The Quote
Ria's POV
Eleven...
Twelve...
Thirteen...
Binibilang ko lang yung color white na mga bato na nadadaanan namin. Obviously, dahil isang oras na kaming naglalakad and it is driving me crazy.
"are we there yet?" pang limang tanong ko na yan.
I sighed.
Pinadala kami dito sa Island ng mga Gorgons dahil dito daw magaganap ang unang propesiya.
Which is...
Damn!
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang mga prophecies. Nakakalito nga kasi sabi ng council malalaman at malalaman rin namin ang pangalawa at pangatlong prophecy. As long as alam namin yung first. And they say, alam nga namin.
Pero hindi.
Wala pa rin akong ideya.
I shrugged. I guess I would find out the answer when we arrive. Baka may makikita ako-
LIKE THAT HUGE TREE AT THE CENTER OF A BLACK LAKE.
Sa may di kalayuan, isang napakalaking kahoy na abot langit ang nakatayo.
The hell. I can't even see its leaves and branches clearly because of those clouds.
We stopped and stood at the edge pf a cliff kaya kitang-kita ang maitim na tubig at ang kaisa-isang puno sa gitna.
The whole place actually stinks so I backed up a bit. I tried to steady myself when I saw the pile of human bones.
"We have to camp here. This is the best view we got so far." umupo si Kara at binuksan ang bag niya. Nilabas niya ang kanyang mga kagamitan samantalang ako, nakatingin pa rin sa baba.
So far, wala akong nakikitang mga nilalang. The only thing that got my attention was the roots. They're all glowing.
"Cesia? Can you hear any heartbeats?" tanong ni Kara.
Pumikit saglit si Cesia saka tinignan kami. "So far wala maliban sa'tin."
Nag set up na kami ng camp sa pwesto namin. It's already late in the afternoon too kaya napagdesisyunan naming magpahinga since wala pa kaming nararamdaman na kakaiba.
"So... mind telling me about the first prophecy?" I emphasized the last two words.
"We were already given the first prophecy Ria. We just didn't know it was it." sagot ni Kara.
Kumunot ang noo ko.
And then it hit me.
"No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to hell... is that it?" tanong ko.
Then that means that tree is connected with the underworld and the heavens.
Tinanguan niya ako.
But still, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas ng gabi. Sinabihan lang kami ng oracles kung saan at kailan magaganap ang propesiya.
Pumasok sa isipan ko si Theosese.
Who is he really.
Nakarinig kami ng pagsabog kaya sabay-sabay kaming napatayo para tignan ang kahoy sa gitna ng island.
Noong una, yung mga ugat lang ang nagliliwanag, ngayon, yung buong puno na. May ilang streaks of green and violet lights akong nakikita na nakapaligid sa kahoy.
A barrier?
Bumalik kami sa pwesto namin. Nagsimula na ring gumawa ng bonfire yung boys.
"Asan si Art?" Bakas sa boses ni Cesia ang pag-aalala kay Art.
"sleeping." maikling sagot ni Kara.
"Already?" dagdag ko.
She just looked at me. Oo nga. Bakit pa nga ba ako magtataka. The past few weeks, I have been used to her absence everytime magkasama kami.
"she said she needed to rest." she added.
Tumango ako then proceeded to sit beside Cesia by the fire. Surprisingly, nakatulala siya sa apoy kaya di ko maiwasang ma curious sa iniisip niya.
"What are you thinking?" I asked.
Pero wala akong natamong sagot mula sa kanya.
"Hey... may problema ba?" this time, I gave her a nudge.
Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti saka umiling.
"Hindi ka okay." I gave her a serious look.
Nagulat siya sa sinabi ko saka yumuko.
"So... what's bothering you?" Umusog ako ng konti sa kanya.
"Art."
I sighed and looked at her sympathetically. Lahat naman siguro kami nag-aalala kay Art. Ang laki kasi ng pinagbago niya. Wala na rin kaming choice kundi hayaan siya. Sinubukan naming kausapin siya, but it seems like iniiwasan niya kami.
"Sadly, wala akong dalang ice cream para pagaanin ang loob mo." umiling ako.
Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napangiti ako.
"It is acceptable to take a break and laugh you know." I rolled my eyes.
"thank you..." bulong niya.
I nodded.
For the past few hours, wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ang prophecies.
"Wala na bang sinabi yung oracle sa'yo nung nahimatay ka Kara?" Jamie asked.
She actually fainted upon encountering the priestess of Apollo. Pag gising niya, sinabi niya sa'min lahat ng nangyari. She even showed us the bruise on her arm.
"Nothing else.." she responded.
"I guess we have to wait until tomorrow night." dagdag ni Dio.
"May dalawang tao sa ilalim natin." biglang nagsalita si Cesia.
"It must be medusa's sisters. They're living in a cave below us." pagbibigay-alam niya.
"Hindi ba nila tayo maaamoy dito?" unlike Medusa, immortal ang mga kapatid niya.
"The mist is thick in this island. Especially if we're this close to that tree. They can't sense us." she added some logs to the fire. "but we still need to guard ourselves."
I agree.
Napalingon ako sa kahoy. So nakakonekta ito sa underworld... at sa heavens.
Nagtataka pa rin ako kung bakit wala pa kaming nabalitaan tungkol sa mga Gods. Ano nga bang klase ng paghahanda ang ginagawa nila ngayon?
Naalala ko tuloy yung last phrase ng libro na:
The Gods went silent...
I rested my head on Cesia's shoulders and locked eyes with the guy in front of me.
Napagtanto kong kanina pa siya nakatitig sa'kin.
Is he concerned?
Anyways, I'm concerned with this whole suicidal mission.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Cesia.
"bakit?" tanong ko.
"Kanina pa kasi kayo nag s-staring contest. Ayaw mo bang makipag-usap sa kanya?" bulong niya sa'kin.
Umayos ako ng upo at tinignan si Cesia.
"Not now." I gave her a smile.
But I still made a deal with Hermes though. Paninindigan ko ang sinabi ko sa ama niya.
Except the part umm... except that part.
I just promised to be with him....
always.
Tumayo na ako saka pinagpag ang jeans ko.
"We should rest already." I suggested na agad naman nilang tinanguan.
Nag volunteer si Cesia na maging nightwatch for the first four hours kaya dumiretso na kami sa mga tents namin. Kasama ko sa tent si Cesia. Sa kabila naman sina Kara, Jamie at Art.
Humiga ako pagkapasok ko palang sa tent. Ginawa ko ring unan yung isang bag ko.
Kinuha ko ang papel na nakalagay sa bulsa ko saka pinatong ito sa dibdib ko habang nakatingala sa taas.
Fortunately, hindi nakatakip ang itaas na bahagi ng tent namin so I got the chance to see the night sky.
My heart was pounding.
Hindi ako makakatulog nito.
Kinakabahan kasi ako. Ewan ko kung bakit.
I tried to close my eyes for a moment trying my best to drift when I heard a song.
"Heart beats fast..."
I smiled.
"Colors and promises... how to be brave."
Ang ganda ng boses niya.
"How can I love when I'm afraid to fall... but watching you stand alone. All of my doubts.."
And I finally let myself get hypnotized by her voice.
I'm so proud of her.
"suddenly goes away somehow.."
I'm proud of all of us.
"One.. step.. closer..."
I took a deep breath.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top