The Missing Half
Chase's POV
Nabulunan ako sa iniinom kong kape dahil sa hindi inaasahang pagyanig ng lupa. Sinundan ko ito ng tingin kay Dio na nagkibit-balikat lang.
Eh kung hindi siya, sino?! Putangina naman oh.
Namantsahan tuloy yung t-shirt ko!
Nagsilabasan kami sa veranda para tignan ang mga estudyanteng nasa field.
May iba na pinapakalma ang nagtitipon-tipon na mga students.
Nakarinig kami ng mga tili sa baba nang dumilim ang buong kapaligiran.
Tsk. Ang ingay-ingay.
Tumingin ako sa taas at nakita ang araw. Pero naging grayish eto na tila naubusan na ng liwanag.
Napansin namin ang pag-iba ng kulay ng mata ni Art kaya alam naming may nasesense siya. Kumunot ang noo niya habang isa-isa kaming tinignan gamit ang nakakakilabot niyang mata.
Tinaas niya ang kamay niya sa direksyon papuntang syudad. Nanginginig ang kamay niya. May kinokontrol ata.
Huminga muna siya ng malalim saka kinuyom ang kamao niyang nakataas pa rin.
Ilang segundo ang lumipas at binuksan na niya ang palad niya kasabay nito ang pagbalik ng liwanag.
Muntikan na siyang mawalan ng balanse.. buti nalang at nasa likod niya si Kara.
Napansin ko ang tahimik kaya napatingin ako sa baba. Silang lahat nakatuon ang atensyon kay Art.
Nakanganga pa nga yung iba.
Nakalimutan ko, first time pala nilang makita ang mga mata ni Art.
Pero ewan ko nalang kung ano ang magiging mukha nila pag nakita nila ang kakayahan ni Ria.
"The Huntres' Camp has fallen. Attacked by a gigantes." narinig ko ang boses ni Trev na kararating lang.
"So ano yung nawitness natin kanina?" karagdagang tanong ni Ria.
"Not an earthquake. Just a vibration of something big that crashed." sagot ni Kara.
"Alphas!" tinawag kami ni sir Rio. "down now!"
Wala na kaming magawa kundi tumalon mula sa veranda.
Nagpaiwan sina Art at Kara sa taas. May pinag-uusapan ata.
"I need you to check the camp this instant. A huntre has sent a distress signal. Critically wounded ang leader nila ngayon." pagbibigay-alam niya sa'min.
Naging alerto kami sa kinalabasan ng camp ngayon. Hindi man lang namin namalayan na may nangyayari na pala doon.
Tsk.
Gumaan na sana yung pakiramdam ko nang malamang isa nalang ang misyon namin: ang hanapin si Mayethrusa. Yan lang naman talaga ang concern namin pero unavoidable talaga na magkaroon kami ng mga karagdagang problema.
"Apparently, the earthquake was due to Gration's impact on land. He was knocked out... dead." lumabas si Madam Viola mula sa crowd ng mga estudyante.
Tama nga ang hinala ni Kara.
"Akala ko ba may binigay silang signal? huntres are known for their combat skills and strength. Hindi sila nagsesend ng signals ng ganun-ganun lang." ani Dio.
Tumango ako. Natalo naman pala nila ang gigantes eh bakit kinakailangan pa nila ng tulong?
"Who told you the huntres were the ones who defeated the gigantes?" nagtaka kami saglit sa sinabi ni Madam.
"Update!" sumigaw ang isang aurai at lumipad sa kinatatayuan namin.
"Their leader requested aid from the academy for a lot of huntres... were greatly affected. Death count is 197. a hundred and forty-one from the refugees and 56 from their pack." narinig namin ang mga gasps ng mga estudyante.
Lalo na si Art na hanggang ngayon di pa rin bumabalik ang kulay ng mga mata.
Napalunok ako.
Shit.
Lagpas isang daan ng mga refugees at kalahati ng mga huntres ang nawala.
"Una na'ko." paalam ko sa kanila.
Dumiretso ako sa labas ng Academy. Iniba ko ang kulay ng mga mata ko saka tumungo na sa direksyon kung saan nangyari ang trahedya.
Mayamaya, napangiti ako nang makita kung sino ang lumilipad na pulang ibon sa taas.
Huminto ako nang makarating sa camp. Wala akong masabi sa baha ng dugo.
Nagsummon ako ng limang Chase para asikasuhin sila. Isa-isa ko silang binigyan ng trabaho. May tutulong sa pagpapatay ng apoy. May tutulong sa mga napinsala at kung anu-ano pa.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.
Kahit kailan talaga namamangha pa rin ako sa kulay ng mga mata niya.
"Akala ko ba kasama mo si Trev?" tanong ko since silang dalawa lang naman ang may flight bilang abilities sa Alpha.
Pero mas mabilis pa rin ako kahit papano. Ha. Wala pang nakakatalo sa'kin dito.
"May pag-uusapan pa daw sila ni Cesia." natawa ako sa sagot niya.
Ang lakas naman pala ng tama ni Cesia sa bro ko. JACKPOT kasi anak ni Aphrodite.
Nakatanggap ako ng sapak mula sa kanya. "narinig ko yung Jackpot ha."
"Bakit? ikaw naman talaga jackpot ko ah. Sabi ko jackpot kasi ikaw yung kasama ko ngayon." isang sapak na naman ang natamo ko mula sa kanya.
Ewan ko kung bakit ang brutal ng babaeng 'to. "Jackpotin mo yang mukha mo. tsk. Bakla." aniya.
"Halikan pa kita jan eh." panunukso ko sa kanya.
"Ehem.." nakuha ang atensyon ko sa isang Chase na nasa harap pala namin. Kanina pa ba siya dyan? "Pinatawag kayo ni Heather." tinuro niya si Heather na nakasandal sa bag ng huntre. Isang huntre ang kasalukuyang inaasikaso siya.
Dumiretso na kami sa kanya.
"Paparating na yung iba." boses ni Ria ang gumising kay Heather na nakatitig lang sa itaas.
Umayos siya ng upo.
"we didn't know where that bastard came from. Our huntres are on their move finding remnants of the gigantes para malaman namin kung saan siya galing." napangiwi siya nang hinipo ng huntre ang sugat niya sa tiyan.
"so where's Gration?" tanong ni Ria.
"Burned alive by raw sunlight." sagot ni Heather.
Burned alive by raw sunlight? Nagtaka kami sa sinabi niya. Sino namang may kakayahan dito na marunong mag manipulate ng sunlight?
Si Art lang ang alam namin na kayang magmanipulate ng liwanag pero limitado yung kakayahan niya. Mga segundo lang siguro ang kaya niya.
"Someone told us hindi kayo ang pumatay sa gigantes. So sino?" bakas sa boses ni Ria ang matinding curiousity.
Pati nga ako di ko maiwasang maging interesado rin.
"Two demigods-"
"where are they?" hindi pinatapos ni Ria sa pagsasalita si Heather.
Nagbuntong hininga si Heather saka tinuro ang tatlong katao na nakaupo sa bench. Isang bata ang nakayakap sa babaeng ka edad namin.
Katabi rin nila ang isang lalaking nakabandage ang mga kamay.
Tumayo si Heather at sinamahan kaming puntahan ang sinasabi niyang demigods.
"Someone wants to talk to you." nginitian sila ni Heather. "and Arah.. umm.. pwede ba kitang makausap?"
Tumango ang batang babae saka sumunod kay Heather.
Halatang na alarma ang dalawang demigods pagkatapos nila kaming makita.
"Hey.." bati ni Ria sa kanilang dalawa.
"Tell us your concerns."
napa 'ooh' ako saka napatingin kay Ria na sumimangot ang mukha nang marinig ang sinabi ng lalaki.
Agad namang siniko ng kasama niyang babae ang lalaking demigod.
Napansin ko ang hawak-hawak na wooden staff ng babae. Weapon?
"Maupo kayo.." gaya ng sinabi ng babae, hinila ko si Ria para umupo sa tabi ko.
Nagcacalculate pa ata kung ano ang irerespond niya sa malupit na one-word convo nila ng lalaki.
"Pasensya na. Ganito lang talaga 'tong si Sebastian." nakangiting sambit ng babae. "Ako nga pala si Jamie."
"Okay lang. I'm Chase, son of Hermes.. and this is Ria, daughter of Ares." pagpapakilala ko.
Nagulat na naman sila sa sinabi ko.
"demigods?" tanong ni Jamie.
"Yes. May alam na ba kayo kung sino ang deity parent niyo?" tanong ko sa kanila.
Umiling yung Jamie.
Ah... bago pa pala sila dito.
Teka..
kung bago sila dito... pa'no nila natalo yung gigantes? Wala pa nga silang qualified na training.
"then how the fuck-" tinakpan ko ang bunganga ni Ria. Alam kong pareho kami ng iniisip ngayon.
"then how... did you defeat the gigantes?" may pagka abnormal din 'tong babae ko.
Kakakilala pa nga lang minumura na sila. Baka sabihin nilang walang good morals ang kapwa demigods nila. Tsk tsk. Bad impression ang maiiwan namin sa kanila.
Nagkibit-balikat si Jamie.
Tumango-tango ako. Pwede rin namang mangyari na kusang lalabas yung abilities nila especially pag triggered. Kahit wala pa silang alam sa buong pagkatao nila.
"Haloooo!" nagulat kami sa boses ni Art.
"pwede bang magtanong?" tumabi si Art kay Ria. Magkasunod na umupo si Cal... tas si Kara.. Si Dio at Trev.
Nandito na pala silang lahat.
Nagtataka tuloy 'tong si Jamie kung sino sila at bakit bigla nalang silang sumipot.
"Okay..." napansin ko ang commanding boses ni Art.
Kumunot ang noo ko nang naging seryoso ang mukha niya.
"Sino yung nagnakaw ng stored energy ko?"
"H-huh?"
"Me." seryosong sagot nung Sebastian.
Nagpalitan ng tingin si Cal at Art.
"Nandito ka lang pala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top