Storms
Cesia's POV
"I'm just gonna put it-" nagising ako sa boses ng pamilyar na babae.
Tinrace ko kaagad kung saan nanggaling yung boses at nakita sino pa ba kundi ang Goddess of Rainbows na may hinahalungkat sa vanity area ko.
"Anong ginagawa mo dito?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko
"Nevermind. You're awake." umiling siya saka may nilagay na maliit na statue sa puting mesa.
"I didn't get the chance to give you this since you were busy. Then I thought maybe I could sneak up in your room. Where's your roomate?" napatingin siya sa gilid ng kama na tila may hinahanap.
Psh. So ngayon niya napagdesisyunang pumasok sa room ko kasi wala si Jamie?
"Nasa kwarto ni Ria." tipid kong sagot.
Napunta ang mga mata ko sa maliit na statue ng babaeng nakahubad. Sapat naman yung liwanag sa labas para maaninag ko ito.
"It's a gift from your mother. She also asked me to tell you to not expect replies from her since she's busy." nagsimula na siyang humakbang papalabas. By 'papalabas' I mean patungo sa bintana kong nakabukas na. Obviously, sa bintana siya dumaan.
Busy?
Sinundan ko lang siya ng tingin. "Eh ikaw? Di ka rin ba busy?"
Tumigil siya sandali para tignan ako. "Girl. Iniwan nga ako ni Hermes para gawin lahat ng tasks niya dito sa mortal realm. 'Busy' is not enough to describe my situation right now." saka siya nawala leaving a trail of rainbow behind.
Tinignan ko ang orasan
12:42 am'...
Tumayo kaagad ako para suriin yung gift daw galing kay Aphrodite.
Wala namang bagay na nakakuha ng atensyon ko. Isa lang talaga siyang maliit na marble sculpture ng babae.
Napailing ako pagkatapos ibalik ito sa table. Sinarado ko na rin yung bintana at chineck na nakalock nga ito. Ayaw kong may makapasok ulit sa room ko. Tas dito pa dumaan sa bintana. Baka sa susunod kwarto ko naman ang target ng akyat-bahay gang.
Bumalik ulit ako sa pagkahiga.
Mayamaya, napagtanto kong hindi na ako makakatulog ulit. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ako makabalik sa pagtulog kasi sa totoo lang, pagod na pagod ako.
Kami yung pinalinis sa gulo na iniwan ng ibang students sa venues.
Eto kasi si Iris! Plano ko pa naman sanang matulog ng mahimbing at magising alas dose na ng tanghali.
Pero hindi. Nagising talaga ako hatinggabi.
Tumayo ako saka lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga ilaw na naka on pa rin.
Pero wala namang tao.
Maybe nakalimutan lang nilang i-flip yung switch.
Hmmm...
Pero teka.. hindi ba automatic ang dorm na'to?
Kinibit-balikat ko nalang ito tas dumiretso sa kusina para magtimpla ng tsaa.
Muntik ko nang mabitawan ang mug na dala ko dahil sa anino na gumagalaw mula sa veranda.
Nakabukas ito ng kaunti kaya sumilip ako.
"Did I wake you up?" tanong ng lalaking nakatalikod sa'kin.
Napangiti ako saka dahan-dahang lumabas. Nakarinig ako ng tunog ng kidlat kaya napatingin ako. Kasalukuyang namumuo ang isang thunderstorm sa dulo ng gubat.
"Nope." umiling ako saka pinatong ang tsaa sa marble ledge ng veranda.
Napanganga ako sa storm na nasa harap ko. May kalayuan rin ito pero dinig na dinig ko ang tunog ng kuryente sa tuwing bumababa ito sa lupa.
"Alam mo bang takot ako sa thunderstorms?" sinira ko ang katahimikan.
"You don't have to be afraid of that." tinuro niya ang bahagi kung saan may maitim at makapal na ulap.
"Talaga? Why?" tanong ko.
"you're a daughter of Aphrodite. Thunderstorms should be the last thing you are scared of." narinig kong sagot niya.
"and besides..." huminga siya ng malalim. "they're beautiful."
"Okay alam kong behind that phrase is a very inspirational meaning. Pero karamihan ng mga tao natatakot sa ganyan..." tinutukoy ko yung ingay at hitsura ng storm.
At isa ako sa mga taong 'yan. Kahit anong gawin niyo takot pa rin talaga ako sa mga thunderstorms. Magtatago talaga ako sa ilalim ng tatlong layers ng kumot pag may dumadaan na kidlat.
"It does look scary from here.." tumango siya. "but it only looks scary from here."
Nag abot ang kilay ko. "huh? anong ibig mong sabihin?"
Tinignan niya ako ng pangmatagalan.
Hindi ko mabasa kung ano yung iniisip niya pero nahahalata ko ang excitement sa mga mata niya. Nagulat nalang ako nang nag-iba ang kulay ng mga ito.
"wanna know why I think it's beautiful?" bigla akong kinabahan sa tanong niya.
"Trev ah- hindi ko gusto yang sinasabi mo." bumalik sa normal nilang kulay ang mga mata niya. Halatang na disappointed siya sa sagot ko.
"It's okay if you don't want to.." yumuko siya na parang bata na di pinalaro sa playground.
"hindi ko gusto pero... hindi ko naman sinabing hindi ako go sa kung ano man yang balak mo." nginitian ko siya.
And with that, nakita ko ang namumuong ngiti niya. Kasabay nito ang pag-iba ulit ng mga mata niya.
"here.. hold my hand and don't shout. You might wake the others. " nilahad niya ang kamay niya.
Nagdadalawang-isip ako pero sa huli, tinanggap ko naman ito.
Unti-unti kong nararamdaman ang hangin na pumapaligid sa'kin. Medyo gentle lang siya, hindi harsh. Within seconds, nakita ko nalang ang sarili ko na lumulutang sa ere hawak-hawak ang kamay niya.
"wag mong sabihin-" nanlaki ang mga mata ko nang patungo kami sa direksyon ng storm.
"don't worry it will not hurt you." aniya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
"paano mo naman nasabi yan?" napalunok ako nang nasa harap na namin ang tinutukoy kong phobia.
"because this is my storm... and I will never hurt you."
Hinila niya ako papalapit dito. Eh ako naman, nakapikit lang. Napapasingap nga ako pag may naririnig akong kidlat.
Naramdaman ko nalang na tumigil na kami.
"open your eyes now.." bulong niya sa'kin.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Napasingap na naman ako. Pero this time, hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa ganda.
"we're at the center." aniya.
Totoong nasa gitna nga kami. Sa itaas namin ay ang nag-iisang butas kung saan nakakalusot ang liwanag mula sa buwan.
Tinignan ko ang paligid namin kaya napabitaw ako sa kanya.
"careful." binitawan naman niya ako at hinayaan akong mamangha sa nakikita ko.
May nakita akong iilang packs ng kidlat na pinapalibutan kaming dalawa. Out of curiousity, sinubukan kong hawakan ito.
Imbes na makuryente, nagulat ako nang naging kulay violet ang mga kidlat.
Naalala ko kaagad ang ginawa niya noon sa clinic.
"I told you there's something with the both of us."
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. There's something with the both of us pala ha?
May mga violet glitters na lumalabas sa bahagi ng katawan kong tinatamaan ng lightning. Aside from that, nagiging violet talaga sila.
Pero seryoso. Bakit ganito ang reaction ng abilities niya pagdating sa'kin?
"Alam mo. Tama ka." nakangiti akong bumalik sa kanya. "Ang ganda nga."
"Everything has beauty Cesia. Others may not see it. But the right ones will." natouch ako ng kaunti sa sinabi niya.
Nagtaka ako kung bakit naging violet rin yung pananaw ko. And then I realized na dahil ito sa katawan kong nagliliwanag. Tinignan ko ang mga kamay kong pinapalibutan ng violet rays.
"You're reacting with the storm. It's one of your empathic abilities." pagbibigay-alam niya.
Nakatingin siya sa likod ko kaya napalingon rin ako. Napanganga ako. Ang storm na nuoy pure lightbolts lang, nadagdagan na ng purple sparks mula sa taas.
"Ang ganda..." napasabi ako sa sarili ko. Parang maliliit na violet snowflakes ang bumabagsak.
"you made it even more beautiful." dugtong niya.
"but we should go now. It's already late." Napapout ako sa sinabi niya.
"you don't want to go back?" tanong niya.
Umiling ako dahilan na marinig ko ang tawa niya. "cute." aniya saka ginulo ang buhok ko.
"you've had enough though. I'm serious now." bumalik ang pagiging seryoso niya.
Nagsigh nalang ako at tumango. Tumango rin siya as a response. Tinaas niya ang kamay niya at nakita ko kung paano bumalik ang storm sa katawan niya kasabay ang pagliliwanag nito.
Nawala na rin ang violet glow ko nung nawala na yung storm. Nakakalungkot naman. Gusto ko pang maranasan ulit yun. Ang sarap sa pakiramdam. Parang lumalakas yung abilities ko.
Pwede kaya yun?
Bumalik na kami sa dorm. Alam kong pagod na siya kaya nag suggest ako na matulog na kami.
Sumang-ayon naman siya.
"Goodnight." paalam ko sa kanya.
Hindi siya nag reply at pumasok na sa kwarto niya. Hmm. Ang sungit pa rin. Pumasok na ako sa kwarto ko at napasandal sa pinto.
tinawag niya pa rin akong 'cute'!
Ewan pero nahype ako sa gabing 'to. Feel ko nga hindi-hindi na talaga ako makakatulog.
Gods. Anong nangyayari sa'kin.
Bumagsak ako sa higaan at agad niyakap ang isa sa mga unan ko.
"Cesia, a master has wished you a good night." narinig kong sabi ng bahay.
Kinagat ko ang unan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top