The Heroes

Dio's POV

"Pwede ba? Wag kayong umupo sa harap namin na walang saplot sa baba. Atleast wear some panties!" Nakakainis na talaga yang tatlong sirens na yan.

They still have the guts to return after singing their stupid song.
Kung kamatayan lang pala ang hahantungan namin, then buti pa't kantahan nila kami ng song na direktang papatay sa'min.

I'd rather choose death than feel my body give birth to wounds unwillingly.

"B-bro... Kahit yan lang... G-give c-chance-" mas nainis ako sa sinabi ni Chase.

"Wow. Mamamatay na nga tayo at porn pa talaga ang iniisip mo?" I responded sarcastically.

"K-kaya nga bro eh.. M-mamamatay na tayo..." napailing nalang ako sa sagot niya.

Tinignan ko ang dalawa ko pang kasamahan na nakayuko. Nakakatulog pa rin sila sa ganitong sitwasyon.

Buti pa sila.

Umayos ako sa pagkaupo at sumandal sa matigas na pader. Ipinikit ko nalang ang new batch of fresh wounds na namumuo sa katawan ko.

Kailan nga ba 'to matatapos?

As if answering my question, nakarinig kami ng mga pamilyar na boses nag-eecho sa buong dungeon.

"Eto yung nasa vision ko." hindi ako nagdalawang-isip na tumayo pagkatapos marinig ang boses ni Art.

Gayundin sina Chase, Cal at Trev.

Then, lumitaw sa harap namin ang tatlong girls na nakaparty dresses. Pero puno na ito ng putik at napupunit na yung tip ng skirts nila.

"Where's Cesia?" tanong ni Trev matapos makita silang tatlo.

Narinig naming nag gasp ang tatlong aurai's at dali-daling lumabas sa dungeon.

"Hear that? Someone's singing a new song!" nanggigil na hiyaw ni Sheshira habang tumatakbo sila patungo sa taas.

"Quick. Habang nasa trance pa sila." nilabas ni Kara ang susi at binuksan ang metal bars.

Nag summon rin si Ria ng nag-aapoy nyang espada na siyang ginamit para makawala kami sa pagkagapos.

You should know how our faces changed when we were set free. Desperado na kaming lumayas sa lugar na ito. It's like breathing new air.

Pinaikot ko ang ulo't mga kamay ko, warming up for our next action kahit masakit pa rin para sa'min na gumalaw.

"You can't heal our wounds here." saad ko nang makita ang pagliwanag ng mga palad ni Art. "The song states that meanwhile we're still in this place, babalik at bubuo na naman ng bago ang mga sugat."

"Grabe naman.." ngumuso ang disappointed na batang nagngangalang Art.

"Their songs are curses." dagdag ni Kara na may kinuhang dagger mula sa thigh strap niya.

"Alam kong curious na kayo kung anong nangyayari sa taas kaya tara na!" unang tumakbo si Ria kasama ang mga girls. While nag jog lang kaming mga lalaki, still struggling from our neverending pain.

Sinenyasan kami ni Kara na wag mag-ingay.

Pagkalabas namin, nakita ko ang mga Sirens na nakaupo sa bato katabi ang mga instrumento nila.

Encircling a girl na kumakanta.

Nakapikit ang mga Sirens.

Nasa trance nga sila.

"Lavender's blue... Dilly dilly... Lavender's green..." at yung kanta pa talaga ni Cinderella ang naisip niyang kantahin.

We made no sound papalabas ng ruined castle. Inantay naming makalabas na si Cesia para sabay na kaming sumakay sa nakalaan na speedboat.

"Pinatulog ko sila... Not until may maririnig silang ingay. Tiyak na magigising sila." sabi ni Cesia pagkalabas niya ng ruins.

Suddenly, an ear-itching scream was heard not far below.
"AYAN SILA! AT ANG ESPADA!"

Napalingon kami sa matandang babae na may kasamang mga lalaki tumatakbo papunta sa direksyon namin.

Napatingin ulit kami sa mga Sirens na noo'y natutulog.

"DEMIGODS!" galit na sigaw ng isa sa mga Sirens.

Great. Gising na sila.


Cesia's POV

Aish. Yung witch nga pala.

"DEMIGODS!" narinig kong sigaw ng Siren.

Napailing nalang ako. Sa dinami-daming situations na pwedeng sumigaw ang witch. NGAYON PA TALAGA?!

Nasayang lang ata ang boses ko habang kinakantahan ang mga Sirens eh. Nanginginig pa naman ako habang kumakanta.

Haaayyy buhay!

"Sino na naman yan?!" inis na tanong ni Chase.

"Eh malay ba namin masundan kami ng witch! Huhuhu!" nangingiyak na sagot ni Art.

Wala na kaming choice kundi tumakbo sa may madilim na gubat ng isla. Medyo nahihirapan kami sa pagtakbo dahil sa putik. Pero kakayanin namin.

Kayo ba naman habulin ng mga Sirens at isang galit na witch kasama ang mga tauhan niyang may dala pang mga baril at kutsilyo?!

Habang tumatakbo, ginagamit ko ang weapon ko para matakwil ang iilang mga tauhan ng witch at sirens na inuunahan kami.

Hindi ko kayang gamitan ng inveiglements ang mga sirens dahil hindi sila ordinaryong mga nilalang. Di kakayanin ng sistema ko ang maglagay ng inveiglements sa kanila. Mas superior pa rin sila kesa sa'ming mga mortals.

Ang mga lalaking tauhan lang ng witch ang pwede. Mga mortals lang naman sila.

"WE HAD A DEAL DAUGHTER OF ARES!" hiyaw na naman ng matandang witch.

"Ria! Kasalanan mo na naman 'to?!" reklamo ni Chase na halatang pagod na sa pagtakbo.

Actually, naaawa na ako sa kanilang apat na naliligo na sa sarili nilang dugo.

"Hoy bakla! Wag mo'kong sisihin. Dahil in the first place, nagawa lang  naman namin ang deal para mailigtas kayo!" sagot ni Ria.

Parang ewan din 'tong dalawa eh. Nagbabangayan na naman on the verge of death.

Kung mamamatay man lang ako, deathwish ko nang matigil ang ingay ng dalawang 'to.

Napatigil nga naman yung dalawa sa pagsisigaw.

Why?

Dahil mamamatay na nga ako.

Sa harap kasi namin ay dead end. Isang cliff na isang hulog ay sapat na para matigok ka. Suicidal maniacs lang ang pupunta sa dulo. Anytime, maaari kang mag wrong move at maslide dahil sa putik.

Tumigil kami sa pagtakbo at hinarap ang angry mob na kanina pa kami hinahabol.

"Kami na ang bahala dito. Magpahinga muna kayo jan." nakahanda na ang nagliliwanag na si Art.

Tama nga si Kara. Gamit na gamit talaga ang sunstones.

Sinunod ng boys ang sinabi ni Art saka umatras para mag give way sa'min.

Nagkatinginan nalang kami tas natawa ako ng marahan.

Pa'no ba kasi. Ang cute ng mga reactions nila. Parang tanggap nila na di nila kakayanin ang action scene na'to.

Nag charge sa gitna sina Kara at Ria. Pinapatumba lahat na kaharap nila.
Samantalang ako at si Art, naglakad lang papunta sa crowd since di naman kailangan ang skin-to-skin contact para maglaban.

Ginamit ko ang bracelet para madeflect ang tatlong knives papunta sa witch.

Although, dalawa lang ang nahagip ko kaya nagkaroon ako ng SHALLOW CUT SA KALIWANG PISNGI KO.

PSH!

"Men! Raise your weapons!" napatigil silang lahat sa utos ko.

Itinaas ng kalalakihan ang mga baril at kutsilyo nila. Halatang nagulat nga sila sa biglaang pagkilos ng mga kamay nila.

Ginamit ko ang weapon para ma control ang mga baril at kutsilyo nila saka itinapon lahat ng mga ito.

"Ba't ba kasi pinakialaman niyo pa ang flawlessness niya..." nakangisi si Art na patuloy sa paglalabas ng orbs of light.

Dahil sa ginawa ko, karamihan sa kanila na nakuhanan ng weapons ang dumiretso sa'kin.

Di ko namalayang may dalawa pala na nakaiwas sa'kin kaya nasunggab nila ako sa blind spot ko.

Pilit akong kumawala nang biglang may sumipa sa kanila mula sa likuran.

"We need to go!" kinuha ni Trev ang kamay kong suot ang bracelet.

Nagtaka ako saglit bago napatingin sa iilan pang mga sirens na papunta sa kinaroroonan namin.

Ah... may reinforcements pa pala sila.

"Paano?" nakaharang sila sa daan.

Di niya sinagot ang tanong ko. Instead, laking gulat ko nalang nang binuhat niya ako bridal style.

"What the fu- Chase!" gayundin, binuhat ni Chase si Ria.

"What do you think you're doing!?" inis na sambit ni Kara na nasa bisig na ni Dio.

Nakita kong naka piggy back ride na si Art kay Cal.

Sabay nag-iba ang kulay ng kanilang mga mata.

"Te-teka-" ANO BA 'TONG GINAGAWA NILA.

"HOY?!" nanlalaki ang mga mata ni Ria.

And with a second, nawala sa pananaw ko sina Cal.

Isang gust of wind lang ang ibinilin nila Chase.

Hindi man lang nila kami binigyan ng chance na makapagsalita ni Kara, agad silang tumakbo patungo sa cliff.

Napalunok ako.

"Hold tight." sinunod ko ang sinabi niya.

Tinawag ko muna lahat ng gods sa kung ano man ang balak ng lalaking 'to.

Habang nagdarasal, tila tumigil ang oras at naramdaman ko ang maamong hangin sa paa at pisngi ko.

Iminulat ko na ang mata ko at tinignan ang mga Sirens at mga kawal ng witch na iniwan namin.

Nakalutang man sa ere, narinig ko ang maingay na pagsaboy ng tubig  mula sa baba kaya alam kong sina Dio na 'yun.

Iniangat ko ang ulo ko para tignan ang mga mata niya.

Tch. Mukhang di nakayanan ng pride ng boys ang manood lang.

Biglang tumunog ang kidlat na siyang gumulantang sa'kin.

Walangya!

"stop staring at me like that." narinig kong sabi niya.

"manggulat ba naman!" kinurot ko ang pisngi niya.

"Next time you do that, I will seriously lose my grip of you." diniinan niya talaga ang bawat salita ng banta niya.

Asuus! May warning pa siyang nala- "AAAAAAHHHHH!!!!" napasigaw ako nang binitawan niya nga ako.

"TREEEEVV!!! PATAY KA TALAGA SA'KEENN! IPAPAKIDNAP KITA KAY HADES PAGDATING KO SA UNDERWORLD!!!"

Lumakas ang halakhak niya.

Kahit saang anggulo, ang salbahe talaga ng lalaking 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top