Reading Hearts

Cesia's POV

"Sa zoo?! Pinapunta niya tayo dito sa zoo?!" umiling-iling si Chase sa driver's seat.

"Yan yung nakalagay sa papel..." sagot ko habang tinitignan ang mga taong labas pasok sa zoo.

Ilang minuto lang kami sa village na binisita ni Mayethrusa. Wala kaming nakuhang impormasyon tungkol sa kanya.

Lahat kasi natakot at tumakbo papalayo kaya walang nakapansin kung saan siya nagtungo.

Kaya eto kami ngayon sa harap ng zoo.

Dahil dito pinapahanap ni Hermes ang mga ahas niya. Psh.

"I guess we have no choice." unang lumabas si Kara na siyang cue namin para magsilabasan na rin.

Dumiretso na kami sa loob. Maraming tao as expected.

Karamihan nandito mga batang naghahabulan, kumakain ng ice cream or simply nalilibang lang sa nakikita nila.

Tumigil ako sa harap ng glass frame na may nakasulat na 'Anaconda' sa itaas.

Nagkahiwalay ata kami at some point dahil namalayan ko nalang na wala na pala ang mga kasamahan ko.

"Hiiiisss..." kumunot ang noo ko pagkatapos tinignan ang batang katabi ko.

"Hiiiisss..." sinusubukan atang kausapin yung malaking ahas.

Napangiti nalang ako habang tinitignan ang batang babae.

"Hi! Anong ginagawa mo?" lumuhod ako para magkalevel kami.

"Kinakausap. Baka kasi isa pala akong wizard na nakaligtas mula sa kamay ni Bullymart." nakapout siya. Ni hindi man lang ako tinignan.

"Voldemort?" natatawa kong tanong.

"Ahh basta!" tinadyak niya yung kanang paa niya.

Kinagat ko ang labi ko. Gigil na gigil ako sa batang 'to. Ang cute niya kasi...

"Lah. Ate Ganda. Nagandahan daw siya sa'yo oh!" sabik niyang sabi saka tinuro ang ahas.

Curious, tinignan ko ang ahas na ilang inches lang ang layo sa mukha ko kung hindi dahil sa glass window na nakaseparate sa'min.

"Waaah! Nagseselos ako kung bakit sa'yo siya nakatitig. Dapat sa'kin eh! Ako yung wizard dito. Slytherin pa nga house ko." she murmured.

Natawa ako bigla nang may tumawag sa kanya.

"makauwi na nga. Blllleee!" binelatan niya ang ahas.

Tumakbo ang bata bago ko pa matanong ang pangalan niya kaya nabura kaagad ang ngiti sa mukha ko.

Napalitan ito ng pagtataka pagkatapos makita si Trev na nakatitig rin sa'kin.

Nagulat siya nang nag abot ang mga mata namin. Naglakad siya papunta sa'kin kaya dali-dali akong tumayo.

"Anong tinititig-titig mo dyan?" tanong ko sa kanya. "nagandahan ka ano? Hahaha" natatawa ko pang dagdag.

Ewan ko pero mas komportable na akong mag biro sa harap niya.

"Yes." seryoso niyang sagot habang nakaharap sa glass frame.

Nagulat ako sa sinabi niya pero kinibit-balikat ko nalang ito.

"So you can read hearts?" nagtanong na naman siya out of the blue.

"No pero nakakarinig ako ng heartbeats."

Bakas sa mukha niya ang curiousity.

Hindi niya alam pero para sa'kin, mahirap basahin ang mga emosyon niya kasi pare-pareho lang naman yung binibigay niyang ekspresyon.

Naka poker face lang.

"Really? Can you tell me something about that woman over there?" tinuro niya ang isang babaeng nakaupo sa bench.

I reached out to her. Naghahanap ng bond na pwedeng makapitan. Madali lang naman kasi lahat ng tao may vulnerable spot.

Di nagtagal, naririnig ko na ang tibok ng puso niya.

"Nasa kamay ang vulnerable spot niya." sabi ko. Nakatalikod na kami ngayon sa ahas at nakaharap sa mga tao.

"Siguro mahilig siyang mamalo o manakit gamit ang kamay niya." dagdag ko.

"Are you saying that she's a bad person?"

Umiling ako.

"Pero kasi, may anak siya.. Tas nakita mo kung paano niya tignan yung anak niya? Kaya masasabi kong isa siyang mabuting ina. Ang mga kamay ang proof na mahal niya ang anak niya. Lahat ng kilos at gawa sa bahay nasa kanya. Dalawa lang siguro sila sa tahanan." saad ko.

Tinignan ko siya "Hindi ko naman kailangang mag dig deeper para malaman kung anong meron. Makikita lang 'to sa mga mata nila." nginitian ko siya.

"But why... does she look sad?" aniya kaya napatingin ulit ako sa babae.

Fast learner naman pala 'tong anak ni Zeus.

I'm impressed.

"Isa sa weakness niya ang mawalay sa anak niya. Dahil alam niyang kaunti nalang ang time niya dito sa mundo. Mahina ang heartbeat niya... May sakit siya kaya nadudurog ang puso niya sa t'wing magkasama sila." malungkot ang ngiti ko.

Maaaring panghuling gala na nila dito sa zoo.

Naalala ko ang mga panahong gumagala kami ni auntie. Minsan lang akong lumalabas ng bahay kasi delikado raw.

Pero sinusunod ko naman siya kasi alam kong mahirap akong alagaan. Malaki rin naman yung respeto ko sa kanya since hindi siya nagdalawang-isip na alagaan ako.

"How about that man over there?" tinuro niya ang binata na nagtatawanan kasama yung girlfriend niya.

Isa sa vulnerable spot niya ang ego niya.

Natawa ako ng mahina.

"Hindi niya mahal yung babae. Peke yung pinapakita niya. Hindi siya nasisiyahan pag magkasama sila. Nasasarapan oo. Hahaha."

Maganda naman talaga yung girlfriend niya. Sexy pa.

Buti pa nga yung babae mahal siya.

Sana naman matuto siyang magmahal ng totoo. Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte.

"We're all messed up." puna niya.

"Kaya siguro naiiba tayo sa mga Gods. We're all so messed up." nagbuntong-hininga ako.

Kung mamamatay ang isang tao, wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang wala na siya.

Kung masasaktan ka man, wala ka na ring magawa kundi masaktan...

Umiyak...

Pero paglipas ng panahon, matututo rin naman tayong bumalik saka bumangon.

"Nandito lang pala kayo. Wala kaming nahanap. Pero may nakapagsabi na may bagong darating daw. Babalik tayo pag madilim na. Sinabi kasi ni Kara na bibilhin daw niya ang dalawang ahas na darating mamayang gabi." ani Dio na kasama si Chase.

"Huh? Legal ba yun?" sumulpot si Art sa likod ko.

"As long as we get a hold of those snakes." tinignan namin si Kara.

Kahit anong paraan talaga gagawin ng isang anak ni Athena matapos lang ang misyon na'to.

Nga pala, isang misyon lang ang pinunta namin dito.

Ba't dumami na ata?

Halatang pagod na sila kaya ako yung nag suggest na magpahinga muna kami. Sumang-ayon naman sila.

Nagpahuli ako sa kanila para makasalubong yung lalaking tinuro ni Trev kanina.

"Hey Miss.."

Kumunot ang noo ko. Kahit nandito ang gilfriend niya, lumalandi pa rin siya sa iba.

"Kailangan mong matutong magmahal." tugon ko sa kanya.

Imbes na sagutin ako ng maayos, kinindatan niya lamang ako.

"My place? Or yours?"

Umiling ako. Grabe ang lalaking 'to.

"You know what?" tinaasan ko siya ng kilay. "ilang taon na ba kayo ng girlfriend mo?"

"7 years. But I can leave her for a night with you. Wala siya sa'kin." ngumingiti pa yung kupal.

Kung gamitin ko kaya abilities ko para utusan siyang magpakamatay?!

Huminga ako ng malalim.

All those years for nothing.

"Listen." kinuha ko ang atensyon niya.

"You will tell your girlfriend how much you crave only for pleasure and how you don't love her. Tell her the truth. Break up with her and then feel nothing but regret for wasting someone so special." bakas sa boses ko ang inis sa lalaking kausap ko.

Wala siyang sinagot nagsimulang naglakad papunta sa girlfriend na naghihintay sa kanya.

That's right. Hindi mo deserve ang girlfriend mo.

"Hey." tinawag ko ang lalaking vulnerable spot ang puso.

"yes?" nilingon niya ako.

Sa tingin ko mabait ang lalaking 'to. Gwapo pa.

"May makikita kang babae na tatakbo papalabas habang umiiyak. Habulin mo siya. Buy her her comfort food. Make her smile at the end of this day."

Tumango siya. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Halika na Cesia!" boses ni Art ang narinig ko.

Tumakbo ako patungo kay Art na binuksan ang pinto saka pumasok na sa sasakyan.

Bago pa kami tuluyang makalayo, nawala na ang lalaki sa kinatatayuan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top