Moving Out
"Ate naman eh! Ba't kinalimutan mo yung bag ko!" hinarangan ko siya.
"A-ano kasi! Basta! Ako nalang ang kukuha sa gamit mo." hinigpitan niya ang paghawak sa shirt ko at pilit hinihila ito.
Wala sanang babalik sa bahay sa ngayon. Not until may ideya na ako sa nangyari kanina. Hindi na safe ang bahay.
Kung pwede, dito muna kami matutulog. Hangga't sigurado na ako.
"Ayoko ate! Baka makalimutan mo na naman! Gusto ko nang umuwi!" sinusuntok niya ang tiyan ko gamit ang mga maliliit niyang kamao.
Pero nakaginhawa naman ako ng maluwag pagkatapos makita si Arah. Galit nga lang siya sa'kin kasi nakalimutan namin yung bag niya.
Ba't ko nga ba kasalanan yun. Tsk. Di kaya ako ang nagdala sa bag niya.
"walang uuwi!" napatigil siya pagkatapos kong isigaw ang mga salitang gusto ko na talagang sabihin sa kanya kesyo wala akong mababack up na dahilan.
"H-huh?" iniangat niya ang ulo niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Sabi ko wala munang uuwi. Dito lang tayo." nag iba naman ang hitsura niya.
"kaya nga gusto kong umuwi ate eh kasi di ko gusto dito sa ospital. Nakakatakot isipin na nasa isang building ako kung saan maraming namatay. Iiihhhh!!" bumalik naman ang mga kamay niya sa pagtanggal sa'kin.
Pero wala siyang magagawa kasi nakadikit talaga ako sa pinto. At nakadikit na sa isipa't loob ko na hindi siya pwedeng lumabas.
"Maghahanap tayo ng pwedeng matirhan wag lang yung bahay."
Sorry Arah. Alam kong biglaan at nakakapagtaka ang lumalabas sa bibig ni ate ngayon. Pero sana maintindihan mo'ko. Malay ko ba may susugod sa bahay na isang hindi-ko-alam-kung-ano ghostly creature.
Hope to die. Wala talaga akong alam na may mangyayaring ganun.
"Ate naman eh! May pera ka ba? Katulad ng saan?"
May pera naman ako. Mga savings galing sa allowance ko. Pero hindi nga lang sapat para pambayad ng renta. Hay.
"Katulad saan? Ano..."
Pumapasok sa isipan ko ang listahan na pwede naming matuluyan.
Napatigil ang mga mata ko sa lalaking nakahalukipkip at nakatayo sa harapan.
"Sebastian!" nagulat siya sa pagsigaw ko ng pangalan niya. Pati nga ako nagulat sa desisyon ko.
"huh?" tumigil si Arah at binigyan na naman ako ng reaksyong di maipinta.
Kingina ka Jamie.
Wala ka nang choice. Magdasal ka nalang na okay sa dalawa ang sasabihin mo.
"sa kuya Seb mo tayo titira..." napalunok ako.
Please.
Please.
Please.
"H-HA?!"
"WHAT?!"
I-'HA' 'WHAT' niyo ako!
Grabe ha. Ang OA lang. Ako na nga 'tong naghihirap dito tas bibigyan niyo ako ng 'ha' at 'what'.
Ako na nga 'tong muntik nang mapatay kaninang madaling araw.
Ako na nga 'tong absent sa exam namin.
Maawa ka'yo sa'kin. Mababaliw na ako dito.
"Tama ba yung narinig ko kuya Seb?" nilingon niya si Sebastian na binigyan ako ng anong-sinasabi-mo look.
Tinignan ko rin siya ng ngayon-lang-to-kaya-gora-ka-nalang look.
Ilang segundo rin ang lumipas bago siya ngumiti kay Arah at tinanguan ang kapatid ko.
"Yes, You're staying with me." sagot niya.
Parang nawala ang bigat sa dibdib ko nang bumitaw na rin si Arah at naglakad papunta kay Sebastian na binuhat siya.
"Bakit ho?" naging malambot ang boses niya.
Aba matindi.
Halata naman talaga na may favoritism siya sa'ming dalawa. Sino ba kapatid niya dito? Ako o ang lalaking yan?
"because... Jamie said so." binigyan ako ni Sebastian ng bored look.
"kailan ba kami lilipat sa inyo kuya Seb?" mukhang excited 'tong kapatid ko.
"right now. So go get your things." binaba niya si Arah na agad tumakbo sa room ni mama.
"really?" tinaasan niya ako ng kilay.
Dineadma ko nalang siya at sinundan si Arah.
•••
Tumigil kami sa harap ng maitim na steel door. Sa isang condo pala siya nakatira. Pagpasok pa lang namin ng building napanganga na ako. Ang gagara ng mga nakatira dito.
May pinindot siyang buttons sa touchscreen na nakaset sa tabi ng doorknob. Password ata. Saka niya nilagay ang hinlalaki sa screen. Agad nag scan ng fingerprint ang pad.
Nakarinig kami ng tunog ng bell kasabay bukas ng pinto.
Napailing ako.
Iba talaga pag mayaman.
Binuksan ni Sebastian ang pinto para sa'ming dalawa ni Arah.
Nung una, wala akong makita kasi napakadilim. Pero nang automatic na nag on ang lights, nakatumbad sa harap ko ang isang modern paradise.
All black ang walls pati ang tiles. At ang mga natitirang furnitures ay all white. May mga wooden figurines din ang condo niya na mas mataas pa ata sa'kin.
"Ang gandaaaa!!" tumakbo si Arah sa may couch.
"There are two rooms. Mine and yours." sabi niya pagkatapos sinarado ang pinto.
"Di ba pwedeng ours and hers lang?" kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yon.
Hindi naman siya sumagot. Di nya ata narinig. Buti naman. Ang aga aga para maglandi ako.
Dumiretso kami sa direksyon ng dalawang magkatapat na kwarto. Kitang kita kung ano ang nasa loob kasi gawa sa glass ang pader.
"Don't worry, if you turn on the lights inside the room, the glass will automatically appear tinted." paalala niya.
Grabe ha.
Pumasok na ako sa loob pati siya.
Dun nga lang sa kwarto niya.
Napaupo ako sa kama.
Di ko inaasahan ang nagdaang mga pangyayari.
Life nga naman. Parang buhay.
Nakita ko si Arah na lumabas sa balcony ng condo. Enjoy na enjoy ang kapatid ko ah.
Napangiti ako.
Tumayo ako at nag inat para malabas ang tension sa katawan ko.
Napatigil ako nang napansin ko si Sebastian na nakatingin sa'kin kaya napalingon rin ako sa gawi niya. Imbes na umiwas ng tingin, pinagpatuloy lang niya ang pagtitig hanggang sa naging itim ang noo'y glass walls ng kwarto niya.
"Ate!! Anong oras na?" tanong ni Arah na kakapasok lang.
"bakit?" dumiretso ako sa may puting switch at pinindot ito. Kagaya ng sinabi niya, naging itim ang glass at automatic nag on ang lights sa loob.
"syempre pupunta ako sa school ate. Pati yun nakalimutan mo?" tinanggal niya ang bag at humiga sa malaking kama.
"Mag hahalf-day ka sa school?" tanong ko.
"Mmhmm!" tumango siya.
Kaya consecutive valedictorian 'to eh. Ang sipag naman kasi. Hindi ata nagmana sa ate niya.
"11:40 na. Kumain ka muna bago pumunta sa school. Ihahatid nalang kita." kinuha ko ang bag ko at pinatong ito sa may desk.
"Ayoko!" reklamo niya.
"Bakit? Akala ko ba pupunta ka sa school?" umupo ako sa upuan na nakaharap sa vanity table.
"Ayokong ikaw ang maghahatid sa'kin." napaupo siya na may kasamang nguso.
"oh? Ano na naman yan?" ewan ko kung bakit ang spoiled ng batang 'to.
"gusto ko si kuya Seb ang maghahatid sa'kin!" galit na tugon niya.
ABA.
"Sa'kin lang si Sebastian."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top