The First Wave

Jamie's POV

"Surround the tree. Don't let any creature pass you." utos ni Trev.

Tumango kami at agad pinalibutan ang kahoy. Napaatras ako nang isang malaking kamay ang napunta sa paanan ko.

Tinignan ko ito at nakita si Kara na isa-isang tinatanggalan ng mga paa't kamay ang gigantes.

Napailing nalang ako saka hinagis ang labrys pataas.

Nasilawan ako ng kaunti dahil sa pinagsama-samang abilities ng dalawang kambal.

Nagliliwanag yung buong katawan nila. Pareho rin silang nakahawak ng mga pana. Mukhang signature weapon na talaga yan sa mga anak ni Apollo.

Hinagis ko ang labrys sa tatlong gigantes at pinaikot ito sa kanila. Sinadya kong ibaon ang paa ko sa lupa para mahila ko sila papalapit sa'min.

Narinig ko ang hiyaw nila nang mahila ko nga sila sa direksyon ko. Parang acido na kumapit ang chain ng labrys ko sa balat nila.

Ampotek. Nakakadiri.

"Tangina." napamura ako nang sinunggab ako ng isa sa nakatali na gigantes.

Ihahagis nya sana ako papalayo nang tumigil ako at lumutang ng ilang segundo bago bumagsak sa lupa. Tinignan ko si Cesia na ginamit ang weapon niya para kontrolin ako.

Nice.

Tinanguan ko siya.

Nagkasangga ang blade ng labrys at ang silver bracelet ng isang monster. Napansin ko lang. Halos lahat ng nilalang dito may putol na posas sa mga kamay nila.

Hmm. Nakatakas nga.

"Oww-" napakamot ng ulo si Ria.

Isang sanga ng kahoy ang tumama sa ulo niya. Nakita ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata niya nang nilingon niya ang gigantes sa likod.

Supreme Divination...

Nabasa ko na'to sa libro na ipinagkatiwala sa'kin ni Kara. Lumalamang ang imortal na dugo ng isang semideus sa tuwing nag-iiba ang mga mata niya.

Si Kara rin.

Halos silang lahat maliban sa'min ni Sebastian.... at Cesia?

Ahh... bago rin pala siya dito so kailangan niya pa ata ng time para mag activate yung dugo ng deity niya.

Eh yung akin- napatigil ako sa pag-iisip nang tumilapon ako sa kahoy.

Agad akong nakaramdam ng bigat dahil malapit lang ako sa opening ng portal.

Takte.

Tumakbo ako sa direksyon nila nang nag land ang isang malaking ibon sa harap namin. Isang segundo lang at nag anyo itong tao.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ria?!

"No monster has left the island yet." pagbibigay-alam niya.

"Copy." nawala si Chase sa tabi ko.

Teka.

Ilan nga bang Chase ang nandito...

Umiling ako. Mamaya nalang ako magbibilang pag tapos na kami dito. Tsk.

Natumba ako dahil sa pagyanig ng buong isla. Hindi ako na orient na pati isla kayang galawin ng mga kasama ko.

Hay nako.

Tumayo ako at tinulungan sila laban sa mga weirdong nilalang. Weirdo kasi may ibang marami ang mga kamay... may mga pinaglihi rin sa octopus na may kasaling tentacles yung mga paa. Tas yung iba pinaglihi sa pinya sa sobrang dami ng mga mata.

"Hehehe... anong ginagawa ninyo dito? Hindi ko alam may ipinadala palang handa ang mga deities." narinig ko ang nakakabinging halakhak ng isang babaeng gigantes.

Gaga. Amoy na amoy ko pa nga yung baho ng hininga nila.

Hinarap ko ang dalawa na nangangati nang kainin ako.

"Maniwala kayo sa'kin. Di ako masarap kainin." sambit ko sa kanila bago hatakin at tanggalin ang ulo nung isa.

Natunaw naman yung kasama niya nang dumaan ang pinagsamasamang liwanag ng dalawang kambal. Wala pang nakakalapit sa kanila. Kung meron man, nakahati na ang katawan nila.

Pero napatigil lang kami nung lumabas mula sa kahoy ang gigantes na mas malaki pa sa gigantes na nakita namin sa camp.

WHAAAAT.

Nagtinginan kami ni Sebastian.

Sumingkit ang mga mata ni Kara habang tinignan ito mula ulo hanggang paa ang higante.

"Must be a new child of a titan." sambit niya.

"Who killed my brothers and sisters?!" mas dumilim ang kapaligiran dahil sa anino niya.

"yo. eto pala yung breadwinner nila." tumatango-tango si Chase.

Nagulat nalang ako nang kinuha ng gigantes si Cesia.

Napaatras kami nang naglakad siya papalapit sa'min hawak-hawak si Cesia. Ginawa niyang barbie doll si Cesia. Hinihimas-himas niya kasi ang buhok nito.

"I was a beautiful man before... I had a lot of women. But I was cursed by your mother because of it. Tsk." inis niyang sabi.

Muntik na niyang makain si Cesia nang nakarinig kami ng boses sa likod.

"Hindi pa kita inutusang kumain Hill."

Hill pala ang pangalan ng gagong yan ah..

Lumabas mula sa puno ang isang babaeng nakakakilabot tignan. Nakaitim siya at nakaikot sa katawan niya ang isang pulang ahas.

Kumunot ang noo ko.

Tama ba 'tong mga mata ko?

Eto yung ahas na kumagat sa'kin.

"Sebastian..."

Tinanguan niya lang ako as if alam na niya yung ibig ko.

Gumapang yung ahas pababa sa babae saka ito tumayo hanggang sa maging tao ito.

"Ahh... ariethrusa... kapatid ko.." nakangiti niyang sabi.

So wait.

Yung kapatid ni Ariethrusa ang nakasalubong namin noon? Mayethrusa?

"Why have you betrayed us sister?" tanong ng kapatid niya.

Humalakhak ng malakas si Mayethrusa. "Who? Me? We were born to be evil sis. Hindi ako ang traydor dito."

Umiling si Ariethrusa at napangiti. "You know nothing sister. We are not who you think we are. We were born to serve a god!"

Kumunot ang noo ng kanyang kapatid na may bahid ng demonyo.

"shush. we don't have time for drama. Gather all the demigods at once!" utos ng babaeng nakaitim sa mga gigantes.

Isang minuto lang ang kinailangan nila para icorner kaming lahat. Wala na kaming choice kundi tumayo dito sa gitna.

"Siya ba yung babaeng nakita mo sa forest Cesia?" narinig kong tanong ni Ria.

Umiling siya. "Hindi."

"You are here to protect us from conquering the mortal realms am I right?" nakangiting tanong ng babae. "Well bad news. You will fail your mission."

Lumapit siya sa'min. Nasa harap na namin siya nang hinubad niya ang robe niya. Saka namin nakita ang tatlong ulo niya.

"Hecate." bulong ni Kara.

"kaya pala walang liwanag na nakakapasok dito. Siya ang may kontrol ng mist." dagdag ni Dio.

Huh. Isa nga naman sa mga underworld deities si Hecate. Ang goddess of magic, ghosts at necromancy. Nabasa ko na rin yung story niya sa mga libro.

"How dare you stand against the olympians Hecate!" sigaw ni Ria. Dahil sa sinabi niya, nakakuha siya ng suntok sa sikmura mula sa gigantes.

"We all want what your deities have. Control. Over. Everything." nakangiti niyang sagot.

"nonsense. you are a goddess. what more do you need." ani Kara na naka fighting stance pa rin.

"pero di pa rin ako katulad ng mga magulang ninyo. I long for power more than they have given me."

Hinatak niya ang buhok ni Cesia. "especially your mother."

Nakita ko ang reaksyon ni Trev na nagpupumilit na kumawala mula sa mga gigantes.

"Kill them all." utos ni Hecate.

"Aray ko naman!" masakit kasi yung pag gapos nila sa'kin. As if naman makakatakas ako eh tatlong gigantes sa bawat Alpha yung nandito.

"You're still loud even when we're dying." siniko ako ni Sebastian.

Huh?

"Ahh seryoso pala siya?! Papatayin niya tayo?!"

Akala ko gagamitin pa niya kaming bait para i-lure yung mga olympians katulad ng nakikita ko sa mga movies.

Isuggest ko kaya yun sa kanya?

"Jamie..." binanggit niya ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakakaawang tignan ang hitsura niya.

"S-seb?" bigla akong kinabahan.

"remember when I told you I would never leave you?" tanong niya. Medyo bugbog na talaga yung katawan niya. Tangina. BA'T NGAYON KO LANG NAPANSIN YAN.

Tumango ako. "bakit...?"

Ngumiti siya saka niya ako kinindatan. "I meant that."

Lumiwanag ang kanyang kamay kaya napabitaw yung gigantes sa kanya. "Trev!"

Tinignan ko si Trev na nakatumba na ng dalawang gigantes.

"Why you!!!! Catch them!" hiyaw ni Hecate.

Nawala na yung gumapos sa'kin dahil kay Sebastian kaya agad kong ginamit ang labrys. Hmm. Mas bumigat nga lang. Pagod na kasi yung katawan ko.

Tumalon ako sa katawan ng gigantes at hinagis ang labrys sa isa pa na papunta sa kinatatayuan ko.

Ilang metro na ang layo namin kay Hecate kakatakbo hanggang may lumitaw na pader sa harap namin.

"The wall is made out of toxic mist. Everyone back off." pagbibigay-alam ni Kara.

Napaubo ako ng konti dahil sa mist.

"Sebastian!"

Pinalibutan si Sebastian ng mist mula sa pader. Nagtaka nalang ako nang hawak-hawak na ni Hecate ang leeg niya.

"you thought you got me child?"

Unti-unting nawawalan ng hininga si Seb. Lumalaho na rin ang liwanag ng mga kamay niya. May lumalabas na dugo mula sa bibig niya.

Anong ginagawa niya sa Sebby ko?!

Nilingon ko sila na nakatulala.

Binalik ko ang mga mata ko kay Sebastian na nakatingin rin sa'kin.

"I-I'm sorry..."

Mamamatay siya sa harap ko tas sorry?!

"HECATE!" tinapon ko ang labrys.

Nakuha ko ang atensyon niya. "bitawan mo nga siya!"

Pero imbes na sundin ang payo ko, hinigpitan pa niya ito.

"awee... a daughter of Hephaestus to the rescue? What can you do? Build a fort?"

Huminga ako ng malalim at napapikit. Hindi ako gagawa ng kung ano. Ang bobo niya para sa isang goddess.

May kakaibang nangyayari sa katawan ko.

Pinagpapawisan ako ng sobra. Kumukulo yung dugo ko. Literal na kumukulo yung dugo ko.

"Jamie..." narinig ko ang pangalan ko.

Tinignan ko sila.

"Amber. Amber eyes." nakangiting tugon ni Ria.

Tumango ako at tinignan ang apoy na nakapatong sa palad ko.

Ang elemento ni Hephaestus.

Tch.

Ito ang totoong ability ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top