Night Of A Deal
Ria's POV
"We don't need to bring anything." sabi ko sa kanila na naghahanda para sa illegal exchange namin mamaya.
"but feel free to bring your weapons. Baka may mangyaring di natin inaasahan." dagdag ko.
I was there when Kara went to consult a group of big men wearing all black.
Nagkaroon daw siya ng hunch na iba sila.
Since siya si Kara, she was right. Armado ang mga lalaking yon. Wala kaming alam kung ano ang ginagawa nila dito sa zoo.
Buti nalang, nakumbinsi sila ni Kara na isa siya sa 'underground men' saka humingi ng favor.
Turns out, the snakes that they will be selling are very precious and rare. Kaya malaking halaga ang hiniling nila.
Hindi nagtagal, nakatayo na kami sa harap ng nakasiradong zoo.
It's past 1 am.
Doon kami pumasok sa likod ng building. Pero tumigil kami pagkatapos makita ang napakaraming van na nagbabantay sa likod.
Tatlong armadong lalaki ang nakatayo sa gitna.
"Cesia?" tumango siya bago pumunta sa kanila.
We don't need to gain attention at the beginning. May noiseless killer naman kami dito.
"Hindi ka pwedeng makapasok dito miss..." narinig kong sambit ng isa.
"shhh..." ginamit ni Cesia ang weapon niya para macontrol ang mga baril na nakatutok sa kanya.
Bago pa makagawa ng ingay ang tatlo, bumulagta na sila sa sahig. I actually drowsed a little dahil sa command na ginamit niya.
Kung ano man yon.
Dahan-dahang binaba ni Cesia ang mga baril not creating any sound.
"Are they still breathing?" tanong ko.
"Mm... natutulog lang." sagot niya saka tumabi kina Art.
Samantalang ako, I backed up a little for space pagkatapos makita ang opening sa isa sa glass ceilings.
Naghiwa-hiwalay na sila when I felt power surge in my body. Isang segundo lang at nag iba na kaagad ang kulay ng mga mata ko.
My vision started to warp dahil sa visible red rays na pumapaligid sa'kin.
Tumakbo ako for a start, and before I knew it, I turned into a phoenix. I made a turn before settling para makita kung saan sila nakapwesto.
Ang aattend lang sa meeting ay sina Kara at Dio. We're only keeping a watch. Baka isa na naman 'tong trap.
We encircled the whole building. So we have eyes and ears everywhere.
Narinig ko ang nag eecho na boses sa loob ng building kaya di ko maiwasang tignan ang mga tao na nasa loob.
My instinct tells me that there are hundreds of men guarding.
Di nga naman ako nagkakamali.
Nahagip kasi ng mga mata ko ang limang tao na nagtatago sa likod ng mga aquariums.
May iba na pinapalibutan sila sa loob mismo ng building.
Why so many though?
Kumunot ang noo ko. Ganito pala ka precious ang mga ahas. Nangangailangan sila ng maraming mga katao para dito.
I began to soar high. Enough to see the hidden black cars under my radius.
We were layers of a circle.
First circle ay ang mga lalaking nakablack sa building. Second ang mga Alphas. Third ay ang kasamahan pa ng mga tauhan ng dealer.
Fourth.
May fourth layer sa circle.
Men but from a different group. Which got me confused.
These men are keeping a tight watch.
Bumaba ako at nakiusisa sa nangyayari kina Kara. May pinag-uusapan sila. Tatlong tao ang nakikita ko sa gitna.
Tatlo pala silang magkikita-kita ngayon.
I guess kung sino man ang makabigay ng mas malaking halaga ang siyang makakakuha ng mga ahas.
Dalawa ang buyers.
Tumingin ulit ako at napangiti dahil sa nakita ko.
Sa likod ng mga guards at the fourth layer is a very familiar darkness.
If they thought they're surrounding us, they're wrong. Little did they know nandyan si Cal. Ready to strike from the back.
Nakarinig ako ng putok ng silencer kaya agad namang nabalik ang atensyon ko sa loob.
Binaril nung seller si Dio.
I was about to take it as an offense nang tinignan ako ni Kara. She gave me a warning look.
Mukhang alam niya ang ginagawa niya kaya nanatili nalang ako.
"I let you shoot him. Do you trust me now?" tanong ni Kara.
"A'ight. I will give them to you." sagot ng kaharap niya.
"This is a joke. Akala ko ba first come, first serve? We are business partners, Rex." sabat nung isa.
So Rex pala pangalan nung nagbebenta ng ahas.
"Pasensya ka na pero kasi..." tinutok ni Rex ang baril sa 'business partner' niya. "mas mahalaga ang pera. Alam mo na yon."
Hmm. Dirty work at its best.
"at alam mo rin kung ano ang mangyayari kapag natalo ka sa usapan." before the trigger was pulled, nagsalita yung business partner.
"How about I trade the snakes for my daughter? You will not just be my partner, Rex but my son-in-law. Imagine what you can do with two powerful businesses under your hands."
He was convincing. Pero alam kong hindi mangyayari 'yon.
He was lying.
Eto namang si Rex, hindi nagdalawang-isip na itutok yung baril kay Kara.
He fell for that old man's lie.
Nagtataka tuloy ako kung paano napunta sa kanya yung mga ahas. I mean.. he's stupid as hell.
Tumingin si Kara sa direksyon ko. Umiling siya.
I sighed.
Then that means wala dito ang mga ahas.
Agad akong bumaba sa kinatatayuan ni Trev. Shifting back to my human form.
"Wala sa loob ng building yung hinahanap natin." pagbibigay-alam ko sa kanya.
Bigla namang nagpakita si Chase sa harap namin. "Mga tauhan ng kakompetensya ni Kara ang unang gagalaw. Naka receive daw sila ng signal galing sa loob."
Nalaman ata nila kung paano muntik na matalo yung boss nila sa deal.
I gave them a disgusted face. "pero wala nga dito yung dalawa."
Nakakairita na. Tumalikod ako saka bumalik sa pagiging Phoenix.
I searched around the area.
Isang van ang nakita ko papalayo sa lugar.
Bullshit.
Bumalik ako kina Chase.
"May nakita akong van. Hindi ko alam kung kanino. They're on their way out." I told them.
"Patay na yung nagbebenta ng ahas." humihingal si Art kakatakbo.
"Kara?" tinanguan niya ang tanong ko.
Looking at her earlier, talagang nabored siya sa mga kasama niya.
Hindi ata niya nakayanan kaya agad niyang binawian ng buhay ang kawawang Rex.
I mean alam naman naming lahat na patayan ang solusyon sa gabing 'to.
"Nasa'n si Cesia?" tanong ni Art.
Suddenly, the air stopped moving. May mainit na bagay akong naramdaman sa likod ko.
Sabay-sabay kaming napatingin kung ano ito.
50 bullets are surrounding us. We were so busy di namin namalayan na pinapaligiran pala kami.
And I just smiled when I saw the mortals' reactions.
"Nandito." binaba ni Cesia ang kamay niya gayundin ang pagbagsak ng mga bala na iniikutan kami.
This girl is something.
Nagsimula na silang nakaramdam ng takot pagdating ni Cal dahil sa intense aura niya.
Sino bang hindi matatakot after mong makitang nakahandusay na sa sahig ang mga kasama mo pagkatapos silang isa-isahin ni Cal?
Nakakakaba nga yung hitsura nila.
Pumuputok kasi yung mga ugat sa leeg nila. Gross.. but cool.
"wag niyo hayaang makatakas ang isa pang grupo." sabi ko sa kanila.
"Sa'n ka pupunta Ria?" tanong ni Chase.
"Sa van. Cesia, pagkatapos mo jan, dumiretso ka sa Highway, hanapin mo'ko. Okay?" I asked.
"Okay." sagot niya saka hinagis papalayo ang isang lalaki.
Pumasok kaagad sa isip ko ang van na posibleng naglalaman ng mga ahas.
Hindi ko kayang mag aksaya ng oras.
"Ayaw mo ba talagang magpasama?" tanong ni Chase.
"After you finish this mess." Looking at Chase, I winked at him bago nag iba ng anyo.
Ngumiti siya saka umiling.
Cute.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top