Safe & Found
Jamie's POV
"Sure ka bang kaya mo ng maglakad?" halata namang di pa nya kaya eh.
Nagpupumilit lang talaga kaya wala na kaming magawa kundi tignan siyang nagsusumikap na makatayo.
"eh ikaw?" bumaba ang mga mata niya sa namamaga ko pang binti
Sinimangutan ko siya. "Ako nga yung tinutulungan ka eh.."
Napabuntong-hininga nalang ako habang tinitignan ang sitwasyon niya. "Abnormal ka rin ano?"
Nakita ko ang disappointment sa mukha niya at padabog na umupo. Napagod ata.
"Ewan ko sa'yo kung bakit ginawa mo pang sipsipin ang lason sa katawan ko. Tignan mo yung nangyari sa'yo." tumabi ako sa kanya.
Kumuha pa ako ng extra crutches para sa kanya na sa tingin ko'y useless muna sa ngayon.
"Shouldn't you be thanking me?" nakayuko siya habang inuugoy ang mga paa, sinisiyasat ang kondisyon nito.
Huminga ako ng malalim.
"salamat..." mariin kong sabi na siyang kumuha ng atensyon niya.
Okay fine. Sige na. Ako na ang may kasalanan kung bakit nandito kami ngayon naka admit sa ospital. Ako na ang tanga. Hindi naman kasi ako nakinig sa sinabi niya.
"You're so stupid.." napailing siya habang tinitignan ako.
"alam ko kaya di mo na kailangang sabihin 'yan.." wala na akong option kundi sumang-ayon sa sinabi niya.
Apat na arawng walang malay... May ganun ba? Grabe naman.
Pag siguro mga tatlong araw di ba patay na yun? Tas apat?
Medyo weirdo din yung ahas eh.
Paglabas ko sa sasakyan, wala pa naman akong nakikitang ahas. Pero posible ring nanggaling yun sa ilalim ng kotse.
Ilang minuto kaming tahimik hanggang narinig namin na may kumatok kaya napatayo kaagad ako para lumabas na.
"Yung nurse na ata 'yan. Babalik muna ako sa room ko." pagpaalam ko sa kanya.
Tinanguan niya ako. Tinignan ko muna siya bago pinihit ang knob. Binuksan ko ito at nakita ang isang nakangiting nurse na may dalang tray.
Nginitian ko rin ang nurse saka lumabas na sa room.
Ilang hakbang lang nang tumigil sa paglalakad ang mga paa ko.
Agad rin akong kinilabutan sa daloy ng hangin.
Umikot ako para tignan ang likurang bahagi ng hallway.
Wala naman akong nakikitang kakaiba kaya humarap ulit ako.
"Sebastian." bumalik ako sa dati kong landas at dali-daling binuksan ang pinto.
Napag-alaman kong lock ito kaya naghanap ako ng pwedeng gamitin pang bukas.
Katabi ng pinto ay isang bench na may nakalagay na mga kung anu-anong bagay.
Mga gamit na naiwan o nakalimutan siguro katulad ng mga rubber bands... card!
Isang grocery store loyalty card.
Ininsert ko ang card sa gitna ng pinto at frame. Patuloy kong itinaas-baba ang card para makapasok ito ng tuluyan sa latch. Ilang segundo ng pagkalog sa knob at sumuko na rin ito.
Pagbukas ko, hindi na ako nagmake time para mag react at kinuha ang vase sa mesa saka binasag ito sa pader.
Lahat ng atensyon niya nasa pag kain kay Sebastian, di nga niya narinig ang pagbasag nung vase.
Shunga lang.
Hinila ko ang buhok nung Sebastian-eating-nurse.
Halatang nagulat yung bruha kaya bago pa siya maglaban, ginamit ko ang matalim na dulo ng vase at hiniwa ang leeg niya.
Ako lang ang may karapatang kumain sa lalaking 'yan.
KUMAIN KASAMA SIYA.
"tangina mo." bulong ko sa ulo bago ito itinapon kasama yung sirang vase. Sa sobrang higpit ng pagkahawak ko, may sumubsob na glass sa palad ko. Pero balewala lang ito sa reaksyon ni Sebastian.
Hindi ko nga lang matukoy kung nakanganga ba siya dahil dun sa nurse o sa super-ultra-mega-hero-action scene ko. Meh.
"Sebastian?" natauhan siya pagkatapos marinig ang boses ko.
"Pasensya na kung-" bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napangiwi ako ng konti sa sakit.
"you're hurt." puna niya.
"Ay hindi. Okay lang. Hindi ako hurt. Dumudugo pero hindi ako 'hurt." sarkastiko kong sagot.
"Si Arah." pagkasabi niya sa pangalan ng kapatid ko, bigla akong kinabahan.
Tumungo ako sa telepono at tinawagan ang phone number ng room namin.
"Helloooo?" nakahinga ako ng maluwag pagkatapos marinig ang boses niya.
"Papunta na kami diyan. Wag na wag kang lumabas ng room kung gusto mo pang magkaroon ng bonus allowance." banta ko sa kanya saka ibinaba ang telepono.
Tumawag na rin ako ng isang nurse para malinis ang room.
"kami?" nagtatakang tanong ni Sebastian habang nakaupo.
"Mmm." kinuha ko ang jacket niya "ililipat kita ng room unless gusto mong mangyari ulit yun?" tumayo siya kaagad at kinuha ito.
"Nakakatayo ka lang pag may nagtatangkang kumain sa'yo?" puna ko at napangisi. Mas lumapad ang ngiti ko nang sinimangutan niya lang ako at una pang lumabas.
Nakita kong nawala na yung katawan ng nurse pati ulo nito kaya ang naiwan nalang ang basag na vase at ang nalaglag na tray.
"So those were the creatures you were talking about?" tanong niya.
Tumango ako. "Kung saan-saan lang sila sumusulpot."
"why though?" dagdag pa niya.
"Wag mong itanong sa'kin yan. Hayaan mo itatanong ko yan pag may nakasalubong akong mumu." di pa rin gumaan ang atmosphere pagitan sa aming dalawa.
Parehong malalim ang iniisip namin.
Nakuha lang ang atensyon namin dahil may isang nurse na tumawag sa'kin.
"Yung kamay nyo po.. kanina pa tumutulo yung dugo." tinuro niya ang duguan kong kamay. "Umm- magpapatawag nalang po ako ng nurse pagdating ko sa room namin." sagot ko.
Binigay ni Sebastian sa nurse yung room number namin since isa naman siyang kilalang doctor dito.
Maraming mga tao ang tumitingin-tingin sa'min habang naglalakad.
Akalain ba naman kaming nakatakas sa mental.
Naka suot kasi kami pareho ng hospital gown. Naiwan din namin yung dextrose ni Sebastian eh. Wala na ring nakakonekta na dextrose at oxygen sa katawan ko.
Malaking milagro at nakakalakad na ako ng walang crutches. Medyo fighter din itong sistema ko.
"Huy.." siniko ko si Sebastian "okay ka lang?"
"No." aniya di man lang ako tinignan at patuloy lang sa paglalakad.
Nakapout ako na para bang batang naghihintay mabigyan ng atensyon.
Hindi ko naman siya masisisi dahil naramdaman ko na ang nararamdaman niya ngayon. Ayaw ko ring mairita siya sa'kin kaya tumahimik nalang ako.
Pumasok kami at nadatnan si Arah na nakaupo tila may kinakausap. Napansin naman nila ang pagdating namin.
Tinignan ko ng masama si Arah. Kung sinu-sino lang ang pinapapasok!
Isang babae ang tumayo at binigyan kami ng matamis na ngiti.
Nag activate ang mumu alert ko dahil kakaiba ang kulay ng mata niya. Para siyang naka contact lens.
"Hi." nilahad niya ang kamay niya para makipagkamayan.
Yung kaliwang kamay ko sana ang gagamitin ko kaso naalala kong puno pala ito ng dugo.
Tinago ko ang duguan kong kamay sa likuran para di nila ito makita. Pero mukhang nahalata niya ang ginawa ko.
"Hello" sinuri ko ang babae. Wala naman akong nasesense na masama sa kanya maliban nalang talaga sa mata niya at ang tindig niyang daig pa ang PE teacher namin sa ganda ng postura.
"so you're Jamie?" aniya at hinead-to-toe ako.
Tumango ako.
"I'm Heather."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top