Soccer and Chills

Art's POV

Katatapos lang namin bumili ng popcorn para sa games. Syempre sinamahan ako ni Cal. Ewan ko nga. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung okay lang ba ako.

"are you really sure you're okay?"

Oh diba? Sabi ko nga sa'nyo eh.

Tumango ako at nag thumbs up. "mmm! Sure!" nginitian ko siya. Hindi pa rin akong magsasawang sagutin siya. Kasi gusto ko talagang tanungin niya ako palagi kung okay ako eh. Hehehe.

"Asan nga ba si twinny?" kumain ako ng popcorn.

"With Jamie." sagot niya.

Lah. Ang tanong ko asan, hindi sino yung kasama niya. Nahimatay lang ako tas nabingi na siya?

Tinuro ko yung isang aurai na pumasok sa store hehehe. "Cal. Pakitanong nga kung may bago na ba silang collection." utos ko sa kanya kasabay puppy eyes.

Walang makaka'hindi' sa puppy eyes ko ano. Kahit nga si Cal eh. Talagang gamit na gamit 'tong technique ko. Hihi.

"They have. I already bought it." sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Waaaahh!! Tologo? Weh? Para sa'kin? Yiieeee!!" niyakap ko siya ng mahigpit.

"who told you it's for you?" sabi niya nang bumitaw na ako sa kanya.

Siningkitan ko siya. "pinag-usapan na natin 'to Cal! Na di pwede PPG tayong dalawa. Di pwede maki share."

Ngumiti siya saka hinila ako papalapit sa kanya. "I'll never get tired of you." umiling siya.

Kung nakangiti lang sana siya palagi... edi sana mapagkamalan siyang normal na tao!


"So para sa'kin nga yun?" tumatalon-talon ako. Napatili ako nang tumango siya bilang sagot.

Tinignan ko siya. "Alam mo Cal. Bagay na bagay sa'yo yung chiton mo. wahahaha!" tinukso ko siya.

Bagay naman talaga eh. Ang ganda ng contrast ng white chiton at ang maitim na mga mata niya. Para siyang sculpture sa mga museums. Tas ang laki-laki pa ng katawan niya.

Nakatingin nga lahat ng mga babae dito sa mall. Ang alam ko sa kanya sila nakatitig.

Tsk. Sinamaan ko ng tingin ang isang grupo ng mga babaeng nakangiti sa'min. Ibang meaning yung mga ngiti nila ha. Di ko gusto yan. Subukan nyo ko.

"I like your yellow dress too. You look..." di niya tinapos ang sentence niya dahilan na ma lungkot ako.

"pangit ba? Huhuhu." yumuko ako para tignan ang dress ko.

"I'm not allowed to say this. But you look... hot and stunningly gorgeous." ngumiti ulit siya.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Yieee! Sabi ko na nga ba magugustuhan nya 'to. Si Cesia na mismo pumili nito.

Tinulak ko siya ng mahina "Wag ka ngang ganyan."

Habang naglalakad sa hallway, naalala ko yung nangyari kahapon. Alam kong hindi visions ang nakita ko.

Na stuck lang talaga ako nun nung nabanggit ni madam ang pangalan na 'Hector'. Ewan bigla nalang akong kinabahan.

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.

Alam ko ba yung iniisip mo Cal? Kasi pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa'kin.

"Sebastian likes those weird turtles so I guess that's another proof that you really are twins?" sabi niya na tila nagdadalawang-isip pa rin.

"Hanggang ngayon di ka pa rin naniniwala na kambal kami?" kumuha ulit ako ng popcorn saka sinubo ito.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Minsan talaga di ko siya ma gets. Huhuhu. Sana naman mag open up na siya sa'kin.

Okie. Ako nga yung kinakausap niya palagi tas di siya takot ngumiti sa harap ko pero kasi... parang may kulang.

"okay lang 'yan. Matatanggap mo rin siya pagdating ng panahon." nagulat ako sa sinabi ko.

Anong panahon ang pinagsasabi ko?

"Tell me when you don't feel well okay?" paalala niya sa'kin.

Tumango ako.

Lumapad ang ngiti ko nang nagkasalubong kami nila Twinny at Jamie. Tumigil sila sa paglalakad nang marinig nila ang tawag ko.

"papunta rin ba kayo sa field para manood ng soccer?" tanong ko sa kanila.

"Yes. Sabay na tayo?" aya ni Jamie.

Sumama ako kay Jamie habang nagpaiwan naman sa likuran namin yung dalawang boys.

Ngayon ko lang napansin na may bitbit palang paper bag si Jamie kaya na curious ako kung anong laman nito.

"Galing kayo sa mall?" ngumuso ako sa dala niya.

"Yeah." natatawa niyang sagot. "Binilhan ko siya ng unan na may mukha ng isa sa mga... pagong."

Pagong. Wahahaha! Hangkyut ng kambal ko!

Hmm. Bilhan ko rin kaya si twinny pagbalik namin sa mall? Pasasamahin ko si Jamie kasi mas close naman sila ng kambal ko eh.
Alam na alam niya kung ano ang gusto ni twinny.

Nakaka insecure nga pero malaki naman ang pasasalamat ko kay Jamie kasi di niya pinabayaan ang kambal ko.
Buti naman at alam kong di pala siya nag-iisa sa mga panahong di pa kami nagkita.

Saka ang gaan-gaan na ng loob ko kay Jamie. Okay naman siya eh.

I'm sure masaya rin si papa ngayong magkasama na kaming mga anak niya.

Hindi pa nga kami nakarating, naririnig ko na ang mga hiyaw at tili ng mga estudyante. Naglalaro ngayon ang Beta Class 1 vs Beta Class 3. Next match ay ang winning class ng Beta at winning class ng Gamma.

Modern naman yung soccer namin. Except sa rule na pwedeng gumamit ng abilities para mang-agaw ng bola.

Kaya ang colorful ng field ngayon. Tas yung mga audience na nakasuot ng chitons nila.

Pinuntahan namin ang pwesto ng mga Alphas. Tumabi ako kina Cesia na nagche-cheer rin.

Sa gilid ng field ay ang malaking statue ni Nike, the Goddess of Victory. May mga bulaklak sa paanan niya na alam kong ibinibigay ng mga players para manghingi ng blessings throughout the games.

Nabasa ko ang '2-2' na nakasulat sa scoreboard nila. Ay. Ang galleeenngg!

Biglang namuo ang isang tornado sa gitna ng field dahilan na mas lumakas ang hiyaw ng mga estudyante.

"Samuel babyyyy!!! Kyaaaahhh!!!" narinig kong tili ng isang babae.

Samuel?

tinignan ko ang lalaki sa likod ng tornado. May ash brown hair siya na medyo magulo-gulo.

"son of Eurus, God of the unlucky east or the Southeast wind." pagbibigay-alam ni Kara.

Tumango ako. Ah... kaya pala.

"Sino nga pala yung Paris?" tanong ko ulit kay Kara.

Panay kasi yung mga babaeng sinisigaw ang pangalan niya.

"Ah. The girls' favorite." tinuro niya ang lalaking katapat ni Samuel. "Son of Eros."

Muntik na akong mabulunan nang makita ang tinutukoy niyang player. May suot siyang taenia na headband.

"Oh.My.Gosh. He's so fineee." ani Ria saka kumuha ng popcorn mula sa'kin.

"I heard he has a boyfriend?" tanong ni Cesia.

"I don't care. He's still gorgeous. GO PARIISS!" hiyaw ni Ria.

"Yeah he does. He is currently dating the javelin thrower of their class: Sandoval, son of Pheme, the goddess of fame." sagot ni Kara.

Grabe si Kara. Na memorize niya talaga lahat. Pati mga title ng deities nila.

Hindi nalang ako magugulat kasi ginagawa ko naman siyang encyclopedia paminsan-minsan. Hihi.

Nakatuon ang atensyon ko sa dalawang players na nag-aagawan ng bola.

Nang biglang lumabas sa isip ko ang dalawang bata na naglalaro rin ng soccer.

'Cairo! Defense!' nakangiti ang isang batang lalaki.

Si Hector.

Nag echo ang sakit sa ulo ko kaya hinanap ko si Cal. Agad naman siyang tumayo at inalalayan ako. Alam niyang may mali sa'kin. Ang galing.

'Art! Pag nanalo ako papakasalan mo'ko?' Sabik na tanong ni Hector.

'Aray!' natumba ako dahil napunta sa'kin yung bola.

"Art!" narinig ko ang boses ni Cal kaya nagising ulit ako.

"H-huh?" nakahawak siya sa beywang ko habang ginagabayan ako papunta sa clinic.

"Are you okay?" tanong niya.

Isang batang lalaki ang tumakbo papunta sa'kin. 'are you okay?'

Tinignan ko ang mga mata niya.

"Cairo?"

(A/N: About Art guys, she's changing. Why? maybe the title of the book is the answer? haha *wink wink*)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top