Throwback

Jamie's POV

"Gods. They're so awesome." napailing ako habang tinitignan si Sebastian na nakaluhod at kinakausap ang mga figurines ng mga pagong ewan ko kung bakit pero pinakapaborito niya.

Ganyan ba talaga yung mga anak ni Apollo? Sabi rin kasi sa'kin ni Cesia na adik daw sa powerpuff girls si Art.

Kunin mo lang lahat wag lang yung PPG collection ni Art.

"So bibilhin mo ba talaga 'yan o hindi?" panlimang tanong ko na sa kanya ito.

Nasa account niya ang kalahati na pera ng kambal niya which is 4 times bigger kumpara sa halaga ng nasa account ko.

Tapos ako pa yung palaging nanlilibre sa kanya.

Gago lang eh no?

Tumayo siya saka umiling "nope. I'll wait for the newest release."

"Puta-" huminga ako ng malalim. "hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kanya.

TANGINA NYA. Isang oras na akong nakatayo dito sa store habang kinakausap niya yung mga laruan dito. Tapos di pala siya bibili?!

Nakakahiyang maging yaya sa isang kalalaking tao.

"We should eat. My treat." nahalata niya atang kanina pa ako naiinis sa kanya.

Mabuti! Akala ko kasi ako na naman yung magbabayad. Sasabog na talaga ako pag ako babayad.

Iiwanan ko na talaga siya dito. Ipapa adopt ko na siya sa kapatid niya.

Pumasok kami sa isang resto na ngayon ko lang napansin. Medyo elegant yung theme nila ah. Tas ang gagara ng dresses ng mga aurai. Kulay maroon rin yung mga pakpak nila.

"I believe I reserved a table for two?" narinig kong sabi niya sa aurai na sumalubong sa'min.

Reserved?

So nakaplano na talaga 'to?

Tumango naman yung aurai at dinala kami sa isang table na may wine sa gitna. Napansin ko rin ang mga mata ng mga estudyante na kasalukuyang kumakain sa resto.

Mahirap umupo pag nakachiton ka kasi nahihila yung tela na nakaipit sa belt. Baka magka waldrobe malfunction ako dito at mahubaran.

Wag naman sana.

"Did Cesia choose that dress too?" bumaba ang mga mata niya sa suot ko na skin tone at may pagka fit. Kaya kung titignan sa malayo, para nga akong nakahubad.

"wag mo'kong tignan ng ganyan Sebastian ah." pagbabanta ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Nilagyan niya ng kaunting wine ang glasses namin.

Di ko na kailangang kumain. Wine lang sapat na. Pa'no ba kasi. Kitang-kita yung abs ng nasa harap ko ngayon. Jusmiyo. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Apollo at sa nanay niya.

Isang malaking biyaya ang nilalang na'to.

"Umm- Jamie? Are you with me? May sakit ka ba?" tanong niya.

"H-ha? Eh wala. Uhh.. kumusta na pala kayo ni Art?" iniba ko ang topic dahil ayaw kong ma cornered.

"nalaman niyang doctor pala ako sa mortal realm so she suggested me to Doc Liv. I agreed to help her with her studies." mukhang proud na proud siya ah.

Napangiti ako habang tinitignan siyang nakangisi rin. Nagsimula na siyang magkuwento.

Dumating na yung pagkain namin pero hindi pa rin siya tapos kaya pinabayaan ko nalang siya.

Eh naaaliw naman talaga ako habang nakikinig sa kanya.

Ang dami na niyang nalaman sa Academy na'to pero ako? nganga pa rin.

Sumubo ako sa pinakamasarap na steak na natikman ko. Babalik talaga ako para rito.

"Are you and the girls doing fine?" tanong niya.

Tumango ako. "oo... okay na okay nga. Mas close na kami ngayon. Tas sabay kaming nag sho-shopping."

Lumapad ang ngiti niya pagkatapos marinig ang sagot ko.

"eh kayo?" binalik ko ang tanong niya.

"We went to a spa for the first time." natatawa niyang sagot.

"May nangyari ba?" tanong ko ulit.

This time, nakatitig lang siya sa'kin. Nagtaka ako saglit kasi natahimik siya bigla.

"I did learn a few things." naging seryoso ang boses niya. "did you know about the war that occurred just a few months ago?"

Kumunot ang noo ko.

War? Eto ba yung tinutukoy ni Cesia na dahilan na napalapit siya sa Academy at sa mga Alphas?

"Hindi." umiling ako.

"There's this traitor who planned to attack the Academy. She was a student of the school. She killed an oracle and sacred animals just to become powerful enough to destroy everything." naging interesado ako sa kuwento niya.

Bagong information 'to para sa'kin.

"Her goal was to become a machine stronger than the Gods." dagdag niya.

Umusog ako ng konti. "may ganun ba?"

"Yes." tumango siya. "Two machines. The Elite Imitator that can imitate godlike energy-based powers and abilities including resurrection and the Seht Imitator. No one knows what it can do...yet."

Woah. Napanganga ako sa sinabi niya. Yung machines pala, pwedeng maging tao.

Hindi ko maiwasang maimagine kung paano ginawa ang dalawang machines na sinasabi ni Sebastian.

"Umm.. may formula ba kung paano gawin yung machines na'yan?" usisa ko.

"Yes. There is. To become elite, you must be somewhat related to Apollo. Then kill a very particular oracle and... some sacred thingies." pagbibigay-alam niya.

"She was a descendant of Apollo so..."

"so posible kang maging elite?" diniretso ko na siya.

Alam ko namang hindi niya gugustuhin maging elite pero kasi curious lang talaga ako. Naalala ko rin yung story ni Pandora.

"yes. and Seht too." kumuha siya ng grapes mula sa salad at kinain ito.

"Seht? paano?" sige lang Jamie. Tanong ka lang ng tanong. Baka mapagkamalan ka ni Sebastian na chismosa. Ma turn-off yan sa'yo.

"While the Alphas were on the verge of death, the traitor actually revealed the formula of the Seht." sumingkit ang mga mata niya.

"you just repeat those steps... but he/she must consume the blood of a god or demigod that has the ability to manipulate anything." bulong niya sa'kin.

Kusang bumigat ang panga ko. Woah.
IDOL KO KUNG SINO MAN ANG GUMAWA NG FORMULAS NA YAN.

Wait. Sino nga ba ang naka discover ng formulas?

"No need to ask, it was your half brother that invented the formulas... for the sole purpose of protecting demigods"

So ginawa ang machines para protektahan ang mga kapwa descendants niya. Okay naman ah.

Napahinto ako sa pag kain.

Half brother. Walang kaduda-duda. Nasa dugo talaga namin ang pagiging inventors.

Astig!

"We're currently studying how the elite transfers a massive amount of energy. Though nahihirapan pa rin kami. Art killed the elite and burned every inch of her at wala silang nakuhang importanteng bagay sa naiwang ashes niya." dahil sa sinabi niya, pumasok sa isipan ko ang kambal niyang medyo childish.

Teka. Ang sabi isa sa abilities ng elite ang mag resurrect? Tas nagawa niyang patayin yung elite?

Hmmm... gaano ba kalakas ang isang anak ni Apollo?

Naalala ko si Sebastian nang niligtas niya ako mula sa gigantes na umatake sa camp dati.

"pwede bang sumali sa research team nyo?" baka sakaling may maitulong ako. Mahilig naman ako sa mga inventions eh. Out of curiousity na rin. Gusto kong tumulong sa kanila.

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Mayamaya, ngumiti lang siya saka tumango.

"we should watch the wrestling match after this." aya niya.

Marami pa sana akong itatanong sa kanya pero 'patience is a virtue.'

"Rinig ko may sasalihan kang sports?"

"Not exactly."

"Eh ano?" may sinabi sa'kin si Dio na sasalihan daw nilang lima. Nag react nga si Art ng saglit.

"We'll be hunting for a boar. Art's lending me one of her weapons... umm... can I?"

Ah. Yan nga yung sinasabi ni Kara.

Yung aksidenteng napatay ni Art yung boar...

"Hmm.." sabi rin ni Cesia na mas okay daw na wala yung mga lalaki para naman magkaroon rin kami ng bonding time sa dorm. "fine... basta mag-ingat ka."

"Yes boss. I will." nag thumbs up siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top