto gamit ang muscular arms niya.

"S-sebastian!" di ko kinaya ang mga titig niya kaya napatingin ako sa painting na katabi lang namin.

Anyare at feel nya atang mag remake ng classic scene mula sa KDramas?!

"H-hindi ka ba titigil jan?!" mas lumapit ang mukha niya as if sinusuri ang buong pagkatao ko.

Akala ko ba may aasikasuhin pa siya sa ospital?!

Ewan pero bigla akong kinabahan. Di kaya all this time...

"RAPIST!" sinampal ko siya.

Kumunot ang noo niya saka hinipo ang pisngi na ngayo'y pulang-pula na dahil sa lakas ng pagkasampal ko.

Pati nga ako nagulat sa ginawa ko.

"Im sorry..." Mukhang nagalit ata siya sa ginawa ko. "Eh kasalanan mo rin naman yun eh! Tas nabigla lang ako!"

Totoo namang nag panic ako sa ginawa niya.

"Rapist? Are you serious?! I was just checking your face. Your eyes have gone darker and your skin paler." narinig kong sabi niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Ows. Yun pala intensyon niya.

Sayang naman.

Inirapan ko siya at dumiretso sa kusina kung saan may naghihintayng fresh milk at cereal.

"Ganyan na nga hitsura mo. Di ka pa kumakain ng maayos. Tch." kinuha niya ang bowl na may cereal sa loob.

"Sebastian! Ibalik mo yan!" utos ko sa kanya.

Balak ko sanang kunin mula sa kanya yung bowl pero kasi, pagod ata ang katawan ko. Di kaya ng sistema ko kahit ilang stretches lang.

Pumunta ako sa sofa at doon humiga.

Pinatong ni Sebastian ang isang kamay niya sa noo ko saka dinamdam ito.

"You're hot..." narinig kong bulong niya.

"Thank you.." sagot ko at tuluyan na ngang napapikit.

•••

Nagising ako sa beep ng thermometer.

Haaaayy!

Ang sarap ng tulog ko grabe.

Nag stretch muna ako bago hinila ang kumot at bumalik ulit sa napakakomportableng posisyon ko kani-kanina lang.

"Donnie! Gimme that!"

Donnie? Ba't ang ingay. Tsk.

"Leo should buy another one!"

Naririnig ko ang mga napakapamilyar na boses galing sa naka ON na TV sa harap ko.

Napagtanto kong di na nga ako makakatulog dahil sa ingay kaya binuksan ko na rin ang mata ko.

Bumungad sa'kin ang apat na mga pagong na nakamask dala-dala ang mga sandata nila, nag aagawan ng pizza.

Nang biglang tumunog yung tiyan ko.

"Watdapak. Anong oras na?" dali-dali akong bumangon dahilan na mahilo ako. May nahulog rin na basang towel mula sa noo ko kaya pinulot ko ito at nilagay sa mesa.

"Kailangan ko pang mag grocery..." tumayo ako at inayos ang kumot na may mukha rin ng apat na mga ninjang pagong.

"I'll come with. wala naman akong gagawin. And you're still sick..." nilingon ko siya na umiinom ng kape sa harap ng laptop niya.

Naka polo siya. Nakasabit rin ang coat niya sa mesa. Galing pa ata sa ospital.

Tumango ako. Kakailanganin ko ang biceps niya para sa grocery bags.

At para na rin may inspirasyon ako. Hihihihi.

Pagkatapos magbihis, di na ako nagbigay effort ayusin ang mukha at buhok ko.

Wala naman talaga akong pakialam since nakatatak na sa isipan ko na panget ako. Mabuti pa't hayaan nalang ang pimple residents sa mukha ko.

Pakyu Pimples. Nakikitira na nga kayo sa mukha ko, di naman nagbabayad ng renta! Mula ngayon magtatatag na ako ng RH Bill!

Sabay na kaming lumabas sa building at dumiretso sa sasakyan niya.

"Arah is at her friend's house. May project daw sila." sambit niya bago in-unlock ang pinto.

"Tsk. Batang-bata pa nagtatambay na sa ibang bahay. May group project pang nalalaman." sumimangot ang mukha ko pagkaupo ko pa lang sa loob.

Hindi na nga safe yung school nila. Kung saan-saan ba naman gumagala 'tong kapatid ko.

Tahimik lang kami habang nasa daan.
Malalim ata iniisip ni Sebastian at nakafocus siya masyado sa pagmamaneho.

"Are you sure you can go? I can buy the groceries all by myself. You can wait here." finally, nagsalita na rin siya.

Akala ko pa naman iniisip niya yung sampal ko kanina.

Wolo tologo. Di ko sinasadya yun huhuhu pramis.

Pero buti nalang at nakalimutan niya agad yun! Dapat di mo siya inaaway Jamie.
EH NAKATIRA KAYO SA BAHAY NYA MALAMANG. NAKAKALIBRE KA NA NGA NG KURYENTE'T TUBIG.

Tas sino nga ba ako para gasgasan ang gwapong mukha niya?

Eng kepel nemen ng mekhe ke peg genenen ke sye.

"Nope. Okay lang ako..." sagot ko.

~~~Ggggrrrrrrr

Pero yung tyan ko di okay!

Sa wakas, narating na rin namin ang mall. May bibilhin lang daw siya sa Toy Kingdom kaya tumungo ako mag-isa sa supermarket.

Saglit lang naman akong mag grocery. Pagkatapos, dumiretso na rin ako sa Toy Kingdom.

Tatawagin ko na sana si Sebastian nang nakita kong may kausap siyang babae kaya nagtago nalang ako sa likod ng pinakamalapit na stall.

"Eh kasi nabili ko na lahat ng limited edition na stickers pero ngayon ko lang ata nakita tong collection ni mojojo na may glitters!" nagtatalon-talon ang babae na parang bata.

"Really? Here... I'll buy them for you..." nakangiti si Sebastian. Kesyo di ko makita ang hitsura ng babae kasi nakatalikod siya.

Tumili yung babae bago pumili ng stickers. Actually, lahat ata ng nakadisplay, kinuha niya.

Sinundan ko sila hanggang sa cashier desk.

At doon ko nakita ng maayos ang mukha ng babae.

Tumalikod na ako't nagmadaling naglakad papunta sa parking lot ng mall nang biglang nag ring yung phone ko.

Magkakilala sila?!

"Jamie? Where are you? Akala ko ba kakain pa tayo?" boses ni Sebastian ang nasa kabilang linya.

"Wag na. Bumalik ata yung lagnat ko. Uuna na ako. Sasakay nalang ako ng jeep. Ikaw nang kumuha kay Arah." pinindot ko na ang end call saka napabuntong-hininga.

Buti nalang at sa phone kami nag-uusap.

Kanina pa kasi ako nanginginig. Idagdag niyo pa ang migraine kong umaandar na naman.

Pero yung babaeng kausap niya kanina...

Isa siya sa nagligtas sa'kin.

Naalala ko na naman ang nangyari sa araw na 'yon.

shet. shet. shet.

WATDAEP JAMIE. MAGHUNOS-DILI KA!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top