Poisoned

Cesia's POV

May inilapag si Doc na folder sa mesa. Nasa office niya kami ngayon kasi pinatawag niya raw kami.

"Aconite... comes from a plant. It is a type of poison used to hunt wolves in ancient times." naglakad siya papunta sa isang drawer at may kinuha na test tube, saka niya ito binuksan at sinuri ang laman nito.

Nabasa ko ang label na 'akoniton' na nakadikit dito.

Transparent ang laman ng tube pero napansin kong nagiging smoky ang kulay nito pagka tinatapat sa liwanag.

"...also termed as the Spittle of Kerberos. Heracles was sent to fetch Kerberos forth from the underworld as one of his twelve labours. The spittle of the beast dripped upon the earth, and from it sprang the first aconite plant." may kinuha pang isang test tube si Doc mula sa bulsa niya.

"but the thing is..." binuksan niya ang ikalawang tube at binuhos ang kulay gold nitong laman sa Aconite.

Kakaiba ang nangyari nang maghalo yung dalawa. Panandaliang nagbuga ng maitim na usok yung mixture bago naging kulay pink.

"the poison was made with Ichor, the golden blood of divine immortals."

Napanganga ako sa sinabi niya.

Paano naman?

Ang alam ko, mahirap makuha ang ichor dahil dugo ito ng mga immortals, kasali na rito ang gods at goddesses. Syempre kapag gusto mong makakuha nyan, dapat mo pang sugatan ang isang deity... or pwede na ring ikaw na mismo ang manghingi sa kanila at sila na ang magbibigay sa'yo nang may kapalit.

"The cake... it was disguised as an icing wasn't it?" ani Dio na maiging nakatingin sa hawak-hawak ni Doc Liv na lason.

"Well then... Kung nasa cake pala yan.. Eh bakit hindi kami naapektuhan?" nakapameywang na tanong ni Ria.

Tumango-tango ako.

Tama.

Ang dami pa ngang icing na napunta sa'kin.

"The ichor used was from a blood of a warrior.. or from Athena herself... or from an immortal that is a decendant of  Athena. We don't know.. We can't trace any strand of DNA from this." umiling-iling si Doc habang tinitignan ang tube.

Ibig sabihin, kung sino man ang may kapakana nito, intensyon niya talagang saktan si Kara.

Pero bakit naman kay Kara lang?

"Is she gonna recover?" tanong ni Ria.

LHindi ko alam kung dapat bang gumaan yung pag-aalala ko dahil sa totoo lang, lumala ang pakiramdam ko pagkatapos niya kaming bigyan ng malungkot na ngiti.

"Her mother is the Goddess of Courage and Strength. She will be." huli niyang sambit bago pumasok sa cubicle ni Kara.

Napailing ako.

Grabe. Ang bilis ng takbo ng puso ko.

Sa mga panahong 'to, madalas na akong kinakabahan nang todo-todo na parang ewan.

Simula nung unang nawalan ng malay si Art, parang may boses sa utak ko na gustong magparinig pero hindi ko naririnig.

Masama palagi yung kutob ko sa mga pangyayari...

Aish.

"Cesia? Naaalala mo paba yung aurai na naghatid ng pagkain?" tanong sa'kin ni Chase.

"H-ha?" panandalian akong nabigla. "Ahh.. oo.. tanda ko pa.."

"Siya yung regular na naghahatid ng pagka-" napahinto ako dahil sa sobrang lakas na pagbukas ng glass panels ng clinic.

Ayan.

Dumating na ang asawa ng isa sa pasyente kasama si Trev.

Napasinghap ako nang hinatak ako ni Ria papalabas ng clinic. Huli kong nahagip ang mga mata ni Cal na nakatingin sa'kin. Wala akong nakitang repleksyon ng liwanag sa mga mata niya kaya't nakaramdam ako ng takot para sa mga  naiwan sa clinic.

"We're going to the aurai." padabog na naglakad si Ria. "I already have my fill with all these crap and-"

"R-ria teka lang.." hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yon pero tila may yelo na gumapang mula sa balat ko patungo sa kamay niya kaya't nabitawan niya ako.

"I'm sorry..." bumagsak ang kanyang tingin sa sahig. "my temper.. It's just getting worse.."

Nginitian ko nalang siya. "Naiintindihan naman kita Ria.."

Kaya nga napilitan akong tanggalin yung kamay niya mula sa'kin kasi nararamdaman ko ang galit niya.

Kinabahan rin ako na baka mabali niya yung buto ko.

"Na eenjoy mo ba minsan ang abilities mo? the touch thingy..." narinig kong tanong niya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Minsan..." sagot ko. "pero kasi may disadvantages din ata yung abilities ko..."

"yeah... lahat naman siguro tayo." mahina niyang tugon.

Sinundan lamang ng katahimikan ang lumipas na mga minuto hanggang sa makarating kami sa lobby.

"Can we talk to your leader or whoever is in-charge?" hindi nagdalawang-isip si Ria na ipahalata ang galit niya sa aurai.

"Y-yes miss.. r-right now?" nanginginig ang kanyang kamay na nakapatong sa telepono.

"Isn't it obvious?! NGAYON NA!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Ria.

Napaatras ang aurai. Pati ang iilang mga students na andito sa lobby napatigil rin sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon namin.

"y-yes m-miss.." dali-daling inangat ng aurai ang telepono at nagsimulang pumindot.

Sinamaan lang ni Ria ng tingin ang mga estudyante na agarang nagsibalikan sa ginagawa nila pagkatapos makatanggap ng tingin niya.

Napailing ulit ako.

"S-she can't talk right no-" pinutol ni Ria ang sasabihin sana ng aurai.

"Nasa'n ba kasi ang office ng babaeng yan?!" inis na inihampas ni Ria ang kamay niya sa desk.

Napansin kong napalunok ang aurai bago sumagot. "N-nasa basement ng s-staff building.."

Pagkatapos yung sabihin ng aurai, gumalaw na si Ria sa kinatatayuan niya at tumungo sa nasabing building.

"Pasensya na po kayo... May dugo kasing Ares.." pagpapaumanhin ko sa aurai bago sumama kay Ria. Halos lahat ng mga estudyante na dinadaanan namin ay umiiwas ng tingin.

"We're not done yet.. aren't we?"

"Huh?" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Akala ko tapos na... Na wala ng mangyayari na ganito sa'tin pagkatapos ng digmaan. Pinaglalaruan ba nila tayo? just because they control everything around us?" dinig na dinig ko ang galit at inis sa boses niya.

Hmm.

Galit na galit talaga siya sa mga deities kahit di pa nagkagulo sa Academy ano?

"Wala pa naman tayong alam Ria... Baka di 'to connected sa nangyari... Baka bago na naman 'to.." sagot ko.

Nakatingin lang ako sa baba. Kasi kahit ako, may hinala na konektado pa rin ito sa nangyari.

Na baka nga, hindi pa kami tapos at may naghihintay pa sa'min na gulo.

"Kung totoo nga ang sinabi mo... then I'm damn sick of it." mas binilisan ni Ria ang kanyang mga hakbang.

"Hayaan mo... baka magkakaroon na tayo ng idea pagdating natin sa office." sabi ko sa kanya.

Pinilit ko ang sarili ko na wag munang magpadala sa galit ni Ria sa mga deities. Mas priority namin ngayon ang nangyari ni Kara kesa paghugutan ang mga Gods.

Idagdag mo pa si Art na wala na sa sarili. Minsan bumabalik ang pagkabata niya.
Pero mas lumalamang ang mga oras na napakaseryoso niya. Na parang may palaging bumabagabag sa isipan niya.

Tinatanong naman namin siya pero hindi niya kami sinasagot. Lumilipat lang siya sa ibang topic.. gano'n.

Minsan rin, naririnig ko siyang nagsasalita nang mag-iisa.

Usually, nagsasalita naman talaga siya nang mag-isa. Syempre, si Art, mahilig kumausap sa sarili niya ang batang yan.

Pero iba na ang lumalabas na bulong sa bibig niya. Para siyang sinaniban ng kung anong masamang espirito.

Ang creepy nga.

"You know what's going to be the death of my sanity?" narinig kong tanong ni Ria nang tumigil kami sa harap ng malaking pinto.

"ano?"

"everything that's happening right now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top