Training III
Jamie's POV
Ang busy ngayon ng iba kaya nagpadesisyunan kong gamitin ang oras para mag training.
Kinibit balikat ko nalang ang nangyari sa mga nagdaang araw. Alam ko namang seryoso yun eh pero wala talaga kaming magawa kundi maghintay kung kailan kami pwedeng pumunta sa council.
Ayon kay Kara, yung council daw ay parang kulto. De. Joke lang.
Isang group of Oracles na pinili ng mga Olympians para gabayan ang mga mortals.
Dahil sa kanila, nananatiling tahimik at mapayapa ang pamumuhay ng mga demigods at descendants ng Gods.
Lahat sila ay bulag pero ika nga, never underestimate them. Kaya nga nilang makita yung future mo eh. Actually, sinadya nilang bulagin ang mga sarili nila since they thought that the eyes only bring temptations.
Saka naniniwala rin sila na nakakatulong yung pagiging bulag nila sa prophetic churva nila.
Meh.
Ang nakakuha lang naman talaga ng atensyon ko ang namatay na oracle. Hindi siya miyembro pero isa siya sa mga tinitingala ng council.
Siya lang ang oracle na may kakayahang itranslate ang mga salita ng mga supreme beings.
Hindi lang yan.
May kapangyarihan rin siya. Kaya niyang icontrol ang galaw ng liwanag. Para siyang light bender ganun. Sa kanya rin nanggaling ang enerhiya ng Elysium.
At ngayong wala na siya, hindi namin maiimagine ang gulo sa Elysium ngayon. Wala na ang liwanag nila.
Pati kami dito naapektohan rin.
"Hey... should we go now?" nagising ako mula sa malalim na pag-iisip.
Tumango ako at sinundan si Sebastian papunta sa training room. Siya ang makakasama ko sa ngayon since occupied nga yung iba.
Tas gusto naman niya eh. Gusto niya raw akong makita na lumalakas. Kahit gawin ko daw siyang punching bag okay lang as long as nakakatulong yun para sa enhancement ng abilities ko.
Ang sweet diba?
Pero wala pa rin. Kung sabi niya pwede ko siyang gawing punching bag edi gagawin ko.
Di dahil para sa 'enhancement' ng abilities ko kundi trip ko lang. Wahahaha. Sa wakas. Makakaramdam na ako ng totoong tagumpay!
"Why are you giving me that evil grin?" tumigil siya sa gitna ng room.
"Wala." umiling ako. "May sinabi ka kasi na naalala ko... mehehehe."
Tumaas ang isang kilay niya. "Hmm.. yun bang punching bag?"
"pano mo nalaman?"
Ngumiti siya. "Tsk. I saw how you smiled when I said that part. Seriously Jamie?"
Tumango ako. "Yes Sebby. Panindigan mo ang sinabi mo." nasa kamay ko na ang labrys ko.
Hehehe. Alam ko na mga tactics niyo simula nung araw na durog yung katawan ko dahil kay Dio.
Panay na ang pag t-training ko.
Ez lang 'to.
Humiyaw ako at tumakbo sa kanya. Wala siyang dalang weapon pero nagawa niyang isangga ang braso niya sa handle. Hindi sa blade. Baka mahati yung kamay niya duh.
Nagdalawang-isip ako kung itutuloy ka ba itong training namin kasi ayaw kong may mangyari sa kanya.
Sa biceps niya.
Hays. Nasugatan ko kasi ng konti.
Na caught off-guard ako kaya ilang segundo lang, naghahalikan na kami ng sahig.
Tumayo ako at napahawak sa pisngi ko na may pasa na.
Putcha.
Napasigaw ako nang tinulak niya ako mula sa likod. Destination ko na talaga ang sahig.
Tangina. Double Hit.
Eh syempre ayokong maka triple hit yung gago kaya pagbalik niya sa harap ginamit ko na yung labrys para gapusin siya.
Hmmm.. kala mo ano? Wahahaha!
Nanlaki ang mga mata ko nang nawala siya bigla.
"Jamie." bulong niya dahilan na mapatalon ako.
Tinignan ko siya. "P-pano mo nagawa yun?"
"Mmm.." hinila niya ako papalapit sa kanya. "Why don't you try to find out."
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Tangina Jamie. Pumunta ka dito para mag training! Tanga ka ba?
Napalunok ako dahil ilang inches lang ang layo ng mga mata namin.
Siguro nga tanga ako.
"should we leave?" nakarinig kami ng boses.
Agad akong lumayo kay Sebastian para tignan kung kanino nanggaling yung boses.
"shh! Trev naman eh! sabi ko wag kang maingay!" tinulak-tulak ni Cesia yung kasama niya saka nag peace sign.
"You know. Papalabas na rin naman kami eh. Ayaw namin kayong madistorbo. Diba Trev?" sinamaan niya ng tingin si Trev kaya napangiti ako.
Si Cesia lang talaga ang may kakayahan na ganyanin ang leader ng Alphas.
"Mag t-training rin kayo?" tanong ko.
Tumango si Cesia kaya inaya ko nalang na sabay kaming apat. Mas mabuti na nga pag ganito para di na maulit yung nangyari kanina. Jusme. Ang dali ko talagang madistract.
Kasi naman itong si Sebastian kung anu-ano lang trip ng hinayupak na'to. Tsk.
Pinilit ko sila kaya wala na silang nagawa.
"So ano ba'to? Girls versus Boys?" tanong ni Cesia.
Hmmm...
Sinikad ko siya mula sa likod. "Us versus the both of you." nakangiti kong sagot.
Tinulungan siya ni Trev na makatayo.
Curious lang ako sa susunod na mangyayari. Hindi ko pa kasi nakita silang dalawa na magkasama.
Saka.
Bagay na bagay kasi silang dalawa eh. Hehehe. Syempre supportive ako na kaibigan.
"Ah..." binigyan ako ng ngiti ni Cesia. "Ganun pala." tinaas niya ang kamay niya.
Nagtaka ako saglit saka nagulat nang tumilapon ako. Tumayo kaagad ako at nakita ang lumiliwanag na shield sa harap namin. Inaabsorb nito ang liwanag mula sa bolts ni Trev.
"Hmm. Light and Lightning. Nice." puna ni Sebastian.
"off with the shield Sebastian." agad nawala ang shield nang utusan siya ni Cesia.
Napailing si Sebastian.
"Cesia." nakangiti kong sambit saka hinagis ang labrys ko.
Hmm. Ano pa ba ang kaya niyang gawin?
Napasinghap ako nang makita ang dugo sa shirt niya. Nasugatan ko nga siya.
Puta.
Naguiguilty ako. Tas si Cesia pa. Ang sweet kasi niyang tignan.
Ang fragile.. so sensitive.
Totoo nga yung sinasabi nila na maguiguilty ka talaga ng sobra pag nagawa mong saktan ang isang anak ni Aphrodite.
"Sorryyyyy!!!" nag peace sign ako sa kanya.
Muntik na siyang mawalan ng balanse nang sinubukan niyang hipuin ito. Napailing nalang siya saka tinignan ako.
"Nakatulong nga yung training mo." aniya at nginitian ako.
Mukhang malalim yung hiwa niya.
Gaya ng sabi ni Ria, makapangyarihan nga si Cesia pero andali niyang manghina.
Jusko. Wala talaga akong intensyon na saktan siya ng ganyan.
Napaatras kami nang unti-unting bumuo ang maiitim na ulap sa loob ng training room.
"nice." tumatango-tango si Sebastian kaya siniko ko siya.
Tinignan ko ang lalaking may kapakana na nakasandal sa pader at nakapikit.
Mukhang may galit 'to.
Cesia's POV
Ang sarap sa pakiramdam nang nilagyan na ni Doc ng soothing gel yung sugat ko.
"thank you po." nag bow si Jamie sa kanya.
Grabe. Kanina pa siya nagsosorry sa'kin. Paulit-ulit ko ring sinasabi na okay lang.
"Sorry talalagaaa.." tinignan niya ang sugat ko.
Naghilom rin naman kaagad yung sugat ko. Isang oras pagkatapos ng training. Medyo mahina yung pagrecover kasi may lalim rin yung sugat.
"Nawala na ba yung sayo?" tinignan ko ang braso niya na noo'y puno ng paso.
Tumango siya. "may nilagay rin si Doc na gel pero mukhang wala na nga..."
nginitian niya ako. "saka first-degree burns lang naman yun." binigyan niya ako ng thumbs up.
Eto talagang si Trev. Grabeng will ang nilagay ko sa boses ko para tumigil na siya.
In the first place, di sana ako magkaka injury ngayon kung hindi dahil sa kanya. Eh sabi niya interesado daw siya sa empathy ability ko kaya ayun. Sumang ayon naman ako. Baka kasi may madiscover pa akong bagong ability.
Tumayo na ako. "samahan mo muna si Sebastian. Uuna na ako sa dorm."
Nasa kabilang cubicle kasi si Sebastian. Pareho silang nakatamo ng first-degree burns mula kay Trev.
Hays.
Tumango siya saka na ako nagpaalam at dumiretso sa dorm. Narinig ko nga ang pagtunog ng tiyan ko sa gitna ng hallway kaya binilisan ko ang paglakad.
Binuksan ko na ang pinto nang napahinto ako dahil sa boses ni Art.
"Hinding-hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo." may kausap ba siya?
"at mas lalo nang hindi sila sasama sa'yo. Huwag na huwag mong subukan na kunin sila dahil ako ang makakalaban nyo." galit siya.
Nakaramdam ako ng kaba at takot. Familiar sa'kin ang eerie feeling na ito.
Eto yung...
nasa forest kami ni Dio.
Yung babae.
Nanlaki ang mga mata ko.
Kausap niya yung babae?!
"Kaya ko kayong labanan. Tandaan niyo yan."
"Cesia?" nagulat ako nang biglang nagpakita si Ria.
Agad kong sinara yung pinto.
"R-ria? Sa'n ka galing?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "galing ako sa mall. pupunta sana ako sa clinic tas napadaan ako dito..."
"Great!" hinatak ko siya. "sabay na tayo."
Tumigil ulit ako. Aish. Baka may nangyari kay Art.
"may kukunin lang ako sa dorm. Wait." naglakad ako pabalik.
Pagpasok ko, hindi ko nakita si Art kaya ginamit ko ang ability ko para hanapin siya. Napabuntong-hininga ako pagkatapos marinig ang heartbeats sa kwarto niya.
Nahagip ng mga mata ko ang bukas na glass doors ng veranda at ang maitim na mantsa sa kurtina.
Sinara ko ito gamit ang bracelet bago lumabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top