New Members
Ria's POV
"So that guy is her long lost twin?" tanong ko kay Kara habang pinapanood namin silang dalawa na may pinag-uusapan.
Instead na si Kara ang sumagot, si Cal na mismo ang nagsalita. "Yes..." may halong disbelief ang sagot niya.
"Apollo asked her to look for him afterall." dagdag niya.
Obviously, Cal doesn't trust the guy yet.
"Since childhood friends kayo... do you believe her?" diniretso ko na siya pag tanong.
Magkakilala silang dalawa ni Art noon pa. Kilala rin niya ang kambal ni Art.
Nobody knows their past.
Hindi pa naikwento ni Art sa'min ang nangyari kung pa'no sila nagkita ni Cal... pa'no sila nagkahiwalay ng kambal niya.
"Yes.. I believe her." Tumango ako sa sagot niya.
Art knows her missing half. Imposible naman sigurong magkakamali siya eh kambal nga. They shared the same womb at the same time.
I looked at Kara silently staring at the two.
Naiinip ata. She really frets over Art. When it comes to her, nag-aalala talaga siya ng sobra.
Tinignan ko sina Dio, Trev at Chase na may sariling topic rin.
Napagdesisyunan kong tumayo at maglakad-lakad sa camp kasi na bored ako.
Kusang tumigil ang mga paa ko nang makita ang kasama ni Sebastian.
Jamie ba yun?
Naka squat siya sa harap ng mga remnants ng isang tent. Nakatulala.
Tumabi ako sa kanya. Hindi niya ata namalayang nandito ako. Nakakabingi parin kasi ang katahimikan niya.
"Jamie?" kinuha ko ang atensyon niya pero hindi ito umepekto.
I gave her a nudge. "hi..."
"M-may kailangan ho kayo?" pinunasan niya ang mga luhang di ko napansin kanina.
That look she's giving me...
ngumiti ako saka umiling.
"I know that feeling... losing someone and not having the chance to talk to them for the last time." nagulat siya sa sinabi ko.
Kilalang-kilala ko ang mga mata ng isang anak na nangungulila. Regret and guilt are behind those tears.
Slowly killing yourself kasi wala kang magawa... or wala kang nagawa.
"Hindi ko man lang nasabi kay Mama-"
The word pierced through me.
"But she knew how much you loved her." I don't know but I feel like quoting the words someone told me. The guy whom I hate so much.
"I mean... that's the most important thing right?" tumawa ako ng mahina. "Kahit di nila narinig... naramdaman naman nila yung pagmamahal natin."
Ngiti ng pait ang binigay niya. She knows I feel her pain. Wala akong pakialam kung kaaawaan niya ako.
Dahil mas nakakaawa ang mga taong hindi nakaranas mawalan. Tao man yan o gamit.
Losing someone is a pain that lingers inside you forever. Either you blame yourself or just accept it and live as if you never lost someone...
You just gained a reason to be strong.
Napansin kong nakatingin siya sa direksyon ng bata na kasama niya kanina.
"kapatid mo?" tanong ko.
Tumango siya.
Kung magkapatid sila... pero siya lang yung demigod... they must be half-sisters then.
Nakaramdam ako ng inggit.
Well atleast may natitira pa siyang pamilya...
"May kapatid ka naman pala.. so be strong." I smiled at her.
Yumuko siya. "Di ko kayang magtapang-tapangan sa harap niya. Naaawa ako sa sarili ko tuwing makikita ko siya. Paano ko ba siya matulungan kung pati ako di kayang tulungan yung sarili ko. Di ko kayang bumangon mag-isa."
I know that feeling girl.
"Maybe that's why Sebastian is here."
Napaisip ako....
maybe that's why the Alphas are here.
Para tulungan namin yung isa't-isa. We're like a pile of puzzle pieces. So messy... so confusing.
But a puzzle wouldn't be complete if a piece is missing.
Someday, we'll learn how to assemble ourselves. I'm just waiting for that day. Where we will learn to grow and hopefully, see to it that we are a part of a beautiful picture.
Smart Girl.
Kumunot ang noo ko.
You are indeed pieces of a puzzle. But what if it is not a beautiful picture?
Hinanap ko kung kanino yung boses na naririnig ko.
What if you're pieces of different disasters?
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Jamie.
Hinintay kong bumalik ulit yung boses pero wala na akong narinig kaya umiling nalang ako.
"I'm fine..." sagot ko.
Huminga siya ng malalim. "Yung sinabi mo tungkol kay Sebastian..."
"Nangako siyang hindi niya ako iiwan..." finally, a genuine smile made it to her face. "Tama ka. May pamilya pa rin ako..."
Trust me Jamie. Lalaki ang pamilya mo... dahil nandito kami.
"You have us too.."
Nagtaka siya sa sinabi ko.
Humarap ako sa kanya. "I'm Ria of Alpha, daughter of Ares, the God of War." pinakilala ko ang sarili ko. This time, kinompleto ko na.
"Alpha?" tanong niya.
"A group of demigods, descendants of major deities trained to be sent on exciting but deadly missions."
"H-huh?"
I let out a chuckle. "atleast that's what they say..."
I looked at the people behind me busy and all saka ko binalik ang atensyon ko sa kanya.
"We're a family..." naalala ko si Cesia. "Bonded by faith and the blood of immortality."
Kailangan kong mag sorry ulit sa kanya nang muntik ko na siyang masaktan sa Arcadia.
"A family that will risk everything just to let you know how much they love you."
I meant everything that I said.
"Will you be a part of that family too?" nagulat siya sa tanong ko.
"Pero di ko pa alam kung sino yung deity ko.." nag-aalanganin niyang sagot.
Tinignan ko ang labrys sa tabi niya.
"Trust me hun. I know." kinindatan ko siya.
•••
"You're aliveeee!!!!" tumakbo ako kay Cesia na nasa veranda nakangiti.
"A-aray.."
Bumitaw kaagad ako. Nahigpitan ko ata yung yakap ko.
Shit. I missed this girl.
"I'm sorry again... about what happened... sa Arcadia.." I said pagkabitaw ko.
"Ano ka ba? Kalimutan na natin 'yun." natatawa niyang sagot.
Her voice was sweeter than I expected. Her glow is as radiant as ever. And her hair is starting to flow as if under water.
"What the hell. Muntik ka lang mamatay gumanda ka na?!" I realized.
Her transition is beautiful. Pero alam ko naman dulot ito ng semi-supreme divination niya.
How about me? Ano nga bang napala ko sa encounter namin ni Hermes sa factory niya?
Napangiti ako.
What I needed the most: Control.
"Ikaw nga eh! Lumakas yung aura mo. Mas nakakatakot ka na ngayon. Ish." tukso niya.
I guess may obvious changes rin kagaya ng sabi niya.
But its nothing compared to hers.
Looks are everything according to her deity. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit pinapaganda pa niya lalo ang anak niya.
"Teka.. ba't ikaw lang yung andito?" tanong niya.
"Oo nga pala. You will be accompanying me to the special dining area. We need to make a reservation for tonight." excitement filled my voice.
Nag abot yung kilay niya. "Ano yung occasion?"
Lumapad ang ngiti ko nang nag ring yung doorbell ng dorm. Binuksan ko ito at tinanggap ang apat na sets ng uniform.
"T-teka... para kanino yan?" Sinundan niya ako ng tingin nang inilapag ko ang mga ito sa sofa.
"We need to get going." aya ko.
"P-pero-"
"Halika na kasi!" hinila ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top