Red
Cesia's POV
"Cesia... gumising ka na."
iminulat ko ang mata ko pagkatapos marinig ang boses ni Ria.
Bumangon kaagad ako at nakita siyang dala-dala na ang bag niya kaya kinuha ko rin yung akin.
Huminto ako paglabas ko sa tent.
"Anong oras na ba?" tanong ko kay Ria.
"It's 9 in the morning." sagot niya.
Umagang umaga pero wala akong nakikitang liwanag mula sa taas kundi mga pulang ulap. Kasingkulay ng dugo ang buong kalangitan.
Totoo nga ang sinabi ni Trev.
"Ariethrusa should arrive by now. She's going to help us with medusa's sisters." nagsimula na kaming maglakad pababa ng bundok. Gaya ng pinagplanuhan, sinalubong namin si Ariethrusa saka dumiretso sa gitna ng isla kasama siya.
Tumigil kami sa harap ng puno dahil sa narinig naming mga boses mula sa kweba.
"A sister?" lumabas ang dalawang babae na may mga ahas bilang buhok. Pareho rin silang nakasuot ng shades.
Hmm. Eto nga yung sinasabi ni Kara na mga kapatid ni Medusa... Stheno and Euryale.
"We have a sister!" pumalakpak yung isa habang iniikutan nilang dalawa si Ariethrusa.
Agad kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos nilang tanggalin ang shades nila.
"And she brought us some additions to our collections!" masayang puna ng isa.
"Can I talk to you ladies?" aya ni Ariethrusa.
Matagal rin silang tumahimik bago sumagot. "Hmm.. okay.."
Naramdaman ko ang paggapang ng iilang mga ahas sa pisngi ko. "Hss... I like your hair..."
"Stheno." tinawag siya ng kapatid niya.
Dumaan ang ilang segundo at sinabihan na kami ni Kara na buksan yung mga mata namin.
Nakashades na sila ngayon at malalapad ang mga ngiti.
Ano kayang sinabi ni Ariethrusa?
"I told them they can have my sister if they help us catch her." pagbibigay-alam niya.
Pumalakpak yung isa saka lumapit sa'kin kaya napaatras ako ng ilang hakbang.
"Pretty girl." aniya at nilapit ang mukha niya sa'kin.
Nakaramdam ako ng kamay na humila sa'kin papalayo sa ahas.
"Zeusss..." napaatras ang babae at pumunta sa likod ng isa pa niyang kapatid.
"Stheno... calm down. We're here to help them...hss." tinapik niya ang kapatid niya.
"tsk tsk tsk." napailing si Stheno pagkatapos marinig ang sinabi ng kapatid niya. "Are we really?" halatang nairita siya.
Tumango si Euryale at lumapit sa'min. "your eyes... they say they are beautiful..." hinawakan naman niya ang pisngi ni Chase. Eh si Chase naman, bigla lang nawala sa harap niya at nag superspeed sa tabi nila Cal.
"Ha. Bakla." narinig kong bulong ni Ria dahilan na mapangiti ako.
Inalok kami ng magkakapatid na pumasok muna sa kweba nila bago hintayin ang nakatakdang oras. Pagpasok ko, napansin ko na halos lahat ng kagamitan dito gawa sa bato.
May mga statwa ng mga tao... aurai...
Eto ata yung sinasabi nilang collection. Napailing ako. Ish. Kawawa naman ang nabiktima nila.
"Ugh... this pile of junk is old. Gusto ko sanang palitan 'to pagkatapos ko kayong makita."nakangiting sambit ni Stheno.
Nagtinginan lang kami at patuloy na sinundan ang dalawang ahas na palalim sa kweba.
Mayamaya, nakaapak na kami sa dugo.
"Gaia is menstruating right now. Sorry about that. Wala kasing napkins sa mundong ito." ani Euryale.
Kumunot ang noo ko.
Ibig sabihin.. ang kwebang ito...
"are you seriously saying we're in Gaia's vagina right now?" tanong ni Dio.
"Technically speaking... yes." tumango si Stheno. "this is where she gives birth to her children." dagdag pa niya.
"but she's sleeping so she won't be bothered." sabi ng kapatid niya.
This is so weird. Anong ginagawa namin dito sa bahagi ng katawan niya? What the fudge. Nakakadiri ring isipin.
"That tree rose when she started bleeding. So it is connected with her womb in some way... that tree is in fact, a child of Gaia."
Tumigil kami sa harap ng malaking bato na nakasabit sa taas. "That is an egg."
Kumunot ang noo ko pagkatapos marinig ang napakaraming heartbeats mula sa loob ng bato. Ang dami.... ang ingay-ingay.
"Inside that is a hundred monsters waiting to be released. Fathered by Tartarus." kumuha ng bato si Stheno at ginamit ito para tamaan ang itlog. Ilang segundo ang lumipas at narinig namin ang hagulgol sa ilalim ng lupa habang yumayanig ito.
"Gaano ba kalaki-"
"Hss!" Napipikon na nilingon ni Stheno si Chase. "Ignorant demigod! The titans are able to change their forms anyway they want. They existed before you and your deities!"
"Tatanungin ko lang naman kung gaano kalaki yung mga giants na nasa loob n'yan." ngumuso si Chase sa direksyon nung bato.
Bago pa masakal ni Stheno si Chase, ay nagsalita agad si Euryale. "She is in labor too."
"Umm... paanong labor?" ani Jamie. "Eh dumudugo naman?"
"The immortals are forever fertile." si Kara ang sumagot. "But they do not have their cycles because their blood is too sacred or too pure to let bleed every month."
"However, they can still bleed red blood like yours." dagdag ni Sthenos. "When they are conceiving a child that belongs to the mortal realms, they bleed mortal blood to sustain impure children like you inside their wombs."
"We are not impure." nangangalit na tugon ni Ria.
"So are the children inside that egg." Napakunot-noo si Kara. "The giants come from a titan and a titaness so why is Gaia bleeding mortal blood?"
"Hss... it is true that the giants are pure." Lumapit si Sthenos dito. "But they were made to belong in your realm."
"What do you mean they were made for the mortal realm? This realm is ours!" Kasunod na tumaas ang boses ni Ria. "Inatasan kaming protektahan ito even if it means breaking that goddamn stone!" Lumitaw ang isang malaking espada sa kamay niya.
"You will not!" Pagbabanta ni Sthenos. "Kung ayaw niyong tuluyang magising ang ina, huwag kayong magtangkang patayin ang mga anak niya habang nasa sinapupunan niya pa ito."
"So ano ba talaga ang gusto niyong gawin namin?" Tanong ni Dio.
Isa-isa kaming tinignan ni Euryale. "Remember the quote?"
Tumango kaming lahat.
"It means that the tree in the middle of this island is a portal. It is a portal that brings you to the heavens and the underworld." saad niya.
Napatingin ako sa ibaba nang makaramdam ako ng napakaraming presensya.
"and a wave of monsters will try to escape through that portal... that includes gods and goddesses from the underworld. They are trying to break free."
Kaya pala tinawag itong rebellion.
Gods. Di ko alam na masasali kami sa ganitong problema.
"We need to take down that tree. That's all?" Naglaho na ang espada sa kamay ni Ria na nakapameywang.
Narinig namin ang halakhak ng dalawa. "But that tree is a part of Gaia's womb, child. If you kill that tree, you will wound the mother. You will... wake her up." sagot ni Stheno.
"and when an ancient titaness wakes up, all of the titans will hear her cries and wake up from their deep slumber too." dugtong ni Euryale.
Well shoot. Tinignan ko sila na halatang kinabahan pagkatapos marinig ang sinabi ni Euryale.
"So... we want you to do nothing." maikling sabi ni Euryale.
"an army will try to escape the underworld at wala kaming gagawin?" bakas sa boses ni Ria ang pagkairita.
"This is a rebellion. A war between the reigning Gods and the underworld deities."
"And that would affect humanity. We are tasked to protect the mortal realms from that war." dugtong ni Kara. She's trying to be calm.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nila. "Fine."
Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng kweba.
"If you want to protect the humans you need to defeat the first wave of the rebellion. I'm talking about massive and powerful creatures here."
Napatigil kami nang tumigil rin sila. "we will stay here and see to it that you are not disturbing her." sinenyasan kami ni Euryale na lumabas.
Hmm. Or ayaw nilang masangkot sa malaking digmaan na'to kasi takot sila. Halata naman.
But I understand their decision. Sino nga naman ang gustong sumali?
Lumabas na kami ng kweba. Napansin kong mas lalong pumula ang kalangitan.
Pumikit lang ako sandali dahil sa pagpatak ng ulan.
At pagdilat ng mga mata ko, lumabas na mula sa kahoy ang tinutukoy nilang army.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top