The Hidden Identity

Cesia's POV

Bumagsak ang phoenix mula sa taas. Bumaba na rin si Trev na puno ng dugo. Ikaw ba naman ang makalaban ng isang malaking ibon sa ere.

"Ria!" kinuha ko ang atensyon niya. "Tapos na tayo dito. Tanggapin mo na."

Tinignan niya kami.

Ilang segundo ng katahimikan at bumalik na siya sa dating anyo niya. "S-si Kara?" inalalayan siya ni Chase.

Nagbuntong-hininga ako.

Tapos na ako kay Dio.. tas si Jamie... Chase... kasunod si Ria...

"Hindi ko mahanap si Kara..." sagot ko.

I feel my ability draining. Nakakapagod rin pag ang buong team ang nagkakaganito.

"Cesia... hindi kaya siya nagtatago sa isang trance?" tanong sa'kin ni Dio.

Naging lightbulb ang sinabi niya sa utak ko. Kaming dalawa ni Kara ang may kakayahan mag manipulate ng trance. Tama.

"Hanapin niyo si Cal at Sebastian." utos ko sa kanila.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakinig sa heartbeats.

8...

9...

May naririnig akong faint heartbeats. Dalawa. Sinubukan kong itrace kung saan ito nanggagaling.

Iminulat ko na ang mga mata ko at nakitang nasa field ako ng Academy.

Napapaligiran ako ng napakaraming gigantes. I fought my way hanggang sa nakita ko na rin si Kara.

Huminto ako.

Paano ako makakalapit sa kanya?

Tatlong gigantes ang kaya niyang patayin sa isang segundo. Kaya alam kong hindi ako makakalapit sa range niya.

Naghanap ako ng link sa pagitan naming dalawa.

Ginamit ko ang trance para idistract siya. Alam kong mali ang ginagawa ko pero dapat ko na siyang mapatigil.

Tinignan ko ang Art na nakatayo sa harap niya.

"A-art?" hindi kapani-paniwalang tanong ni Kara.

Ginamit ko ang weapon ko para matanggal ang dagger mula sa kamay ni Kara saka nilock ang dalawang kamay niya mula sa likod.

"Wala na siya Kara. Wala na tayong magagawa. Kaya please... Tumigil ka na. Alam niya ang ginawa niya."

Dahil sa abilities niya, isang tulak lang ang kinailangan para matapon ako papalayo sa kanya.

Tinignan ko ang balikat ko na namamaga dahil sa impact.

"K-kara.."

Pinulot niya ang dagger saka dumiretso sa'kin. Hinagis niya ito sa binti ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Ginawa niya ito para hindi ako makatayo.

I cried out of pain again nang hatakin niya ang dagger.

Naiyak talaga ako sa sakit nang nilapit niya ang weapon sa'kin.

I inhaled sharply when she held the knife on my throat.

Tinignan ko siya na luhaan ang mga mata. "Don't let her death shatter you."

Kumunot ang noo niya saka tinignan ang dagger sa kamay niya. Tila nagtaka siya sa ginagawa niya ngayon.

Tinapon niya ang weapon pagkatapos makita ang malalim na sugat ko sa binti.

"She wouldn't... like this... I'm sorry..." aniya at pinunit ang shirt niya para pigilan ang dugo.

Tinulungan niya rin akong tumayo.

"Let's go back Cal..." nagtaka ako sa sinabi niya.

Lumabas mula sa forest si Cal na duguan at may bitbit na ulo ng dalawang gigantes. Binitawan niya ang mga ito saka tumango.

Kaya pala dalawang heartbeats ang narinig ko... dahil dalawa sila sa loob ng trance.

Napasigh ako. Sila nga palang dalawa ang pinakaclose ni Art dito. Walang limit ang pag-aalala nila kay Art noon.

Bumalik kami sa isla ng mga Gorgons.

Hindi talaga ako makakalakad nito. Nakaakbay ako kay Kara. Halata sigurong hindi ako makakapaglakad ng maayos sa sitwasyon ko ngayon.

Hays.

Biglang nag appear si Chase sa harap namin. "you need to see this."

Sinundan namin si Chase.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Ria nang makarating na kami sa kanila. May tinuro siya kaya napatingin rin ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sebastian na iba ang kulay ng mga mata.

"T-teka.. ba't ganyan ang mga mata niya?" tanong ko sa kanila.

Lumabas ang apoy sa kaliwang kamay niya at liwanag mula sa kanan.

"Two abilities inside one body?" nagtatakang tanong ni Dio.

Dalawa ang kulay ng mga mata niya. Yung isa pure white katulad ng kay Art.. habang yung isa naman... kakulay ng mga mata ni Jamie.

Ngayon lang ako nakakakita ng ganito.

Inangat ni Kara ang ulo niya at sinuri ang bawat galaw ni Sebastian.

"Only one mortal can possess two different abilities at the same time." sambit ni Kara.

Nag abot ang kilay ko dahil sa pamilyar na mga salita. Nabasa ko na yan dati.

'Only one mortal can possess two different abilities at the same time...'

Lumiwanag ang mga mata ko nang maalala ko ang libro ni Theosese.

Isang gigantes ang lumundag sa kinatatayuan ni Jamie. Pero sa laking gulat namin, nasa harap na ni Jamie si Sebastian.

"P-paano niya ginawa yon?" tanong ni Chase.

"Tch." Sebastian smirked and all it took was a flick of his wrist para matanggal lahat ng limbs mula sa katawan ng gigantes.

'It is not a mortal however for he/she has an energy twice of the Elite's and has godlike powers that can only be activated to protect demigods.'

Naalala ko ang handwriting ni Theosese na mahirap intindihin.

'I have created the machine to aid the mortals that are to fulfill their mission. I have made one. But it was too dangerous so I destroyed it.'

At ang sinabi ni Kara sa library...

"S-seht?"

Napasinghap si Ria. "wait what?! Impossible. Akala ko ba dapat ka pang maging elite bago ka maging Seht?"

"The twins possess the ability of light and energy..." sagot ni Kara.

"I still don't get it. Sebastian must have the massive amount of light and energy from the Elite." angal ni Ria.

Hindi ko maiwasang mag isip-isip sa posibilidad na Seht nga si Sebastian.

"p-pero... bago pa mawala si Art..." tinignan ko sila. "nakita ko kung paano niya inilipat lahat ng liwanag at enerhiya niya kay Sebastian..."

Kaya ba... pinili mong lumaban kahit nanghihina ka Art?

She really knew what she was doing. Alam niya lahat ng dapat niyang gawin... at ginawa nga niya.

Nagawa niyang ibuhos lahat ng nasa kanya para sa Alphas.

"Then that means... Art was the elite all along." sabi ni Dio.

"Okay. Well... how about the blood thing?" dagdag ni Ria.

'To become Seht, the Elite must drink a blood of a demigod that has the ability to manipulate. It will be shown whose blood he/she has taken by the dominant ability of the Seht.'

Dominant ability...

Fire. Fire ang dominant ability na ipinapakita ni Sebastian ngayon. At si Jamie lang ang may kakayahang mag manipulate ng apoy dito.

Isa rin namang manipulator si Jamie dito.

"Jamie? Are there any instances where Sebastian had a taste of your blood?" tanong ni Kara.

Nag isip-isip si Jamie. Nanlaki ang mga mata niya.

"Papunta kami sa village witches noon.. tas may ahas na kumagat sa'kin. Ang alam ko, sinipsip ni Sebastian ang lason mula sa katawan ko." sagot niya.

Nagtinginan kaming lahat. It really took us time bago isink in lahat ng nangyayari ngayon.

"what are we gonna do now?" tanong ni Ria.

Napansin ko ang malungkot na ngiti ni Kara. "we need... to thank Art for this."


Naging kalaban namin ang Elite noon. Kaya sinigurado ni Art na magiging kakampi namin ang Seht ngayon.

Natawa ako ng marahan kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.

I can't believe this.

Iba ka talaga Art... mula sa pagiging PPG addict mo hanggang sa pagiging Elite mo.

Kaya nga mahal ka namin. And we will always be your family.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top