Love for a Family

Cesia's POV

Napahikab ako habang nakatingin sa apoy.

Dalawang oras na ako dito since kinantahan ko sila. Ramdam na ramdam ko kasi yung mabigat at mabilis na pintig ng puso nila. Tinulungan ko na silang makatulog.

Nakakapagod rin palang kumanta habang ginagamit ang abilities ko.

Hmmm... yung quote pala ang first prophecy...

Grabe naman.

Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Saka napapikit.

Nagulat nalang ako nang may biglang tumabi sa'kin. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito.


"Art?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

Si Art nga... nakayakap siya sa bubbles na plushie niya.

"Nagising ba kita-"

"I'm fine." umiling siya.

Tinignan ko siya na nakatitig sa apoy. Bumalik na ba siya sa dati?

Nagbuntong-hininga ako.

Naalala ko kasi yung pinagdaanan nila ni Cal. Damang-dama ko ang lungkot habang nag kukuwento siya. Naiyak pa nga ako.

Hoo.

Naiiyak pa rin ako sa tuwing iniimagine ko silang dalawa. For better and for worse talaga...

Naalala ko rin yung sinagip ni Cal si Art sa nakaraang digmaan.

Pati yung vow na 'till death do us part'

Napailing ako.

"Kapag wala na ako... kakantahan mo sila ha?" nginitian niya ako.

"A-art.." nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan kaagad ito ng takot at kaba.

Ano ba 'tong sinasabi niya.

"Wag ka ngang ganyan. Hindi ka mamamatay..." napalunok ako.

Ang seryoso niya kasing makatingin sa'kin. Pero mayamaya, nakangiti na ulit siya saka humarap sa nagliliyab na apoy.

"Magpapalakas lang ako Cesia." mahina niyang tugon.

"Saan?" tanong ko.

"Naniniwala ka ba sa destiny?" natatawa niyang sabi.

"Naniniwala ako na tayong lahat ay may kakayahan na ibahin ang itinadhana para sa'tin." sagot ko.

Naniniwala akong may destiny. May mga moirai nga eh. Pero hindi naman to the point na sundan natin yung gusto ng mga moirai dahil sila yung may hawak ng buong buhay natin.

Kahit patayin ako ng mga moirai.

Susundan ko pa rin ang puso ko.

"Kaya nga eh... alam mo ba? Ang hirap din kayang pumili ng future huhuhuhu." nag pout siya.

Ayun. Andiyan pa rin talaga ang Art na kilala namin.

Napangiti ako.

"Ano nga bang future ang pinili mo?" usisa ko.

Sumeryoso ang ekspresyon niya. "Future kung saan lahat tayo masaya."

"Kung ano man yang pinili mong future para sa'tin, susuportaan kita." nakangiti kong tugon sa kanya.

Yumuko siya saka umiling.

"kahit na... mamamatay ako?"

"H-huh?" nagtaka na naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo yung nakikita mong superheroes sa tv kung saan papipiliin sila... buhay mo o buhay ng pamilya mo.." sambit niya.

"Gaya ng sabi mo noon, tayo nalang ang natitirang pamilya ng isa't-isa." lumapad ang ngiti niya. Saka niya ako binigyan ng thumbs up.

"kakayanin natin 'to... hindi ba?"

Huminga ako ng malalim. She is super confusing.

Dahilan na malungkot ako.

"Art... alam mo ba ang sinasabi mo?" napaatras ako ng konti. "ba't okay sa'yo na mamatay ng ganun ganun lang? Di mo rin ba kami naisi-"

"Cesia."

"Babalik rin naman ako eh." ngumiti ulit siya.

"K-kailan?"

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Gusto mo bang malaman yung mga visions ko?" aya niya. Hindi pa rin nabura ang ngiti niya pero naging malungkot ito.

Tinignan niya ang apoy sa gitna.

"Alam mo... masaya ako kasi yung nakikita kong visions ngayon di na katulad nung dati. Puro kasi mga patayan... tas ngayon nakikita ko kayo... lumalakas... tinutupad lahat ng misyon na ibinibigay sa inyo..." nakangiti pa rin siya.

"To the point that you will become as powerful as the minor gods." sumingkit ang mga mata niya.

Minor gods? Imposible ata. Hindi kami pure immortals. Mga demigods lang kami. Maaari kaming mamatay.

"Demigods lang kami Art. Nasa dugo namin ang pagiging mortal." angal ko.

"Akala ko nga di totoo eh... pero nakita ko kayo. Lumalabas na yung dugo ng deities nyo. Supreme Divination? Wala lang yan para sa inyong Alphas. Maliit na bagay lang yan. May isang stage pa Cesia. Permanenteng stage." nakita ko ang pagpatak ng luha niya. "kaya mas pipiliin kong mawala muna ngayon para tulungan kayo pagdating ng panahon.."

Napaiyak ako sa sinabi niya.

Mahal talaga kami ni Art dahil alam niyang kami nalang ang natitirang pamilya niya.

"A-art..." yumuko ako.

"Pangakong babalik ako." pinunasan niya ang pisngi ko.

Naintindihan ko na yung hippogriff. Yung feeling na alam mong mawawala ang isa sa pinakamamahal mong tao kahit buhay pa siya at kausap mo.

Gusto kong lumayo kay Art. Gusto ko siyang wag pakawalan pero iba yung gusto niya. Ayokong masaktan kasi alam kong kahit anong gawin ko. Susundin niya pa rin ang puso niya.

Tumango ako saka huminga ng malalim. "Eto na ba yung... huling pag-uusap natin?"

"Kasama ko kayo at kasama nyo ako palagi. Tandaan mo yan okie? Tawagin nyo lang ako. Makikinig ako." tumayo siya at niyakap ako.

Kaya ayun. Humagulgol na ako ng iyak sa balikat niya.

Feeling ko nga ako yung bata dito.

"Mahal ko kayong Alphas." bulong niya.

Tumango-tango ako. "alam namin yun."

Bumitaw siya mula pagyakap sa'kin. "Oh siya... matutulog na ako ah? Hihihi." nagpeace sign siya bago pumasok sa tent niya.

Napailing ako at napangiti.

Nagbuntong-hininga ako.

Alam naman niya yung gagawin niya eh...

Pero yung stage na sinasabi niya na mas grabe pa sa supreme divination?

Eto ba yung stage na magkasinglakas na namin ang mga minor gods?

Kailangan kong hanapin ang term na yan pagbalik namin sa Academy.

Kung meron mang ganyan.

Tumayo ako para tignan ang nasa gitna ng island. Sa totoo lang, nahihirapan akong mag sense ng heartbeats dahil sa mabigat na enerhiya ng puno na yan.

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko.

"Trev?"

"Cesia."

nakatingin lang siya sa harap..

"Hindi ka ba makatulog?" tanong ko.

"I sensed you were in trouble. Then I saw you crying." sagot niya.

"Narinig mo ba lahat ng pinag-usapan namin?" tanong ko ulit.

Hindi siya kumibo. Instead, tinaas niya ang kamay niya.

Mukhang narinig nga niya yung sinabi ni Art.

"Light."

"H-huh?"

"There's no light in this island. There will be no day." aniya saka binaba ang kamay niya. "You need to rest nightingale. We will need your voice tomorrow."

Ewan ko kung saang bahagi ng sinabi niya ang nagdala ng ngiti sa mukha.

Basta ang alam ko, napapangiti niya ako.

Humakbang na ako papunta sa tent ko. "Goodnight son of Zeus."

"Daughter of Aphrodite." maikli niyang sagot.

Narinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

I can control anyone with my voice.

But his voice...

can control me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top