Kamille Raina Nicastro

Cesia's POV

"GLETEERRSSS! Tignan mo Cesia oh!" sinalubong kami ni Art nakataas ang isang kamay na may dalang maliit na paper bag.

Mukha pa lang niya, alam na alam na namin kung ano ang laman nito.

"Ano na naman yan?" tanong ni Ria na dumiretso sa sala para umupo at manood ng TV.

Nakalatag rin sa harap namin ang iilang mga pagkain tulad ng popcorns, jerky, etc., na leftovers ata ng mga boys. Sabi nila uuna na daw sila sa camp ng mga Hunters ni Artemis.

Ako nga rin eh.

Excited na rin ako makita kung anong hitsura ng lair nila.

Marami na akong naiimagine.
Sa pagkakaalam ko, may pagka nature lover din tong si Artemis. Baka treehouses ang tinitirhan ng mga Hunters. Or di kaya marami silang pets na wild animals.

Either way ang cool pa rin!

"Nakita ko kasing limited editions sila. Buti nalang dumating yung kuya! Sabi niya libre niya daw eh. Hihihi." sagot niya na may malapad na ngiti.

Napasigh ako. Ang dali niyang ma-manipulate.

Di na talaga ako magdadalawang-isip na bata talaga 'tong anak ni Apollo. Mga 5 years old ata.

Malubha na 'tong sakit niya. 'Artemia Syndrome'.


Mukhang nagets ni Art ang mga worried looks namin kaya tumalon siya sa harap at nag-explain. "Hihihi. Hindi naman ako magpapakidnap eh pag may nanlilibre ng stickers. Di naman daw ako kikidnapin ni kuya." naka peace sign siya.

"Paano mo naman nalaman na wala siyang gagawing masama sa'yo?" nakapameywang ko tanong.

Kung tutuusin, hindi naman talaga issue ang pagkidnap ng demigods.
Walang wala ang mortals sa abilities namin pero paano na kung hindi pala mortal ang lalaking 'yon?
Aish. Sinabihan na nga kami ni Sir na mag ingat hanggat nandito pa kami sa syudad.

"Eh kasi... tinanong ko siya kung kikidnapin niya ba ako." binigyan niya ako ng 'syempre-yan-ginawa-ko' look.

Napabuntong-hininga na naman ako at nagsimulang maglakad patungong kwarto para magbihis.

Mayamaya, lumabas na ako, fully-packed ang backpack at bihis na.

Nakita ko si Ria na kumakain, nakabihis na rin. Ibinaba ko ang bag at binuksan ang ref para maghanap ng pwede ring kainin.

Nagutom kasi ako bigla pagkatapos makita ang sandwich na kinakain ni Ria. Kinuha ko ang huling piece ng sandwich at tumabi kay Ria.

"Ugh.. this mission really goes deep in my stomach." puna ni Ria. Tahimik lang akong tumatakam sa sandwich habang nagra-rant si Ria kung gaano na niya gustong bumalik sa Academy.

Namention din niya ang wish niyang bigyan ng flying kick si Sir Rio pagbalik namin.

Bigla siyang natawa "You know.. ikaw lang ang nakakausap ko ng maayos dito." nilingon ko siya. "Si Art... alam mo na, isang toddler pa lang yan... and si Kamille.. she's fine.. she's just you know too 'Athena'-ish. Nagsasalita naman siya but hell. Mabibilang lang ang mga katagang lumalabas sa bibig nyan."

Tumayo si Ria at kumuha ng ice cream mula sa freezer.

"Kamille?" di ko maiwasang matanong si Ria kung sino ang Kamille na sinasabi niya. 

"Kara..." bumalik siya sa tabi ko.

"Ria.. Si Kara ba... Ganyan na ba talaga siya bago ano.. Bago..." nagdadalawang-isip akong tanungin siya.

Baka kasi mag-iba yung tingin niya sa'kin. Mapagkamalan pa akong pakialamera.

"Bago siya napunta sa Academy? Before she was claimed?" nakuha ata niya yung ibig ko.

Tumango ako.

"Kara... Before she knew she was a demigod, had the worst experiences a child can have..." pagkatapos marinig ang sinabi ni Ria, umusog ako ng onti sa kanya para marinig ng maayos ang susunod na sasabihin niya.

Alam kong magiging interesado 'to.

"like seriously the WORST. EVER." dagdag pa niya.

"Mmhmm..." nakailang tango na ata  ako "like ano?"

"Ipinanganak naman siyang mayaman. Napakayaman nga nila. Kaso, yung source ng kayamanan nila... To think of it.. Parang source na rin ng kayamanan nila si Kara.." uminom muna siya ng juice bago tinuloy ang kwento.

"Her father's business is killing people. He has men under him.. A.k.a. Assassins. People call them whenever may gusto silang patayin. Obviously."

"So pa'no nga naging source nila si Kara?" ayan. Umandar na pagkachismosa ko.

Tumawa siya ng marahan. "Her father knows her abilities... And so... He trained her to KILL. And pagka nanghihina si Kamille or somewhat failed her assassinations, she was punished. Severely punished. Like tortured to death."

"H-ha?"

Akala ko yung 'worst experiences' na tinutukoy niya eh yung tipong naging witness siya ng napakaraming pagpatay na nagawa ng papa niya kaya na traumatized siya.

"I know right? Di niya tinuring na anak si Kara at all. Pinatira niya ang anak niya sa sinful home kasama ang mga iba pa niyang assassins. He treated her like she was nothing but one of his men. At an early age, nagawa niyang kumitil ng buhay.. And for all I know, libo-libo na ang napatay niya."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko naiimagine ang isang inosenteng bata... Na may bitbit na baril o weapon imbes na mga laruan.

"Kamille Raina Nicastro. Hindi pa rin ako naniniwala na buhay siya hanggang ngayon."

Nicastro...

"Te-teka siya ba yung anak nung-"

"An elite businessman. Their assassination business started to fall dahil sa pagkawala ni Kamille. Di nagtagal, nahuli na rin siya kaya... Yeah. You heard the news." napailing siya habang inuubos niya ang juice.

Dioscoro Nicastro... Siya ang nakapagpatayo ng mga hotels na kilalang-kilala dito.

Pero doon talaga nakuha ni Mr. Nicastro ang atensyon ng lahat nang inilabas ang balitang nagpakamatay siya dahil sa pagkahuli ng isa pang business niya.

Tandang-tanda ko dati, nakaprinta  sa lahat ng dyaryo ang issue ng pagkamatay niya. Pati na rin sa mga balita sa TV.

Hmmm...

Ewan pero parang masaya ako para kay Kara at namatay yung tatay niya.

At ngayong alam ko na ang pinagdadaanan niya, mas naging idol ko siya kaya tumaas na rin ang amount of respect ko para sa kanya.

Magtatanong pa sana ako nang biglang pumagitna si Art sa'ming dalawa.

"Haloooo! Ano topic?" sibat niya.

"w-wala" dali-dali akong lumingon sa likuran ni Art para tignan kung narinig ba ni Kara ang pinag-uusapan namin.

Buti nalang, nakita ko siyang kakalabas lang sa kwarto niya.

"We should go. We'll reach the camp at night by now." paalala ni Kara sa'min.

Sumunod kami at tahimik na naglakad patungo sa labas ng hotel.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinitigan si Kara hanggang sa napansin niya ako habang nakasakay pa kami sa elevator.

"what?" nag abot ang kilay niya.

Kinuha ko ang kamay niya at naramdaman ang lamig nito. Pumasok sa katawan ko ang sakit. Sakit na may halong pait.

Isa ito sa disadvantages ng abilities ko.

Agad kong binitawan ang kamay niya matapos maramdaman ang mga luhang kusang namumuo sa mga mata ko.

"I... I felt a part of my power surging out. What did you do?" nagtataka niyang tanong.

Nginitian ko siya. "wala.. Naiinitan kasi ako eh tas ang lamig ng kamay mo."

Sa ngayon, takot ang nararamdaman ko para kay Kara.

Narinig ko nga ang tibok ng puso niya.

Pero wala eh...

wala akong nararamdamang buhay sa loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top