The Olympics
Ria's POV
"So... like..." I said randomly. "what if... a centaur and a mermaid bore a child? What would it look like?" tanong ko kay Doc Liv na nakatayo sa harap.
I asked a lot of nonsense questions out of curiousity. Nagbuntong-hininga lang siya saka ngumiti. "That.. I suppose would create a hybrid."
Hmmm... oo nga... magiging hybrid yung anak nila.
Pero ano kaya hitsura?
Sumingkit ang mga mata ko habang iniimagine ang hitsura ng hybrid na tinutukoy ni Doc.
Will the child have scales? Have horse hinds?
I mean... its possible.
Nagsimula nang ayusin ni Doc ang mga gamit niya sa mesa saka tumunog ang bell signifying the end of our meeting.
Tumayo kaagad ako at pinuntahan si Cesia. Halata namang excited siya kasi balik klase na para sa mga Alphas. No missions... which rarely happens.
"Wala bang nakakapansin these past few days?" lumingon silang lahat sa'kin.
"That the academy is busy?" tanong ni Dio na nakatayo katabi si Chase.
"Ye-" hindi pa nga ako tapos magsalita eh bumanat na ang bakla.
"It's like they're attention are into something else. Pero hindi naman siguro magkakaroon ulit ng digmaan diba?" tinaas niya ang kamay niya emphasizing his point. As if may point yung sinabi niya. Tsk.
"Pero-"
"atleast it wouldn't happen here." sumibat si Trev.
I bit my lip.
Remind me to kill them later.
"We've seen troops too so I guess it has something to do with the academy's alliance. They might have an event that's not on our schedule." dagdag ni Dio.
Napailing ako sa sunod-sunod na sinasabi nila. Sumingkit ang mga mata ko "saan nyo nakuha yan?"
"Spa." Aba. At magkasabay pa talaga silang sumagot.
I heard Cesia's giggle after hearing what they said.
Tsk. Kailan nga ba nila nalaman ang salitang 'spa'? Akala ko nga wala sa dictionary nila yun because they're boys.
Anyways. Nagkibit-balikat nalang ako.
Kung nagustuhan man nila ang pag s-spa, then let them be. Syempre gusto ko ring makita sila na nagrerelax.
They've been stressing more than enough. Kaya deserve nila na i-tamper ang kani-kanilang mga sarili.
Naramdaman ko ang isang kamay na pumatong sa kaliwang balikat ko. "we should go. The students are being summoned." pagbibigay-alam ni Kara.
"where?" nagtataka kong tanong.
Ngayon ko lang ata nalaman yan?
"at the hall.." sagot niya.
I gave her a 'reaaalllyy??' look na tinanguan naman niya.
Papunta palang kami sa hall, eh nahahalata ko na ang excitement mula sa groups of students na kasabay namin ngayon.
Di ko tuloy maiwasang manghula kung ano ang announcement nila.
It finally hit me nang narinig ko ang salitang 'games'.
Napatigil ako.
"oh shit." I cursed under my breath.
Tumigil sila saka ako tinignan. Nagtataka kung bakit bigla nalang akong huminto sa gitna ng corridor.
"Ngayon na ba yun?!" Kumapit ako kay Kara.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Jamie kay Art.
Nakita kong nag gasp si Art saka kumapit rin kay Kara. Para kaming dalawang koala sa isang sanga.
We both looked terrified.
Nag sigh lang si Kara. "The both of them don't like the olympics."
"Olympics?" sabay na tanong ng dalawa.
Olympics or the academy's intramurals. The time of the year where students do sports. Duh.
May soccer, basketball, volleyball, etc. naman kami. But aside from that, meron rin kaming 'pentathlon', a 5-event combination of discus, javelin, running, jumping and wrestling. Mga laro sa panahon ng ancient greeks.
Beta at Gamma lang ang pwedeng makasali since marami sila. Spectators lang kami.
Well... except sa Calydonian Boar Hunt.
The highlight of the event where all participating student try to hunt and kill the biggest, most ferocious boar imaginable.
At first, hindi pinayagan ang mga babae na sumali because we are 'feminine' and hunting is not a thing for female demigods. Tsk. Ang arte arte. Di lang naman talaga nila gustong maghunt katabi ang mga babae. Or more like, ayaw nilang matalo sa mga babae.
Not until our very own Art killed it herself..... unintentionally. Yeps.
Aksidente niyang napatay yung boar.
Nag camp kasi kami nun sa forest. Di namin alam na pinakawalan na pala ang boar doon. Uminom kami ng konting ambrosia. Then hinamon ko si Art na panain yung buwan. Hindi naabot ng arrow niya ang buwan pero bumagsak ito sa boar.
Hmm.
Lumabas kaagad kami pagkatapos i-announce ang annual olympics ng academy. Nakakapit pa rin kaming dalawa ni Art.
"Teka... ba't nga ba di nila gusto yung olympics?" tanong ni Cesia kay Kara.
"Art hates it because of an accident. While Ria... she doesn't like it because..." tinignan ako ni Kara.
"she hates having to wear a chiton for three days." sumingkit ang mga mata niya na tila may inaalala.
Gayundin, nagliwanag ang mga mata ni Cesia. "wait... you mean... magsusuot tayo ng chiton simula bukas?"
Tumango si Kara.
•••
"NOOOOO!!!" hinila ako ni Kara pabalik sa fitting room.
"Stop it Ria. You're being childish again." banta niya sa'kin.
Nag pout ako. "pero ayokooo! ang init init nyan!" tinulak ko papalayo ang rack na may tatlong damit na nakahang.
"That's why we ordered the most comfortable ones!" tinulak niya sa'kin ang rack.
"nasuot na ba niya?" lumabas mula sa likuran ni Kara si Cesia na nakasuot na sa ombre na green and pink na chiton niya. Matched with gold belt and sandals.
"No. I haven't and I will never." I answered.
"Okay lang naman kung wala tayong mahanap na komportable sa ngayon." nakangiti niyang sambit.
May kinuha siya sa rack na kulay pula.
"pero bibilhin ko na rin 'to para sa'yo... Bagay kasi.. red is the color of blood." her smile didn't fade which made me guilty as fuck.
Huminga ako ng malalim. "fine. yan nalang ang susuotin ko."
"sige. Mukhang size mo nga naman 'to eh." she glanced at me before heading to the counter.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Kara. "what?"
"she used her ability at you." natatawang sagot ni Kara.
"didn't she use her ability at all of us?" I eyed her long flowing yellow green chiton.
I laughed knowing na napasuot ni Cesia si Kara ng chiton dito sa mall.
Nakita ko si Cesia na nakangiti habang namimili ng accessories. Naka uniform na siya ulit.
Did I mention? She also bought sandals for the four of us girls.
Buti naman at may makakasama na ako sa t'wing mag sho-shopping ako. Mag-isa lang kasi ako noon since ayaw sumama ng dalawa. Mga killjoy kasi.
Tsk. Ako nga yung bumibili ng mga damit nila. Pati mga sapatos.
"Eh paano sila Sebastian?" Jamie asked habang nakatingin sa mga lalaki na pumipili rin ng outfits para bukas.
"If I know, may susuotin na ang mga lalaking 'yon. Di naman sila mahilig lumabas. They will just have it delivered sa dorm." I answered.
And like the usual, hindi sila aattend sa opening ceremony. Lalabas lang sila para manood sa games. Magtatambay yan sa dorm.
Alam na alam na namin ang ritual nila.
"Ria?" tinawag ni Cesia ang pangalan ko. "may kailangan ka pa ba?" napansin niya atang nakatitig ako sa mga estudyante na namimili ng susuotin nila.
"Nope. Wala na." pinuntahan ko sila.
"Fortunately, tayo yung nakauna latest release ng store. Ang sabi pa nga nila glow in the dark daw yung patterns sa silk." ani Cesia na abot-langit ang ngiti.
"mmm!!!" inakbayan ni Art si Cesia. "ang swerte talaga namin sa'yo hihihi"
I smiled.
First time kong makasama ang isang descendant ni Aphrodite. I thought I would hate her because you know... since Aphrodite is my dad's other lover.
I really like her though. Akala ko magiging arte siya. Bossy... and stuffs like that.
But she's not.
So... masasabi kong maswerte nga kami sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top